webnovel

Fear

Nhel's Point of View

HINDI ko na napigilan ang sarili ko na mapahagalpak ng tawa ng marinig ko ang sinabi ni Laine.

Seriously?Petting and necking?

She's really innocent pagdating sa mga ganung bagay.

Nakakatuwa ang itsura nya habang nakatingin sa akin.

" Hey, what's  funny?" inosenteng tanong nya.

"You babe!  You're so funny.You sure you really wanna try that... that petting and necking thing? nakangiti na tanong ko.

" Curious nga kasi ako kung ano ba yun. Tapos pinagtatawanan mo lang ako." nakalabi nyang turan.Hay ang cute nya talaga.

Niyakap ko sya mula sa likuran at pinatong ko ang ulo ko sa balikat nya.

" You know babe,you're so naive. You don't know what you're up to.Baka mamaya pagsisihan natin pag sinubukan natin yun, it will lead us to ah..... you know what I mean."

"You mean it's more than just torrid kissing? " nahihindik pa na tanong nya.

" Yeah,it's more than that.Kaya kalimutan mo na yon, we will get there in time."  I smiled at her then winked.😉

" Ah ok.Forget it.Come on I'll cook for you na lang." at hinila na nya ako papuntang kusina.

THE days went on smoothly between me and Laine.I felt really contented with her by my side.She's a breath of fresh air and she's my home.

Sobrang swerte ko sa kanya.Simula nung lumipat sya sa bahay namin mas lalo kong naranasan ang pag~ aalaga nya sa akin.Mula sa damit na isusuot ko hanggang sa pagkain na kakainin ko, siya ang personal na nag~aasikaso.

Lumipat na rin ako sa apartment  nila para daw hindi na ako umuupa sabi ni tita Paz nung minsang tumawag sila.Dun ako sa kabilang kwarto at kasama naman nya si Rina at Candy sa kabila.

Ilan lang ang nakakaalam na engaged na kami.Ang pamilya lang namin at syempre yung apat na kaibigan namin.Sila lang kasi yung sa simulat~simula pa ay karamay na  namin ni Laine sa relasyon namin.

Sem break na naman. Gusto nila tito Franz na pumunta kami ni Laine ng US para magbakasyon pero hindi naayos agad yung passport ko at isa pa medyo nagsisimula na akong maging busy sa thesis ko. Kaya nangako kami na sa Christmas vacation na lang para hanggang New Year na namin sila kasama.

Pauwi kami ngayon ng Sto. Cristo kasama si Candy at Rina. Si Pete at Wil ay may mga trabaho na. Naunang nakapagtapos si Wil sa akin dahil five years ang kurso ko. Pareho kami ni Rina ngayon na graduating,  inabutan na nya ako.

Pagdating namin ng Sto. Cristo ay ginising ko na si Laine, nakatulog sya sa byahe dahil medyo traffic kanina.

" Babe wake up,we're here." tapik ko sa balikat nya nung nasa garahe na kami.Naihatid ko na nga sila Candy at Rina ng hindi nya alam.

Umungol sya ng bahagya at idinilat ang isang mata tapos maya~maya ay pumikit uli.

Napangiti ako, napuyat nga pala sya kagabi dahil tinulungan nya ako dun sa tina~type ko tungkol sa thesis ko.

Alam ko na kung paano to magigising agad.Hehe.😃

Lumabas ako ng sasakyan at pumunta sa passenger seat kung saan sya nakaupo.

Umupo ako sa tabi nya at ginawaran sya ng halik sa labi.

Hmm.hindi tumitinag ha.

Inulit ko at this time medyo diniinan ko at kinagat ng bahagya ang ibabang labi nya.

Napadilat syang bigla at nanlalaki ang mga mata nya sa gulat.😳

Sabi ko na effective  eh.

" Nakakainis ka naman beh, halikan mo na ang lasing wag lang ang puyat na natutulog! " inis na sabi nya na nagpatawa naman sa akin ng husto.

" Hahaha😊. Saan naman galing yang kasabihan na yan babe? bago ah.Tara pasok na tayo sa loob dun mo na ituloy yang tulog mo sa room ko." nang~aasar kong turan.

" Ano kamo,room mo? " nayayamot na tanong nya.

" Ah room ko ba nasabi ko?Ikaw naman nagkamali lang ako high blood ka naman agad.Tara na kasi." nakangisi ko pang saad.

" Ayoko nga! Gusto ko buhatin mo ako." malambing na saad nya.

Tumalikod naman ako agad at dahan~dahan syang sumampa sa likod ko.Inilagay nya ang mga braso nya sa mga balikat ko at ikinawit ang mga binti nya sa bewang ko.

Ganito to maglambing, syempre hindi ko naman mahindian kahit pa medyo mabigat na sya ngayon kumpara noon.Ang sarap kaya sa feeling na ganitong nakadikit sya sa akin.

Nagulat pa kaming pareho nang makapasok na kami sa may sala.May kausap si mama na dalawang babae.Si Marga na kinakapatid ni kuya at ang pinsan nya na si Judith.

Nagulat din sila nang makita nila kami sa ganoong ayos.Kila mama ok lang dahil sanay na sila sa mga paglalambing ni Laine sa akin na tulad nito.Pero pag may ibang tao sa paligid, ayaw ni Laine yun.Kaya mabilis na bumaba sya sa likod ko at lumapit kay mama para magmano.

Nagmano na rin ako kay mama.Sinabi nya na ako ang sadya nung dalawa kaya umupo muna ako sa sofa para harapin sila.

Niyaya naman ni mama si Laine sa kusina para magmeryenda.

Nang makalabas sila ay nagtanong na ako sa dalawa kung ano ang kailangan nila.

Si Marga ang sumagot.

" Hihiramin ko sana yung ibang books mo sa Engineering  para hindi na ako bumili ngayong sem."

" Ah sige balikan mo na lang bukas kasi hahanapin ko pa kung saan nailagay." sagot ko.

Akala ko aalis na sila pagkatapos pero parang may gusto pa silang pag~usapan.

" Dito na pala sa inyo nakatira si Laine.Buti ok lang sa parents mo na magkasama kayo sa iisang bubong? "  tanong ni Judith sa tonong parang sumasagap ng tsismis.

" Ah oo, nag~usap sila ng parents ni Laine bago sila umalis. Sila papa ang nag~offer na mag~aalaga kay Laine.Syempre parang anak na nila si Laine dahil matagal na rin kami."  sagot ko.

At nang mapatingin ako kay Marga ay titig na titig sya sa akin.

Ano nangyari dito sa babaing to? iba makatingin ngayon parang may kakaiba.Sabagay dati pa sinasabi ni Wil sa akin na may gusto raw sa akin itong si Marga dahil napupuna raw nya sa mga kilos at tingin nito.Hindi ko naman napapansin o talaga lang na ayaw ko lang pansinin dahil kay Laine lang ako naka~sentro.

" Ok lang ba naman sayo na nandito sya? Kasi alam mo na, hindi maiiwasan na pag~usapan kayo, hindi pa naman kayo kasal nagsasama na kayo sa isang bubong." saad pa uli ni Judith kaya napadako muli sa kanya ang tingin ko.

Parang nainis naman ako bigla sa tinatakbo ng usapan namin.Ano ang karapatan nilang magsalita ng ganun?  Wala kaming ginagawang masama ni Laine at ang lahat ng nangyayari sa pagitan namin ay with parent's consent.Sabagay wala silang alam sa tunay na estado namin ni Laine.

I heaved a sigh.Kalma lang Nhel kalma.

" Alam nyo kung ano man ang sitwasyon namin ni Laine ngayon, ang mga magulang namin ang nag~usap tungkol dyan.At wala akong pakialam sa sasabihin ng iba dahil wala naman kaming ginagawang masama, mahal ko sya kaya nirerespeto ko sya." sagot ko sa kanila sa medyo naasar na tono.

Parang napamaang naman si Judith  sa sinabi ko kaya si Marga ang nagsalita para magpaalam na.

" Ah eh Nhel sige aalis na kami,bukas na lang kami babalik para dun sa books.Pasensya kana."

Tumango lang ako at tumayo na.Iginiya ko sila papunta sa pinto at ng nasa may pintuan na kami ay bahagyang napayakap si Marga sa may tagiliran ko dahil naitulak sya ni Judith na nadulas sa doormat.Sakto naman na parating si Laine mula sa kusina na may dalang pagkain.

Mabilis na inalis ni Marga ang pagkakayakap nya sa akin at tumingin kay Laine na pokerface  naman na nakatingin lang sa amin.

Pagkaalis nung dalawa ay tumabi ako kay Laine na nakaupo na sa sofa.Inabot nya sa akin ang pagkain nyang dala.

" Sorry about that." sabi ko na ang tinutukoy ay yung pagkakaakap ni Marga sa akin.

" Yeah, it's ok.I saw it." balewala nyang saad.

" You saw what? " tanong ko.

" That's intentionally! Tinulak ni Judith si Marga papunta sayo kaya yumakap, kunwari nadulas sya.Hindi nila napansin na parating ako." sabi nya.

I heaved a sigh.Ano na naman ba ito?  Mayroon na naman ba na eeksena sa love story namin ni Laine? Parang kinakabahan yata ako ah.

" Beh kumain kana.Alam ko kung ano ang iniisip mo.Don't  worry they won't  succeed, we are much stronger than before, right? Maging alert lang tayo. Dati ko pa alam na may something yan si Marga sayo. Naririnig ko na sa mga schoolmate namin dati nung high school kami kapag sinusundo mo ako nun."

I heaved a heavy sigh again.Lumapit ako kay Laine at niyakap sya ng mahigpit.Hindi ko alam kung bakit parang nakakaramdam ako ng takot.

Kung ano ang dahilan?

Hindi ko alam.

Hala mukhang may manggugulo na naman sa relasyon ng ating mga bida. Abangan!

Thanks for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter