webnovel

Legally Mine

Warning: SPG Slight.. Read at your own risk.

Laine's Point of View

NAMILI na nga kami ni Nhel ng mga gamit sa bahay dun sa mall na malapit lang para madali daw ang pagde~deliver.Kinumpleto namin lahat as in pati yung mga maliliit na gamit sa kusina at sa laundry area.

Nakakatuwa ang bagong experience na to sa amin at nakaka~enjoy pala mamili ng gamit sa bahay.Nagkasundo naman kami sa mga gamit na bibilhin. Sa brands ng mga appliances pati sa kulay ng mga furnitures.Pero pagdating sa kusina, hinayaan nyang ako ang mamili ng gamit dahil ako raw ang magiging reyna dito.

Hapon na kami natapos sa pamimili at nakasunod na yung delivery truck sa amin nung umuwi kami.Sila na rin ang nagbaba ng mga gamit at tinulungan na rin kami sa paglalagay sa pwesto ng mga furnitures.

Nag~alala ako dahil papadilim na hindi pa rin kami tapos kaya napilitan na akong sabihin kay Nhel yung tungkol sa surprise ko na out of town trip namin.Kaya hayun nagmamadali kaming isarado ang bahay kahit hindi pa kami tapos sa pag~aayos.Sayang naman daw yung ginastos ko sa trip na yun kung hindi kami tutuloy.At excited rin sya dahil hindi pa sya nakakarating sa lugar na yun.

Natawa nga sya nung makita nya ang mga maletang inempake ko na nasa likod na ng kotse. Paano ko daw ba nailagay yun ng hindi nya nalalaman?

Sus,kaya nga surprise eh.

" Alam mo babe hindi ko alam na may honeymoon package ka palang naka- ready. Paano mong nalaman yung plano ko? " birong tanong nya habang nakatanaw sa labas ng bintana ng hotel room na inookupahan namin.Nakaupo naman ako sa kama at nagpapatuyo ng buhok.

" Anong honeymoon ka dyan! Gusto ko lang ng out of town trip para sa anniversary natin. Maiba lang ba.Malay ko ba dyan sa balak mong secret wedding, secret nga di ba? Tsaka mister paalala lang,walang honeymoon na magaganap ha?" pagtatanggol ko sa sarili ko sa biro nya.

Ngumiti lang sya ng pilyo na tila ba may binabalak na hindi maganda.

Naku wag lang syang magkakamali kundi bibigay talaga ako.

Hehe,ang harot na naman ng isip ko.

"Alam mo beh,hindi pa rin mag-sink in sa akin na ako na ngayon si Laine Mercado.Hala!tunong artista pa pala." paglilihis ko sa usapan.

" O di ba sabi ko naman sayo nun na bagay sayo ang surname ko,kaya nga hindi na ako makapag~intay na palitan yan.Ok wala muna tayong honeymoon hanggat walang church wedding. Promise yan pero kung gusto mo na,isang kalabit mo lang babe bibigay na ang katawang lupa ko sayo." pilyong sabi nya sabay kindat.O kitam, ipagpipilitan talaga nyan kung makakalusot sya.

" Tse puro ka talaga kalokohan! Halika na nga matulog na tayo,nakakapagod yung maghapon.Bukas lilibutin pa natin ang buong city." untag ko sa kanya.

Lumapit na sya sa akin at humiga sa lap ko.

" Kailan natin ipapaalam kila tito Franz yung tungkol sa pagbili natin ng bahay? Payagan kaya nila tayo na tumira duon ng magkasama? " tanong nya sa akin.

Hinaplos ko ang buhok nya at hinagod~hagod ang ulo nya.

" Bukas na lang may trabaho sila ngayong oras na ito." tugon ko.

Hinuli nya ang kamay ko na humahagod sa ulo nya at mabilis na hinalikan ang likod ng palad ko.

Pinagdaiti nya ang mga kamay namin na may wedding ring at buong pagmamalaki nyang pinagmasdan ang mga singsing na suot namin.

" Babe basta hindi natin tatanggalin sa mga daliri natin ang mga singsing na yan kahit anong mangyari.It symbolizes our love and promise to each other.And as long as nandyan sa mga daliri natin yan hindi rin mawawala ang love natin sa isat~isa." saad nya na nakatingala sa akin at nakangiti.

" Oo naman beh. Promise hindi ko aalisin sa kamay ko yan basta't huwag mo akong bigyan ng dahilan para alisin sa daliri ko ang ring natin." turan ko at yumuko ako para kintalan sya ng masuyong halik sa labi.Tumugon din sya saglit dahil baka mangalay daw ako sa posisyon namin.Bumangon sya at bigla nya akong dinaganan na ikinagulat ko.Sinamantala nya yon para muling sakupin ang labi ko.

Banayad nya akong hinahalikan pero ng lumaon ay lumalalim na ang halik nya hanggang sa naging mapusok na.Sinasabayan ko naman sya. Wala na akong inhibitions dahil asawa ko na sya. Lumagpas man kami sa boundaries ng paghahalikan,normal lang yun basta wala pa yung the real thing.Willing na akong lumampas na kami ng konti sa make out ~make~out dahil may karapatan naman na sya,pero wag lang muna yun.At napagkasunduan na namin yun.

Huminto sya sa paghalik at tinitigan ako ng buong pagmamahal.Hinahaplos nya ang mukha ko at banayad nyang hinahalikan ang mata ko,ilong at ang labi ko ng paulit~ulit.

" Finally babe you're mine,legally mine."

Ngumiti lamang ako sa kanya.Hinila ko sya at niyakap ng mahigpit.Dahil nakadagan sya sa akin kaya sobrang naglapat ang mga katawan namin.At naramdaman ko na naman uli si noynoy nya na nakikipag meet and greet kay pempem ko.Nakaramdam muli ako ng kilabot at kakaibang init katulad noong unang mangyari yung ganitong posisyon namin kahit pa may saplot naman kami pareho. Kung dati inignora ko yun pero this time iba eh, mag~asawa na kami kaya parang gusto ko na yung pakiramdam na magkalapat kami ng hindi ako naaasiwa.

Tumingin sya sa akin at pilyong ngumiti ng ma~realized nya ang posisyon namin.

Tinaasan ko sya ng kilay tapos ngumiti ako at napakagat ako sa labi ko.Naramdaman ko na kumibot si noynoy nya.

" Don't  bite your lips babe,you're turning me on." bulong nya sa akin na tila hirap na hirap.

Ngumiti lang ako at tinignan ko sya na parang nagsasabi na ok lang na mag~explore kami ng kakaibang karanasan.

Tila nakuha naman nya ang nais kong iparating kaya hayun he again kissed me with full of longing and desire.And I admit,sobrang nadadala ako ngayon sa mga kisses nya at hinahayaan ko lang dahil nawala na yung hesitations at inhibitions ko.

All I know now is me and him.

Unti~unting bumababa yung halik nya sa leeg ko,sa earlobe ko na sobrang nagpatindi ng init na nararamdaman ko at lalo pang nadagdagan ng panaka~nakang hinihimas nya ang twin towers ko.

Hala grabe na ito,pero ok lang kasi kanya naman na yan.May damit pa naman kaming suot kaya ok lang yan.

Pero ng mapatingin ako sa kanya,literal na napalunok ako kasi naman gabi na may pandesal pa.

Paanong nangyari na nahubad na nya yung t~shirt nya ng hindi ko namalayan? Sobra siguro akong nag~enjoy sa bagong experience na ginagawa namin kaya hindi ko na alam ang nagaganap.

Hinimas ko ang triceps at biceps nya hanggang sa mga pandesal nya.Grabe gustong manginig ng kamay ko dahil first time kong gawin ito, pero hindi, pagkakataon ko na to pakakawalan ko pa ba?

Haha.Laine asawa mo na yan,you can do it as much as you want.

Kaya pinagsawa ko ang kamay ko sa paghawak sa mga pandesal nya.Pero nasalat ko na mainit ang katawan nya.

Hala! may lagnat ba ang asawa ko?

Malamang mag~iinit talaga yan sa kahihimas mo.Shunga!

Napangiti ako ng tignan ko uli sya,mukha syang lasing sa ginagawa ko sa kanya.Kaya pinigilan na nya ang mga kamay ko,na~torture na siguro.

Eh sinumpong ako ng kapilyahan ko. Bumangon ako at ako ang umibabaw sa kanya.Tignan ko lang kung hindi ma~torture  lalo ito.

Maalab ko syang hinalikan sa labi tapos ginaya ko yung ginawa nya sa akin kanina,hinalikan ko rin ang leeg nya at earlobe nya habang hinihimas ko rin ang dibdib nya.Narinig kong umungol sya ng bahagya.

Nag-moan din ba ako kanina?

Tuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa maramdaman ko na lang na tinatanggal nya na yung butones ng pantulog ko at tuluyan na nyang nahubad sa akin.

Awtomatikong tumigil ako sa ginagawa ko sa kanya para takpan ang bahaging yon ng katawan ko.Wala kaya akong suot na bra!

Parang nahiya pa akong makita nya ang mga ito.Pero inalis nya ang mga kamay ko at talagang napanganga pa sya ng makita na nya ng husto ang pinakatatagong twin towers ko.

" Wow! " puno ng paghangang sabi nya na nagpapula naman ng husto sa pisngi ko.Nakakaasiwa pa rin pala kahit asawa mo na sya.

" Hep,hep hanggang tingin ka lang bawal hawakan dahil kapag ginawa mo yon mawawala na tayo sa katinuan.Bibigay ako.Sinasabi ko sayo, bibigay ako.Hindi pa pwede.

Hindi.pa.pwede." histerikal kong sabi na nagpahalakhak sa kanya ng malakas.

Grabe to,tawanan ba ako.Eh kasi naman mahirap na.Baka bumigay ako, pag nangyari yun mawawalan na rin sya ng control.Isat kalahating marupok pa naman ang isang ito.

Habang tumatawa sya ay isinusuot naman nya sa akin ang pantulog ko at pagkatapos isinuot na rin nya uli ang t~shirt nya.

Napasimangot ako,kasi naman inalis na yung pandesal.😠

Ngumiti naman sya sa akin at kinurot ang pisngi ko pagkatapos inalalayan nya ako para umupo sa kama.

Nag~pray muna kami then humiga na kami.Nakaunan ako sa dibdib nya at yakap naman nya ako.Tiningala ko sya ng maramdaman kong hinahalikan nya ako sa ulo.Nagkatinginan kami at sabay na napangiti ng malapad.Nagkakaintindihan na kami tungkol dun sa nangyari kanina.We said I love you to each other before we drifted off to sleep.

KINABUKASAN, tumawag kami kila daddy para ibalita yung tungkol sa pagbili ni Nhel ng bahay namin.And as expected, natuwa sila at sinabing hindi sila nagkamali ng pagpili kay Nhel para sa akin.They knew from the start that Nhel would love me the way they do.

Pumayag na rin sila na tumira kami ni Nhel dun ng magkasama tutal engaged naman na kami at one year na lang daw magpapakasal na rin kami.Nakiusap lang sila na pamilya lang muna ang makakaalam sa magiging sitwasyon namin at hindi kami gagawa ng mga bagay na labas sa matrimonya ng kasal.At alam naman namin kung ano ang ibig nilang sabihin dun at nangako kami na hindi namin sisirain ang kanilang tiwala sa amin.

Hindi muna namin sinabi na kasal na kami dahil baka magalit sila.Sasabihin din naman namin kapag nagpakasal na talaga kami sa simbahan.

Thanks for reading my silent readers.

Thank you for those who added this story on their library.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter