webnovel

I Accidentally Married A Dead Woman( Tagalog)

Paano kung napakasalan mo ang isang patay na? Nang dahil sa isang pagkakamali ay nagbago ang lahat. Nang dahil sa isang pagkakamali ay napakasalan niya ang isang patay na. Nang dahil sa pagkakamali ay naging mahirap para sa kanya ang lahat. Paano niya ipapaliwanag sa kanya na isang pagkakamali lang ang kasal nila? Nang dahil sa pagkakamali ay nagbago ang lahat pati ang nilalaman ng puso niya.

genhyun09 · Fantasy
Not enough ratings
23 Chs

Chapter 22: Starts of Investigation

CED'S POV

Kakagising ko lang. Kunot ang t-shirt, magulo ang buhok at pikit matang humihikab. Gabi na kami nakauwi ni Feira at sobrang napagod kami kalalaro ng mga mini games doon at sa pagsakay sa mga rides. Buong gabi magkahawak-kamay kami, pati sa paglibot sa amusement park.

Pumasok ako sa banyo at naligo. Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako sa aking silid.

"Feira?" Tawag ko sa kaniya mula sa labas sabay kumatok sa kaniyang pinto. Malapit lang ang room naming dalawa.

Walang sumagot kaya naisipan kong pumasok nalang.

Pagpasok ko, wala siya sa kama niya. Bigla naman pumasok sa aking isipan na tignan ang ilalim ng kama. Hindi ako nagkamali at nasa ibaba nga siya ng kama, natutulog ng mahimbing. Tumayo ulit ako pagkatapos siyang silipin at lumabas nalang ng silid niya.

****

"Manang? Paki-handa po ng breakfast namin ni Feira." Utos ko kay Manang.

"Buti nalang nahanap mo na si Feira, Lance. Nag-alala ako eh. Saan mo ba siya nahanap?"

"Sa tabi-tabi lang po." Natatawang sabi ko.

"Ewan ko ba sa inyong mga kabataan. Ang gugulo niyo." Sabi ni Manang at natawa ako lalo.

"Chill ka lang, Manang. Tatanda ka lalo." Pagbibiro ko at natawa nalang si Manang.

"Ikaw talaga. Hahaha. Saan na si Feira? Hindi pa bababa?" Tanong ni Manang.

"Tulog pa eh. Baka gising na iyon ngayon." Sabi ko sabay naglakad papunta sa Dining Area.

"Good Morning po sa inyong lahat!" Bati ni Feira habang naglalakad pababa ng hagdan at tumakbo papalapit sa akin.

"Good Morning sayo." Ngiti niyang sabi at hinalikan ko ang noo niya.

"Good Morning my beautiful wife." Pagbati ko rin.

"Kain ka na, hija." Sabi ni Manang.

"Sabay na po tayo."

"Pasensya na, Feira. May gagawin pa ako sa kusina. Kayo na munang dalawa." Ngiting sabi ni Manang.

"Wife? I offer to you these foods!" Ngiting sabi ko at bigla nalang umilaw ang lahat ng pagkain. Kuminang naman ang mga mata niya sa tuwa.

"Wow~. Salamat, mahal ko. Sana nandito din si Lucio para pagsaluhan namin to." Sabi niya

"Yeah, right. The talking crow." Sabi ko nalang at kumain ng toasted bread.

"Pagkatapos natin, punta tayo sa study room ko." Sabi ko at tumango lang siya. Hindi na siya sumagot pa dahil puno ang kaniyang bibig.

****

"Waah, Ced! Ang dami mong mga libro!" Mangha niyang sabi.

"Nabasa mo na lahat ng mga libro, dito sa library ng mansion?"

"Ang ilan sa kanila nabasa ko na. Nagbabasa ako pag wala akong magawa." Sagot ko habang naglalakad papalapit sa desk ko.

Umupo ako sa aking swivel chair at nasa harapan ko naman si Feira na nakaupo habang nakatingin sa paligid.

"Buti pa mga libro mo ang linis! Kay tanda ang alikabok!" Komento niya.

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

"So, let's start." Sabi ko sabay pinagdikit ang dalawang palad ko. Nilingon niya ako at para naman siyang nasaniban ng kung ano.

"Hey?!" Tawag ko sa kaniya pero nakatitig parin siya sa pagmumukha ko.

"Feira?! Hoy!" Tawag ko ulit sa kaniyang sabay snapped ng aking daliri sa mukha niya kaya napakurap nalang siya bigla.

"H-Ha?"

"Damn. Nakikinig ka ba?" Inis kong tanong at umiling lang siya. Nakatulala na namang nakatitig sa akin.

"Wife, naiilang na ako sa titig mo ha. Nakangiti ka pa na parang baliw diyan!" Hinahon kong sabi.

"Bakit habang tumatagal mas lalo kang gumagwapo? Bagay pala sayo pag naka-eyeglass ka. Ay mali, bagay sayo lahat eh. Tayo lang hindi." Sabi niya kaya binato ko siya ng crumpled paper sa pagmumukha niya.

Kung ano-ano kasing pinag-iisip at sinasabi.

"Tumigil ka ha! At matagal ko ng alam na gwapo ako. Sinabi mo pa talaga. Baka mabawasan eh." Mahangin kong sabi habang tumatawa.

"Kaya nga eh. Ang ganda ng mukha mo, ako naman pangit. Patay pa."

"Wife? Stop saying that. You're beautiful inside and out. Believe me." Seryosong sabi ko.

"Now, let's start." Dagdag kong sabi.

"Start saan?" Tanong niya

"I have some questions and you need to answer me. That's all you gonna do." Sabi ko.

"Let's start the investigation!" Dagdag kong sabi.

"Do you remember the date or year of your death?"

"Sabi ni Tanda, year 2014 of May 21." Sagot niya at isinulat ko sa notebook ang sagot niya. Bigla naman akong nalungkot sa kaloob-looban ko.

I wish i was there when she's about to be killed by the killer. Hindi sana siya maghihirap ng ganito. Dapat matagal na siyang nasa taas. I took a deep sigh before asking a question to her again.

"So, you've been death for almost 5 year?" At tumango lang siya.

"Siguro sa panahon na iyan 12 years old ka pa. So baby~" pang-aasar niya at tawa ng tawa.

"Tss! Tumahimik ka nga. Kahit ganoon ang edad ko non I'm already a man!" Napikon kong sabi.

"Hehehe. Sorry. Naisip ko lang, siguro ang cute cute mo non." Sabi niya.

"Syempre naman." Sabi ko at umirap sa kawalan.

"Next question, do you remember how you die?"

"Hindi ko naaalala. Nawala lahat sa utak ko ang ibang alaala ko. Nawala sa isipan ko ang mukha ng aking magulang o kung sino man. Wala akong naaalala sa kung sino ang nagpatay sa akin." Malungkot niyang sagot.

"You're wearing a wedding gown that day with a three bullet shots on your stomach and some on your chest. I've met you in the forest, near the cemetery. And sa likod ng mansion ay isang malaking pader, sa labas non gubat na. Tapos sa kalayuan ay cemetery. Kung pag-aaralan natin, mula dito sa mansion hanggang sa paglabas ng tuluyan sa gate ng subdivision, turn left, straight ahead, then turn left again, mga puno na. Walang masyadong tao sa lugar na iyon at malapit na doon ang cemetery. Maybe sinakay ka ng kotse, lumabas ka at tumakbo papasok sa gubat. Unfortunately, nahuli ka at pinagbabaril." Sabi ko ng seryoso habang ginuguhit ang lugar. Pagbanggit ko sa nahuli at pinagbabaril siya, hindi ko namalayan na napunit ko na ang papel gamit ang ballpen. Nadiin ko pala.

Ibinaba ko ang ballpen at humingang malalim.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Feira.

"Yeah." Maikli kong sagot.

"Napunit mo na ang guhit mo eh. Ang ganda pa naman." Sabi niya.

"Tss. Don't mind that."

"Deretso sa cemetery, ay ibang Street na. Matao na doon. Siguro sinadya kang dalhin sa streets namin, sa lugar na walang tao. Galing din ah! Para hindi madungis ang pangalan ng kalye na iyon."

"Ced?"

"No, Feira! Sinadya ng kung sino man ang may pumatay sayo na dalhin ka doon. Tapos iniwan ka lang don!" Nagagalit kong sabi.

"Wag kanang magalit, Ced. Mahahanap rin natin kung sino ang may gawa nito sa akin." Sabi niya.

"Yeah!" Sabi ko at kinuha ang phone ko sa tabi ng mga libro na nakapatong.

"Hello, Johndro!"

"Bakit ka napatawag?"

"Can i ask a favor?" Tanong ko sabay hilot ng sintido ng ilong ko.

"Sure, bro! What it is?"

"Yung pinsan mo, pulis diba? Can you ask him to get all the case files in the year 2014 of May 21, pangalan niya ay Feira"

"Sure. Anong apelyido?"

Tinignan ko si Feira at umiling lang siya sa akin.

"Pangalan lang ang alam ko eh."sagot ko.

"Sige, ipa-send ko nalang sayo pag na send na niya sa akin." Sabi niya.

"Thanks bro. You're the best."

"Pwede ko naman, e hack!" Tawang sabi niya.

"No. Police yan bro. Baka ma detect ka na niyan."

"Hahaha ako pa. Ang galing ko kaya." Pagmamayabang niya.

"I don't care kung ano ang paraan na gagawin mo. Just give me what i want." Sabi ko.

"Okay, sure." Sabi niya at pinatay ko na ang tawag.

"Tumayo ka diyan, Feira. Lilibotin natin ang lugar tas pupunta tayo sa kabilang street. Baka kapang babalikan natin, maaalala mo." Sabi ko at tumayo na. Nauna na akong naglakad palabas ng silid. Nakasunod lang siya sa akin.