webnovel

Regular

Laine's Point of View

NAGING matagumpay ang fashion show namin na ginanap sa isang five star hotel na pag~aari ng isa sa mga apo ng matandang Montreal. Pagkatapos ng show ay maraming lumapit para umorder ng mga damit na katulad ng mga inirampa naming mga models.

Marami ang nag~congratulate sa akin dahil yung mga isinuot ko ang maraming nakuhang orders. Binati rin ako ng big boss at gusto pa nya uling i~extend ang contract ko sa kanila na matatapos na sa susunod na tatlong buwan.

Nagpasalamat ako at nagpaalam na ang matanda na bumeso pa sa akin.

Napansin ko na papalapit na si Nhel at ng masalubong nya ang bigboss ay binati rin sya at nakipagkamay. Nakita kong nag~usap sila saglit at ng umalis na ang boss ay napatingin si Nhel sa akin na may malapad na ngiti.

Sinalubong ko sya ng yakap at gumanti rin sya ng mas mahigpit na yakap and rested  his head on my shoulder.

" I'm so happy babe, extended ang contract ko sa Montreal." masayang sambit nya.

" Me too, beh.I'm happy for both of us." sagot ko na lalong hinigpitan ang yakap sa kanya.

" Tara? " pag~aya nya.

" Saan? " tanong ko.

" Basta! " at hinila na nya ako papuntang parking lot.

Pero bago pa kami makalabas ng building papuntang parking lot ay nasalubong namin yung kasama namin na male model na kinaiinisan ni Nhel dahil nagpapa~cute daw sa akin. Ang apo ng big boss, si Anton.

" Hi! Laine, congrats.Sayo din Nhel."  bati nya sa akin at tinanguan din si Nhel na hilaw naman ang ngiti sa kanya.

Nagpasalamat kami at binati rin namin sya.

Parang gusto pa nyang kausapin ako pero hinila na ako ni Nhel palayo.

" Sige Anton may lakad pa kami ni Laine, una na kami." sabi nya habang naglalakad at itinaas pa nya ang kamay namin na magkahawak na parang nagpapaalam.

Nang lingunin ko si Anton ay nangingiti na naiiling na lamang ito sa inasta ni Nhel.

Poor Anton.Nagiging territorial na naman si Nhel.

Humantong kami sa isang Italian restaurant  na nasa vicinity din ng Makati.Matagal na naming gustong kumain ni Nhel dito kaya lang medyo mahal at ngayon na medyo afford na namin kaya sige lang tutal malaki naman ang kinita namin sa fashion show.

Halos gabi na nung umalis kami sa resto at tulog na sila tita Bining ng makarating kami sa bahay nila.

Mabilis akong naligo at naghahanda na sa pagtulog nung kumatok si Nhel sa pinto ng room ko.

Nagmamadali kong binuksan ang pinto.      

" Matutulog ka na? " he asked and hugged me so tight upon entering  the room.

" Hmmm.. why? " tanong ko rin.

" I can't  sleep.Can I sleep here? patulugin mo ko."malambing na turan nya.

Hinarap ko sya at tinaasan ng kilay.

" Seryoso? Baka lalo kang hindi makatulog,idadamay mo pa ako.Kilala kita Nielsen."

Tumawa lang sya ng malakas at tuloy~tuloy na pumasok at nauna pang nahiga sa kama ko.

" I need a massage babe, nakakapagod yung pagrampa kanina." sabi nya at pumuwesto na ng dapa at inalis pa ang shirt nya para magpamasahe.

Napalunok ako at nag~init ang pisngi ko.Grabe bakit ang hot nyang tignan ngayon.Parang lalong naging yummy ang bebeh ko ah.

Huh ang inet!

" Uy babe, ang tagal mo naman?

" Ha! " ano ba naman kasi bakit nagkakaganito na naman ako.

Kumuha ako ng massage oil then lumapit ako at pumuwesto sa likod nya.

