webnovel

I Like You

Aliyah's Point of View

" Je deviens fou si quelque chose de mal t'arrive mon amour."

" Je deviens fou si quelque chose de mal t'arrive mon amour."

PAULIT-ULIT na nagre-replay sa utak ko yung sinabi nya. Bigla akong lumayo mula sa pagkakadikit ng aming noo.Nagulat naman sya sa inakto ko.Gusto ko na rin namang makalayo sa kanya. Sobrang lapit kasi namin kaya ang puso ko ay ayaw tumigil sa pagririgodon, baka marinig nya ang lakas ng tibok ng puso ko nakakahiya naman.

Sinubukan kong tatagan ang boses ko at hinarap sya.

" Alam mo ikaw, palagi ka na lang nagbibitaw ng salita na hindi ko maintindihan. Alam kong French yon pero hindi ako nakakaintindi non. Anong ibig sabihin nung sinabi mo? At bakit nga pala marunong kang mag-French?" sunod-sunod na tanong ko.

" Ah wala yon,wag mo na lang intindihin yon. Just some soothing words to make you feel better. At kaya naman ako marunong mag-French kasi I studied in France for almost two years at kay kuya ako tumira.I took up business course dahil yun ang gusto ni dad para pamahalaan ang business namin pero hindi yon ang kursong gusto ko.Ang gusto ko ay maging Engineer din na katulad nya. Kaya nung mag sem break kami pinilit ko si kuya na pauwiin na ako dito. Kinausap ko sila daddy at mommy na gusto kong mag-shift na sa Engineering, na nandun ang puso ko at wala sa business course. Luckily naunawaan nila ako at pumayag sila. So heto, sa pasukan back to school na ako." mahabang paliwanag nya. So, that explains na kaya pala hindi ko sya nakita noong huling magbakasyon kami dito ay nasa France pala sya. Hindi naman ako nagtatanong kila Richelle at hindi rin naman nila binabanggit sa akin dahil alam nilang bad mood na ako kapag binanggit nila ang pangalan nya noon.

" Ahh good to hear that. But next time I will research na para hindi naman ako laging naguguluhan sa sinasabi mo. Baka mamaya ino-okray mo na pala ako hindi ko pa nalalaman." bahagya syang natawa sa sinabi ko.

" Hindi ko magagawa sayo yon no! Vous etes tres special pour moi."

" Oh hayan kana naman. Yung word na special lang ang naintindihan ko. Baka mamaya special na asarin pala ang ibig sabihin non ah!"

" Hahaha..seriously, walang masama dun sa sinabi ko."

" Talaga lang ha? Kapag nalaman ko lang na hindi maganda yung sinabi mo, lagot ka. Ich werde vergessen, dass ich in dich verknallt bin." sagot ko na nagpamangha sa kanya.Akala ba nya sya lang ang marunong mag alien language.

" Huh? What's the meaning of that? Gumaganti ka ha." napapangiti pa sya habang nagtatanong.

" Secret! Akala mo ikaw lang ang may alien language na nalalaman. Yung sinabi ko kanina, yun ang language namin sa Switzerland, Swiss German. Tatlo ang language na ginagamit dun, German, French and Italian. Pero ang pinaka official ay German, 63% ang gumagamit nito while 22% lang ang French at 8% lang ang Italian. Sa lugar namin mostly German ang ginagamit kaya hindi ako natuto ng French at Italian." tumango-tango sya sa sinabi ko.

" I see.Tumira ka nga pala dun nung bata ka.I hope maganda yung meaning nung sinabi mo kanina. Wala nga akong natandaan kahit isang word, parang ang hirap pati na bigkasin." medyo napapakamot pa sya sa ulo nya. Natawa naman ako sa itsura nya.

Pareho kaming natahimik pagkatapos. Umayos ako ng upo at ipinahinga ko ang ulo ko sa upuan ng kotse. Gayun din ang ginawa nya. Inabot nyang muli ang kamay ko at ikinulong muli sa mga palad nya.Magkahawak kami ng kamay habang nakatanaw lang pareho sa itaas ng kotse. Tila parehong may malalim na iniisip. Ang init ng mga palad nya ay parang tumatagos sa buong sistema ko. Kumportable ako kapag ganitong hawak nya ako.Para akong idinuduyan sa ibat-ibang magandang emosyon. May kakaibang pakiramdam na alam kong mas higit pa sa crush na nararamdaman ko ngayon sa kanya.

Am I falling for him?

" Uno?" pukaw ko sa atensyon nya.

" Hmm?" sagot nya na hindi nagbabago ng posisyon.

" How was your life in France?"

" Malungkot syempre lalo na nung unang taon ko dun. Nami-miss ko sila mommy tapos sa school may mga classmates akong hindi marunong mag-salita ng English kaya pinilit kong mag-aral ng French. Nagkaroon naman ako ng mga friends dun pero syempre iba pa rin sila Gilbert. Nami-miss ko sila,nami-miss ko ang Sto.Cristo, yung amoy ng bagong pitas na mangga. Masarap din naman ang buhay dun pero dito ako masaya kaya  bukod sa ayaw ko ng business course, nami-miss ko ang lahat dito kaya umuwi na lang ako."

