webnovel

I am a Rebound

Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba... Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino. Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo. Subalit mapanlinlang ang mundo. Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba? Pero iba ang sitwasyon ni Yen. Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin. Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba? Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

nicolycah · Urban
Not enough ratings
129 Chs

Gerald

Nagbago ang takbo ng buhay ni Gerald matapos amangyari ang trahedya kay Yen. Nakakabigla ang mga pangyayari. Hindi lang naman siya ang apektado maging ang pamilya ni Yen. Dahil sa kabaliwan ni Gabriel ay kalunos-lunos amg sinapit ng kanyang kaibigan. Tatlong taon nang nakaratay si Yen. At halos unti-unti nang nagbabalik sa normal ang buhay ng kanyang pamilya. Si Jason na lamang ang bukod tanging hindi pa rin bumibitaw. Si Jason at siya.

May mga araw na tila nawawalan na din siya ng pag-asa. Subalit bukod sa kanya at sa sitwasyon ngayon ay walang ibang makakatulong kay Yen maliban sa kanya. Medyo napabayaan na niya ang kanyang negosyo. Maging ang kanyang sarili dahil halos kay Yen niya ginugugol ang ang kanyang panahon. Minsan naisip na niyang ipaalam ito kay Rico pero natatakot siya baka magalit ito at isa pa hindi niya kontrolado ang kaisipan ng tao. Maaring sa kanya maisisi ang nangyari. Hindi niya alam. Comatose si Yen at walang magpapatunay ng kanyang intensiyon. Hindi niya mabalikan si Gabriel dahil sa kakulangan ng ebidensiya at di hamak na mas maempluwensiya ito kaysa sa kanya. Kung makukuha niya sana ang panig ni Rico ay mas madali sana. Ngumit hindi siya sigurado kung agad itong maniniwala.

Ang balak niya sana ay hintayin si Yen magising. Subalit tatlong taon na itong tulog at wala man lang bakas na nagpapakita kung gigising ito. Hindi niya pwedeng pabayaan ang business na namana niya sa kanyang magulang. Kailangan niya din magtrabaho, pero wala siyang ibang maisip na tao na pwedeng niyang pagkatiwalaan para maiwan kay Yen. Bukod sa kaibigan nilang Doctor na minsanan lamang kung dumalaw doon. Ilang beses na niya naiwan si Yen doon mag-isa para sa business trip niya pero talaga namang hindi siya makapag focus dahil sa pag-aalala.

Ang katiwala niyang si Mang Ruben ay hindi na nakabalik noong nagpaalam itong magbakasyon. Inatake ito sa puso at binawian ng buhay nang mahuli at maabutan nito ang asawa na may kasiping. Palibhasa ay taunan ito kung umuwi ay hindi imposibleng magloko ang asawa nito. Ayaw kasi nitong isama ang pamilya niya doon. Dahil malayo sa siyudad at mas mainam daw na doon lumaki ang kanyang mga anak sa poder ng kanilang ina. Mas maganda daw kase kung sa siyudad sila magsisipag-aral. Malayo sa kabihasnan ang isla na yon. At walang ibang tao at bahay doon. Binili niya yon para kapag gusto niyang magpahinga at mapag-isa ay meron siyang pupuntahan. Malaya niyang gawin ang anumang naisin. Sino ang mag-aakalang magagamit niya ito para kay Yen?

Dahil sa nahihirapan si Gerald ay naisipan na niyang si Jason na lamang ang kausapin. Hindi siya kilala ni Jason at hindi pa sila nagkita ng personal. Dahil hindi pa naman sila ikinakasal at walang nabanggit sa kanya si Yen tungkol dito bago pa man niya matuklasan na nag-asawa na ito. Sa ilang buwang pagsusubaybay kay Jason ay nalaman niya ang halaga ni Yen dito. Tahimik niya itong pinapanood sa malayo at nakita niya ang pagbangon nito at hanggang ngayon ay Yen pa rin ang iniisip nito. Sigurado siya. Mahal ni Jason si Yen at alam niya na hanggang ngayon ay umaasa pa rin ito na buhay ang asawa. Na totoo naman.

Ilang beses na niya tinangkang kausapin ito pero sa hindi niya malamang dahilan ay palagi siyang umaatras. Hindi dahil takot siya dito kundi dahil sa sakit na dinudulot ng isipin na siya ang kailangan magpaubaya. Mahal niya si Yen. Noon pa man ay gustong gusto na nya ito. Dahil lang sa katorpehan ay hindi niya ito nagawang ipagtapat hanggang sa inakala nitong bakla siya na hindi na din niya itinama. Sa gayong paraan ay malaya siya ditong nakakalapit. Nalalaman niya lahat ng kanyang saloobin, walang LQ, walang break-up may forever. Pero hindi yon ang gusto niyang forever. Kaya nang naging successful siya sa buhay ay inihanda na sana niya ang sarili para magtapat. Sakto ang pagkakataon na bigla itong nag chat. Na-excite siya at ihinanda na sana ang kanyang sarili. Para lang matuklasang may Jason na ito at may anak na din. Nanlumo siya sa kanyang nalaman. Subalit dahil sa pagmamahal ay tinanggap niya yon. Tinanggap niya na si Yen ay para kay Jason at hindi para sa kanya

Masakit oo. Pero kasalanan niya naman dahil naduwag siya na magtapat dito. Kung sana noon pa siya nagsalita ay baka sakaling nagkaroon siya ng pagkakataon. Pero dahil na din sa pag-aalalang baka iwasan siya ni Yen ay hindi na siya nagtangkang gawin iyon. Nagpasya na lamang siyang mahalin ito ng lihim. At hanggang ngayon ay dama niya pa din ang pagnanais at pangangarap na sana ay sila nalang. Ilang beses na niya inisip na kung sakaling mawalan ng memorya si Yen pag gising nito ay magpapakilala siya dito bilang asawa. At mamumuhay sila ng masaya sa islang iyon. Kabaliwan! Ngunit sa huli ay naisip niya din naman na hindi dapat.

Alam niyang magagalit si Yen kapag ginawa niya yon at baka hindi na siya mapatawad nito. At iyom ang iniiwasan niyang mangyari. Sakaling magising si Yen ay hahayaan niya lamang itong magdesisyon. At kung anuman ang naisin nito malugod niya itong susuportahan.

Sadyang ganon siguro talaga. Hindi porke mahal mo ay kayo na talaga. Marahil ay kabilang sila sa mga taong pinagtagpo pero di tinandhana. Pero siguro kung hindi siya duwag ay maaaring siya ang nasa lugar ni Jason ngayon at kung nangyari man ang ganito ay baka hindi niya kayanin yon.

" Gerald!! "

Naputol ang mahabang pagmumuni ni Gerald nang makita niya ang preskong lalaking palapit sa kanyang kinauupuan. Si Gabriel. Nasa loob siya ng isang coffee shop. Nasa harap niya ang kanyang laptop. at sa tabi nito ay ang kanyang paboritong kape. Minabuti muna niyang magkape muna bago magtungo sa isla.

Pagkakita niya kay Gabriel ay naka-amoy siya ng panganib. Hindi niya alam kung ano ang pupwedeng mangyari kaya naman madali niyang ginawa ang email at isinend ito kay Jason. Pagkatapos ay binura niya agad sa sent items. Mahirap na.

" Pre! "

Kalmado ang kanyang ekspresyon. Walang mababakas na anumang emosyon sa kanyang mukha.

" Long time no see! " tinapik siya ni Gabriel sa balikat. Umupo ito sa katapat niyang mesa at nanatiling nakatayo ang mga bodyguards nito.

" Kumusta? " kalmadong wika ni Gerald.

" Eto... masaya kase nahanap din kita."

Kunwang kumunot ang noo ni Gerald. Totoo ang kanyang hinala na minamanmanan siya ni Gabriel. Sana lang ay agad na mabasa ni Jason ang kanyang mensahe.

Hindi katulad ni Gabriel, si Gerald ay walang mga bodyguard. Palagi lang siyang mag-isa kung lumakad. Isa pa, ang coffee shop na ito ay hindi kalayuan sa kanyang bahay. Mabuti nalang pala at nagkape muna siya. Kung sakaling dumiretso siya patungo ng isla ay baka nasundan siya ng mga ito. Sana lang ay hindi pa nila natunton iyon.

Tahimik siyang dumadalangin na sana ay walang masamang mangyari. Wala siyang kalaban laban sa sampung lalaki. Ganunpaman ay hindi siya nagpakita ng kahit anong bakas ng pangamba. Kalmado siyang nakatuon lamang ang paningin sa lalaking kaharap.

" Tatlong taon na kita hindi nakikita. "

" Ah... busy sa trabaho. Kung saan saan ako pumupunta dahil sa negosyo. " sagot ni Gerald.

" Balita ko ay pababa ng pababa ang profit niyo nitong mga nagdaang taon. "

" Ahh... yon ba? normal dahil may mga taon talaga kame na humihina ang demands. Pero hindi naman bumabagsak. "

" Pero pag nagpatuloy ka pa sa pagtatago kay Yen maari na itong bumagsak. "

Mataman niya lang tiningnan si Gabriel. Tama. May hinala nga itong may kinalaman siya sa pagkawala ni Yen.

" Anong ibig mong sabihin? " maang na tanong ni Gerald.

" Alam ko. Ikaw ang dagang nangialam sa niluto kong keso. " sagot ni Gab.

" Bakit hindi natin ito pag-usapan sa lugar na mas pribado. " muling sabi nito.

Hindi na nakaimik si Gerald nang makita niya ang patalim na nakatutok sa kanyang tagiliran. Hindi niya alam kung papano napunta doon ang isa sa tauhan ni Gabriel. Nasukol na siya at alam niya kung saan ang kahahantungan niya. Walang ibang katapusan ito kundi kamatayan. Kaya buo na ang kanyang isip na ipakitil na lamang ang buhay kesa ipahamak ang babaeng pinakamamahal.

Kahit naman magtapat pa siya ay malabo na siyang makaligtas sa mga ito. Huminga siya ng malalim at tahimik na sumunod sa grupo ni Gabriel palabas. Nilingon niya ang kanyang laptop at nakita niyang sinambot ng isa sa mga tauhan ni Gabriel. Hindi na siya nagtangkang manlaban. Dahil batid niya na ito na ang kanyang oras. Milagro na lamang ang makakapagligtas sa kanya.