webnovel

I've Fallen

Isang araw nalaman na lang ni El na hindi niya makukuha ang mana nya kung hindi siya magkakaroon ng anak within 3 years. Isa 'yung malaking problema dahil hindi naman babae ang gusto nya. Kailangan ba nyang magpakalalaki para lang dito? Paano kung mahulog ang loob nya sa babaeng dapat ay gagamitin lamang niya?

_OneShotQueen_ · Celebrities
Not enough ratings
1 Chs

I've fallen (One shot)

El's POV

I am a gay. Attracted to a man, but never to a woman. Tama, hindi ako bisexual, not until I met her, the woman who turns my world upsidedown.

~*~

[Video call]

"Babe, I'm going crazy," reklamo ko kay Wilbert, my boyfriend for 3 years. Mahal ko sya at mahal din naman niya ako, hindi dahil sa pera o sa kung ano mang bagay na kaya kong ibigay, kundi dahil iyon ang totoo. He is currently staying at the province to manage his parent's restaurant.

"Kalma babe. Bakit ba?"

"Si lolo, alam naman niyang hindi ako straight pero gusto pa rin nyang bigyan ko siya ng apo, and take note, within 3 years lang or else hindi ko makukuha ang mana ko."

"Wala namang masama kung hindi mo makuha ang mana mo, we can work together in the future."

"No, I want to make sure that there's a bright future ahead of us," I answered.

"Wala din namang masama kung magkaka-anak ka. Ikaw lang ang pag-asa ng lolo mo na magpapatuloy ng lahi niya. Wait, I have an idea."

"Ano yun?"

"Find a decent woman. Make her fall in love with you. Then after she gave birth to your child, dump her. We will raise your kid together."

"So kailangan kong magpakalalaki? Yuck! Wil, are you out of your mind?"

"Ella, bakit umaayaw ka na agad, hindi mo pa naman nasusubukan di ba?"

"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?"

"Babe, ang mana mo ang nakasalalay dito. Ikaw, bahala ka, take it or leave it."

"Fine, susubukan ko. Pero saan naman ako makakahanap ng decent woman na yan, at sinong tatanggap sa isang kagaya ko."

"You're handsome, alam mo yan."

"That's not what I mean. I'm a gay."

"Ganito, transfer to your grandfather's school, walang nakakakilala sayo dun di ba? Be a man, kahit ngayon lang."

Wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Minsan lang magpayo si Wil, at wala na talaga akong maisip na iba pang paraan.

Sa loob ng isang linggo ay sinubukan kong baguhin ang sarili ko. Ginupit ko ang mahabang buhok ko, pumorma ng akma para sa isang lalaki, at nag-aral kumilos ng tama. Mahirap oo, pero kailangan.

August 09, 7:30am

Unang araw ko as a transferred student. Nakakaloka ang mga babae sa school na 'to, ang lagkit makatitig. Gusto ko na silang sigawan na di kami talo, kung hindi lang masisira ang mga plano ko.

I am a first year college student. Umupo ako sa vacant seat habang isa-isang pinagmamasdan ang mga babaeng kaklase ko. Halos lahat sila nagpapa-cute sa akin, except for her, the woman sitting beside me. Tahimik lang sya. Napansin niya sigurong nakatitig ako sa kanya kaya lumingon siya sa direksyon ko. Damn! She's as pretty as an angel. When she smiled at me, I told myself that she's the one. Wait! I am not attracted to her, compliment lang yun.

"H-hi. I'm El."

"Hello. Transferred ka?" I nodded. "I'm Amethyst. But you can just call me Amy."

We shook hands.

10:30 am

Aayain ko sana syang mag-recess kasama ako pero nauna na syang lumabas, kaya dali-dali ko siyang sinundan.

"George, wag na lang ako please. Madami namang babae dyan na gusto ka," eksenang nadatnan ko sa labas mismo ng classroom. 

Kitang kita sa mukha ni Amy ang takot habang nakapaligid sa kanya ang limang kalalakihan.

Oras na para magpa-impress sa kanya, so I started to make a move.

Hinila ko siya palayo sa grupong iyon at ipinuwesto sa likod ko.

"Hindi mo ba siya narinig? Hindi ka nya gusto. So let her go," seryosong sabi ko sa George na iyon.

"Sino ka ba? Hindi mo ba kami kilala," matapang na tanong niya.

"Ano naman kung hindi nga kita kilala? E, ako kilala mo ba?"

"Aba't talagang-"

"Sorry George, transferred student lang sya, hindi ka nya kilala, palampasin mo na lang sana ang nangyari. Halika na El."

Dumiretso kami sa canteen at doon ko nalaman ang dahilan kung bakit siya nilapitan ng mga feeling siga na 'yun.

"Hindi mo na lang dapat ginawa yun El. Mapapahamak ka lang."

"That's impossible. Not here in this school Amy. Sino ba sila? At anong kailangan nila sayo."

"Liligawan daw ako ni George. Siguro para sa ibang babae good news 'yun dahil heartthrob sila sa school na ito at kamag-anak ng mga Professors, pero para sa akin that's hell."

"Heartthrob? E mukha nga silang siga sa kalye."

"Shh! Lower down your voice, batas sila sa school na ito. Malupit sila kapag nagalit, kaya imbes na magustuhan ko, natatakot ako sa kanila."

"Ngayon, ako na ang batas. I will be your knight and shining armor."

When did I became so cringey? Amy chuckled.

"You're so cute El. Thank you nga pala sa ginawa mo kanina ha."

Finally, nakuha ko na din ang tiwala niya.

3:30pm

Ihahatid ko na sana si Amy sa bahay nila, pero...

"Hoy! Layuan mo ang pag-aari ko," si George iyon.

"Mauna ka na Amy," bulong ko.

"Paano ka?"

Nginitian ko na lang siya. Natatakot din ako, but I must act cool in front of her.

I turned my attention to George.

"Pag-aari mo?" I grinned. "Ikaw ang batas dito? Pwes hindi na ngayon."

Sinugod nila ako at sabay sabay na sinuntok. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Hindi ko alam kung gaano katagal yun... Hanggang sa... wala na akong maramdamang sakit. 

When I opened my eyes, I saw Amy shielding me. Niyakap pala niya ako. What the! I must be the one protecting her.

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang pagpito ng mga guard. Napaka-hina pala ng security dito. Hayst! Lolo, sa teritoryo mo pa ako napahamak.

I dialed my grandpa's number and told him to visit the school now.

Dinala ko si Amy sa clinic habang inihahatid ng guards ang limang siga sa Guidance office. Iniwan ko sya sandali to deal with those bullies. Binalikan ko siya after an hour.

"Amy, are you feeling better now?"

"El, your here. Let the nurse clean your wounds too."

"Don't worry about me. Wait, I have a good news."

"Good news?"

"Na-kicked out na sa school si George at ang mga kaibigan niya."

"Ano? I mean, Paano?"

"Kamag-anak lang sila ng mga professors. Apo ako ng may ari ng school."

"Talaga?"

Why did I forgot to tell her that? Plus pogi points din 'yun.

"Uhm El, I'm sorry kung nadamay ka ha."

"Dont be. Ako dapat ang nag-so-sorry sayo dahil hindi kita na-protektahan."

August 10, 7:45am

Masaya ang takbo ng usapan namin ni Amy bago dumating ang isang pamilyar na mukha.

Itinuro niya ako.

"Teka, di ba ikaw si-"

Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Ranzwel, El for short. Kaklase mo dati, remember?"

"Ang galing, magkakilala na pala kayo ni El. Kahapon lang sya dumating Milla, nung absent ka."

"Ah talaga? Ang laki na ng ipinagbago mo El ah. Nakakagulat ka."

"Excuse me guys ah, cr lang ako," that's Amy.

I took that chance to convince Milla.

"Gusto ko si Amy. Kaya please, wag mong sasabihin sa kanya ang nakaraan ko Milla."

"Ella, mabait si Amy. Kung gusto ka nya, tatanggapin nya ang buong pagkatao mo. At kung totoong gusto mo sya, hindi ka maglilihim sa kanya."

"I'm begging you, wag mong sasabihin sa kanya. Ako nang bahala, hahanap ako ng perfect timing, promise."

"Sige na nga. Payag na ako, basta wag mong sasaktan ang best friend ko ha."

Days passed. I really enjoyed Amy's company. Masaya siyang kasama, kausap, at kakulitan. Tama sila, mabait sya, matalino, at matured mag-isip, a decent one indeed. Nakilala ko na din ang pamilya niya at gusto ko din sila.

{After 2 months}

[Video call]

"Good evening babe."

"Good eve Wil. Kamusta ka na?"

"Ikaw ang kamusta na. Minsan ka na lang mag-message sa akin. Magtatampo na ako nyan."

"Nagseselos ka?"

"Nagbibiro lang ako. So how's your plan going?"

"Plan?"

Napaisip ako.

"Yes, our plan."

Yeah right, may plano nga pala kami. And in that plan, Amy is just a tool, a poor victim. My conscience is now bothering me.

"Ah, 'yun ba. Okay naman. Close na kami ng target ko."

"Nililigawan mo na?"

"Kailangan ba?"

"Oo naman. That's very important."

"Sige, bukas."

"Good luck."

Kagaya ng sinabi ni Wil, nanligaw ako. Mas naging sweet ako kay Amy, more protective, and more caring than before.

Hindi ko pa 'to nagagawa dati, lalo na sa mga babae, pero parang napaka-dali lang dahil si Amy 'yun. Masarap pala sa pakiramdam na may inaalagaan ka... KAHIT ANG LAHAT NG GINAGAWA KO AY PARTE LANG NG PLANONG SANA HINDI NA LANG NABUO.

December 25, sinagot nya ako. Isa iyon sa pinaka-masasayang araw sa buhay ko. Ang weird 'no? May deperensya na yata ako.

Noong gabi naman ay binisita ako ni Wilbert. Surprise! Kumain kami sa paborito naming restaurant. Na miss ko sya dahil 6 months din kaming hindi nagkita, pero parang iba na. Ang nararamdaman ko pagdating sa kanya ay hindi na kagaya ng dati.

"Babe, I'm staying here for good. Si bunso na ang mag-ma-manage ng restaurant namin sa probinsya. Ako naman ang bahala sa branch namin dito sa Manila," masayang balita ni Wil.

Well that's a good news. Baka sakaling maibalik ko ang feelings ko sa kanya.

January 14, 7:25 am

"Pare, nagka-usap na ba kayo Amy?" Tanong ni Geoff, boyfriend ni Milla.

"Hindi pa pre. Kadadating ko lang, bakit?"

"Si Milla kasi, kung ano-anong sinasabi nya. Nakita ka daw nya kagabi, may ka-date na lalaki. Bakla ka daw matagal na at niloloko mo lang ang kaibigan niya. Kaya ayun, magsusumbong. Hindi naman yun totoo, di ba pre?"

"Hindi ko sya niloloko. Salamat Geoff, pupuntahan ko lang si Amy."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang mga oras na 'yun. Natatakot ako...

Paano kung magalit si Amy? Masisira na ba kami? Hindi na ba ako makakalapit sa kanya? Pero mas natatakot akong baka masaktan ko sya ng sobra, na baka umiyak sya.

Nakasalubong ko si Milla.

"Sinabi mo ba?"

"Oo. Nakaka-inis ka El."

Tumakbo ako papasok sa classroom. Nakita ko si Amy, nakatulala at malalim ang iniisip. Naglakad ako papalapit sa kanya.

"Amy."

Lumingon siya sa direksyon ko.

"Uyy El."

Ngumiti sya at tumayo sa kinauupuan. Walang alinlangan ko syang niyakap kahit maraming nakakakita sa amin.

"Bakit? May nangyari ba sayo El?"

Naguluhan ako sa tanong nya. Akala ko ba sinabi na ni Milla. Ang gulo naman.

"Si Milla, may sina-"

"Wag mo na syang intindihin, medyo praning lang ang kaibigan kong 'yon."

"I love you Amy."

Yeah, I really do.

"Mahal din kita El, sobra-sobra."

Our crowd cheered.

Gusto ko nang sabihin sa kanya ang lahat, pero hindi ko alam kung papaano. Sa kanila ni Wilbert, sino ba dapat ang i-gi-give up ko?

8:15 pm

Binisita ko ulit si Wil sa restaurant nya, kagaya ng gabi-gabi kong ginagawa. Umupo sya sa tapat ko dala ang meal na pagsasaluhan namin.

"Bakit malungkot ka babe?"

"Malungkot? Ako?"

"Oo, ayan o. Obvious na obvious."

"OA ka."

"Smile ka na, tingnan mo nga ang mga costumer ko gwapong-gwapo sayo."

"Sabihin mo sa kanila na may mahal na ako."

"Alam ko yan, pero sayang naman. Lumingon ka, tingnan mo yung girl na malapit sa pinto, kanina pa yang nakatingin sayo."

"Baka sayo. Ikaw ang nakaharap i."

"Sayo kaya, tingnan mo na kasi."

Napilitan akong lingunin ang itinuturo nya.

"A-amy!"

"Amy? Di ba Amy din ang pangalan ng fake girlfriend mo?"

When Amy noticed that I already saw her, she ran away quickly.

"Excuse me, Wil."

Sinundan ko sya. Binilisan ko ang takbo dahil kailangan niyang marinig ang paliwanag ko. Yung totoo at walang halong kasinungalingan. Tatanggapin ko ang galit nya. Kung sasaktan nya ako, edi sige lang. Basta mapatawad ako ng girlfriend ko.

Nang maabutan ko si Amy ay niyakap ko sya ng mahigpit. Kahit nakatalikod sa akin ay ramdam ko ang pag-iyak niya.

"Sorry. I'm so sorry Amy."

Humarap sya sa akin.

"Don't be. Naiintindihan ko."

SHIT! Bakit ba ang bait mo? Nasasaktan ka na di ba? Ipakita mo naman. Ilabas mo.

"Amy-"

"Shhh. El, please wag ka munang magsalita. Hayaan mo muna akong magmakaawa sayo."

Lumuhod sya sa harap ko.

"Amy anong ginagawa mo? Stand up, please, wag mong gawin yan."

Lumuhod na din ako kagaya nya.

"I'm begging you El, please don't break up with me. Wag mo akong iwan, nakikiusap ako sayo. You know what, in your presence, I found a my protector, my knight, my best friend, and my man. Hindi ko kaya na wala ka El. Mahal na mahal kita. Alam kong hindi magsisinungaling sa akin si Milla, pero gusto kong ipaglaban ka. Kaya handa akong tanggapin ang lahat-lahat sayo. Kung may mahal kang iba, sige ayos lang. Makipag-kita ka sa kanya, spend those special occasions with him. Basta wag mo akong iiwan. Pwede ba 'yun?"

My tears gradually fall. She loves me this much?

Inalalayan ko syang tumayo.

"Sige na El, hinihintay ka na nya."

She pointed Wilbert, sinundan pala niya ako.

"Enjoy kayo ha, kita tayo bukas. I love you."

Sumakay sya sa taxi habang pinupunasan ang mga luhang kagagawan ko.

10:30pm

Inihatid ako ni Wilbert pauwi. Gulong-gulo ang isip ko nun, pero nakapag-desisyon na ako. Gagawin ko ang tama. Para sa kanya, para kay Amy, at para sa akin.

[Sa loob ng kotse]

"Wil, I want to-"

"Break-up with me?"

Napaiyak na naman ako.

"Shhh, don't cry El. Tama ang naging desisyon mo. Tamang ako ang i-gi-give up mo."

"Sorry Wil. Sorry kung sasayangin ako ang almost 4 years na relationship natin."

"It's worth it El. Amy is the right one for you. She loves you more than I do. Naramdaman ko yun kanina."

"I love her Wil. Hindi ko din kaya na wala sya. "

"I know, dahil kagaya niya, I am also your best friend. Alam ko namang hindi impossibleng ma-inlove ka sa iba. Nung i-suggest ko sayo ang planong 'yun, my main goal is for you to realize kung ano ka ba talaga. And I'm satisfied for the result."

"Thank you for everything Wil. Sana mahanap mo din ang babaeng para sayo."

"Yup, at the right time. So is this a goodbye?"

"No. We can still be friends, like what we used to be."

Amethyst's POV

Siguro oo, kat@ng@h@n ang gusto ko. Pero wala eh, mahal ko sya. At kahit masaktan ako dahil may mahal syang iba, as long as he stays, ayos lang sa akin. Masakit, pero kailangang tanggapin. I always want to prioritize his happiness. I want my knight and shining armor to be the happiest man he can be.

January 15, 7:15 am

7:00 pa lang nasa school na ako, linis linis ng konti. Diretso chica na din kay Milla o kay El.

"Amy, s-si El, may nangyari-," si Geoff yun.

"ANONG NANGYARI? Nasan sya?"

"Sa gym."

Nagmadali akong pumunta sa gym. Nanghina ang tuhod ko dahil sa takot na baka may masamang nangyari sa kanya. Then all of a sudden, a romantic music started to play. "I've fallen for you by Toni Gonzaga" yung song.

Punong puno ng red balloons ang covered court. Ang dami ding estudyanteng nasa labas. May program ba?

"Geoff nasan si El?"

"Ayun o," he pointed the man on the stage. He's holding a mic and was about to sing.

♪♪What is this i'm feeling, I just can't explain. When you're near, I'm just not the same. I try to hide it. Try not to show it. It's crazy. How could it be…♪♫

He's now slowly walking towards me.

♪♪I've fallen for you. Finally, my heart gave in. And I'm falling in love. I finally know. How it feels. So this is love ♪♪

Nasa harap ko na sya. Hindi ko alam kung anong sasabihin, kung paano mag-re-react.

"E-el."

"I love you more than you know Amy. Ikaw lang. Walang kahati, walang kaagaw. Sayong sayo ako. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, but I really love you. Believe me, hindi ko din kayang mawala ka. I want to be your man, forever."

I burst into tears. This is really unexpected. The best surprise love has given me.

"I love you too Ranzwel Alleje, I am forever yours."

The end.