webnovel

Change

Laine's Point of View

THE only permanent thing in this world is change.Akala mo yung mga bagay na kahit pinoprotektahan mo para lang manatili sayo, ay hindi rin sigurado na hindi magbabago gaano mo man ito ingatan.

Sa isang relasyon, hindi sapat na mahal nyo lang ang isat-isa.Kailangan din maging matatag ka dahil ang pakikipag-relasyon ay laging may kaakibat na pagtitiis, sakripisyo at pagdurusa.

Sa batang edad ay nagmahal kami ni Nhel ng seryoso.Ang magandang simula namin ay hindi naging garantiya ng magandang pagtatapos.

Nagdesisyon kami na magpakasal ng lihim para maprotektahan ang relasyon namin pero isang masakit na pangyayari ang naging resulta.

Mahirap mabuhay kapag wala na ang isang tao na nakasanayan mo na nasa tabi mo palagi.Karamay mo sa lungkot at saya. Alam ang mga flaws at weaknesses mo.

Mahirap magpaalam sa taong mahal mo.Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang buhay ko na wala na sya sa tabi ko.Alam ko mahihirapan ako pero dahil sa labis na pagmamahal ko sa kanya ay titiisin ko, magpaparaya ako.

HINDI naging madali ang mga sumunod na araw na hindi ko na sya kasama.Madalas sa aking pag-iisa naiisip ko yung mga maliligayang araw namin, nung wala pang Marga sa pagitan namin.

Namuo ang luha sa aking mga mata ng bumuhos muli ang mga alaala ng nakaraan.

FLASHBACK :

" Nhel, do you really love me? umpisa ko na kinakabahan.

" Of course Laine, I love you so much, sobra pa sa sobra." mabilis nyang sagot.

" At our age, kaya mo na ba talagang mag handle ng relationship?

" Wait a minute, bakit mo ako tinatanong ng ganyan? Huwag mong sabihing sasagutin mo na ako ngayon, baka mabulabog ko ang lahat ng rebulto dito pag nagkataon."

" Teka lang, wag kang atat sagutin mo muna yung tanong ko kanina."

" Of course Laine, pag nagmamahal ka meaning kaya mo ring panghawakan at protektahan kung ano yung meron kayo.Maaring bata pa tayo pero maagang ipinaramdam sa akin ito, siguro kaya ko ring I- handle ng mabuti ito lalo na kung ikaw yung katuwang ko."

Napangiti ako sa sinabi nya." If ever na maging tayo can you promise me na hindi ako iiyak at masasaktan.?

" Hindi ko maipapangako na hindi ka iiyak at masasaktan dahil kasama yon pag nagmahal ka, hindi ko yun kontrolado.Ang maipapangako ko lang sayo ay mahalin ka,alagaan,irespeto at protektahan.Yun ang kaya kong ibigay sayo ng buong-buo hanggang sa ating pagtanda." sabi nya.

Ang sarap lang alalahanin yung mga pangako nya, kahit bata pa kami noon kitang-kita ko sa kanya ang pagmamahal na iniuukol nya sa akin.Ginawa nya akong sentro ng buhay nya o mas tamang sabihin, ako ang buhay nya.Ganoon din naman sya, sya ang lahat-lahat sa akin kaya naman ngayong wala na sya para akong ibon na naputulan ng pakpak.

Hindi ko makakalimutan kailanman yung araw na mag-propose sya sa akin, yun ang pinaka memorable na araw ng buhay ko dahil yun din yung araw ng debut ko.

" Beh I don't really understand.Please tell me what's going on."

He heaved a deep sigh bago muling nagsalita.

" Ok babe ang daddy mo na ang mag-eexplain lahat sayo but right now I am proposing for an engagement.I want us to be engaged and I'm going to marry you right after you graduated from college.Pumayag na sila at sagot mo na lang ang hinihintay ko."wala ng preno nyang sambit.

Hindi ako makakibo sa pagkabigla.Ngayon ang araw na nag-debut ako at ngayon na rin ako mae-engage sa kanya.Kahit alam ko naman na dito kami papunta ni Nhel at siya na talaga ang gusto kong makasama sa future ko, iba pa rin talaga yung feeling kapag ganito na nagpo-propose sayo.At hindi ko ine-expect talaga na ganito kaaga, I mean, I just turned 18 for Pete's sake.I'm sure there's a reason behind this.Hindi ko na muna aalamin yung rason dahil ayokong masira tong moment namin.

Dahil hindi pa rin ako kumikibo at shock na nakatingin lang sa kanya.

Tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit sa akin.May kinuha sya sa bulsa nya na isang pulang kahita na nahulaan ko na ang laman.

Binuksan nya ito at tumambad sa akin ang isang gold engagement ring na may maliit na dyamante sa gitna.

Lumuhod sya sa harap ko at nagsalita habang hawak ang box na may singsing.

" Alyanna Maine will you make me the happiest man in the world? Will you be my wife? Will you marry me after your graduation?"

Tumayo muna ako at lumuhod din ako sa harap nya para mapantayan sya.Umiiyak na ako ng sumagot ako.

" Yes! Nielsen Emmanuel.I am more than willing and very pleased to be your wife."

Pinunasan muna nya ang luha ko bago nya isinuot sa akin ang singsing.

" Glad it fits." then he kissed my hand.

Umiiyak ako habang pinagmamasdan ko ang engagement ring na isinuot nya sa daliri ko pati na rin ang wedding ring namin.Marahan kong tinanggal sa mga daliri ko ang mga singsing at itinago.Nangako kami sa isat-isa na hindi namin tatanggalin ang mga singsing namin sa mga daliri namin. P

ero ngayon wala ng dahilan para isuot ko pa ang mga ito.

Magpapaalam muna ako sa kahapon at pipilitin kong lumimot.Durog na durog ako at hindi ko alam kung paano ko sisimulang buoin muli ang sarili ko.

Aalis muna ako.Lalayo para gamutin ang sugat sa puso ko at kapag naghilom na ay saka ako babalik para kunin muli ang kung ano ang nararapat sa akin.

Bitbit ang mga bagahe, lumabas na ako ng bahay namin ni Nhel.Ikinandado ko ang lahat ng bintana at pinto.Lumabas ako ng gate at ni-lock ko rin yon.Kasabay ng pagsasara ng yugto ng aming nakaraan.

At sa huling pagkakataon ay pinagmasdan kong muli ang aming bahay.Ang bahay na puno ng matatamis at masasayang alaala.

I heaved a sigh.Siguro hanggang dito na lang muna kami.

Pangako beh babalik ako. Tutuparin ko ang pangako ko sayo,sana tumupad ka rin sa pangako mo.

Hintayin mo ako.Babalik ako.

                          

                        

                     

Ito po yung ending ng volume 1.Yung next chapter po ay huwag nyong pagtakhan dahil iba na ang timeline nya. Kumbaga para syang book 2.Dito nyo po malalaman kung ano ang nangyari kay Nhel at Laine after ilang years na nakalipas. Medyo matured na po ang tema ng volume 2.

Thank you for supporting this story.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter