webnovel

Chapter 27

"I think it's not love." Bungad sakin ni Xyria habang hawak ang wine sa kanang kamay nya at hinahalo ito.

Pinagtaasan ko naman sya ng kilay. "Paano mo naman na sabi?" Natigilan sya doon at nag angat ng tingin sakin.

"Masyadong mabilis, Ate. 2months lang kayong nagkasama. Baka naman puppy love lang iyan." She shrugged.

Nangunot naman ang noo ko sa kanya. "I don't think so. Pero nararamdaman ko na parang mahal ko na siya." Malungkot na tugon ko.

Sarkastiko siyang tumawa at tiningnan ako na para bang nagbibiro ako. Walanyang bata ito. "Seriously? ate. I have no time for your jokes." Natatawa syang umiling at ininom ang natitirang wine. "Nakikita ko sayo na gusto mo siya. I don't really think na obsess ka sa lalaking yon? Nah, don't be ate." Pabagsak nyang nilapag sa lamesa ang wine. "You deserve someone na hindi ka masasaktan or sasaktan." Then she winked at me and left me alone.

"What?" Bulong ko sa sarili ko at hindi makapaniwalang sinundan siya ng tingin hanggang sa hindi ko na sya makita. Oh come on! I am 1 year older than her. Bakit mas matalino pa iyon sa pag ibig kaysa sakin!?

Umalis na lang din roon ako at nagpahangin na lamang. Ngunit sa pagewang gewang na lakad ko ay napatid ako sa sarili kong paa at muntikan pang mapa subsob sa buhanginan.

"Are you okay, miss?" Tanong nang hindi ko alam kung sino man ito. Nakita ko ang kamay nya at tsaka ko iyon nilingon. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko ito masyadong makita dahil naglalabo na ang aking paningin.

Naramdaman ko na lang na umangat ako at para bang may sinasabi pa ito ngunit hindi ko na naririnig.

Kinabukasan ay masakit ang ulo ko dumagdag pa ang init na tumama sa aking mukha kaya naman agad ko itong sinara. Ginala ko ang paningin ko nang nasa hotel pa pala ako. Pinipilit kong isipin kung ano bang nangyari nang madaling araw ngunit hindi ko na ito maalala.

"Si Sean ang nag hatid sayo dito." Nagulat na lang ako ng sumulpot si Irish na kakaligo lang.

"Why are you here?" Matamlay kong tanong at tinaasan naman ako nito ng kilay.

"Wala po si Desiree dito. After nang kasal nila ate Rea ay hindi ko na ulit siya mahagilap." Umirap pa ito bago umupo sa harap ko at pinakatitigan ako.

Sandaling kumunot ang noo ko bago ko ito hilutin habang naka pikit.

"Next time kung hindi mo kayang uminom ng marami ay huwag mong pilitin." Pagalit pang sambit nito kaya nagawa ko nang imulat ang mata ko at pasiring siyang tiningnan.

"Bakit parang ikaw pa ang galit?" Natatawang tanong ko.

"Concern lang ako sa kalusugan mo. I am your friend too right?" Seryoso ani nito.

Ilang minuto ang katahimikan sa aming dalawa na kulang na lang ay lagyan na nang sound effect ng kuliglig.

"Forget him." Nagulat na lang ako nang siya ang nag basag nang katahimikan sa aming dalawa.

Nagugulat ko siyang tiningnan at naghahanap kung nagbibiro ba ito. Ngunit nang tingnan nya ako ng seryoso ay mukhang wala ngang halong biro sa sinabi nya.

"Hindi ganun kadali." Nasisimula na naman ako maging emotional ngunit pilit kong pinipigilan ito.

Narinig kong napa buntong hininga sya bago ako hawakan sa magkabilang balikat. "Hindi mo magagawa kung panay layas mo at kung saan saang bar ka nagpupupunta. Kung palagi mo lang siya iniisip sa mga bawat pupuntahan mo ay magmumukmok ka lang dyan. Don't worry, kasama mo si Xyria. Umalis muna kayo dito nang Pilipinas at mag sabay kayong mag move-on dalawa." Mahabang wika nya na ikinagulat ko. Dahil sa pagtataka ay hindi ko man lang nahalatang na mo mroblema din siya.

Umiling iling ako. "Hindi ko kaya." Nahihirapang sambit ko at nagsimula na namang tumulo ang luha ko.

"Please, Huwag mong hayaang lamunin ka ng lungkot dito. Nakiki usap ako sa'yo, Aiseline." Tiningnan nya ako nang may pagka awa sa kanyang mga mata.

Lalo akong napahagulgol nang niyakap ako nito na para bang kinocomfort ako.

"Pag-iisipan ko." Matapos ang sandaliang katahimikan. Napabuntong hininga siyang muli bago tumango.