JEMEA'S POV
My tears began to fall. My blurry sights still locked on Lance's car who's slowly disappearing.
How can he be like this to me? It pains my heart so bad that it wanted to explode. I thought... I thought Lance will only love me, only me. Hindi ko inaasahan na magagawa niyang magmahal ng iba ng ganoong kadali lang. I know it's my fault, for being weak, sa pagiging kampante na hindi siya mawawala sa akin.
Our memories flashes back as my tears began to fall. Our parents were good friends, but the problem is, my Mom and Dad became greedy and insecure to Lance's family. Hindi nila gusto na lagi nalang sila nalalamangan. So my parents decided to marry me to Lance in order for their wealth to be safe and secure. Sa ganoong paraan, ang kayamanan ng dalawang pamilya ay magsasanib.
Simula pagkabata, lagi kami na ni Lance ang magkasama. Inaalagaan niya ako at pinoprotektahan. Iniingatan niya ako na higit pa sa buhay niya. Sabay kaming pumapasok sa skwela no'n, sabay kaming naglalaro sa park. Nakangiti ako habang dinuduyan niya ako.
I love Lance so much. Naging mahina lang ako upang ipaglaban ang pagmamahal ko sa kaniya at nagpadala sa mga magulang ko. Hindi ko gustong maikasal sa iba. Ni ayaw kong maikasal sa lalaki na sa araw lang ng kasal ko na dapat sa amin ni Lance nakilala.
Importante sa magulang ko ang kanilang reputasyon upang hindi masira ang business nila. Nakahanap sila ng kapalit kay Lance, isang pamilyang ubod ng yaman, kasing yaman sa pamilya ni Lance.
Pinahiran ko ang aking mga luha at pumasok sa loob ng mansion upang kunin ang maleta ko sa loob.
Pagpasok ko, sakto rin na bumaba si Feira na may dalang basket, mga laman non ay mga damit ni Lance.
Pinagmasdan ko siyang maigi. Halatang naiilang siya sa pagtitig ko sa kaniya. Maganda siya, ubod ng puti, matangos ang ilong at di gaanong mapula ang labi.
"Feira, diba?" tanong ko at tumango lang siya. Lumapit ako sa kaniya, mga limang hakbang ang layo namin sa isa't-isa.
"Tell me, paano kayo nagkakilala ni Lance?" tanong ko ngunit di siya nagsalita.
"Totoo ba no'ng nawala siya, pinakasalan ka niya? Matagal na ba kayong nagkakilala? Matagal na ba kayong may relasyong dalawa? Kayo bang dalawa, no'ng kami pa?!" naiinis kong tanong habang pinipigilan ang sarili na huwag maiyak.
"J-Jemea, b-bago lang kami nagkakilala. No'ng araw na nawala siya, iyon din 'yong araw na nagkakilala kami. Sa araw na iyon, aksidente kaming naikasal," nakayukong sabi niya. Napansin ko na hinigpitan niya ang pagkakahawak sa basket.
"What do you mean na aksidente lang kayong naikasal?" nakakunot-noo kong tanong. Naguguluhan kasi ako.
"Noong araw na iyon, aksidente niya akong naikasal. Binabanggit niya ang kaniyang vow sa harap ko, tapos no'n ay nag "I do" ako sa kaniya," sagot niya.
"Ganon lang iyon? Sa tingin mo mag-asawa na talaga kayo? Without the presence of a priest or even judge, or kahit mayor man lang?" tanong ko.
"Kakaiba kasi iyon eh," sabi niya.
"Sorry, Jemea," dagdag niyang sabi.
"If you really feel sorry, then leave him. I love Lance, Feira. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Yes, kasal na ako. Kasal ako sa taong 'di ko mahal. Si Lance ang mahal ko. Dapat kami ang mag-asawa at hindi kayong dalawa," iyak kong sabi sabay kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagtulo ng mga luha ko, ngunit hindi ko talaga mapigilan.
"Paki-usap Feira. Umalis ka nalang sa buhay niya. Mas karapat-dapat kaming dalawa dahil matagal na kaming nagmamahalan," pakiki-usap ko sabay hawak sa kamay niya.
'Bakit sobrang lamig niya?'
Binawi niya ang kamay niya at humakbang ng paatras, palayo sa akin.
"Alam ko naman iyon, Jemea. Mas karapat dapat kayo ni Ced. Sino ba naman ako sa buhay niya? Ayaw ko rin naman na masaktan ko siya sa huli, dahil hindi naman ako magtatagal," sabi niya na may namumuong luha sa mga mata niya.
"Buti naman alam mo iyon. Hindi kayo karapat-dapat dahil simula palang, kaming dalawa talaga ang nagmamahalan. Siguro naguguluhan lang siya at galit sa akin kaya tinatrato niya ako ng ganito. But, I'll prove to him that I really really love him. He fought for me, this time, I'll be one to fight for him," sabi ko at lumabas na ng mansion.
****
FEIRA'S POV
Pagkalabas ni Jemea sa loob ng mansion ay agad na tumulo ng mabilis ang aking mga luha. Humihikbi ako ng mahina upang hindi marinig ng mga kasambahay. Napakagat ako sa ibaba ng aking labi. Nilapag ko ang basket sa sahig at naglakad palabas ng mansion.
'Tama naman si Jemea, hindi kami karapat-dapat ni Ced. Sino ba naman ako? Isa na akong patay at isang buhay naman si Ced. Kahit kailan ay 'di pwedeng maging kami. Mayroong 100 na araw lang ako rito, at ang natitirang araw ko nalang ay 86 na araw. Masakit tanggapin na kahit kailan, hindi kami pwede sa isa't isa. Mas mabuti na rin na umalis ako sa puder niya. Ayaw ko na lumalim pa ang nararamdaman namin sa isa't isa. Magaan ang loob ko kay Ced, tinatrato niya akong special. Siya lang ang kaisa-isang tao na nag-alaga, at nagmamahal sa akin ng ganito. Tinuturing niya akong mahalaga. Masakit mawalay sa kaniya, gusto ko na nakadikit lang ako sa kaniya. Pero, hindi kami pwede. Sila dapat ni Jemea, dahil si Jemea naman talaga ang para sa kaniya.
Pero saan ako pupunta? Ni hindi ko alam kung ano ang buhay ko dati. Kung nasaan ang mga magulang ko o kaibigan man lang. Isang itsurang buhay na ako, hindi ako pwede bumalik sa mundo ng mga patay dahil may mission pa akong dapat gawin. Dapat kong malaman kung sino ang likod ng aking pagkamatay at ano ang motibo nito.
Tinitigan ko ang mansion ni Ced habang may luha sa mga mata.
"Iiwan na kita, Ced. Tama si Jemea, mas karapat-dapat kayong dalawa. Kapag wala na ako, magbabalikan na kayong dalawa at mapagtatanto mo na mahal mo talaga siya," umiiyak kong sabi.
"M-Maraming salamat sa lahat, Ced. Hindi kita makakalimutan. Aalis na ako. May dapat pa akong gawin at hindi ka kasali rito. Siguro, pagbuhay ako, itong puso ko, sayo lang titibok, tibok ng nagmamahal. Nagmamahal sayo. Kahit na wala na itong pintig, ramdam ko na iniibig ka na nito. Iniibig na kita," sabi ko sa akin sarili sabay tumalikod at humakbang papalayo sa mansion.