Parang gustong manginig ng mga kamay ko ng simulan ko na syang imasahe.Nakakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag na pakiramdam.Dati naman okay lang ako pag nagpapamasahe sya sa akin.Bakit nag~iba yata ngayon, simula yata nung... nag meet and greet yung... haay ayoko ng alalahanin, nakakahiya!

Huh! grabe parang gusto kong manlambot. Paano ba naman likod pa lang ulam na.

I tried  my best para hindi mahalata ni Nhel yung pagkabalisa ko at tingin ko nagtagumpay naman dahil nung silipin ko sya, tulog na sya.

Inayos ko na lang sya at nilagyan ng kumot.

Marahan akong tumabi sa kanya para hindi sya magising.

Bago matulog ay pinagmasdan ko sya.Napaka~gwapo ni Nhel, lalo na ngayon na medyo nag~matured sya.

Kanina sa fashion show, sobrang proud ako sa kanya dahil marami ang napapa~sigaw pag rumarampa sya.He had gone too far in modelling. Akala ko hanggang dun lang sya sa pagiging supportive sa akin sa modelling career ko,yun pala gagawa din sya ng sarili nyang pangalan sa parehong larangan.

I held his hand ang intertwined our fingers.Humiga na ako at natulog na nakahawak ako sa kamay nya.I love being with him and it really  feels so good holding him like this.

____________

TAPOS na ang bakasyon ni Nhel dahil papasok na sya sa first job nya tomorrow. I'm so happy for him dahil natupad na naman ang isa sa mga pangarap nya.Actually pangarap naming dalawa.

Kasama na rin nya ako sa pagluwas dahil wala syang makakasama sa apartment dahil bakasyon pa. At isa pa para na rin may mag~aasikaso sa kanya pag pumapasok sya sa trabaho nya.

Medyo nabawasan na rin ang alalahanin nya kay Marga. Nung mga natitirang araw kasi ng bakasyon nya, wala ng ginawa si Marga kundi ang istorbohin sya kahit pa nasa paligid lang ako.

Walang pangingimi syang tumatambay sa bahay nila Nhel. At kahit nakikita na nya ang disgusto sa kanya ng mga tao sa bahay, tila ok lang sa kanya. Wala syang paki basta ang mahalaga sa kanya makita nya at makasama si Nhel.

Ewan ko ba, feeling ko obsession na ang nararamdaman nya kay Nhel, at aaminin ko natatakot ako. Nakakatakot ang ganun, maging si Nhel ay nag~aalala na rin sa ginagawa ni Marga.

Medyo nakahinga na kami ng maayos ngayong lumuwas na kami ng Maynila. Wala ng Marga na mangungulit kay Nhel, kami lang dalawa ngayon sa bahay.Feeling ko tuloy bagong kasal kami na magsisimula sa buhay may~asawa.

Maaga akong nagising kinabukasan. Nagluto ako ng almusal nya at inayos ko na rin pati ang isusuot nya.Kailangan maaga syang pumasok dahil may orientation pa sya sa HR at mag~uusap pa sila ni ninong Cesar, ang magiging boss nya.Mataas kasi agad ang position nya dahil nag~retired na yung papalitan nya.Qualified naman sya dahil maganda ang credentials nya.Two months muna syang casual employee then after that six months syang probationary.We're praying na maging regular sya para naman sa future namin.

Mabilis na natapos ang two months.

Ngayon nga ay under probationary period na sya.Pinagbubuti ni Nhel ang performance nya. Maaga lagi syang pumapasok at nag~oovertime kung kinakailangan.

Nasa 3rd year na ako sa course ko at halos dalawang taon na lang magtatapos na ako kaya pwede na kaming magpakasal pagkatapos.Sige pa rin kami sa pag~iipon at patuloy pa rin ang modelling career namin.Pareho kaming pumirma ulit ng two years contract sa Montreal.Inaayos namin ang schedule namin kapag may photo shoot or fashion show.

So far, wala namang nagiging problema.

Sinurpresa ako ni Nhel nung minsang umuwi sya galing sa work nya.

Magpapasko na at nag~uumpisa na akong mag~shopping para sa dadalhin namin sa US dahil dun uli kami mag~spend ng holiday.Sumama sya sa akin at pinakain nya ako sa favorite kong resto.Siya na rin ang nagbayad ng lahat ng pinamili ko.

Nagtataka man ay hinayaan ko lang sya.Alam ko naman na magsasabi din sya akin bago kami matulog.Lahat kasi ng mga bagay~bagay sa amin pinag~uusapan namin bago kami matulog.

Hindi nga ako nagkamali dahil nung naghahanda na ako para matulog ay tinawag nya ako at niyayang bumaba dahil may sasabihin daw sya sa akin.

Nung nasa sala na kami ay may inabot sya sa akin na brown envelope.

" What's this? " tanong ko.

" Open it,para malaman mo. " sagot nya.

Binuksan ko at binasa ang laman.

" Oh my God! Totoo ba to beh? " naluluhang tanong ko.

Ngumiti sya ng malawak at tumango.

" Ahh.. I'm so proud of you beh.Kaya naman pala ni~blowout mo ako kanina."

" Syempre gusto ko ikaw ang unang~una na pagbibigyan ko nyan." turo nya sa envelope na hawak ko.

Tinignan ko ulit at binasa ang laman ng envelope.Naglalaman ito ng appointment paper nya bilang regular employee at nakasaad dun ang mga benefits na makukuha nya sa company. Ang increase sa salary nya ang syang ikinagulat ko, halos doble na kasi ito kaysa sa dati nung proby sya.

Pwede na rin syang mag~avail dun sa housing loan ng company.At dito sya higit na interesado dahil gusto nya daw akong ibili ng bahay kung saan ako ang magiging reyna.

Kinikilig ako sa sinabi nya and at the same time happy ako dahil nagbunga ang ilang buwan na pagsisikap nya sa trabaho.

Niyakap ko sya ng mahigpit and give him a peck on the lips.

" I'm so happy and very much proud of you beh.You deserved all of this."

He cupped my face and looked  straight into my eyes.

" I can't do it alone babe.Kasama ka sa pagsisikap na ginawa ko.Ikaw ang nag~aasikaso sa lahat ng pangangailangan ko mula sa pagpasok sa trabaho hanggang sa pag~uwi ko.Mahusay mong bina~budget ang sweldong binibigay ko sayo at never mo akong tinulugan sa paghihintay pag may overtime ako."

Napangiti ako sa sinabi nya.Hindi ko alam na napapansin pala nya lahat ng efforts ko kahit sobrang busy sya sa work.Ginagawa ko lang naman ang lahat dahil mahal ko sya at masaya ako sa ginagawa ko.

" You deserved  all of this babe.Lahat ng maa~achieve ko, lahat ng pagsisikap ko,lahat ng hirap at pagod titiisin ko para maibigay sayo ang buhay na kinagisnan mo.Lahat babe,ibibigay ko sayo.Ganyan kita kamahal at ang tanging reward lang na hinihingi ko para sa sarili ko, yun ay ang manatili ka lang sa tabi ko.Babe, ikaw lang sapat na."

Inalis ko ang mga kamay nya sa mukha ko dahil nag~uumpisa ng tumulo ang luha ko sa mga sinabi nya.Para kasi akong nalulunod sa sobrang emosyon.

Niyakap ko sya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib nya.Dun ay malaya kong binuhos ang sari~saring emosyon na nararamdaman ko.Panay naman ang hagod nya sa likod ko.

" Shh.babe don't  cry."

" Tears of joy. "

Natawa sya.Ayan na naman, sino ba kasi yang si joy.

Pinunasan nya ang luha ko at dinampian nya ako ng magaang na halik sa labi.

" Beh, I want more! "

" Ok, your wish is my command."

And he kissed me passionately??

No! si Nhel pa... Torridly.

And we spent the night making out in the living room.

Oh, when you're  young and in love!

                                                                                                                                                                                                                                                                              

Next chapter