webnovel

Hard to Get

Naalala ni Llyne ang ginagawang pagsunod sunod ni Jason sa kanya nitong mga nakaraang araw.

Kaya naman ay palagi na siyang dumiderecho pauwi at pinapupunta na lamang ang kanyang kapatid sa bahay niya para utusan na maghatid ng mga papel kay Yen.

Sa video call na lamang sila nag uusap ni Yen para hindi nito matukoy kung nasaan silang mag ina.

Hindi maunawaan ni Llyne kung bakit kailangan ni Yen magtago ng ganon katagal.

Samantalang alam niya na mahal na mahal naman ni Yen si Jason.

Minsan naisip niya na sadyain nalang pasunurin si Jason sa kinaroroonan ng boss, pero natatakot naman siya na baka magalit ito sa kanya.

Inakala ni Gabriel na malaki ang epekto ng pandadawit niya kay Yen sa media.

Yung pasimpleng pagkabit nito sa kanyang pangalan ay panibagong usapin na ng masa.

Nakikita niya kung papano magkomento ang mga tao at mga kaibagan.

At tuwang tuwa siya doon.

Isang bussiness tycoon na na-ugnay sa isang bagong halimaw din sa industriya.

Payaman!

Ilang araw naging usapin iyon pero si Yen ay wala man lang reaksiyon.

Hindi man lang siya kinompronta nito.

Iniisip niyang kokontakin siya ni Yen para linisin ang kanyang pangalan dahil alam niyang maaapektuhan ang kasalukuyan nitong relasyon na alam niyang hindi maganda ang pinagdadaanan.

Alam niya na maaring masira ang pangalan ni Yen sa ginawa niya pero yon talaga ang gusto niyang mangyari para magkusa itong kausapin siya para gawan ng paraan ang umiinit na balita tungkol sa kanila.

Pero tahimik ito at wala man lang ginawa kahit man lang sana pahupain ang issue.

Nag assume tuloy si Gabriel na baka gusto din siya ni Yen at ok lang dito na ikabit sa kanya ang pangalan nito.

Kaya naman ay muli niya naisip na dalawin ito. Umupa pa siya ng paparazzi para lang makuhanan ang kanyang pagdalaw kay Yen.

Maghapong ginugol ni Yen ang lahat ng oras sa trabaho.

Pagkatapos ng dalawang linggo sa wakas ay medyo lumuwag na din ang oras.

Kaya naman mag desisyon siya na lumipad patungong Amerika na lingid sa kaalaman ni Rico. Walang alam si Rico na bibisitahin niya ito.

Sadyang hindi niya ipinaalam. Para hindi na ito makapaghanda. Hahayaan niya lamang itong mabigla.

Maagang umuwi si Yen para gumayak.

Isang oras makalipas ang pag alis niya sa opisina ay saka naman dumating si Gabriel.

Hindi na niya ito naubutan.

Napakamot nalang ng ulo ang binata at ipina abot na lamang nito kay Llyne ang dala nitong bulaklak.

Pagka-abot niya dito ay napalingon siya sa trash can na nasa gilid.

Nakita niya ang bulaklak na ipinadala niya kanina.

Oo...nagpadala siya ng bulaklak kanina lang bago siya dumating.

At may dala pa rin siya ngayon. At doon nakasulat ang karugtong ng sinabi niya sa maliit na sulat na nakaipit sa naunang flowers na naipadala kanina.

Sigurado siyang yun yon dahil siya mismo ang gumawa ng card at sumulat doon.

Medyo nakadama siya ng inis.

Pero nagkibit balikat na lamang siya.

Naisip niya, hindi man lang nagalaw ang maliit na sobre. Marahil ay hindi din ito nabasa ni Yen.

Yamot siyang sumakay sa kotse at nag isip ng malalim.

Masyado siyang pinahihirapan ni Yen.

Pa hard to get.

Pag itong babaeng ito napaibig niya, babawian niya ito sa lahat ng pagpapahirap sa kanya.

Lingid sa kaalaman ni Yen ay nalalaman ni Rico ang bawat galaw niya. Alam din ni Rico na pupunta siya para mangompronta at nakahanda na siya. Wala naman na siyang magagawa kundi sabihin ang totoo at harapin ang kanyang kaduwagan. Ang hinihiling niya lamang ay sana mapatawad siya nito.

Naghanda siya.

Pinalinis ang kwartong gagamitin ng kanyang anak at apo.

Anumang oras ay alam niyang darating ito.

Nagtalaga din siya ng tao para mag abang at tingnan ito kung makakarating ng ligtas at maayos.

Pagkatapos ng pagkikitang ito ay inaasam niya na sana ay kilalanin din siya ni Yen bilang ama.

Sana ay mayakap niya ito bilang anak.

Sana ay matanggap at mapatawad siya nito.

Nabasa ni Jason ang balita tungkol kay Yen. Nang makita niya ito sa news feed. Trending ang usapin tungkol sa tinaguriang "oppa" ng business world kuno na nali-link sa isang bagong halimaw din sa business na Yen Reyes. Kumunot ang noo niya at nakita ang pictures na nasa news.

Nakasimangot si Yen.

Napatawa ng mahina si Jason nang makita ang pagkadisgusto sa mukha ng asawa.

Sa mga hindi nakakakilala kay Yen ay iisipin na may tantrums lang ito at sinusuyo ng jowa.

Pero siya ay kilala niya si Yen.

Ang ganoong itsura nito ay nagpipigil na magsalita ng hindi maganda o nagpipigil nang manakit.

Malakas si Yen.

Kahit maliit ito ay hindi ito nabu-bully.

Kung sakaling mabully man ito, yon ay dahil ang nambu-bully sa kanya ay hindi kapatol patol at hindi niya kailangang pag aksayahan ng oras. Pero pag narinde ay talaga namang pumapalag.

Mabait si Yen pero palaban.

Kahit lalaki pa ay kaya nitong makipag sapakan.

Napangiti si Jason nang maalala ang isang eksena sa boarding house nito noon.

Hindi niya pa girlfriend si Yen noon at bumibisita lang siya.

Nakaupo siya sa isang sulok at nagmamasid lamang.

Sinusubaybayan niya si Yen ilang araw bago niya ito makilala.

Madalas kase ay sumasama siya kay Jonathan kapag may session sila at doon sa kwarto nito nakiki-iwan ng kanyang mga gamit.

Nakuha na talaga ni Yen ang atensiyon niya noong una palang niya itong makita.

Dahil sa astig na kilos nito.

Hindi ito katulad ng mga babaeng nakilala niya na kimi at mahinhin.

Boyish?? hindi. Kase babaeng babae ito.

Sadyang malakas lang talaga ang personalidad nito.

Mahusay makisama, hindi maarte at may hawig kay Trixie sa unang tingin.

Minsan ay may lalaking ipinakilala dito.

Gwapo. Matangkad. Pero presko.

Habang kumakain si Yen ay nilapitan ito ng lalaki.

Kinulit nito si Yen na halatang naiirita sa kaharap.

Minamasdan lamang niya ang kilos ng lalaki.

Tumatawa ito nang nakakaloko at patuloy ang pang aasar kay Yen.

Ginawa ni Yen ay tumayo iniwan ito.

Akmang hahawak ito sa pang upo ni Yen nang mabilis itong ibinalya ng dalaga.

Nasubsob ito sa lupa at habang hindi pa ito nakakabawi sa pagkabigla ay muli itong isinubsob ni Yen at halos magdugo ang nguso nito dahil sa pagkaka-gasgas pagkasubsob nito.

Nakita niyang namula ang lalaki sa galit dahil na din siguro sa pagkapahiya.

Tumayo ito at dinuro si Yen na tinaasan lamang nito ng kilay.

" Marunong akong makisama. Pero ikaw, matuto kang lumugar.Piliin mo din ang babaeng bubulihin mo."

Napalatak si Jason sa naalala.

Doon siya labis na humanga sa babae.

Ni hindi man lang ito nangilag sa mga taong nandoon.

Kayang kaya nitong ipagtanggol ang sarili sa mga lalaking bastos.

Muli ay napatingin siya sa news.

Pag si Yen hindi kumibo at walang ginawa tungkol dito.

Ibig sabihin ay hindi kapatol patol ang lalaking ito.

At pag si Yen naman ay pumatol sa ginagawa nito ibig sabihin ay sumusobra na ito.

Pero mahaba ang pasensiya ni Yen.

Wag lang siya babastusin ng lalaki dahil siguradong sa kangkungan siya pupulutin.

Hindi ito gusto ni Yen at siguradi siya doon.

Nakita din ni Jason ang larawan ng lalaki na nagtungo sa Villaflor.

Kaya naman ay agad niyang iniwan ang ginagawa upang magtungo doon.

Nahirapan siyang hanapin si Yen.

Kahit ang ginawa niyang pag sunod sunod at pagmamanman sa sekretarya nitong si Llyne noong mga nagdaang araw ay wala naman siyang napala.

----------

Salamat po sa pag aabang.

salamat po sa pagbabasa.

Pahinging power stone.

Ye-yen special mention. 😂

Ingat ingat po sa lahat.

patuloy tayong manalangin na sana ay matapos na ang pandemyang ito.

Bukas po busy ako.

Try ko pa po makagawa ng isa pa tonight.

Next chapter