" Iba talaga kapag nasa sariling bansa ka, malaya mong magawa ang mga gusto mo." komento ko.

" Oo tama ka dyan Ali."

" Wala ka bang iniwang girlfriend dun?" out of nowhere na tanong ko.Huli na ng ma-realized ko na napaka-personal na yata nung tanong ko. Napayuko na lang ako. Nahiya akong bigla baka kasi isipin nya na napaka-tsismosa ko naman.

" Hey! It's ok. We're friends, right? Ayos lang sa akin na magtanong ka kahit na personal. I didn't mind at all." turan nya at inangat ang mukha ko mula sa pagkakayuko. Nagtama ang mga tingin namin ng magkaharap na kami. Ngumiti sya at nagtaas ng kilay, parang ipinahihiwatig nya na ayos lang sa kanya na magtanong ako.

Ngumiti lang ako at bumalik sa dating position ko sa pagkakaupo. Parang naging awkward na.Hinayaan ko na lang sya kung sasagutin nya pa ang tanong ko. Hindi ko na gustong malaman pa dahil nahiya na ako.

" To answer your question, " napatingin ako nung bigla syang magsalita. " May naging girlfriend ako dun, Filipina sya. Nag-migrate sila ng buong family nya dun. Actually parang hindi naman talaga matatawag na girlfriend kasi walang ligawan na nangyari basta na lang parang naging kami na isang araw. Siguro dahil sa pareho kaming Filipino at bago sa lugar na yon kaya nagkapalagayan kami ng loob. But honestly,hindi ko naramdaman yung sinasabi nilang kilig, siguro mababaw lang yung feelings ko sa kanya at parang ganun din sya sa akin. Kaya napagkasunduan namin na maging friends na lang kami. Nung bago ako umalis dun may pinakilala sya sa aking boyfriend nya. Pinakiramdaman ko yung sarili ko kung nasasaktan ba ako sa nalaman ko pero wala eh, masaya pa nga ako para sa kanya."

I heaved a sigh. Parang may kung anong tuwa ang humaplos sa puso ko sa nalaman ko na wala naman pala syang iniwan dun. Bigla na namang namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Pumikit ako para magpahinga nang bigla syang magsalita.

" Ali?"

" Hmm?"

" Do you really hate me that time?" napatingin akong bigla sa kanya sa tanong nya.

" Hate? That's so hard naman. Naiinis o naaasar lang ako sayo kasi naman you're so annoying that time. Would you mind if I ask you now kung ano ang dahilan ng mga pang-aaway mo sa akin non?" tanong ko. Napansin ko na parang natigilan sya,  pagkatapos medyo naging iritable ang naging expression ng mukha nya.

" Okay kung ayaw mong sagutin, kalimutan mo na lang na nagtanong ako. Mukha ka kasing ewan dyan sa naging tanong ko."

" Do you really wanna know the truth?"

" Of course! Kung okay lang sayo."

" Sasabihin ko na, but promise me you won't get mad at hindi mo ako lalayuan ulit?" nangunot ang noo ko.Gaano ba kakumplikado ang sasabihin nya at ganito na lang kung makiusap sya.

I heaved a sigh then nod at him.

" Naalala mo yung kaibigan nating si Harry?" nagulat ako sa pangalang binanggit nya. Hindi ko lang kasi yun naalala kundi hanggang ngayon may komunikasyon pa rin kami ni Harry.

Gayunpaman hindi ko muna isinatinig sa kanya, papakinggan ko muna ang sasabihin nya.

" Yeah, what about him?" kaswal kong tanong.

" Naiinis ako nun sa kanya kasi lapit sya ng lapit sayo!"

" Oh ano naman kung lumapit sya eh kaibigan at kalaro din naman natin sya tulad nila Gilbert, Jake at Caloy. Alangan namang itaboy ko sya eh wala naman syang ginagawang masama sa akin."

" May gusto sya sayo nun!" bulalas nya. Natawa naman ako sa itsura nya.

" Paano mo naman nalaman? At saka ang bata pa kaya natin noon." napangiti ako ng malapad. Ang cute kasi ni Onemig parang batang inagawan ng laruan.

" Sinabi nya mismo sa akin. At sinabi rin nya na kapag malaki na tayo, liligawan ka nya!" nagulat ako sa sinabi nya. Kaya ba ganun si Harry ngayon sa akin kapag kausap ko sya sa Skype? Hindi ko lang pinapansin dahil sa pagkakaibigan lang namin nakatuon ang atensyon ko. Yung mga tingin at pag-aalala nya sa akin ay higit pa sa friendship ang dahilan?

Tsk. Parang hindi naman.

" Uno usapang bata lang yon. At bakit sa akin ka nagagalit noon at ako ang inaaway mo?"

" Because I'm jealous." medyo mahina ang pagkakasabi nya at nakatungo pa sya pero malinaw ko namang narinig. Medyo kinilig ako sa nalaman. Medyo lang naman. Baka kasi nagseselos lang sya noon dahil sya ang una kong naging kaibigan at kalaro.

" Bakit ka naman nagseselos? Ayaw mo ba akong may ibang kalaro bukod sayo?"

He heaved a sigh bago sya tumingin ng diretso sa mga mata ko.

" I'm jealous Ali because I like you.Gusto kita noon pa.Gustong-gusto."