webnovel

Chapter 25

Kinabukasan ay ang sakit ng ulo at mata ko. Feeling ko ay namamaga ito ngayon dahil sa pag iyak ko. Agad nasi kilos ang lima sa akin at chine-check kung ayos lang ba ako.

Tumango tango na lang ako kahit alam nilang tulala ako ngayon. Naalala ko pa rin ang kagabi. Nawasak masyado ang puso ko nang dahil doon.

Nagsi kilos at liguan na kami. Nagpa una ako dahil ayoko ng nahuhuling maligo sa kanila. Masyadong awkward dahil walang nagsasalita.

Si Chloe ay tulala rin katulad ko. Si Irish naman ay nag c cellphone. Si Xyria at Desiree ay nagbubulungan. Si Krisha ay hindi ko malaman kung natatae o ano.

"Paki hugot ng saksakan Xy." Rinig kong utos ni Krisha

Tulala lamang ako mag hapon. Nang mag l lunch ay bumaba na siguro ang lahat. Napatigil ang pagkilos namin ng may kumatok sa pintuan.

Agad kong sinuot ang shades kong black habang naka dress akong pula at may cylcing sa loob dahil hanggang tuhod lamang ang haba noon. Sleeves top.

"Girl's, bumaba na kayo at kakain na." Wika ng kapatid ni Desiree kaya naman nagmadali na rin kami.

"Nakita naming umiiyak ka kagabi." Walang prenong wika ni Irish na ikinatigil ko sa paglalakad.

"Huwag ka munang dumada Rish." Saway ni Chloe sa kanya.

"Manahimik na lang muna tayo." Dugtong ni Xy.

Hindi ko na lang sila pinansin. Lahat kami ngayon ay nakasalamin. Mukhang nakigaya lang sila sa akin.

Naghiwa hiwalay kami dahil kailangan makasama sa hapag kainan ang pamilya. Umupo ako ng tahimik doon. Nakatingin sila sa akin ngayon nang may pagtataka.

Sa kasamaang palad ay tapat pa namin ang Pamilya ni Scott. Binigyan ako nang makahulugang tingin ni Irish. Nag thumbs-up ako ng patago kaya tumango ito.

"Are you okay, honey?" Malambing na sabi ni mom.

"I'm fine."

"Let's eat." Wika ni daddy kahit na parang may pagdududa sya sa sagot ko.

Ganoon din sina Veil at Leigh. Parang kating kati ang dila nang dalawang kapatid ko na mag tanong. Alam na siguro nila na uuwi na ako nang bahay mamaya at ipapadala ko na lang ang gamit ko.

Nang matapos kumain ay nagsilipatan na naman ang iba sa ibang table. Hindi sila mapirmi pati ang mga magulang ay ganoon rin. Na late na rin nang gising ang mag asawa. Malamang alam na.

Kating kati ang mga pwet nilang lumipat nang upuan matapos kumain. Sa bagay ay nililigpit naman agad nang mga waiter ang pinagkainan namin kapag tapos na.

Nagulat ako nang tumingin si Klaire at Scott sa akin. Tumango si Klaire sa kanya at lumapit sa gawi ko.

"Salamat nga pala sa pagbabantay kay Scott habang wala ako. Malaki ang utang na loob ko sayo." Ngiting wika nya at hinawakan pa ang dalawang kamay ko.

Tumitig lang ako doon. Sinasabi ko na ngang mabait ito. Gusto ko sabihin sa kanyang hindi dapat sya nagpapasalamat. At kung alam lang nyang mahal ko na rin ang mahal nya ay tingnan ko lang kung ngumiti pa sya ngayon sa harap ko. Tumango na lamang ako sa kanya bago sya umalis.