webnovel

Save By The Bell

Laine's Point of View

DAYS passed at salamat sa Lord dahil natapos ko na naman ang isang taon ko sa kolehiyo, at si Nhel naman natapos na rin nya ang kanyang OJT at graduating na sya sa susunod na semester.

Summer vacation na.Nauna ng umuwi sina Candy at Rina sa Sto.Cristo kasama ang dalawang mokong na si Pete at Wil.Naiwan kami ni Nhel dahil hinintay ko pa syang tapusin nya ang huling araw ng OJT nya.

Matapos kong i-check na mabuti ang apartment namin ay ni-lock ko na ito at tumungo na ako sa apartment ni Nhel para doon ko na sya hintayin.

Nang makarating ako ay nag-ayos na ako ng mga gamit nya na dadalhin sa pag-uwi para pagdating nya ay wala na syang iintindihin pa.

Nang matapos ako ay humiga muna ako sa sofa para magpahinga.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.Naalimpungatan ako na may humahalik sa buong mukha ko at tuluyan na akong nagising ng pinagsasamantalahan na ang mga labi ko ng gwapong pangahas.Medyo nagulat pa sya ng dumilat ako at ang itsura nya eh akala mo yung batang nahuli ng nanay nya na nangungupit ng barya sa wallet.Haha.epic.

" Ituloy mo na, nambibitin ka pa eh." paghahamon ko sa kanya.

At aba ang damuho, madaling kausap.Sumunod naman at pinagbuti pa, kaya hayun hindi agad kami nakaalis.Ang harot namin ano po?

_____________

Nhel's Point of View

" Beh, wait lang hindi ko na kaya, ang sakit na ng mga binti ko, taas-baba ka pa dyan komo malakas resistensya mo, pawis na pawis na ako oh.Tapos uulit kana naman eh hindi pa nga ako nakaka-isa man lang." reklamo ni Laine sa akin.

Oopps hindi po rated SPG ang sinasabi ni Laine.Nandito kami ngayon sa Lourdes grotto sa Baguio, napagkatuwaan naming mag-akyat manaog sa hagdan at kung sino ang makakarami ng balik sya ang panalo at ang matatalo ang maglilibre ng lunch.

Nagrereklamo sya dahil naka-dalawang balik na ako eh hindi pa sya nakakarating sa taas.Inaasar ko sya habang taas-baba akong nagpapabalik-balik ng hagdan at sinasabayan sya.

" Talo kana kasi kaya bumaba na tayo para ilibre mo na ako ng lunch." asar ko sa kanya.

Nag-pout lang sya sa akin.Kinurot ko naman sya sa pisngi at pinunasan ko ang pawisan nyang mukha.

" Kainis ka talaga, hindi ka man lang nagkunwaring natatalo, pinanindigan mo talaga na ako ang manlilibre ng lunch natin." naiinis nyang turan.

" Whoah babe, sino ba kasi ang nagbigay ng rule na yan, eh di ba ikaw? Kahit naman hindi tayo mag-contest sa pag-akyat, ililibre pa rin naman kita.Come, kakargahin na lang kita kung hindi mo na kaya." sabi ko sa kanya sabay hila para buhatin na sya.

Nagulat pa sya ng buhatin ko sya. Bridal style.Ikinawit na lang nya ang mga kamay nya sa leeg ko at sumubsob sa dibdib ko dahil natatakot daw sya baka mahulog kami.Kayang-kaya ko naman sya, ano ang silbi ng mga muscles ko sa braso kung hindi ko sya mabubuhat?

 

Nang makarating na kami sa baba ay naglakad na kami papunta sa lugar kung saan kami kakain ng lunch.

Pwede namang sa rest house nila kami kumain pero nagsabi na kami sa mga kasambahay nila na sa labas na lang kami kakain para makapag-pahinga naman ang mga ito.Three days na kasi kami ni Laine dito sa Baguio at sa tatlong araw na yon walang ginawa ang mga kasambahay nila kundi asikasuhin kami dahil yun ang bilin ni tita Paz sa kanila.Nasa States ngayon ang pamilya ni Laine at nagbabakasyon. Kasama dapat sya pero nakiusap sya na magpapaiwan na lang dahil gusto nya akong makasama ngayong summer.

Pumayag naman sila pero katakot-takot ang bilin ni tito Franz sa amin. Baka daw mag-honeymoon kami bigla.

Tinawanan lang namin ni Laine ang daddy nya, wala pa naman sa isip namin yun. Madalas man kaming nagkakatabi sa pagtulog pero may limitasyon ang harutan namin.Malaki ang respeto ko sa kanya at kahit naman ubod ng pilya si Laine, alam nya yung hangganan namin.

Matapos ang lunch namin ay bumalik na kami sa rest house nila.Dumiretso si Laine sa kwarto para maligo at ako naman ay nagpahinga sa sofa sa sala.Nakakapagod din mamasyal at maglibot kung saan-saan.Buti na lang hindi masyadong malamig ang clima ngayon dito sa Baguio dahil summer.

" Beh ikaw naman maligo, nandun na yung pamalit mo sa ibabaw ng kama." si Laine pababa ng hagdan na nakasuot na ng pink t-shirt at black jogging pants.

Tumabi sya sa akin sa sofa at sumandal sa braso ko.

Niyakap ko naman sya mula sa likod at inamoy-amoy ko yung batok nya na nagpapitlag ng husto sa kanya.Malakas ang kiliti nya dun.

Kinurot nya ako ng pino sa tagiliran ko kaya napilitan na akong umakyat para maligo na.

Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na agad ako para balikan si Laine sa sala.

Nagulat ako sa nadatnan ko sa sala dahil andun sya sa sofa, nakabaluktot na natutulog.

Umupo ako sa gilid at pinagmasdan sya.Inalis ko ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na paliguan na naman ng maliliit na halik ang buong mukha nya.

Ewan ko ba, hindi ko napipigilan ang sarili ko every time na nakikita ko sya sa ganitong estado, para kasi syang baby na natutulog.

Hinalikan ko sya ng magaan sa labi.

Aba hindi tumitinag ah!

Oo nga pala puyat to, natalo ko sya sa pusoy dos kagabi at hindi kami tumigil hanggat hindi sya nakakabawi sa natalo.

Muli ko syang hinalikan, this time nilaliman ko na.Nagulat ako ng tumugon sya at kinawit nya pa ang mga kamay nya sa batok ko at hinila pa ako palapit sa kanya.

Nag-atubili ako baka kasi may tao, iginala ko ang tingin ko sa paligid.Wala sila, kami lang dalawa.

Ayos to.

MoMoL lang pag may time.Promise.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong pananakop sa labi nya.Gosh, hindi ko kailanman pagsasawaan ang labi ni Laine.

Sinumpong na sya ng kapilyahan nya kaya hayun nauwi na naman kami sa matinding ubusan ng hininga.But this time hindi ako makapag-isip ng tama lalo pa't wala na rin syang gaanong inhibitions.Pinagbuti pa namin ang ginagawa namin at grabe nakakabaliw talaga.

Suddenly I felt her hands touching my chest under my shirt down to my abs.Pilya talaga.I heard a soft groan and I realized ako pala yon.God she's turning me on with just a simple touch.

Iniwanan ko ang labi nya at lumipat ang halik ko sa leeg nya.Grabe, nakaka-addict ang bango nya.For more than four years of our relationship ngayon lang yata kami naging wild ng ganito and we both like the new feeling of sensation.

Patuloy lang sya sa paghaplos sa akin at sobrang naiinitan na ako sa sitwasyon namin.I kissed her lips once again but this time it's torrid, nababaliw na ako at sya man ay parang nadadala na.

Huminto ako at nagkatitigan kami.Parang pareho lang kami ng nararamdaman sa tingin ko sa mga mata nya.Desire.

Hinaplos nya ang aking mukha at inabot muli ang aking labi.

Anak ng tinapa hindi ko na kaya to.

Pero bago pa matuloy ang binabalak ko, may nag-doorbell sa pinto.

God, muntik na!

Thank you Lord.

Save by the bell....

Whoaa... pasensya na medyo may kaharutan ang ating mga bida..

Thanks for those who are waiting for my updates. Your efforts are highly appreciated.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter