webnovel

Here I Am

Nhel's Point of View

PAGKALIPAS ng dalawang araw ay nakatanggap ako ng tawag mula sa Montreal para sa rehearsal namin.May gaganapin kaming fashion show para sa pagla~launch ng mga bagong produkto nila.

Bukas na ang umpisa ng ensayo at tuwing 6pm ang call time dahil karamihan sa aming mga modelo ay kagaya ko na may 8 to 5 job.Ang problema ko lang ay araw~araw ang practice dahil sa susunod na dalawang linggo na ang fashion show.

Hindi na ako makakauwi ng Sto.Cristo para kay Mark dahil siguradong gabi na kami matatapos.Mabuti na lang at aalis si Marga kasama ng boss nya sa makalawa.Tatlong buwan sila sa Singapore para sa itinatayong branch ng kompanya nila dun.Hindi ko problema ngayon kung paano tatakas sa guardia civil.

KINABUKASAN umuwi muna ako sa bahay namin ni Laine bago pumunta ng rehearsal .Dito ako mag~sstay habang may ensayo kami.Ang alam ni Marga sa bahay na provided ng company ako tutuloy. Yun kasi ang alam nya kapag hindi ako nakakauwi pag may overtime kami at may bubuksang planta. Mabuti hanggang ngayon wala syang alam sa tinutuluyan ko, nagawa kong itago sa kanya na may bahay kami ni Laine.

Nagmamadali akong nagpalit muna ng damit at nagdala na rin ng pamalit sakaling tumagal ang rehearsal. Nang masiguro kong maayos na ang dadalhin ko ay sumakay na ako ng kotse para pumunta na sa venue ng rehearsal namin.

Pagdating ko sa venue ay nakita ko kaagad ang mga kapwa ko modelo. Nakaupo silang lahat sa mahabang couch at naghihintay sa iba pa.Paglapit ko ay binati nila ako at awtomatikong iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng silid, umaasang makikita ko si Laine.

Darating kaya sya sa unang rehearsal na 'to?

Saktong mag~uumpisa na kami ng humahangos na dumating ang hinihintay ko kasama ang mokong na si Anton.

" Guys sorry we're late.May meeting kasi si Laine kanina sa editor ng magazine." hinging paumanhin ni Anton.

Magazine? Hindi lang pala sa billboard may magazine pa.

" Uy,congrats Laine,you've gone too far." bati ni Pia sabay yakap sa kanya.

" Thanks Pia.Shall we start? " tanong nya at ng mahagip nya ako ng tingin ay parang nagulat pa sya.

Huh! Nakalimutan na ba nya na modelo rin ako?

Walang reaksyon ko syang tinignan pero yumuko lamang sya.

Tinawag na kami ng handler namin at nagsimula na ang ensayo.Sa duration ng ensayo,hindi kami nagpapansinan ni Laine. May pagkakataon pa na ka~partner ko sya pero parang deadma lang sya,ni hindi nga nya ako tinitignan.

Nagsisisi kaya sya dun sa nangyari sa amin 'that night'?

Parang nasaktan ako sa naisip ko.

Ako kasi hindi mawala-wala sa isip ko yun, parang isa syang magandang panaginip na lagi kong binabalikan.Bigla akong nainitan ng maalala ko na naman yun.

Huh! Ang perv ko na naman yata.

Past 9pm na ng matapos kami sa rehearsal .Nagyaya ang manager namin na kumain sa isang restaurant.Treat daw nya dahil birthday nya nung nakaraan.

Masaya lang kaming nagkwe~kwentuhan ng matapos kumain, nang tanungin ako ng kapwa ko modelo na si Clark.Ito ang pinaka close sa akin sa lahat.

" Pards,anong nangyari sa inyo ni Laine,bakit kay Anton sya nagpakasal? Nagulat nga kami nung mabalitaan namin na sinundan nya si Laine sa Switzerland." tanong nya.Ngayon lang kasi kami nagkasama-sama ulit ng ganito,kapag may photo shoot kasi hindi nagtutugma-tugma ang araw ng mga shoot namin.At iniwasan ko na rin ang makausap sila nung umalis si Laine.Basta nung malaman ko na nagpakasal sya ay isinara ko na ang posibilidad na magkakaroon pa kami ng second chance, bagamat naghintay pa rin ako.

Switzerland? So,totoo pala na doon sila naglagi ng limang taon.Tama nga si tito Franz wala sya sa US.

" Dahil dun sa babaeng kasama ko dito five years ago,napikot ako pards.Ginipit ako ng mga magulang nun,dinamay pati si Laine, kaya kami nagkahiwalay.Hindi ko alam pards noon na sinundan sya ni Anton nung umalis sya."

" Kahit kami nagulat din,may girlfriend yan si Anton yung nag~aaral ng medicine.Alam ko yun ang pakakasalan nya pag nagtapos na ito.At sa atin lang ito pare ha? Nakita ko sila ni Lianna the other day sa mall, sobrang sweet.Alam kaya yun ni Laine?"

" Lianna?" takang tanong ko.

" Yung girlfriend ni Anton.Pumapasok sa Med School at next year na sya magtatapos.Yun ang girlfriend nya bago sya sumunod kay Laine sa Switzerland.Kung mag-asawa sila ni Laine, ano yung nakita ko sa mall?"

Nagulat ako sa sinabi nya.Kung may girlfriend si Anton,bakit nagpakasal pa si Laine sa kanya? Ano yun gumanti lang sya sa akin kaya nya ginawa yun?Knowing Laine, hindi yun basta gagawa ng isang bagay lalo't alam nya na may masasaktan sya.

At bakit pumayag sya na may mangyari sa amin nung gabi sa resort nila Pete?

Naging palaisipan sa akin ang mga sinabi ni Clark.Alam kaya ni Laine yung nakita ni Clark sa mall?Anton is cheating on her.

" Anton is cheating.Isang maliwanag na pagtataksil kay Laine yung nakita mo sa mall pards.Kapag nakita ng dalawang mata ko mismo na niloloko nya si Laine, aabutin talaga sa akin yang mokong na yan."

" Pards, relax ka lang.Kahit pa naging kayo ni Laine, wala ka ng karapatang panghimasukan ang sa kanila ni Anton.Baka sayo lang bumalik ang sisi.Hindi ba't naghiwalay kayo ni Laine dahil sa babae?"

" Pards, iba yung sa akin.I didn't cheat on her.Naging biktima lang ako ng isang taong obssessed."

" Kahit na pards, mag-asawa yan at may sarili ka na ring pamilya.Stay out of it pards.Mas magiging magulo kung makikisali ka sa problema nilang mag-asawa.Tapos na yung sa inyo ni Laine."

I just heaved a sigh.

Kung alam mo lang Clark ang totoo sa pagitan namin ni Laine baka tulungan mo pa ako para maagaw ko sya kay Anton.Kung alam mo lang.

Hindi na ako kumibo.Pinagmasdan ko na lang si Laine at Anton na magkatabing nakaupo sa kabilang side.Sweet nga sila sa isat~isa na parang walang lokohan na nangyayari.

Laine doesn't deserve to be cheated.She's a very loyal and honest person.Hindi sya ang tipo ng babae na lolokohin lang.Alam ko noon pa man ay type na sya ni Anton kaya nga nagseselos ako noon pa sa mokong.Pero bakit ka-date nito ang girlfriend sa mall na parang walang asawa na naghihintay sa kanya sa bahay?

Ang gulo ha! Kumukulo ang dugo ko sa nalaman.

Hindi ako papayag na lokohin lang sya ni Anton.She's been through a lot because of me.Kailangan kong kumilos para malaman ang totoo kung bakit nagawa ni Anton yung nakita ni Clark.

_____________

HINDI ako makatulog nung nakauwi na ako sa bahay.Sa bahay namin ni Laine.Sa tuwing nandirito ako, parang eksena sa movie na nagpa-flashback ang mga alaala namin ni Laine sa bahay na ito.Bawat sulok ng bahay ay may memories kami lalo na sa kwartong ito.

Here I am playing with those memories again

And just when I thought time had set me free

Those thoughts of you keep haunting me 🎶🎶

Para namang naaayon yung music sa akin.Heto na naman kasi ako, iniisip ang nakaraan namin ni Laine.Kung hindi siguro naki-alam si Marga sa amin, may mga maliliit na Nhel at Laine na naghaharutan sa bahay na ito.Medyo napangiti ako dun sa eksenang naisip ko. Lagi ko kasing binibiro si Laine noon na isang basketball team ang gusto kong dami ng magiging kids namin.

Only you, a feeling I never outgrew

Though each and every part of me have tried

Only you can fill that space inside.🎶🎶

Haay Laine, hanggang ngayon ikaw pa rin ang sinisigaw ng buong pagkatao ko.Ikaw lang ang makakapuno ng kahungkagan sa buhay ko. Ikaw ang tubig na makakapatid sa pagka-uhaw ko.May pagkakataon pa ba ang tadhana para sa ating dalawa?

Naisip ko na naman si Anton at yung mga sinabi ni Clark kanina.

May pakiramdam talaga ako na may kakaiba sa relasyon nila ni Laine.

And I'm gonna find it out soon...

I want you back Laine.I want to win you back.

I will move heaven and earth just to win you back.

Coz I just can't

Go on

Without.....you... 🎶🎶🎶

Haay matuklasan na kaya ni Nhel kung ano yung totoo kay Anton at Laine?

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter