webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urban
Not enough ratings
129 Chs

Rest In Peace Mahal ko

Namilog ang mata ni Sandra sa tinuran ng babae. Kung titingnan ay hindi nalalayo ang edad nito Kay Manang Doray. Pero halata na banat ang mga buto nito dahil sa maganda nitong tindig at maliksing pagkilos. Malakas din ito dahil hindi niya magawang iwasiwas amg kamay nito nang hinawakan siya nito kanina.

" Nakikilala mo ba ang kaharap mo? kilala mo ba kung sino ako??" taas kilay na tanong ni Sandra kay Sheryl.

" Popular ka kaya sino ba ang hindi makakakilala sayo?.. " Kalmadong sagot ni Sheryl.

Napangiti si Sandra sa sagot nito. Marahil ay alam na nito kung gaano kalakas ang impluwensiya ng kanyang pamilya at sapat na yon para hindi na ito humarang sa kanyang daan. Ngunit nagkakamali siya.

" Maempluwensiya ang pamilya mo kaya nagawa nilang itago ang mental disorder mo. Dalawang beses kang nadala sa mental. Una noong desisais ka pa lang. At pangalawa ay noong dalampong taong gulang ka. Nagawa ka nilang pasikatin at magkaroon ng pangalan. At takpan ang baho ng inyong angkan. Ngayon kung inaakala mo na matitinag ako sa impliwensiyang sinasabi mo, baka dito sa ibidensiyang hawak ko ay sapat na para mabura ang mga ilusyon mo." ipinakita nito ang hawak na cellphone. Nagpi-play ang video na ikinagulat niya.

Papanong magkaroon siya ng kopya ng video na yon kuha yon sa CCTV sa kanyang bakuran? Sa video na yon ay nakita kung papano niya pinatay ang lalaking una niyang kinabaliwan.

Nagbukas ang pinto ng kanyang bahay sa isang ekslusibong subdibisyon. Malalayo ang agwat ng mga bahay doon at matataas ang bakod kaya payapa at kahit na magsisigaw ka ay hindi ka mag-aalala na makakabulahaw sa kapit bahay. Kahit pa magpatayan ang nasa loob ng isang tahanan ay hindi malalaman ng kapitbahay. Maliban nalang kung ang ginamit ay baril. Pero kahit pa may makarinig ng putukan ay walang makikialam at mag uusisa. Dahil sa lugar na iyon ay kanya-kanya at walang pakealaman.

Sinalubong ni Sandra ng may matamis na ngiti ang nobyo. Nakatayo siya sa pintuan, sa loob, at ang nobyo niya naman ay nasa labas lang din ng pinto. Magkaharap sila. Umangkla ang mga braso niya sa leeg nito at hinigit itong papalapit. Hinalikan ito sa labi at niyakap ng mahigpit.

" Mahal na mahal kita. Ayoko na maghiwalay tayo Sandy." ani ng matipunong lalaki na lumuluha habang mahigpit din ang pagkakahapit sa kanyang bewang. Ang lalaking ito ay may magandang pares ng mata, medyo singkit at kulay brown, saktong tangos ng ilong at maliit an manipis na labi. Maganda ang tindig at kahit na nakasuot ito ng damit ay maaaninag mo na ang masel nito sa bandang tiyan ay perpekto ang pagkakahubog. Ang tipo nito ay tinitilian ng kababaehan. At marami din talagang babae ang nagkakandarapa dito.

Katulad ni Jason ay suplado ito, palaging seryoso, matalino at gwapo. Naging karelasyon niya ito at naging tagapag painit ng kanyang kama. Masaya siya na para itong asong sunod nang sunod sa kanya. Noon. Pero nang tumagal ay naiirita na siya. Bagamat mabuting tao ito, mabuting nobyo, ay hindi na ni Sandra makuha ang kasiyahang nais niya. Magling ito sa kama pero tila nakukulangan na siya. O marahil ay nagsasawa na. Lalo nang makita niya si Jason ay naramdamdaman niya na tuluyan na siyang nawalan ng amor dito. Makita lamang ito ay naiirita na siya. Kaya naman ay nakipag kalas siya dito ngunit dahil sa pagmamahal nito sa kanya ay hindi ito pumayag. Ipaglalaban niya daw ang kanyang pag-ibig at gagawin ang lahat na lalo niyang ikinainis. Nasasakal siya at napipeste na kaya naisipan niya na itong idispatsa. At pinatay niya ito sa harap mismo ng pinto ng kanyang tirahan. Habang yakap niya ito ay sinaksak niya ito sa dibdib. Sa tapat ng puso. Sa haba ng punyal na ginamit niya ay sigurado siyang sapul nito ang puso ng binata na naging sanhi ng mabilis nitong pagpanaw. Napakalas ito sa pagkakahapit sa kanyang bewang at bumulagta sa sahig. Walang salitang lumabas sa bibig. Nakatitig lamang kay Sandy na matamis pa ring nakangiti. Pinapanood nito ang nobyo habang naghahabol ng hininga at tila kandilang nauupos na. Iniangat ng lalaki ang kanyang kamay na tila humihingi ng saklolo sa kanya ngunit tinawanan niya lamang ito.

" Magpahinga ka na. Ayaw ko na sayo. Pero hindi ka din pwedeng pakinabangan ng iba. Rest in peace mahal ko. " sabi ni Sandy dito sabay dinilaan ang punyal na puno ng dugo.

Hindi na nakapagsalita pa ang lalaki nanatili itong nakatitig sa dalaga bakas sa mata nito ang pagkagulat sa kanyang inasal ngunit masyado na itong mahina para makapag salita. Hangaang sa tuluyan itong malagutan ng hininga. Pinatay ni Sandy maging ang kanyang mga katulong na nakakita ng pangyayaring iyon. Pagkatapos niyang magpatulong sa paglilibing sa nobyo, sinaksak niya din ang mga ito. Wala siyang iniwang buhay na pwedeng magpatotoo at ang mga bangkay ng mga ito ay doon niya din sa bakuran inilibing. Ilang araw ang ginugol niya para iligpit ang kalat na kanyang ginawa. Pagkatapos ay umalis siya at sinunog ang lugar.

Alam niyang may CCTV doon ngunit alam niyang sinunog niya ang kanyang bahay at abo na itong lahat bago niya ito iwan. Bakit at papano nangyaring??

" Lalaban ka pa?? Alam mong matagal nang pinaghahahanap ang mga pinatay mo ngunit dahil sa impluwensiya ng pamilya mo ay nagawa niyo itong itago. Isa kang halimaw Sandy. Pero hindi ka makakapagtago habang buhay." tanong niya sa natamemeng babae.

Alam ni Sheryl ang lahat ng ito dahil talagang kinalkal niya ang lahat ng kasiraan ni Sandra bago siya magtungo sa bahay ni Yen. Iyon ang alam pinaka mabisang sandata para itaboy ito. Nang hindi siya nadudumihan. Katulad ng asin na mabisang gamitin para alisin ang pagkakakapit ng makating higad. At wala siyang balak na bigyan ito ng pagkakataon na magkalat pa. Dahil pag wala ito ay mas magiging madali ang trabaho niya. At kabilin bilinan ni Dothy na huwag itong papayagang makalapit sa amo niya. Kaya kailangan niya itong alisin bago pa man siya mag umpisa.

Nakalabas na rin ng gate si Jason at Gerald. Nakatayo lamang ito at nanonood sa nangyayari sa kanilang harapan. Sinugod ni Sandra si Sheryl at ibinato dito ang hawak na bandehadong may lamang mainit na sabaw. Ngunit mabilis itong umilag at nabasag lamang ang malaking mangkok sa kalsada. Nasukol si Sandra. Wala siyang dalang kahit anong sandata. At masyadong malakas si Sheryl. Hindi niya kaya. Para itong amazona. Wala siyang magawa at ang tanging pagtakas na lamang ang naiisip niyang paraan para makasalba. Ngunit bago pa man niya magawa ay mabilis na nahuli ni Sheryl ang kanyang mga kamay wala siyang laban. Mahina siya. Walang laban ang ganda lang sa palakasan ng katawan. Hinigit ni Sheryl ang kanyang mga kamay papunta sa likod niya at iginapos ito. Ilang sandali ang lumipas ay dumating na ang pulisya. Tapos na siya. Kung nailabas na sa social media ang ebidensiya ay malabo na siyang isalba ng empluwensiya.

" Magandang Hapon po Sir! "tila lalaking tonong bati ni Sheryl kay Jason.

" Ako po si Sheryl, Pinapunta ni Madam Dothy para magbantay kay Yen."

Sa nakita ni Jason, ay wala na talaga siyang masabi.

" Tuloy ka."