webnovel

Passenger's Seat

Nhel's Point of View

NANG makauwi na kami ni Laine ng Sto.Cristo galing sa photo shoot ng Montreal, nagkita kami ni tito Franz ng ihatid ko si Laine sa kanila.Hiniling nya na mag- usap muna daw kami sa study room nila bago ako umuwi.

Medyo kinabahan ako dahil seryoso sya at hindi kami nag-uusap sa study room maliban na lang kung seryosong bagay ang pag-uusapan namin ngayon.

Nangangamba man ay sumunod na rin ako sa kanya at medyo tumagal ang aming pag-uusap.

Matapos ang masinsinang usapan namin ni tito Franz ay nagpaalam na rin ako kay Laine na uuwi na.

Pilit nya akong kinukulit kung ano raw ba ang pinag-usapan namin ng daddy nya.

Flashback:

" I will tell you soon." sabi ko na lang sa kanya.

" Problema ba yan at bakit kailangan pang isikreto?" tanong nya na nagmamaktol.

" Sikreto lang ng mga gwapo kaya hindi ka kasali kasi hindi ka gwapo, maganda ka."sagot ko sabay kindat pa sa kanya.

" Hay naku Nielsen puro ka na naman kalokohan.Sige na umuwi kana para makapag-pahinga ka na rin." taboy nya sa akin.

" Ok babe, be ready at 8am tomorrow, susunduin kita." sabi ko.

" At bakit naman po, saan naman tayo pupunta at kailangang ganon kaaga?" tanong naman nya.

" Basta, sumunod ka na lang." sabi ko sabay halik sa kanya na ikinabigla nya.

" Buset ka talaga beh puro ka kalokohan." natatawang sabi nya sabay kurot sa akin sa tagaliran.

" Aray! Sige na uuwi na ako, sinumpong na naman yang pagiging amazona mo." umiiwas na sabi ko.Ang sakit kaya nyang mangurot.

Bago ako matulog kagabi, naisip ko yung pinag-usapan namin ni tito Franz.Marami kaming pinag-usapan at yung iba ay tungkol sa nalalapit na debut ni Laine.

Medyo kinakabahan ako at nae-excite din at the same time sa gustong mangyari ni tito Franz pero para kay Laine naman yun at lahat gagawin ko basta para sa kanya.At gusto ko ring makatulong kahit paano kay tito.

Anyway, may ilang buwan pa naman bago ang debut ni Laine at mapaghahandaan ko pa yun ng husto.

Kinabukasan..

Sinundo ko na si Laine sa kanila at laking gulat nya ng sabihin ko sa kanya kung saan kami pupunta.Isa yun sa gustong ipagawa sa akin ni tito Franz.

" Driving school! Are you serious beh? What's got into your mind at niyayaya mo ako na mag-enroll tayo dun?" gulat na tanong nya.Ayaw nya kasi magmaneho, natatakot yan kaya yan ganyan.

" It's your dad's idea.Don't you think it's about time to conquer your fear?Tsaka isa pa, bakasyon ngayon mas magandang pagkakataon para mag-aral magmaneho para sa pasukan hindi na kailangan si Mang Gusting pa ang magmaneho para sayo, andito naman ako, willing ako matuto para sayo." paliwanag ko sa kanya.

" Alright! Isa ba ito sa pinag-usapan nyo ni dad kahapon?" tanong nya.

" Opo, at halika na dahil tatanghaliin na tayo." sabi ko sabay hila na sa kanya para magpaalam kila tito Franz.

Pumunta muna kami ng bangko ni Laine para kumuha ng pambayad namin sa driving school.Binibigyan ako ni tito Franz pero hindi ko tinanggap dahil may sarili naman kaming pera ni Laine.Basta pangangailangan tungkol sa aming dalawa, dun kami kumukuha sa savings namin at napag-usapan na namin yun.

Limang araw din ang itinagal ng driving lessons namin.Hindi sila titigil hanggat hindi natututo ang estudyante nila.Sa kaso ko ay halos wala pang tatlong araw akong nag-aral dahil kahit paano ay may alam na ako sa pagmamaneho , si Laine lang ang tumagal dahil natatakot nga sya pero sa panglimang araw, na conquer na nya yung fear nya.At ginanap yung graduation namin sa expressway kung saan hahayaan kang mag-drive mag-isa pero naka-alalay naman sila.

So far, nagawa ko na ang isa sa mga request sa akin ni tito Franz.Magagawa ko ng ipagmaneho si Laine kung sakali.

Mabilis na lumipas ang mga araw na hindi na namin namamalayan.

Fifth anniversary na namin ni Laine at this time pinayagan na kami ni tito Franz na mag-date, our first real date.

Matagal ko ng na-plano ang date namin na ito at surprise ko yun kay Laine.

Maaga pa lang ay pinuntahan ko na sya sa kanila.May dala ako na tatlong pink tulips na favorite nya at yung pinagawa kong couple shirt na isusuot namin sa araw na ito.May binili sya na couple shirt sa America last year nung magtago sya dun kaya lang nung nakaraang debut ko lang nya naibigay.Kailan lang din namin naisuot yun.

Naka ready na sya pero pinapalitan ko yung suot nya ng dala kong t-shirt.Para parehas kami, couple nga di ba?

Kumain kami sa isang medyo class lang na restaurant, then nanood kami ng movie at ang huli namin ay sa Star City dahil gusto daw nya alalahanin yung naging dahilan ng pagkakalapit namin, yung perya.

Naging masaya ang celebration namin ng ika-limang taon namin at talagang hindi namin akalain na ang layo na pala ng narating namin ni Laine.Maraming masaya at malungkot na memories at mga pagsubok na nagpatatag lalo sa pagmamahalan naming dalawa.

Pauwi na kami ng Sto.Cristo, ako ang nagda-drive at nasa passenger seat sya.Pinahiram kami ng kotse ni tito Franz para daw masanay na kami na kami na lang.Isa na naman siguro sa mga plano ni tito.

Nakatulog si Laine on our way to Sto.Cristo dahil sa pagod sa maghapong paggagala namin.

Pinagmasdan ko ang maganda nyang mukha.Grabe, sa loob ng limang taon ganun pa rin ang tibok ng puso ko tuwing pinagmamasdan ko sya.

Napangiti ako dahil dalaga na talaga sya, at nakita ng dalawang mata ko yung transformation nya from being a sweet girl to a gorgeous lady.At sa panahon na yon, literal na nabantayan ko ang pagdadalaga nya.And two months from now debut na nya.

Hinawakan ko ang kamay nya and intertwined our fingers at yung isa kong kamay ay nakahawak sa manibela.Napangiti ako ng marinig ko ang music sa car stereo, bagay na bagay sa sitwasyon namin ngayon.

Yes, I've got all that I need,this lady beside me is my everything.She's a breath of fresh air.And for five years of being with her is way beyond contentment.

Naisip ko na naman yung pinag-usapan namin ng daddy nya.Habang nalalapit yung araw ay hindi ko maiwasan ang hindi kabahan.

Sana lang may mabuo na kaming

plano ni tito Franz bago ang araw na yon.At bahala na si Lord kung ano man ang kahihinatnan nun.

Naramdaman kong kumilos sya,nilingon ko sya at nakita kong bahagya syang dumilat.

Ngumiti ako sa kanya and mouthed I love you.

She smiled at me and mouthed also I love you.

And she drifted again to sleep.

And I 've got all that I need

Right here in the passenger's seat.

Oh And I can't keep my eyes on the road knowing that she's inches from me.

Oh and I know,this love grows.

Next chapter