webnovel

Alone Time

Nhel's Point of View

MEDYO nagulat ako nang bawiin ni Laine ang mga labi nya.Sinubukan kong dumilat, kasi naman feel na feel ko pa eh.Ito ang isa sa mga bagay na hindi ko pagsasawaang gawin, ang i-kiss si Laine.I'm very much addicted to her breath and of course to her kissable red lips.Everytime we kiss, I can't think straight,I'm halfway crazy, kaya naman hindi ko napigilan ang lumabas sa bibig ko.

" Babe, I want you." no that's not really what I want to say.

" WHAT?!" ayan sabi na magugulat ng husto yang babe ko eh.

" No, it's not what you think, I mean I want you here beside me." whew! lumusot sana.

" Gosh! Nielsen you're making me insane.My God kung seryoso ka dun hindi ka nakakatuwa." seryosong sabi nya.

" Sorry, hindi talaga yun, besides I respect you and we have a deal,di ba kailangan pareho tayong virgin pag nag church wedding tayo? So, slip of the tongue lang talaga, na carried away lang ako." paliwanag ko.

" Lilinawin mo kasi, kinabahan ako dun ah..lika na nga dito sa duyan magbilang na lang tayo ng stars."

pagyaya nya sabay hila sa akin pahiga sa duyan.

Yun nga nakahiga lang kami habang nag-uusap tungkol sa mga plano namin.Nakayakap lang ako sa kanya at nakaunan sya sa mga braso ko.Ganun lang ang gusto kong moment naming dalawa.Holding hands at nagbubulungan ng sweet nothings, panaka-nakang hinahalikan ko sya sa pisngi, sa noo at sa lips, medyo nagtatagal ako ng konti dun at tinutugon naman nya.Ganun lang kami paulit-ulit lang, baka nga maga na ang mga nguso namin pag-uwi nya, tinotoo ko lang yung sinabi ko kanina.Kung pwede nga lang na all night eh... one of these days na lang siguro.hehe..perv na naman yata ako.

Hindi naman, gusto ko lang sulitin yung mga araw na hindi pa busy si Laine.Two days from now, alam kong magiging busy na naman sya dahil sa pageant, medyo mahaba yun at siguradong magkasama nga kami pero wala na namang kami lang dalawa talaga kundi sya, ako at sila.

Haay, bakit ba kasi ang ganda-ganda mo Laine hindi tuloy kita masolo, pero kahit ganon proud naman ako sa mga nagagawa mo at ako ang number one fan mo.

" A penny for your thoughts.Share naman oh." si Laine kanina pa pala ako pinagmamasdan.

" Wala naisip ko lang na sulitin ko yung dalawang natitirang araw na hindi ka pa busy.Starting on Monday puro pageant na ang uubos sa oras mo.Wala na naman tayong alone time." sabi ko.

" So what's your plan for the remaining two days?" tanong nya.

" Hindi ko pa alam.Pwede bang titigan na lang kita mula umaga hanggang gabi? O kaya ganito na lang, dito tayo sa duyan na ito from morning till night, yung walang kain at ligo. Uhm, what else? sagot ko na nakangisi.

" Para kang sira beh! Baka isipin nila may topak na tayong dalawa, hahaha..wala ka ba maisip na mas matino dyan? naiiling na sabi nya.

" Hindi pa ba matino yun? Being with you is the right thing I can do..the best thing for me to do." sabi ko sa kanya.

" Seriously, ano nga? Can I suggest?" she asked.

" Yeah, of course.What do you have in mind? tanong ko.

" Movie marathon na lang tayo.May mga collection si mommy ng mga movies on compact disc hindi ko pa na- try, wanna try it? suggestion nya.

" Sounds great.Sige,tomorrow movie marathon tayo." pagpayag ko.

" Ok! Hatid mo na ako it's getting late na." pagyaya nya.

" Ok po Ms.Guererro soon to be Mrs.Mercado." I said and wink at her.

" Well, sounds good.I like it beh to the highest level.haha." tumatawang sabi nya.

Tinulungan ko syang bumangon sa duyan at nagulat pa sya ng bigla ko syang hilahin pasandal sa akin at mabilis na inabot ang mga labi nyang napanganga sa gulat.Sinamantala ko yon para masakop ko ng buong-buo ang mabango nyang bibig.The kiss lasted for I don't know how long.All I know is, breaking the record ito sa lahat ng pinagsaluhan na namin.Kinukurot na nga nya ako sa tagiliran dahil hindi na sya halos makahinga pero hindi ko sya pinapansin, ayoko syang bitawan.

Nakaka-addict talaga syang halikan at sa lahat ng addiction, ito ang hindi ko ipapa-rehab.

Naramdaman kong parang nanghihina na sya kaya tumigil na rin ako.

Hinampas nya ako sa dibdib.

" Grabe ka naman beh, papatayin mo ba ako.Hindi ako halos nakahinga dun.Breaking all the records yun ah." sabi nya na hinihingal pa.

Nakatingin lang ako sa kanya ng may pigil na ngiti at kinakagat-kagat ko pa ng bahagya ang mga labi ko.

" Heh! Nagpapa-cute kana naman dyan.Tigilan mo na ako baka maging ka-nguso ko na nyan si Diego." mataray na sabi nya.

" Hahaha..Tara na nga! Wag naman si Diego babe, Angelina Jolie pwede pa." tumatawang sabi ko sabay yakap sa kanya.

" Mahal na mahal kita babe." bulong ko sa kanya.

" Ihhhh.ang sweet kinikilig ako pag tagalog.Mahal na mahal din kita Mr.Nielsen Emmanuel Mercado." buong paglalambing na sabi nya.

" Ok! Alyanna Maine Guererro - MERCADO."

" Hahaha!" sabay pa kaming tumawa habang papasok sa bahay namin.

Ang haharot ng mga batang ito... haha.

Thanks again for reading.

AIGENMARIEcreators' thoughts
Next chapter