webnovel

Pagbalik Tanaw sa Nakaraan 6 Ang Unang Pagkikita

Pagkaalis nila mom ay naisipan kong maglinis sa labas ng bakuran, ang dami na kasing mga tuyong dahon sa flower box.Habang sobrang busy ako sa pagwawalis ng mga tuyong dahon ay may naramdaman akong parang may dumaan sa may likuran ko at muntik na akong masagi ng kung sino.Narinig ko na lang na may bumagsak na kung ano, yun pala may lalaking naka bike na sumemplang malapit sa may bakod.

Dahil kinabahan ako, hindi ko napigilan ang bibig ko na parang armalite na dire-diretso na naglitanya ng kung ano- ano sa lalaking nakatalikod na nag-aayos na ng natumbang bike at nagpapagpag na ng sarili nya.Naputol ang sinasabi ko ng bigla syang humarap sa akin at nagsalita..

" O ano miss, tapos kana ba sa litanya mo?!" nakangiting tanong nya.Shocks ang ganda ng speaking voice nya.At ang ngiti nya. Wow!

Talagang natulala ako. Kasi naman ano eh, paano ko ba ide- describe yung naramdaman ko? First time yun eh parang biglang nag palpitate yung heart ko,basta hindi ko maintindihan, hindi ako agad nakapagsalita feeling ko nalulon ko na yung dila ko.

Shocks! Ano ba kase,gwapo naman kasi ni kuya eh.

" Hoy! Miss hindi kana kumibo dyan kanina lang para kang armalite dyan!"

" Huh?"

" Mukha ba akong palaka? kasi yun ang sabi mo kaninang nagulat ka.Natulala kana dyan!"

" Huh?"

" Ano wala ka na bang sasabihin kundi huh? Parehas ka lang nila natutulala kapag nakita ako". mayabang na sabi ni gwapong kuya.

Tila nabalik naman ako sa huwisyo ko ng marinig ko yung huling sinabi nya.

" Hoy kuyang ewan! Ang yabang mo rin ano, kaya natulala ako kasi kinabahan ako at oo nasabi ko yung palaka kasi mukha kang PALAKA! diniin ko talaga yung word na yun para pagtakpan yung pagkapahiya ko.

Totoo kasing na crush at first sight ako sa kanya.hehe.

Pero hindi ko yun ipapahalata at aaminin.

Mamatay na umamin!

" Kung bakit naman kasi ang dami- daming lugar , dito ka pa sesemplang!"

Asar kong sabi.

" Eh may iba pa bang daanan bukod dito papunta dun sa poulty nila mang Ben, wala naman di ba?" sagot nya.

" Malay ko ba! I'm just new here, you think I know who the hell you are talking about? .Just go ahead,you're blocking my way!" Inis kong sabi, napapa spokening dollar kasi ako pag naiinis.

" Ang taray mo miss, sayang maganda ka pa naman, di bagay sayo magtaray at isa pa huwag mo akong inglesin kahit gwapo ako wala akong hilig magsalita ng english."...sabi nya.

" To hell I care! Baka tubuan kana ng muscles nyan kanina ka pa nagbubuhat ng sarili mong bangko!"

sabay talikod ko papasok ng bahay.

Iiling- iling na lamang na tumalikod na rin sya at sumakay na ng kanyang bike.

Pesteng yun ang yabang komo gwapo.Sayang crush ko pa naman sana, first time ko to naramdaman, sa kanya pa na ubod ng ewan.Naku wag ko na lang sana makikita pagmumukha nun kung hindi, huh ewan na nga lang..

Kakainis!!!

First meeting nila away na kaagad.Paano na kaya sa susunod na magkita sila.Abangan nyo na lang po.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter