webnovel

So Excited

Nhel's Point of View

SA LAHAT ng summer vacation na dumaan sa buhay ko, itong summer na to yata ang hindi ko in-enjoy.Obvious naman kasi wala ang magandang prinsesa ko.Naintindihan naman ng barkada kung bakit malungkot ako,alam naman nila ang nag-uumapaw na damdamin ko kay Laine.Madalas nga nila akong asarin na hindi na raw babalik si Laine kaya wag na raw akong umasa.

Tinatawanan ko lang kasi biro lang naman nila yun para kahit paano gumaan yung nararamdaman kong lungkot at isa pa alam nila na nagpadala si Laine ng letter sa akin pagkadating pa lang nila dun sa US kaya okey na rin naman ako kahit paano.

Excited nako kasi malapit na silang umuwi, one week before ng school opening.Hindi ko alam kung paano ko na survived yung mga nagdaang days na wala si Laine..Dumating din naman si Lovie pero hindi ako masyadong sumasama sa mga lakad na kasama sya.Umiiwas ako kasi mag behave daw ako sabi ni Laine at ayoko na rin namang sakyan yung trip ni Lovie dahil ayoko na ring umasta sya na parang kami pero hindi naman.Alam ko masama loob nya sa akin hanggang nung umalis sya pero mabuti na rin siguro yon para maging malinaw na sa kanya na talagang wala namang 'us.'

Dahil para sa akin, si Laine lang.She's my first love dahil sa kanya ko lang unang naramdaman lahat ng mga nakakabaliw na feelings na tinatawanan ko lang sa iba noon.I never thought that I could be so in love with someone at this age.Akala ko para sa mga adults lang yon.

Alam ko naman at nararamdaman ko na may pag-asa naman ako sa kanya, I can feel it.. the way she treated me now is kinda different, unlike before when we're just best friends, there's a spark whenever we gazed at each other, she asked me to wait and so I promised her that I will wait for her even if it takes forever.Ang corny ko na yata pero ganun talaga pag in love ka siguro.

Seven days, five hours and forty five minutes, iyan na lang ang ipaghihintay ko at uuwi na sya.Grabe, sobrang missed ko na sya.Sobra pa sa sobra.

Laine's Point of View

KAPAG pala naiinip ka na, parang mas lalong bumabagal ang oras.Haaayy! I wanna go home na coz I really missed my keroppi.Ilang araw pa ba? Seven days, five hours and forty five minutes..Kung pwede lang mabawasan yan kahit ilang oras lang sana.

" Laine, tumawag si tita Baby mo, kailangan daw umuwi tayo ng mas maaga kasi hanggang next week na lang ang enrollment dun sa school nyo, no more extensions kasi yun na daw yung extension.Scholar kapa naman anak.Kailangan ko na sigurong ayusin yung schedule ng flight natin ng mas maaga." mahabang sabi ni mommy.

Yes! Narinig yata ni God ang request ko..Thank you Lord.

" So, ilang days na lang po tayo dito?" excited pa na tanong ko.

" Maybe, mabawasan tayo ng one day, instead of one week, six days na lang.

Kailangan mong makahabol dun sa binigay na extension ng school." sagot sa akin ni mommy.

Alright! Pabor sa akin yon.

" Sige po mommy, ayusin nyo na po yung flight natin at aayusin ko naman po yung mga gamit natin."

" Okey baby, kausapin ko na si daddy para makapag ready na rin sya".

" Okey mom."

Nakakatuwa naman, mas maaga kaming uuwi ng Pinas.Kung dati halos ayaw ko ng umuwi at gusto ko mag stay na lang dito,ngayon naman parang sinisilihan ako na makauwi na.

Haha.Ano nanyare sa akin ha?

Nagtanong ka pa!

Masaya ko ng inayos ang mga gamit namin pati na rin yung mga pasalubong ko sa barkada.And of course I bought my keroppi a few pair of branded socks and white t-shirts na favorite nyang isuot.

I'm so excited to go home and I just can't hide it! Yeah! bebeh....hehe.

Char lang!

Yesss! Makikita ko na rin mga friends ko and of course siya!

Heh! Humarot kana naman Alyanna Maine.

Maghunus dili ka nga!

Yes magkikita na ang dalawa. Excited na rin ako kung ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita. Abangan ninyo mga readers at siguradong kikiligin kayo..

Salamat sa mga nagbabasa at nagvo-vote sa story na ito. Thank you so much. ❤️

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter