Aliyah's Point of View
SIMULA nung parade, iniiwasan ko na makita ko ulit si Kristel. Ayoko kasi ng gulo, isa pa ayoko naman na magka-conflict na naman kami ni Onemig. Kapag may activity kami sa youth club at alam ko na magkasama sila, hindi na lang ako sumasama. Yung laban nga nila sa basketball, wala ako ni isa man na pinanuod. Pero nung awarding na at ang team Sto.Cristo ang nag-champion, patago akong nanood. Sobrang proud ako kay Onemig nang sya ang tinanghal na MVP.
" Huy besh bakit hindi ka na yata lumalabas ng bahay, may balak ka bang mag-mongha? Come on, bakasyon ngayon pero nandyan ka lang pala sa bahay nyo. Ano ba nangyayari sayo? Tinatanong kana ng barkada lalo na si Onemig,akala nga namin lumuwas kana ng Maynila." si Richelle, pinuntahan nya ako sa bahay dahil nagtataka na sila sa akin, hindi nga kasi ako lumalabas.
" Si Onemig?"
" Oo besh, nalungkot nga sya kasi akala nya lumuwas kana ng Maynila. Hindi pa naman daw sya nakapag-sorry sayo dun sa mga pinagsasabi ni Kristel nung parade." sagot ni Richie.
" Paano nyo naman nasabi na lumuwas na ako? Nasa Switzerland pa sila mommy, sino naman kasama ko sa bahay namin dun? At paano naman si Neiel, alangan namang iwan ko yun dito?" tanong ko.
" Eh kasi sabi ni kuya Gilbert lumuwas raw sina lolo Franz at lola Paz nung nakaraang araw. Kaya hayun inisip namin na kasama ka, hindi ka nga kasi lumalabas."
.
" Ah oo lumuwas sila kasi may inasikaso lang sila sa company sa Makati, kakauwi nga lang nila kagabi. Tapos si Neiel na kila lola Bining naman habang wala sila lolo Franz kaya dito lang ako sa bahay kasama si lola Baby. "
" Ah ganoon ba? So,kailan mo naman balak na lumabas dito sa lungga mo?" tanong nyang muli.
" Ah eh ano kasi besh..." hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil bigla nya akong pinutol.
" Si Kristel ba besh? Huwag mong intindihin yon ilang araw na silang hindi magkasama ni Onemig. Nagalit si Onemig sa kanya dahil sa mga sinabi nya sa iyo. Mabuti nga sa espasol na iyon, masyadong nagmamaganda, kung magsalita akala mo kung sino." nayayamot na turan ni Richelle. Napailing na lang ako sa mga narinig ko. Kahit naman ganon ang ginawa sa akin ni Kristel, hindi ko naman hinangad na magkasira sila ni Onemig ng dahil sa akin. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng relasyon nila.
" Besh ayoko naman na maging dahilan ako ng paghihiwalay nila. Sayang ang relasyon na binuo nila tapos masisira lang ng dahil sa akin? Ang pangit sa reputasyon ko iyon besh,ayokong mabansagang relationship wrecker."
" Hay naku besh,para sa akin wala kang sinisirang relasyon. Kaya nagalit si Onemig sa kanya eh dahil na rin sa kagaspangan ng ugali nya. Kasalanan na nya yon."
" Pero nagi-guilty pa rin ako Richelle. Hindi maganda sa pakiramdam yung alam ko na nagkasira ang dalawang magkarelasyon ng dahil sa akin. Kung ako ang nasa panig ni Kristel, siguradong masasaktan din ako."
" Alam mo Liyah napakabait mong tao,imbes na magalit ka sa ginawa nya ikaw pa yung umiwas para lang wala ng gulo. Pero besh wala na eh,ayaw na ni Onemig na makasama pa sya at hindi mo kasalanan yun. Sadyang nate-turn off lang si Onemig sa mga ganung may attitude. Kaya please lang lumabas kana sa lungga mo, nami-miss kana kaya namin." napangiti ako sa tinuran nya. Ako man nami-miss ko na rin sila. Natapos ko na nga yung unang pocketbook na binabasa ko dahil ayaw kong lumabas,inubos ko na lang yung oras ko sa pagbabasa.
" Salamat besh. Hayaan mo simula bukas lalabas na ako at itutuloy na natin yung lakwatsa natin kasama si Anne."
" Yown! Matutuloy na rin pero besh gusto ko tuloy na natin yung balak natin na swimming, isama natin sila Onemig."
" Oo ba! No problem."
KINAHAPUNAN matapos akong magdilig ng halaman, naupo ako sa may garden at inumpisahang basahin ang bagong pocketbook na binili ko.
" Ali!" tawag sa akin ng pamilyar na boses. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Onemig sa labas ng gate. Tumayo ako at pinagbuksan sya.
" Why are you here?" parang gusto kong batukan ang sarili ko sa klase ng tanong ko gayong alam ko naman na ang rason kung bakit sya nandito.
" Gusto kong mag-sorry dun sa nangyari sa parade. Pupuntahan sana kita dito kaya lang sabi nila lumuwas kana daw ng Maynila. Nasabi lang ni Richelle kanina na nandito ka lang daw pala at hindi ka naman umalis. Pasensya kana kung dahil dun ay pinili mo na lang ang hindi lumabas para makaiwas. I'm sorry Ali."
" Okay na ako Uno kaya lang nahihiya naman ako sayo kasi ng dahil sa akin nasira ang relasyon ninyo ni Kristel."
" Wala kang sinira Ali dahil wala namang kami." natutop ko ng palad ko ang bibig ko sa narinig. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa narinig ko dahil hindi pala ako dapat ma-guilty o may iba pang bagay bukod dun?
Hoy Aliyah huwag kang ipokrita. Aminin mo na sa sarili mo na may espesyal kang pagtatangi dyan sa kaharap mo!
" Ha? Akala namin kayo dahil madalas kayong magkasama." napangiti sya sa reaksyon ko.
" Ako lang kasi yung kakilala nya dito. Naging magka-klase kami nung kinder dyan sa bayan tapos nun sa Maynila na rin sya nagpatuloy ng pag-aaral nya. Nung umuwi sya last Christmas dun kami nag-umpisang maging close, pero inakala nya na may something na sa amin noon. Palagi na lang nya akong pinapupunta sa kanila kaya hayun inisip na rin ng lahat na kami na nga." paliwanag nya.
" Ah ganoon ba? Wala naman kasing mag-aakala na hindi kayo kasi sobrang sweet nyo pag magkasama kayo."
" Siya yung madalas magpahiwatig na gusto nyang maging mas deeper yung relationship namin. Sinabi ko na hindi ko maibibigay sa kanya yon dahil friendship lang ang kaya kong ialok sa kanya. Hindi sya nakinig, hayaan ko na lang daw sya na mahalin nya ako. So, hayun pinakisamahan ko na lang sya ng maayos. Pero nagiging possessive na syang masyado. May tumingin lang sa akin,inaaway na nya. At yun nga hindi na ako nakatiis nung ikaw na yung inaway nya. Nagalit ako sa kanya. Nung isang araw,umalis na sya at umuwi na ng Maynila."
" Nakakahiya pa rin na ng dahil sa akin nasira yung kung ano man yung meron kayo. Sayang naman, malay mo ma-develop din yun into something special, maybe you just need time to realize that." habang sinasabi ko yun ay tila may pait na gumuguhit sa lalamunan ko.
" I don't think so. May mahal akong iba simula pa pagkabata ,hinihintay ko lang sya at yung tamang panahon para masabi ko sa kanya yung feelings ko." medyo nalungkot ako sa sinabi nya. Sino kaya yon? Napaka-swerte naman nya.
" T-talaga! Sino naman yon? Kilala ko ba?" kumakalabog ang puso ko habang tinatanong ko sya.
" Yeah,kilala mo sya pero saka ko na lang sasabihin sayo pag ready na akong magtapat sa kanya." nakangiti nyang turan. Cool na cool lang sya habang sinasabi nya yon samantalang ako naman parang sinisilihan.Ayokong mag-assume dahil dun sa narinig kong sinabi nya kay Kristel nung parade na matagal nya akong hinintay at ayaw na nyang mawala ulit ako. Baka bilang kaibigan lang ang ibig nyang sabihin dun.Kung sino man yung tinutukoy niya na mahal nya, masaya ako para sa kanya at malungkot naman para sa sarili ko. At base sa nararamdaman ko ngayon, nakumpirma ko sa sarili ko na may crush nga ako sa kanya o baka nga mas higit pa doon. Magpapakatotoo lang ako pero malabo nyang malaman yon. Secret namin yun ng sarili ko.
" Well, goodluck na lang kung ganon.Sana magustuhan ka rin nya." pilit akong ngumiti para hindi sya makahalata.
" Sana nga Ali.Sana nga.Syanga pala pwede ka bang sumama mamaya sa amin sa plaza sa bayan?" tanong nya.
" Sino-sino kayo? At tsaka anong gagawin nyo dun?Anong meron?" sunod-sunod kong tanong.
" Ang mga kabarkada lang natin. Food trip ba. Ginagawa talaga namin yun kapag bakasyon lalo na kapag may perya na,gabi-gabi kaming pumupunta. Ano sama ka? Pagpapaalam kita kila lolo Franz."
" Sige ba! Tara pasok ka nasa loob sila lolo." untag ko sa kanya.
Pinayagan naman ako nila lolo Franz. Sumasama si Neiel pero hindi sya pinayagan. Sinabi nila na hindi pwede ang bata dun pag gabi dahil may curfew at hinuhuli ng pulis. Napahinuhod naman sya pero bilang kapalit,hiniram nya ang laptop ko.
Lihim akong natutuwa at pinayagan ako nila lolo na sumama.Excited kasi ako na makasama ang gwapong herodes na ito.
Ay Aliyah, ang harot mo lang!
" O paano Ali, susunduin na lang kita mamaya ha?" nakangiti lang ako na tumango at pagkatapos nagpaalam na sya para umuwi.Nung nakalabas na sya ay muli ko syang tinawag.
" Uno!"
"Ali?"
" Ingat ka!" ngumiti sya ng malapad.
" Je vais prendre soin de toi mon amour." seryosong sagot nya na nakatitig sa aking mga mata.
OMG! What does he meant by that?Again.