webnovel

Chapter 30

Na realize ko na pumunta pa ako sa mansyon nila para lang sa kantang napakinggan ko noon. Nang dahil na rin sa tuwa ay sya ang unang tao na pumasok sa isipan ko.

Nang maalala ko ang panahon na iyon ay hindi ako masyadong nag expect para mai cover ang kantang iyon. Dahil masyadong busy si Naiser ay hindi na rin iyon pumasok pa sa isip ko.

Pinitik nya ang noo ko dahilan para mawala ang nasa isip ko.

"Masakit ha!" Asik ko sa kanya.

"Kanina kapa kasi tulala. Ano na naman ba ang tumatakbo sa isipan mo?" Tanong nito nang matapos ng kumain at uminom ng tubig.

Ano nga ba ang tumatakbo sa isipan ko?

"Kailan ba natin i c cover?" Tanong ko sa kanya.

Tiningnan naman ako nito. "Kailan kaba pwede, ayos kana ba?"

Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Minsan na ring pumasok sa isip ko na hanggang kailan paba ako magkukulong dito? Hanggang kailan paba ako luluha at magdudusa gabi gabi. Nang sa sandaling pinagsamahan namin ay bumigay na agad ako.

Kailan nga ba? At yun ang hindi ko maisagot sa aking sarili. Dahil ang puso ko ay para bang hindi napapagod kahit na nasasaktan na ito ay para bang hindi uso sa kanya ang pahinga.

Nagulat ako nang maramdaman kong pinunasan nya ang luha ko. Dun ko lang din na realize na umiiyak na naman ako.

"Don't cry." Halos pabulong na nitong sambit. Ngunit hindi ko na napigilan ang emosyon ko nang yakapin nya ako.

"H-hindi ko na k-kaya." Nahihirapang sambit ko habang ramdam ko namang hinihimas nito ang likod ko.

"Go ahead." Bulong nito sa taenga ko kaya lalo na akong napaiyak.

"I- iwas so s-selfish. And I-i know that. Gusto ko syang ipag damot." Pag hikbi ko. "Kung p-pwede lang s-sabihin ko na.. H-huwag na sya lumayo at h-huwag nang mag pakita sa e-ex nya ay sana ginawa ko na." Paghagulgol ko.

"A-alam mo b-bang ang sakit sa p-puso na makita sila. Na m-masaya. L-lalo na sa mga mata ni s-scott. Na p-para bang w-walang nangyari at p-para bang wala kaming pinagsamahan." Pilit kong pinupunasan ang luha sa mga mata ko ngunit ayaw nito tumigil.

"K-kaso n-naisip ko na kung sino nga ba ako? At ano nga ba talaga ang papel ko sa b-buhay nya?." Minsan ko na ring tinanong sa sarili ko kung ano nga ba ako. Ngunit hindi ko mahanap ang sagot kaya naman pinilit kong sumugal kahit alam kong talo pa rin ako.

"Shh." Pagpapagaan nya nang loob sa akin. " You don't deserve him. It's okay to cry. Pero hindi pwedeng araw araw mong papahirapan ang sarili mo nang dahil sa kanya. Nahihirapan din ako sa tuwing nakakasagap ako nang balita sayo mula kaila Irish na nang gagaling din kay Xyria. Please, stop crying now, Nicole. Para kana rin nyang ikinulong dito. Ayokong mangyari na balang araw ay magagawa mo na ring saktan ang sarili mo dahil lang sa manloloko na iyon." Mahabang sambit nito. Gusto ko syang sampalin sa huling sinabi nya. Ngunit hindi ko ginawa. Hindi sya manloloko at kailan man ay hindi nya ako niloko at wala syang alam sa nararamdaman ko.

"What's happening here!?!" Narinig ko ang pag sigaw ni Xyria kaya naman hindi ko aakalaing agad tatayo sa Naiser na syang ikina untog nang ulo naming dalawa.