webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urban
Not enough ratings
129 Chs

PAG-ASA

Tatlong taon ang mabilis na lumipas.

Pumapailanlang ang tinig ni Yen

Somewhere out there beneath the pale moonlight

Someones thinking of you

And loving me tonight.

Somewhere out there

Someones saying a prayer

Will find one another

In that big somewhere out there.

Pinapatugtog ni Jason ang kantang nirecord ni Yen. Ilang kanta din ang personal na nirecord nito.

Sayang lang at wala man lang siyang nakuhang video.

Paulit ulit niyang pinapatugtog ito at nakasanayan na sa bahay na iyon ang awiting iyon.

Ginagawa niya ito para hindi makalimutan ni Jesrael ang tinig ng kanyang ina.

" Daddy I wan't more ice cream." nakanguso ang madungis na Jesrael sa ama nagkalat sa mukha nito ang ice cream.

" Ok." pagsang ayon ni Jason.

Minahal niya nang husto si Jesrael.

Tumayo siya bilang ama at ina nito.

Malungkot perp sinisikap niyang iparamdam dito ang kasapatan na silang dalawa lang.

At hindi nawawala ang pag-asa nilang mabubuo sila balang araw.

Marahil ay parusa ito sa kanyang mga pagkakamali noon.

Subalit hanggang ngayon, sa kabila ng kawalan ng balita tungkol kay Yen ay hindi pa rin siya sumusuko.

Hindi hanggat hindi niya nakikita ang bangkay nito.

Hanggang ngayon ay umaasa siya na buhay si Yen at balang araw ay magbabalik ito.

Malakas ang pakiramdam niya.

Buhay si Yen. At naniniwala siyang magbabalik ito.

Napabuntong hininga si Jason.

October 17, birthday ni Yen ngayon.

Naisip niya na maaring nagsi-celebrate sana sila ngayon at masayang nagkakantahan. Marahil ay nagtitipon tipon sila ngayon katulad noong magbirthday ito.

HAPPY BIRTHDAY Yen Reyes.

Tahimik na nasambit ni Jason.

Napakuyom si Jason.

Minasdan niya ang kanyang mga binti.

Wala na ang magandang hugis nito.

Napalitan ito ng artificial na paa.

Kaya naman nakakatayo at nakakalakad siya.

Ngunit hindi na ito katulad nang dati.

Ang braso niya ay kulubot at at kitang kita ang pilat ng pagkasunog. Salamat na lamang at hindi napuruhan ang kanyang mukha at naiayos pa ito.

Sa tatlong taon na wala si Yen ay namuhay siya bilang ama at ina ni Jesrael.

Trabaho, bahay ang kanyang gawain.

Lahat ng bakanteng oras ay binibigay niya sa anak at madalas ay isinasama niya ito sa trabaho.

Malayo na ang narating ng kanilang negosyo.

At dahil halos si Miguel na ang tumatayong CEO ng Villaflor at YMR, si Jason naman ang namayagpag sa negosyong inumpisahan ng kanyang ama na ngayon ay unti unti na ring nakikilala.

Binuhos ni Jason ang kamyang lungkot sa pagsusumikap.

Para lang pag bumalik si Yen ay may maipagmamalaki na din siya kahit papano.

Naging masungit si Jason sa lahat.

Palaging seryoso.

Tahimik.

At hindi kailanman nagkainteres sa babae.

Marami pa din ang babaeng nagtatangkang umagaw ng kanyang pansin.

Pero ni paglingon ay hindi niya ginagawa sa mga ito.

Dahil doon ay lalong naging malayo siya sa mga tao.

Walang siyang ibang babaeng kinakausap na wala namang kinalaman sa negosyo.

Subalit meron at meron pa ring malakas ang loob na nagtatangkang kuhanin ang kanyang atensiyon.

" hello Jes.... "

Napakunot ang kanyang noo nang marinig ang tinig ng isang babae mula sa kanyang likuran. Napatigil ang kanyang pagmumuni at bahagya niya itong nilingon.

" hi son..." malapad ang ngiti nito walang kaabog abog na tumingkayad at humalik sa gilid ng kanyang labi.

Kung babae si Jason ay nasampal niya ito.

Tumalim ang kanyang tingin. Hindi siya makaiwas nang mabilis dahil sa lagay ng kanyang mga pekeng binti.. Ni hindi niya magawang tumakbo at maglakad ng mabilis dahil dito. Pero hindi ito naging kakulangan sa kanyang pagkatao.

Mabilis na lumapit ang babae sa kanyang anak.

Aliw na aliw naman ang Jesrael sa bagong mamahaling laruan na dala ng dalaga.

Si Sandra.

Makulimlim ang paligid.

Nagbabadya ang malakas na ulan.

Dahil nagsasanay si Jason sa bago niyang artipisyal na paa ay araw araw siyang naglalakad.

Noong una ay may tungkod siya.

Hanggang kalaunan ay nagawa na niyang lumakad mag isa.

Hindi makatakbo si Jason.

Kaya naman luminga linga siya para humanap ng masisilungan.

May distansiya ang layo ng unang bahay sa subdibisyong iyon. Ilang minuto niya pa ihahakbang niya bago siya makarating doon.

Bakit ba kase hindi niya isinama si Jerry.

Ang kanyang personal na alalay.

Dinukot niya sa bulsa ang kanyang cellphone ngunit bigla nang bumuhos ang malalaking patak ng ulan. Isinahod na lamang niya ang kanyang mga palad para lang maramdan na walang pumatak?

Hindi siya nababasa?

Saka niya lamang napansin ang payong na nasa kanyang uluhan.

Nilingon niya ang may hawak nito.

Malapad ang ngiti ng babae.

Tiningnan niya lang ito at hindi na siya nagsalita pa.

" Wala ka bang kasama? "

Hindi siya sumagot.

" Ako nga pala si Sandra."

" J...jason" napilitan siyang makipag kamay dito dahil nakasukob siya sa malaki nitong payong.

Magkalapit ang kanilang mga katawan.

Nararamdaman niya ang init ng pagkakalatay ng tagiliran ni Sandra sa bandang pwetan niya. Nakaramdam siya ng pagkairita subalit nanatili siyang tahimik habang patuloy na kumukontak kay Jerry.

Sa ganoong paraam sila nagkita ni Sandra.

Ilang minuto lamang ay may humintong itim na sasakyan sa kanilang harapan. Si Jerry.

Bumaba ito na may dalang payong at inalalayan siya para makasakay. Bilang ganti sa pagmamagandang loob nito ay isinabay niya si Sandra sa kotse. At nagkataon na nakatira ito sa tapat mismo ng bahay ni Yen kung saan sila nakatira ni Jesrael.

Simula noon ay madalas na itong sumulpot doon.

Lalo na pag alam nito na naroon si Jason.

Kilala na ito ng mga katulong. Kahit si Manang Doray ay kaibigan nito. Malaya itong nakakalabas pasok sa bahay nila. Kaya naman naisip ni Jason na kausapin lahat ng kasama niya.

Dahil sa naging lagay ni Jason ay napilitan siyang kumuha ng mga kasambahay. Maliban kay Manang na nakatutok lang talaga sa kanila ni Jes, ay may katulong siyang tagalinis, tagaluto, tagalaba. Kung hindi sana siya nalumpo ay hindi naman siya kailangan ang mga ito. Subalit halos kalahati ng lakas niya bilang lalaki ay nawala sa trahedyang iyon sa kanila ni Yen.

Sa isang islang malayo sa kabihasnan...

Isang bongalow type na bahay ang natirik sa gitna ng isla.

Pribado iyon at malayo sa bayan.

Kailangan mo pang sumakay ng bangkang de motor para lamang makapunta sa isang maliit na baryo kung saan ka makakapamili ng makakain.

Sa isang silid doon ay nakahiga ang isang babaeng balingkinitan ang katawan na halos tatlong taon nang nakaratay doon. Buhay. Pero tila patay dahil hindi pa rin ito nagigising. Tanging ang mga tubo lang na nakakonekta sa katawan nito ang nagiging daan para ito ay patuloy na mabuhay. Gayun pa man ay nanatiling maayos at maaliwalas ang mukha nito. Walang bakas ng sugat o anuman pilat sa balat dahil taon din ang ginugol ng doctor na gumamot dito para iayos ang balat na nasunog. Salamat sa teknolohiya.

"Happy birthday." nakangiting wika ng lalaking nakatayo sa tabi ng kama ni Yen. Sinusuklay nito ang buhok ni Yen ana malayang nakalatag sa unang hinihigaan nito.

Araw araw niya itong ginagawa.

Siya mismo ang naglilinis at nag aayos kay Yen araw araw para lagi itong maganda. Siniguro niyang lagyan ng lipstick ang mga labi ni Yen para hindi ito halatang maputla pagkatapos at ngumiti ito nang masiyahan sa itsura ni Yen.

" alam mo hindi ka naman ganon kaganda. Pero hindi ko alam kung bakit mga bigtime boylet ang nagkaka interes sayo. sayang ai Gab ah... pero mas ok na yon. Di rin naman natin alam kung tao ba yon o hayop din. " malanding wika nito.

Tumigil magsalita ang binata.

Maya maya'y sumungaw muli ang mga luha sa mga mata nito.

" kung sineryoso mo sana yong sinabi ko na ako ang tatayong ama ng anak mo, hindi sana nangyari sayo ito. Bakit kase antanga mo? Napakamanhid mo kainis ka! "

Si Gerald....

Si Gerald ang sumambot kay Yen at itinago niya ito sa lahat.