webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urban
Not enough ratings
129 Chs

Pamasahe mo Pauwi.

" I think... you have the qualifications." sabi ni Joseph dito.

" no..." matigas na sabi ni Jason.

Nilingon siya ni Joseph nang nakakunot

"tawagan mo muna ang huling employer niya."

Napatingin din si Angeline kay Jason. Nagpipigil itong magsalita Gayunpaman ay sinunod pa rin ni Joseph ang sinabi ni Jason. Tinawagan niya pa rin ang huling employer ni Angeline..

" that Angeline was kicked because Rico told us to do so. She was black listed and no one is allowed to hire her. If you want to, you should contact your father Miguel. to comfirm" sabi ng tinig ng kausap ni Joseph.

First time niya maka encounter ng ganoon. Black listed? Napailing si Joseph. Habang dina-dial ang numero ng kanyang ama. Tinawagan niya si Miguel.

" no! let go of that bitch. Dahil sa kanya ay hindi ko pa rin nakikita ang aking apo. Si Rico mismo ang sumipa sa babaeng yan kaya natanggal yan sa RIC&SOPHIE" ani Miguel sa kabilang linya. Naunawaan naman ito ni Joseph at sumang ayon sa gusto ng ama.

Tama. Baka kung ano pa ang gawin nito kung hahayaan nilang makalapit pa sa kanila.

Pagkatapos ng usapang iyon ay ibinalik ni Joseph ang papel ni Angeline.

" I'm sorry miss but my father decline. Siya pa rin ang boss namen kaya kailangan pa rin namin sumunod. Palagay ko ay nagkamali ka ng taong binangga kaya umabot ka sa ganyang sitwasyon. Ang may ari mismo ng company mo ang sumipa sayo. Alam mo ba kung sino? "

Napanganga si Angeline. Iniisip niyang si Yen pero ayaw niyang paniwalaan iyon. Oo nakuha nito ang Villaflor at YMR pero yung RIC&Sophie? anong kinalaman niya doon? imposible.

" si Yen." walang gatol na sabat ni Jason.

Alam niyang si Rico ang gumawa noon dahil sinabi ito sa kanya ni Miguel. Alam din ni Jason na si Rico ang big boss at may ari ng RIC&Sophie. Pero tingin niya ay matututo nang lumugar si Angeline pag ganoon ang pagkaka-alam niya. Baka sakali na tuluyan na nitong lubayan sila.

Nakita niya ang pagbabago ng kulay ng mukha nito. Pakiramdam ni Jason ay tagumapay siya sa ginawa. Nais niyang matawa nang mapansin niyang nawala ang kulay ng labi nito.

" you know why RIC&Sophie? " muling sabi ni Jason na tila aliw na aliw sa reaksiyon ng babae.

" isinunod niya yon sa pangalan ng kanyang ama at sa asawa nito. Alam mo ba kung sino tatay ni Yen?? " muling tanong ni Jason.

Walang maapuhap na salita si Angeline. Hindi din siya makasagot. Hindi siya makapaniwala sa naririnig.

" si Yen ay anak ni Rico Villaflor. RIC&Sophie means Rico and Sophia Villaflor. "

Napanganga si Angeline. Talaga palang big time na tao si Yen. Hindi niya yon inakala. Hindi niya alam. Akala niya ay simpleng babae lang ito na kaya niyang imanipula pero all this time pala ay siya ang namanipula nito. Iginisa siya nito sa sarili niyang mantika. Mali siya, nagkamali siya ng binangga.

Ngayon ay narealize niya kung bakit ganon nalang ito ka-snob pag china-chat. Kung bakit parang tingin niya ay mataas ang tingin nito sa sarili. Tingin niya ay wala itong panahon at wala talaga itong balak na pansinin siya. Ang tingin siguro nito sa kanya ay langaw na umaaligid sa nabubulok na basura. Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Pero alam niyang naapektuhan ito. Heto nga at naghiwalay sila ni Jason. Tapos hindi siya apektado? Heto nga at nablacklist siya, ibig sabihin lamang noon ay apektado din ito. Pero naghiwalay nga kaya ito.

" alam mo na? Don't judge the book by its cover. Siguro naman ay titigil ka na sa pampi-peste sa amin. Kung inakala mong wala akong alam sa balak mo nagkakamali ka. Recorded sa CCTV ang mga araw at oras na nagmamanman ka sa aming munting tanggapan." sabi ni Jason dito.

Wala naman talagang alam si Jason sa balak nito, at sa pagmamanman ay hindi siya sigurado. Pero hinala niya ay nag spy talaga ito dahil papano nito nalaman na kailangan nila ng secretary eh wala pa naman silang ina-announce? At kelan lang nila iyon napag usapan? Kanina lang. Ang usaping iyon ay sa kanila palang ni Jonathan na itinawag ni sa kanilang ama kanina din lang. Tapos ay bigla itong susulpot bilang aplikante?

Kaya matibay hinala niyang namamanman nga ito. Nililinaw niya lamang dito niya lamang iyon para lalo lamang itong mapraning. Kitang kita ni Jason ang bahagyang panginginig nito. Kaya binigyan niya ito ng pagkain at maiinom. Dumukot siya ng pera sa wallet at inabot dito.

" pamasahe mo yan pauwi. " sabi ni Jason sa babae.

Naaawa siya kay Angeline pero hindi na niya papayagan na muli itong nakalapit sa kanya. Ang nararamdaman niyang sakit at lungkot dahil sa pagkakamali niya na nagtiwala siya sa babaeng ito ay sapat na para tuldukan ang anumang ugnayan nila. Ang pagkakaibigan nila ay itatago niya na lamang sa kanyang alaala.

Walang nagawa si Angeline kundi kunin ang inumin, pagkain at perang inabot ni Jason. Dagdag din yon sa ipapadala niya sa kanyang mga anak. Wala na siyang maisip na ibang paraan para manatili sa siyudad.Hinarangan na ang lahat ng kanyang opurtunidad. At iyon ay dahil sa pag aakalang si Yen ay isamg simpleng tao lamang. Yon ay dahil sa paghahangad na sumaya at makasama ang lalaking pinapangarap niya. Sadya yatang pinagtagpo lamang sila pero hindi sila itinadhana. Totoo nga kaya ang tadhana?? Wala na siyang magagawa. Siguro ay kailangan na nga niyang lumayo.Panahon na din siguro para bigyan niya ng panahon ang lumalaki niya nang mga anak.