webnovel

Broken Hearted Me

Laine's Point of View

I was so shocked when I saw Nhel kissing Marga on the cheeks then hugged her tight.

My heart ached as if it was pricked by a needle, stroked by a hammer and cut into pieces by a sharp knife.At the sight of them, my heart feels like it was being squeezed by an invisible hand.

Hindi ako makakilos para umalis sa may bintana. Para akong masokista na pinapanood ang paglalambingan ng dalawa na ngayon ay magkatabi ng nakasakay sa duyan, kahit ang sakit-sakit na ng puso ko at ang isip ko naman ay gulong-gulo kung bakit nagawa ni Nhel sa akin ang ganitong kataksilan.

What have I done to be deceived like this?

Ano ang dahilan nya? Wala lang ba syang magawa dahil sa naging kalagayan nya? At dahil wala syang magawa kaya sinasakyan na lang nya ang pagkahumaling ni Marga sa kanya? Pero iba ngayon eh, parang totoo yung nakikita kong paglalambing nya dito at yun ang dumudurog sa puso ko ngayon.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa tindi ng pagkamuhi nya kay Marga ay kabaligtaran ang nakikita ko ngayon.Ano ang gusto nyang gawin? May balak ba sya? Huwag nyang idahilan sa akin na na-developed na sya kay Marga sa loob ng isang buwan na magkasama sila. I won't buy it dahil sa loob ng limang taon nilang mag-asawa noon, hindi kailanman sya naging ganyan kay Marga. Milya-milya ang layo namin nun sa isat-isa pero ni minsan hindi natinag nun ang pag-ibig nya sa akin. Kaya ano ang nangyayari ngayon sa kanya?

Naguguluhan ako at nasasaktan sa nasasaksihan ko ngayon sa harapan ko pero patuloy lang ako sa panonood ko sa kanila hanggang sa tumayo na sila mula sa duyan. Lalong nadurog ang puso ko ng makita kong buhatin ni Nhel si Marga, bridal style at nagtatawanan pa sila habang pumapasok sa loob ng bahay. At ng maisip ko ang susunod na maari nilang gawin pagpasok ng bahay ay napaluha na ako ng tuluyan. Hanggang sa naging hagulgol na.

Nataranta naman ang kasama kong si Dylan ng marinig ang pag-iyak ko.

" Ma'am tahan na po, ang mabuti pa bumalik na po tayo sa bahay." untag nya sa akin at nagpatiuna ng maglakad palabas at nakasunod naman ako sa kanyang likuran.

Nagulat din si Frost ng makitang umiiyak ako pagdating namin ni Dylan sa bahay.

" Ma'am ano po ang nangyari?" nag-aalalang tanong nya.

" I'm so broken hearted Frost. I felt like cheated.Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa kanya. Kung naniniwala lang ako sa gayuma iisipin ko ginayuma ni Marga ang asawa ko kaya ganon sya ngayon." turan ko habang umiiyak. Hirap na hirap pa rin ang kalooban ko sa nakita ko kanina.

" Ano ma'am, gusto mo kunin na namin bukas ni Dylan si sir Nhel dun sa bahay na tinutuluyan nila pagkaalis nung Marga?" tanong ni Frost.

" No, huwag ganun! Mag-iinvestigate pa muna ako, kailangan malaman ko muna kung bakit nagkakaganoon si Nhel. Gusto kong malaman mula sa kanya kung bakit ganoon ang ginagawa nya towards Marga. Kung talagang nagkakaigihan na sila, maybe I should give him up kahit masakit. Mahirap lumaban kung bumitaw na sayo yung taong ipinaglalaban mo.Huwag muna kayong magre-report kay dad, tatawagan ko na lang sya mamaya. Ayokong mag-alala sila sa akin." malungkot kong turan at tinalikuran na sila para pumasok na sa silid na nakalaan sa akin. Ramdam ko sa mga tingin nila na naaawa sila sa akin.

Pagdating ko ng silid ay tinawagan ko na kaagad si daddy. Sinabi ko na maayos kaming nakarating at maganda ang bahay na tinutuluyan namin. Tinanong nya kung nagkita na raw ba kami ni Nhel, sinabi ko na lang na hindi pa para hindi na lang sya magtanong pa. Ayaw kong banggitin sa kanya ang mga nakita ko dahil kahit naman ganon ang ginawa ni Nhel ay ayokong masira sya sa pamilya ko. At isa pa hindi ko pa naman nakukumpirma kung ano ang katotohanan sa likod ng mga nasaksihan ko. Kailangan magkaharap muna kami at sabihin nya sa akin ng harapan kung may namamagitan na nga sa kanila ni Marga. Magiging considerate pa rin naman ako and still give him the benefit of the doubt.

KINABUKASAN maaga akong nagpaalam sa dalawang kasama ko upang magpunta sa bakanteng bahay. Pagkakain namin ng almusal ay tumulong muna ako sa pagliligpit tapos lumabas na ako. Hinabol ako nung dalawa at sumama.

" Ma'am makikipagkita ka na ba o sasaktan mo lang uli ang sarili mo?" tanong ni Frost habang papunta kami sa bakanteng bahay. Nagsuot ako ng jacket na may hood at jogging pants para hindi ako makilala kung sakali ni Marga.

" Naisip ko na kagabi yan. Pagkaalis ni Marga lalapitan ko na si Nhel para magkaalaman na." sagot ko.

Umakyat na kami dun sa bahay. Pumwesto ang dalawa dun sa kabilang bintana kung saan tanaw ang kalsada at ako naman sa dating pwesto ko kahapon.

Ilang minuto pa ang lumipas ng mamataan kong bumukas ang pinto nung tinutuluyang bahay nila Nhel. Lumabas mula roon si Marga na nakasuot ng simpleng floral dress at wedge shoes.Kasunod nyang lumabas si Nhel na naka-shorts at puting t-shirt.Bumaba sila ng bahay at inihatid nya ito sa nakahimpil nitong sasakyan. Bago sumakay si Marga ay nakita kong hinila nya si Nhel sa batok palapit sa kanya at siniil ito ng halik sa labi.Tila nagulat naman ang asawa ko sa ginawa ni Marga pero bumitaw naman kaagad si Marga sa paghalik nya kay Nhel at nagmamadali ng sumakay sa kotse nya.

Nang makaalis si Marga ay tumalikod na si Nhel at tumungo na naman sa duyan. Humiga sya doon gaya nung kahapon na nakita ko sya.

Pinagsawa ko ang sarili ko sa pagmamasid sa kanya. Kahit na nakakaramdam ako ng matinding kirot sa puso ko kapag nakikita ko sya,hindi ko maikakaila na mas nananaig ang labis na pag-ibig ko sa kanya kaysa sa sama ng loob dahil sa nakita kong eksena nila kahapon ni Marga.

Siguro kahit ano pa ang gawin ni Nhel para masaktan ako ay hindi magkakaroon ng puwang ang galit o pagkamuhi sa puso ko para sa kanya. Lagi itong nakahanda na patawarin sya.

Sabagay ito pa lang naman ang unang  beses na nasaktan ako na sya ang may gawa.Kadalasan ibang tao ang gumagawa non para lang masira kami.At dahil ito ang unang beses, sobrang sakit ang naramdaman ko at talagang lumuha ako kagabi ng husto.

Pinahid ko muna ang luha sa aking mga mata bago ako nagpasyang lumabas ng bahay para puntahan si Nhel sa kabila. Nang akmang lalabas na ako ng pinto ay pinigilan ako ni Dylan.

" Ma'am Laine sandali! Bumalik yung sasakyan ni Marga." sambit nya kaya napabalik ako sa pwesto ko kanina sa may bintana.

Nakita kong umibis si Marga at nagmamadaling tinawag si Nhel ng mamataan nya ito sa duyan.

" Beh!" namangha ako sa binanggit nyang tawag kay Nhel.

" Oh babe bakit bumalik ka?" mas lalo akong namangha sa endearment na binanggit nya kay Marga.

Beh? Babe? Amin yun eh.Kami yun.

Mas lalo akong naguluhan sa narinig ko sa kanila. Bakit ganun ang tawagan nila? Anong nangyari at pumayag si Nhel na ganun ang term of endearment nila? Gayung sa aming dalawa eh sya itong nagbawal na wala daw ibang tatawag na babe sa akin kundi sya lang at wala rin syang pahihintulutan na tawagin syang beh kundi ako lang.

Naguguluhan na talaga ako. Kailangang magkausap na kami ngayon din.

It's now or never.

Sumilip akong muli sa bintana at nakita ko na naghihintay si Marga kay Nhel sa labas. Nakatayo lang sya sa may pinto ng kotse nya.

Muli kong namataan na lumabas si Nhel na dala na yung cellphone na nakalimutan ni Marga. Humalik pa sa pisngi nya si Marga ng abutin ang cellphone mula sa kanya saka nagmamadaling sumakay ng kotse at umalis.

Ilang minuto pa ang dumaan ng marinig ko si Frost na nagsalita.

" Ma'am clear na, pwede nyo na syang puntahan." nang marinig ko yun ay nagmamadali na akong lumabas para pumunta na sa kabilang bahay.

Kinakabahan ako habang papalapit na ako sa bahay na tinutuluyan ni Nhel. Namataan ko syang nakaupo sa may terrace, nagbabasa ng newspaper.

Nang maramdaman nyang may tao sa paligid ay awtomatikong tumingin sya sa labas at nagtama ang aming paningin.

" N-nhel!" parang may bikig sa aking lalamunan ng tawagin ko sya. Nagbabadya na naman kasing bumagsak ang luha ko na pinipigilan ko lang.

May pagtataka sa itsura nya ng marinig nyang tinawag ko sya. Nakatingin lang sya sa akin na parang kinikilala nya ako.

" Nhel bakit hindi kana umuwi sa atin? Ano ba ang nangyari sayo? Bakit kasama mo si Marga?" sunod-sunod na tanong ko.

Lumapit na sya ng tuluyan na hindi inaalis ang tingin sa akin.

Ngunit parang may bombang sumabog sa harap ko ng marinig ko ang sinabi nya.

" Sino ka? Bakit mo ako kilala?"

OMG! Ano sa tingin nyo ang nangyari kay Nhel?

AIGENMARIEcreators' thoughts