webnovel

Revelations

Laine's Point of View

NATIGILAN ako ng marinig ko ang sinabi ni kuya Frank.Pilit ina-absorb ng utak ko kung totoo ba yung narinig ko. Naguguluhan akong napatingin sa kanya.

" Revenge? What do you mean kuya?" tanong ko sa kanya ng medyo mahimasmasan ako.

He heaved a heavy sigh.

" Baby makinig ka. Nagawa ko lang ang mga ginawa ko dahil sa inyong dalawa ni Aliyah. At ayoko rin na nakikitang malungkot si dad at si tita mommy kapag nakikita nila ang kalagayan mo."

" Ano nga ba kuya yung ginawa mo?" naiinip ko ng tanong. Nag-aalala naman syang tumingin sa relo nya,may meeting nga pala sya sa client namin.

" Tutal may oras pa naman ako before my meeting with the client,sige makinig ka muna sa sasabihin ko." he paused and heave a sigh.

" Eight years ago, Wesley met Marga through his cousin Yvonne.Birthday nun ni Yvonne at invited ang lahat ng college classmates nya including Marga na close friend nya. Marga caught Wesley's attention. Mukhang na love at first sight nga ata ang mokong dito. Since then, palagi na lang nya itong bukambibig sa akin. Sabi ko bakit hindi nya ligawan,and so he did. Sinagot naman sya ni Marga pero napapansin nya na parang hindi ito seryoso sa kanya. Hinayaan na lang ni Wesley na ganon dahil ayaw nyang mawala si Marga sa kanya. He love her so much at ito lang ang sineryoso nya.Their realationship lasted for almost three years. Until one day, may tumawag sa akin, taga bar daw sya at sinabing sunduin ko daw si Wesley dahil lasing na lasing ito. Mabilis naman akong pumunta dun sa bar at inabutan ko ang kaibigan ko na nagwawala at ng makita ako ay parang bata na umiyak sa harap ko. Paulit-ulit nyang sinasabi na iniwan na sya ni Marga dahil bigla na lang itong nagpakasal sa iba. Awang-awa ako kay Wesley that time at may nabuo akong galit kay Marga dahil parang pinaglaruan nya lang ang kaibigan ko."

" Have you met Marga that time?"

" Nope! Not a chance. Kapag gusto syang ipakilala ni Wesley,nagkakataon naman na may business trip ako. At isa pa ayaw din ni Marga na makilala sya ng kahit na sinong malapit kay Wesley except for Yvonne of course. At gusto nyang itago ang relasyon nilang dalawa. And Wesley,being in love with her,pumapayag sa ganong set up."

" So kailan mo sya nakilala at paano sya napunta dito?"

" Okay , I'll continue.....Since then, nung mag-asawa na nga si Marga, araw-araw na lang na naglalasing si Wesley, palagi na lang late kung pumasok dito sa opisina. Pinagsabihan ko, sinabi ko kung sisirain lang nya yung buhay nya dahil sa babaeng yon, buti pa umalis na lang sya dito sa kumpanya dahil pati trabaho nya nadadamay. Siguro natauhan dun sa sinabi ko kaya nung kinabukasang pumasok sya, isinubsob na lang yung sarili nya sa trabaho at pilit kinalimutan si Marga. Then one day tumawag si dad sa akin, nandoon ka daw sa kanila sa US. Sinabi nya na naghiwalay daw kayo ni Nhel dahil pinilit ito na ipakasal sa iba. Nagalit ako nun lalo na nung sabihin ni dad na buntis ka at nagpakasal kayo ng lihim ni Nhel. Sinabi ni dad na wag akong magalit kay Nhel dahil ginipit lang sya nung tatay nung babae kaya napilitan syang pakasalan ito. Tinanong ko si dad kung sino ba yung babaeng ipinakasal kay Nhel, a certain Marga Quinto raw. Kinutuban ako that time. Napaisip ako na kung yung Marga ba na nanakit sa bestfriend ko at Marga na umagaw sa asawa ng kapatid ko ay iisa? Nakumpirma ang hinala ko nung minsang pumasok si Wesley na masayang-masaya." napatingin ako kay kuya nung huminto sya. Sinenyasan ko sya na magpatuloy.

" Tinanong ko si Wesley kung bakit masaya sya, sabi nya bumalik na daw si Marga sa kanya dahil hindi raw ito makuhang mahalin at ni hindi pinapansin ng lalaking pinakasalan. Lalong lumakas ang kutob ko pero hindi ako nagtanong kay Wesley. Pinaalalahanan ko lang na baka sumabit sya dahil may asawa na yung si Marga. Sikreto pa rin naman daw yung relasyon nila at tanging sa akin lang nya sinabi. Hinayaan ko na lang kung saan sya masaya. Nakita ko kasi kung gaano sya nasaktan nung iwan sya ni Marga.Then one day, hiniling ni Wesley sa akin na kung pwede raw ba na i-hire si Marga sa company kapalit nung nag-resign nating manager. Since may gusto akong malaman at para makumpirma na rin yung hinala ko,pumayag ako. At doon ko nalaman na sya nga ang babaeng pilit pinakasal kay Nhel dahil gamit nito ang surname ni Nhel at taga Sto.Cristo rin sya. Simula noon bumuo na ako ng plano, sa tuwing may business trip abroad pinasasama ko si Marga kay Wesley. Gusto ko na magkalapit lalo sila.Alam ko na may nangyayari na sa kanila dahil nagkwe-kwento sa akin ang kaibigan ko. Hindi raw kasi binibigay ni Nhel yung pangangailangang sexual ni Marga.Hinayaan ko lang sila ni Wesley sa ganon. Ang gusto ko nga noon mabaling na ng husto ang atensyon ni Marga kay Wesley at iwan na si Nhel. Until one day, sinabi ni Wesley sa akin na buntis si Marga. Tinanong ko kung kanya,hindi raw nya alam kasi nagpa-artificial insemination daw ito with Nhel. "

" Yeah,Nhel told me that his son is a product of an Artificial Insemination dahil ayaw nga ni Nhel na magkaroon sila ni Marga ng sexual contact." singit ko kay kuya.

" Yeah right.And after she gave birth,tuloy pa rin ang sekretong relasyon nila ni Wesley at kahit dito sa office pag may pagkakataon sila, niraraos nila ang init ng katawan nila. Hindi na sila natatakot dahil according to Wesley, tinanggal na raw ang ovary ni Marga pagkatapos nitong manganak.Kaya malaya silang magtampisaw sa pagnanasa nila ng walang iniintindi na may mabubuntis." so totoo nga ang mga sinabi ni Mitch at alam din pala ni kuya ang nangyayari.

" Sa narinig ko sayo kuya, maliwanag na Marga is cheating on Nhel with Wesley. Pero bakit ganon? sabi ni Nhel ayaw raw syang palayain ni Marga at kapag nakipaglapit daw sya sa akin,ilalayo nito sa kanya ang anak nila. Pinagbabantaan sya na hindi magugustuhan ni Nhel ang gagawin nya kapag iniwan sya ni Nhel."

" Simply because Marga is obssessed with Nhel kaya hindi nya maibigay ng buo kay Wesley ang pagmamahal nya.Pero huwag kayong matakot sa mga banta at gagawin ni Marga, I'm here and I've got all the evidences that I need para tuluyan na syang lumayo kay Nhel at pabayaan na lang kayo. I've got her investigated at lahat ng sexual activities nila ni Wesley here and abroad naka-record at nasa lawyer ko na lahat ang kopya." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya Frank.

" Oh my God! Why did you do that kuya? Pwede naman kaming lumaban ni Nhel ng patas dahil kami naman ang legal na mag-asawa." turan ko. Kahit naman sagad ang galit ko kay Marga,hindi ko naman kayang gawin yung ginawa ni kuya.

" Why not, you can call me ruthless but she deserves it. Five years yung panahon na nasayang sa inyo. Lumaki si Aliyah na iba ang ama na kinamulatan. Lahat ng pananakit na ginawa nya sayo at ang panloloko nya kay Nhel, pagbabayaran nya! Hindi ko pwedeng balewalain na lang yon. "

" Kuya alam ba ni Wesley ang ginawa mo? Kapag umabot na sa puntong kailangang ilabas yung video nila,madadamay sya kuya. He is like a brother to us. I'm sure masasaktan sya kapag nalaman nya yun."

" Laine ginawa ko lang din yun para rin sa kanya. Ginagamit lang naman sya ni Marga for her sexual needs. At isa pa,baka magalit din siya kay Marga kapag nalaman nya yung isang katotohanan na ipinagkait din ni Marga sa kanya na malaman nya."

" Ha? Ano yun kuya?

" Nhel's son."

" Si Mark? What about him?"

Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni kuya.Hinihintay ko na sagutin nya ang tanong ko pero parang wala pa syang balak. Panay ang tingin nya sa relo nya at maya-maya nag-ayos na sya para pumunta na sa meeting nila nung client.

" Laine I have to go. Ikaw na muna ang bahala dito." paalam nya sa akin sabay halik sa ulo ko.

" Kuya, you didn't answer my question, please don't leave me hanging here. I want to know what you found out about Nhel's son.Please." pigil ko sa kanya,hila-hila ko sya sa braso.

" Alright baby, but promise me hindi mo muna ito sasabihin kay Nhel."

I just nodded.

" The kid is not Nhel's."

" Ano?!"

" Oo baby.Bunga sya ng lihim na relasyon ni Wesley at Marga."

O ano, na shock ba kayo? Ang sama tlaga ni Marga noh? Another shocking revelation on the following chapter. Hang on guys!

Thank you for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter