webnovel

Plan

Laine's Point of View

HINDI ko na muna sinabi kay Nhel ang natuklasan ko tungkol kay Marga.

Gusto ko munang maghanap pa ng mas konkretong impormasyon galing mismo sa taong involved, kay Wesley. At marami rin akong gustong malaman mula kay kuya Frank tungkol sa pagkaka-hire nya kay Marga. Marami kasing mga tanong sa isip ko na tanging si kuya Frank lang ang makakasagot.

Lumipas pa ang mga araw at linggo na halos hindi ko na namamalayan sa sobrang busy ko sa trabaho ko sa kumpanya ni kuya. Pero ang obligasyon ko sa bahay bilang asawa ni Nhel at ina ni Aliyah ay hindi ko naman napapabayaan. Sa tuwing umuuwi kami ni Nhel sa bahay galing sa trabaho, inaasikaso ko na agad ang anak namin. Ako ang tumutulong sa kanya sa mga assignments nya sa school at sa pagtulog nya ay ako pa rin ang nag-aasikaso gaya ng nakagawian ko na kahit pa may yaya naman sya.

Bilang asawa naman kay Nhel, ako pa rin ang personal na nag-aasikaso sa pagkain nya at damit na susuotin nya. Walang nabago kahit na may trabaho rin ako. At syempre sa gabi bago matulog, kahit pagod ako basta't nilandi ako ng gwapo kong asawa, go lang ako. Ayoko namang sayangin ang effort nya pag nagpapaka-performer sya. Ewan ko ba dun kung bakit parang hindi nagsasawa na gabi-gabi na lang kami nagja-jack en poy with a twist, tulad ngayon.

" Beh naman hindi ka pa ba pagod inaantok na kaya ako." halos nakapikit ko ng turan. Heto na naman kasi sya sa ibabaw ko panay na naman ang halik sa akin, eh katatapos lang namin ng ikalawang round.

" Babe pagdating sayo hindi ako napapagod. Relax ka lang dyan ako na ang bahala, promise isang round na lang." saad nya habang panay ang andar ng masisipag nyang kamay sa buong katawan ko. Hayan nag-iinit na naman tuloy ako. Enjoyin ko na nga lang.

Nang magsawa ang kamay nya, labi naman ang pinagana. Grabe kahit pagod na ako hindi ko maiwasang hindi tugunan ang init nya. Bawat dampi ng labi nya sa balat ko ay libo-libong boltahe ang gumigising sa natutulog na himaymay ng katawang lupa ko. Ibang-iba na talaga si Nhel pagdating sa pagpapadama ng pag-ibig nya, sabagay ilang taon ba naman syang celibate kaya ngayon sya bumabawi.

Matapos ang dalawang matinding rounds, hayun sa wakas tinigilan din nya ako. Dapat pala nag energy drink ako para nakasabay ako sa performance level nya.

" I love you babe." usal nya ng tumabi na sya sa akin pagkatapos nyang maglinis ng katawan sa bathroom namin sa kwarto. May dala syang basin at towel para linisan ako dahil hindi na ako halos maka bangon sa pagod.

" I love you too. Grabe ka beh sabi mo isa na lang eh hayan tuloy ikaw na naglinis sa akin." reklamo ko.

" Hahaha...okay lang babe, sabi ko naman sayo ako na ang bahala. Gusto ko pa nga sana ng isa kaya lang pagod ka na kaya bukas na lang ng umaga ulit." pilyong turan nya habang binibihisan ako.

" Ewan sayo beh. Iligpit mo na nga yan at ng matulog na tayo,inaantok na talaga ako." untag ko.

Natatawang sinunod nya ako at nang bumalik ay nahiga na sa tabi ko. Agad na niyakap ako at hinalikan sa ulo.

" Goodnight babe."

" Goodnight beh."

And we both drifted to sleep.

_______________

KINABUKASAN medyo tinanghali ako ng pasok sa office dahil sa makulit kong asawa. Sinabayan akong maligo at nilandi na naman nya ako kaya natagalan kami.

Panay ang reklamo ko dahil inabutan kami ng traffic sa daan. Tinatawanan lang nya ako. Katwiran nya minsan pa lang naman daw kaming na-late at Friday na. At isa pa, pareho naman daw kaming boss sa pinapasukan namin kaya wala naman daw sisita sa amin kung ma-late man kami.Natatawa at naiiling na lang ako sa katwiran nya. Lalo lang nya akong aasarin pag kumibo pa ako.

Pagdating ko ng office ay binati agad ako ni Mitch.

" Good morning ma'am Laine. Mukhang tinanghali po yata kayo ngayon?"

" Oo nga, inabot kasi kami ng traffic." sagot ko at ng akmang papasok na ako sa private office ng magsalita sya.

" Ay ma'am nandyan na po pala si bossing sa loob kanina pa."

" Ha? Dumating na sya? Bakit hindi nya ako sinabihan na uuwi na pala sya?" sunod-sunod na tanong ko.

" Eh ma'am mukhang kadarating lang talaga nya galing airport at dito dumiretso. Dala pa po kasi yung mga bagahe nya. Nagpa-order nga sa akin ng breakfast dahil nagugutom daw po sya."

" O sige ako na ang bahalang magtanong, pasok na ako." paalam ko sa kanya at pumasok na ng private office.

Busy sa pagkain si kuya Frank kaya hindi nya namalayan ang pagpasok ko.

" Good morning kuya!" gulat na napalingon sya sa akin.

" Oh baby nandyan kana pala.Good morning too." malapad ang ngiti na turan nya. Tumayo at lumapit sa akin saka ako inakbayan at hinalikan sa ulo.

" How's your trip? And why you didn't inform me na uuwi ka pala ngayon?" tanong ko sa kanya.

" Actually hindi pa talaga ako uuwi ngayon kaya lang may client tayo na gusto ako mismo ang kausap. Sinabi ko naman na ikaw na lang dahil wala ako sa bansa. Pero hindi pumayag na hindi ako ang personal na haharap sa kanya kundi magba-back out na lang daw sya sa deal namin.Syempre ayokong mangyari yun, it's a multi million peso deal, sayang naman."

" Hmm.kaya pala dito kana agad tumuloy mula sa airport, ni hindi mo man lang sinilip muna si Ate Angel at ang mga pamangkin ko."

" Baby maaga ang meeting ko sa client natin na yon kaya dito na ako tumuloy. After ng meeting uuwi agad ako sa bahay. Ako pa ba eh ilang buwan na akong sabik sa ate mo." ngumiti pa ng pilyo si kuya.

" Hay nako kuya, manang-mana ka sa pinagmanahan mo."

" Eh saan pa ba? Kita mo nga siyam tayo." natawa kaming pareho sa sinabi nya. Oo nga naman, lima sila sa una at apat naman kami sa pangalawa.Yan ang tatay namin,masipag.

" Wanna join me here?" untag ni kuya sa akin.

" Nope thanks, I'm full. So,how's the business in US and Singapore kuya?"

" Okay naman yung sa US. Nabili ko na yung lugar na gagawing opisina natin dun then yung sa Singapore, on going na yung construction. Naayos na rin yung permit kaya lang marami pa akong dapat asikasuhin dun pero babalik din ako after a week. Iniwan ko naman si Wesley dun with Marga."

" Marga?"

" Yeah, yung sales manager ni Wesley. Why? do you know her?" tanong ni kuya. Hindi nya ako matignan habang tinatanong ako. Para bang may itinatago sya.

" Yeah, kilala ko sya kuya.Kilalang kilala. Hindi ka ba nagtataka kung bakit Mercado ang gamit nyang surname?" hindi sya agad nakasagot sa tanong ko.Naging mailap ang mga mata nya.

I heaved a heavy sigh ng hindi pa rin sya nagsalita.

" Why do I have this feeling na parang may itinatago ka sa akin kuya. Ano ba ang alam mo tungkol kay Marga? Feeling ko marami kang itinatago tungkol sa kanya. Alam mo ba kung ano sya sa buhay namin ni Nhel?"

Siya naman ang malalim na napabuntung-hininga. Sinalubong nya ang tingin ko ng tinging nagpapaunawa.

" Baby you know that I love you so much as well as our other siblings. You became the joy of our entire family since you were a kid. Kapag nasasaktan ka, nalulungkot kami. Yung nangyari sa inyo ni Nhel 5 years ago, yun ang pinaka matinding dagok na pinagdaanan ng buong pamilya natin. Kasama mo kami sa pag-iyak mo, sa pagharap mo sa buhay mo ng wala sya sa tabi nyo ni Aliyah. Kaya bilang panganay na kapatid, hindi naman pwedeng panoorin na lang kita sa ganong sitwasyon mo kahit pa nakikita ko naman na masaya ka noon sa piling ni Anton. Alam ko kung ano at sino ang tunay na makapagpaligaya sayo."

" What do you mean kuya? I can't understand."

" As your big brother I did my own revenge for you. And it seems everything now falls according to my plan."

"What?!"

Ang galing naman ni kuya, kumikilos din pala sya para kay Laine at Nhel. Ano kaya ang ginawa nyang move para mabuko si Marga?

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter