webnovel

Troubled

Laine's Point of View

GALING kami ng airport dahil hinatid na namin sila daddy.Maaga ang flight nila, at katakot~takot ang bilin ni mommy sa amin lalo na yung tungkol sa wedding namin.Tumawag na lang daw kami kung may kailangan.

Sa Montreal kami tumuloy dahil may photo shoot kami ni Nhel.Nag leave sya sa trabaho dahil dito.

Tumagal ng ilang oras ang shoot at ng matapos ay tinawag ako ni Ms.Dang dahil gusto raw akong makausap ng bigboss.

Kinakabahan ako ng papunta na ako ng penthouse kung saan ang opisina ng big boss.Hindi ko alam

kung ano ba ang nagawa ko at pinapatawag nya ako.Haay,napa~paranoid na yata ako.

Sinamahan ako ni Nhel at naiwan na lang sya dun sa labas ng pumasok na ako sa loob ng opisina.

" Good afternoon sir." hindi ko pinapahalatang kinakabahan ako.

"  Ms.Guererro,good afternoon,please sit down." untag nya sa akin.

" Bakit nyo po ako pinatawag sir?  May nagawa po ba akong mali? "

" Ah no, no,Ms. Guererro, bakit mo naman naisip yon? napakagaling mong modelo at isa ka sa mga nagpasikat ng produkto natin at hinahangaan ng karamihan."

" Kung gayon sir, ano po ang dahilan at pinatawag nyo po ako? "

" I heard from Dang na naka~graduate kana daw the other day.Gusto ko lang itanong kung may company kana ba na mapapasukan? May offer sana ako sayo. May nabakanteng posisyon sa sales department. Since graduate ka naman ng business course baka pwedeng ikaw na lang ang kunin ko dahil kilala na kita. Matagal kana dito bilang modelo at may tiwala ako sa kakayahan mo." turan ni bigboss.

" Tama po kayo wala pa po akong company na in-applyan.May sarili po kasing business ang mga magulang ko sa ibang bansa at yun po ang ima~manage ko pero gusto muna ng father ko na mag~MBA ako.Isa pa po Sir newly grad lang po ako baka po hindi ko maabot ang expectations nyo."

" Alam mo iha,naka-pagtanong-tanong na ako ng tungkol sayo bago pa kita kausapin. Matalino ka,consistent honor student simula pa nung grade school at Magna Cum Laude ngayong nag-graduate ka. Kahit bata ka pa alam mo na ang pasikot~sikot sa negosyo dahil tumutulong ka sa business ng mga magulang mo pag summer vacation.Kaya isang malaking karangalan on our part na maging bahagi ka ng kumpanyang ito."

" Sir sobra naman po yata yung expectations nyo sa akin,baka hindi ko po magawa ng maayos ang trabaho nakakahiya naman po."

" I know iha you can do it.Gaya mo rin ako nun. I know one when I see one. So,tinatanggap mo na ba ang alok ko Ms.Guererro? "

" Sir sino ba naman po ako para tanggihan ang alok ng isa sa mga malalaking company sa bansa? Kaya lang po hindi ako pwedeng magdesisyon agad ng hindi ipinapaalam sa pamilya ko at kay Nhel.Kaya sir pwede po bang ipaalam ko muna sa kanila? And if ever po na tanggapin ko yang alok nyo,ano po ba yung bakanteng position na sinasabi nyo? "

" Nag~ retired na si Mr.Manansala so that means, ikaw na ang papalit sa position na iniwan nya bilang VP for Sales."

Namilog ang mata ko sa sinabi nya.

" Po? Ganun na po agad kataas ang position ko sir? Baka hindi ko po makaya yun sir? "

" Alam ko may potensyal ka,may tiwala ako sayo.Sige ipaalam mo muna sa parents mo at kay Nhel ito but I'm only giving you two days Ms.Guererro,I badly needed you in this company."

" Ok sir,two days."

Paglabas ko ng opisina ng bigboss ay agad akong sinalubong ni Nhel at tinanong kung ano ang pinag~usapan namin.

Sinabi ko lahat sa kanya ang napag~usapan  at nagpaalam na rin ako kung papayag sya.

" Babe,hindi ba mag~MBA ka pa?Hindi ba usapan nyo ni tito Franz na pagkatapos mo nun saka ka pa lang magta~trabaho? Kung ako lng ang masusunod,gusto ko sa bahay ka na lang, kaya naman kitang suportahan kahit hindi ka na magtrabaho.Pero syempre,kailangan mo ring tulungan sila sa pag~manage ng business nyo at sayang ang pinag~aralan mo kung hindi mo magagamit.I'll let you decide now,pero magpaalam ka na rin muna sa daddy mo, pag ok sa kanya payag na rin ako.But promise me na kapag may anak na tayo titigil ka na."

Napangiti ako ng marinig ko ang salitang anak.Wala pa naman sa plano namin yun dahil bata pa naman kami,usapan namin three years from now pa.And besides,wala pa rin naman nangyayari sa amin so hindi pa talaga kami magkakaanak.

" Thank you beh,promise titigil ako pag may baby na tayo."

He smiled and gave me a peck on the lips.

" Let's go home babe,para makapag~PPL na tayo." pilyong turan nya sabay wink pa sa akin.

" Sira puro ka kalokohan.Tara na nga magluluto pa ako." untag ko sa kanya na naiiling sa kalokohan nya.

Pumayag naman si daddy ng magpaalam ako para magtrabaho sa kundisyon na itutuloy ko ang pagkuha ng MBA.Gawan ko na lang daw ng paraan ang schedule ko.

Tinanggap ko ang alok ng Montreal.Sa una ay medyo nahirapan akong mag~adjust,mahirap pagsabayin ang trabaho at obligasyon bilang maybahay and at the same time nag~aaral para sa masterals pero paglipas ng ilang linggo nakasanayan ko na rin.

Maayos pa rin naman ang takbo ng relasyon namin ni Nhel.Kahit busy kami sa trabaho,naglalaan pa rin kami ng oras para sa isat~isa sa kabila ng may malaking problema sa pagitan namin, si Marga.Patuloy pa rin kasi ito sa panliligaw kay Nhel.Wala na kaming magawa kaya hinahayaan na lang namin.Sana magsawa na lang sya kalaunan.

Naayos na rin ang ilang detalye sa kasal namin, mahigit two months pa naman ang hihintayin pero siniguro na namin ni Nhel na maayos na para hindi kami magahol,yung araw na lang ng kasal ang hihintayin.

Kung pwede lang na hilahin na ang araw para church wedding na namin ginawa na sana namin ni Nhel, at nang sa gayon matapos na rin yung problema namin kay Marga.Kung malalaman nyang kasal na kami baka sakaling lubayan na nya si Nhel.

Pero talagang ang tadhana pag nagbiro hindi mo inaasahan kung kailan ka nya bibiruin.Yung inaakala mo na matatag ka at hindi ka matitinag, sasagarin ka pa talaga hanggang sa yung natitira mong katatagan ay isuko mo pa.

Hindi ko inisip kailanman na haharap kami ni Nhel sa sitwasyon na makakapag~pabago sa aming buhay at ni sa hinagap hindi ko akalain na mangyayari ito sa panahon na kung kailan malapit na kaming ikasal sa simbahan.

Umuwi kami ng Sto.Cristo para sa ilang araw na bakasyon sa trabaho. Gusto namin ni Nhel na makasama ang pamilya nya sa pag~obserba ng Semana Santa.

Masama na ang pakiramdam ko ng dumating kami sa bahay nila. Siguro nasobrahan ako sa pagod sa dami ng obligasyon ko.Pagkakain ng hapunan ay pinainom na ako ni Nhel ng gamot at tinabihan na lang nya ako sa pagtulog.

Kinabukasan,natuloy na sa lagnat yung sama ng pakiramdam ko.Kaya naman nung magyaya kinagabihan ang apat na kaibigan namin para umattend ng birthday party nung president ng youth club namin,hindi ako nakasama.

Ayaw din sana sumama ni Nhel dahil walang mag~aalaga sa akin pero sinabi ko na kaya ko na at nandyan naman ang mama nya.Pinilit ko sya dahil madalang na nga kaming umuwi hindi pa kami sasama.Kahit isa man lang sa amin makadalo.Nakakahiya naman sa pangulo.

Pagkatapos ng ilang sandali pumayag din sya at hinintay na lang sya nung apat na nakagayak na bago pa man kami puntahan.

Kung alam ko lang na may hindi magandang mangyayari,hindi ko na lang sana sya pinilit na sumama dahil hindi sya nakauwi nung gabing yon.Kinabukasan narinig ko na lang si tito Phil at tita Bining na may kausap na tila nakikipag~away dahil galit ang tono nito.

Bumangon ako at sumilip sa sala.Nakita ko na ang kausap nila ay ang mga magulang ni Marga.Galit na galit sila sa nagpapaliwanag na si tito Phil.

" Hindi maaari ang sinasabi mo Phil,dapat pakasalan ng anak mo si Marga. Nagulat kami ng magising kami at makita namin silang magkatabing natutulog na parehong walang saplot.Kung ayaw nyong maniwala,halikayo at ng makita nyo ang pruweba." galit na sambit ni Mr.Quinto.

Lalo akong nanlambot sa narinig ko.Hindi magagawa ni Nhel yun unless mayroong ginawang kakaiba sa kanya.Parang hindi kapani~paniwalang gagawin ni Nhel yun gayong ayaw na ayaw nya kay Marga.

Pumayag na sumama sila tito Phil sa kanila at sumama na rin ako para malaman ko kung may kakaiba ngang nangyari kaya nalagay si Nhel sa ganung sitwasyon.Kinakabahan ako sa kung ano man ang binabalak nila pero buo ang loob ko na hindi magagawa ni Nhel ang ganun.

Pagdating namin sa kanila ay agad kaming pumunta sa silid ni Marga.Nadatnan namin na magkatabi nga silang natutulog,nakadantay pa ang mga binti ni Marga kay Nhel na wala namang katinag~tinag.Taliwas sa sinabi ni Mr.Quinto,ang anak lang nya ang walang saplot base sa pagkakabalot nya sa katawan nya ng kumot.Si Nhel ay wala ngang t~shirt pero suot pa rin nya ang kanyang pantalon.So,ano ang ipinaglalaban nitong mga magulang ni Marga? Sa itsura ng dalawa,tila wala namang nangyari.

" Nhel anak,gumising ka na dyan.

Huy,Nhel." panay ang yugyog ni tita Bining.Dun pa lang nagtaka na ako,hindi mantika matulog si Nhel konting kaluskos nga lang nagigising ito.

Kaya si tito Phil na ang gumising at nilakasan ang pagyugyog.Saka lang sya nagising at ng igala nya ang paningin nya ay gulat na gulat pa sya.

" Ano ang ginagawa ko dito at bakit katabi ko si Marga?Ano ang nangyayari bakit ako napunta dito? Babe?! " namamanghang tanong nya na dumako ang tingin sa akin na para bang nasa mukha ko ang sagot.Tila bata ito na takot na takot.

Nagising na rin si Marga.At ng makita ang itsura nya ay binirahan na agad ng iyak.At sa ayos nya parang pinararating nya na kailangan panagutan sya ni Nhel.Kaya nagsalita na ang ama nya.

" Nhel kailangang panagutan mo ang anak ko,kung hindi idedemanda kita at sisuguruhin ko na makukulong ka at tatanggalan ka ng lisensya bilang engineer.Hindi ako papayag na maagrabyado ang anak ko." gigil na turan ni Mr.Quinto.

" Sandali lang muna Victor,wala naman yatang nangyari sa kanila bakit kailangang panagutan ng anak ko yang anak mo.May pananagutan na si Nhel,at heto nga si Laine oh." sabat ni tito Phil.

" Ano pa bang pruweba ang hinahanap nyo,hindi ba malinaw sa inyo ang itsura nila? Kung hindi nyo gagawin ang hinihingi ko mapipilitan akong gawin yung sinabi ko kanina."

Ay grabe! Kunsintidor na ama. Ano kaya ang mangyayari sa dalawa sa susunod na chapter? Abangan na lang po ninyo.

Thank you for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter