webnovel

I Become The Villainess Of My Own Story

Isa siyang babaeng manunulat na kahit isa ay wala pang natatapos na nobela. Hanggang isang araw, dahil sa determinasyon nyang makatapos nang isang nobela, magdamag siyang gumawa at pagkagising niya kina-umagahan, naging Villain na siya sa istoryang ginawa niya!

blveoxeann · Fantasy
Not enough ratings
4 Chs

Chapter 1

It's been week mula nung mapunta si Dam sa estoryang sinusulat niya bilang si Cassandra Daniel, ang villain. At ngayon, nasa loob lang siya ng kwarto at nakatingin sa labas ng mansyon. Sa loob nang isang linggo, hindi siya lumalabas ng kwarto niya. Nag-iisip rin siya kung anong mangyayari sa kanya.

Habang nakatingin siya sa labas, may nakita naman siyang isang malaking hukbo na papasok ng mansyon at doon niya napagtanto na ito ang unang yugto ng nobelang sinusulat niya. At ang mga hukbong iyon ay mga kasamahan ng kapatid niyang si Wyn Maro Daniel.

Nakatingin lang siya sa papasok na hukbo habang iniisip kong ano bang eksena ang nasa yugtong ito. Kung anong gagawin niya.

Pumasok naman si Emily sa kwarto niya at wala itong dalang pagkain. Bakit kaya?

"Good Morning Miss. Ang sabi ni Duke ay sa dining ka daw kumain" ani ni Emily sa kanya.

Tumango naman si Dam at inayos ang sarili bago lumabas ng mansyon. At dahil kakalabas lang niya ng kwarto niya, namangha siya sa ganda ng mansyon. Hindi niya aakalaing makakapasok siya sa ganito kalaking bahay.

Pumasok naman siya sa dining at doon, nakita niya ang isang matandang lalaki at isang lalaking nasa 20+.

'That must be the Duke and Wyn Maro', aniya ni Dam sa isip niya.

"Good Morning Duke, Young Master" bati ni Dam sa dalawa.

"Good Morning too, Cassandra" bati din sa kanya nang duke pero si Wyn ay tinignan lang siya.

Lumakad na siya papunta sa dining table at umupo sa may kanan ng duke.

'Now, what should I do? '

"Let us eat" aniya ng duke at nagsimula na silang kumain.

Habang nakatingin si Dam sa mga pagkaing nakahain sa mesa, parang gusto niyang kainin lahat kasi mukhang masasarap pero syempre, hindi niya iyon ginawa. Ayaw niyang madumihan ang image ni Cassandra.

Matapos nilang kumain ay nagpaalam na si Dam sa Duke at kay Wyn saka umalis.

Nang makaalis na si Cassandra, doon ay napabuntong-hininga si Wyn. Nagbago kasi ito. Kung noon, kapag kumakain sila, halos lahat ng pagkain ay kinakain nito pero ngayon, hindi na. Wala din itong ka-manners manners pero ngayon, meron na.

"Father, did something happen to Cassandra? " tanong niya sa ama.

"Cassandra? Nothing happen. Why? "

"No. It's nothing" sabi niya saka nagpaalam sa ama.

Nasa loob na ng kwarto si Dam at sinusulat ang mga tauhan ng nobela niya.

Una niyang sinulat ang female mc at yun ay si Abigail Shayne Alsenko, isang maganda at mabait na babae. Ang nag-iisang anak ng mga Alsenko.

Sunod, ang isa sa mga lalaking tauhan. Si Lin Jasper Hamen. Isang anak ng mayaman at bata ang pag-iisip. Sa edad nito, mukha siyang baliw or what.

Pangalawa, si Wyn Maro Daniel. Ang nag-iisang kapatid ni Cassandra pero sa ama. Si Cassandra kasi ay anak ng babaeng nabuntis ng Duke that means, anak si Cassandra ng mistress ng Duke kaya hindi siya gusto ni Wyn. Si Wyn rin ay isang babaero at lahat nalang ng babaeng nakikita nito ay inaakit niya. Pero nang makilala niya si Abigail, nag-iba.

Pangatlo, si Neo Francis. Isang kaibigan ni Wyn pero hindi babaero. Isang genius kamo. Maraming babae ang naakit pero ni isa nito ay wala siyang nagustuhan hanggang sa makilala niya si Abigail.

Pang-apat at panghuli sa listahan. Si Rye Brandon Markis, ang crown prince. Cold at hindi niya pinapansin ang mga nasa paligid niya hanggang sa makilala si Abigail, nag-iba. Parang na love at first sight siya nung araw ng kaarawan ng hari at 5 days na muls ngayon!

Malakas niyang sinara ang notebook niya saka napatayo. Napatalon naman sa gulat si Emily dahil doon.

"Emily, nasaan si Duke ngayon? " agaran niyang tanong kay Emily.

"N-nasa opisina niya Miss" sagot naman ni Emily kaya agad namang pumunta doon si Dam.

Sa naalala niya, 5 days before the party ay naghatid na ng mga invitation ang mga mailman ng kaharian. At sa naalala niya ay hindi nakasama si Cassandra dahil nga ay ayaw nilang mapahiya.

Nang makarating na siya harapan ng pintuan ng opisina ng Duke, kumatok siya. Ilang minuto rin siyang naghanap sa opisina dahil sa sobrang laki ng mansyon.

"Come in"

Pumasok naman siya sa loob ng opisina ng duke at hindi man lang siya nito pinansin.

"Sorry if I interrupt you, duke" ang unang lumabas sa bibig ni Dam. Duke ang tawag ni Cassandra sa ama niya dahil hindi naman siya tinuturing nito na anak.

Napatigil naman ang Duke sa ginagawa nito at tumingin kay Dam/Cassandra.

"Cassandra. Anong kailangan mo? " tanong ni Duke kay Dam/Cassandra.

"Duke, please isama niyo ako" sabi ni Dam/Cassandra saka lumuhod.

Dahil sa gulat, napatayo ang duke.

"Why are you kneeling Cassandra?? " gulat na tanong ni Duke kay Dam/Cassandra.

"Please duke... "

"What... What are you saying? "

"About the King's birthday celebration"

'How did she know it?! ', gulat na sabi ng Duke sa isip niya. Totoo ngang pupunta sila ng kaharian pero hindi niya inisip na isama si Cassandra dahil sa ugali nito.

"Ahh... "

"Please... father! "

thump-thump!

Sobrang lakas ng pintig ng puso ng duke. Kahit kailan ay hindi siya tinawag ni Cassandra na 'father'. Ang tanging tawag lang ni Cassandra sa kanya ay 'duke'. He's moved.

"Father, I'm begging you. I promise, I won't do anything reckless. Please " Dam/Cassandra begged.

"Rise" aniya ng Duke kaya tumayo naman si Dam/Cassandra. "Do you really promise you won't do anything reckless? "

"Yes father. I wouldn't do anything"

"Then, okay"

"Thank you father. I'll get going" paalam ni Dam/Cassandra bago lumabas ng opisina.

Nang makalabas na siya, nakita naman niya sa labas ang kapatid niyang naka kunot-noo.

"Hello Young Master" bati niya rito saka nilagpasan si Wyn.

Pinigilan naman ni Wyn si Dam/Cassandra kaya't napatingin si Dam/Cassandra sa kanya.

"Yes Young Master? "

Bigla nalang tumibok ng mabilis ang puso ni Wyn ng magsalita si Dam/Cassandra kaya't kaagad niya itong binitawan.

Nagpaalam naman si Dam/Cassandra sa kanya saka umalis. Napatampal naman si Wyn habang iniisip ang mukha ni Dam/Cassandra kanina.

'Why the hell am I thinking about that?! '

Kumatok naman si Wyn sa opisina ng ama niya bago pumasok.

"Greetings Father"

"Hmm... What do you need? "

"I'm just going to ask, what did Cassandra said to you? "

"Hmm.. Gusto niyang sumama sa palasyo in King's birthday celebration and I said yes" sagot nang ama niya dahilan para magulat siya.

"What?! Why did you say 'yes' father?! Don't you think what will happen kung sasama siya sa'tin?? "

"She said she won't do anything reckless "

"And you believe her father?! Why did you—"

"Silence!! " sigaw ng ama niya dahilan para matigilan si Wyn. "Wyn! She's still your sister! Why can't you believe her once?! "

Padabog na umalis si Wyn sa opisina nang ama at pumunta sa training site habang si Dam/Cassandra naman ay nasa loob na naman ng kanyang kwarto at nag-iisip ng paraan para hindi magkita ang crown prince at si Abigail.

'Wow. Kilig na kilig ako nung una nilang pagkikita and now, babaguhin ko para mabago ang buhay ng Villain. Haha... -_-'

Patalon na humiga si Dam/Cassandra saka ipinikit ang mga mata niya.

'Mabuti pang matulog muna para marami akong ma-isip pagkagising ko'