webnovel

Chapter 23

Hawak ko ang wine habang nagpapahangin sa Rooftop na may swimming pool. Nakatayo lamang ako at tanaw ko ang mga tao roon. Parang gripo ang luha ko dahil kahit nandito na ako sa itaas ay nakikita ko pa rin ang lintek na halikan nila.

Nagulat ako nang may yumakap sa likod ko. Kilalang kilala ko ito kaya naman napayakap na rin ako sa kanya at mas lalo lang lumakas ang hikbi ko.

"Hindi ko na kaya, k-kuya." Nahihirapan sambit ko habang pilit akong pinapatahan. Pero hindi ko magawang tumahan dahil sa sobrang nasasaktan ako.

Lalo akong napaiyak nang maramdaman ko ang presensya ni Naiser na nag-aalala ngunit may galit ito sa kanyang mata.

"You don't deserve him." Malamig na sambit ni Kuya kaya naman umiyak na lang ako ng umiyak sa kanya.

Nang tumigil ako sa pag iyak ay pina upo nila ako sa may gilid ng pool at inalalayan ako doon.

"Kumain kana ba?" Tanong ni Kuya.

Umiling lamang ako at tulala roon. Ramdam kong nakatingin si Naiser sa akin na mas lalo kong ikinakaba.

"Kukuha lang ako ng pagkain mo. Bro, ikaw na muna ang bahala sa kanya." Naramdaman ko ang pag tango niya kay Kuya bago umalis. Ilang minutong katahimikan ngunit wala akong ganang makipag usap. Maliban na lang sa mga kapatid ko. Nakakapanghina lang dahil nakita ng dalawang taong importante sa akin na umiiyak ako dahil sa lalaking minahal ko.

"Sinabi ko na sayo, una pa lang ay hindi kana dapat nakipag deal kay Yvonne." Utas nya at tumabi sa akin.

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Tingnan mo nga yang itsura mo ngayon! Hindi bagay sayo ang umiyak. Hindi ka dapat umiiyak ng dahil sa kanya!!" Napa pikit ako dahil sumigaw siya. Ramdam ko ang galit at pagpipigil niyang sugurin doon si Scott.

"Kasalanan ko bang nag mahal ako?" Malamig na tanong ko sa kanya.

"Nicole-"

"Kasalanan ko bang may namuong feelings ko sa kanya?

Kasalanan ko bang umasa ako?

Kasalanan ko bang nag bigay siya ng mutibo?

Ako na ba ang kailangan sisihin?"

Sunod sunod na tanong ko. Walang ginawa ang luha ko kundi ang lumabas sa mga mata ko.

"Shh, I'm sorry." Niyakap nya ako sa likuran

"K-kasalanan ko bang n-nagmahal ako ng maling tao?" Asik ko sa kanya at mas lalo lang akong naiyak nang yakapin ako ni Naiser. Naabutan kaming dalawa ni Kuya roon pero hindi naman siya nag react. May dala na itong pagkain para sa akin at inumin.

"Kumain kana." Malamig na sambit nya. Kahit walang gana ay pinilit kong kumain habang nag uusap na silang dalawa sa malayo pero katapat ko.

Inubos ko na lang ang pagkain dahil sayang. Nagutom rin naman ako. Ininom ko ang tubig na ibinigay nya at tinapon ko na sa malapit na basurahan ang pinagkainan ko.

Pinulot ko ang bag ko at pumasok na ng elevator nang hindi nila namamalayan dahil nakatalikod sila sa akin. Pinindot ko ang nine floor dahil nandoon ang room naming girl's.

Ini-slide ko ang card sa pinto at bumukas ito. Dumeretso ako ng cr upang mag ayos. Ayoko na sanang mag punta pa roon pero kinakailangan dahil mag taka ang iba doon.