webnovel

Chapter 19

Marami pa kaming kinuhaan na picture na nadaan na ibang tao at pinag t tripan namin.

Kaya sa huli ay tawa lang kami ng tawa sa kalokohan namin. Nang mapagod ay madilim na. Nagpahinga kami sa may upuan na may sandalan at tumingala ako sa langit.

Namaalam siyang mag c cr kaya naman dumeretso ako ng simbahang malapit sa park at nag dasal

"Ang wish ko lang po ay sana.. Sana hindi na umalis ang taong kasama ko ngayon.. Sana ay kalimutan na lang niya ang taong iniwan siya ngayon... Please po.. Alam ko pong selfish ang dating sa akin pero... Hindi ko na po kasi kaya kapag nawala siya sa akin e.." Nagpanggap akong natatawa kahit gusto nang tumulo ng luha ko.

"H-hindi ko na po k-kayang p-pakawalan siya." Pagkasambit ko ay kasabay ng pag bagsak ng luha ko. Panay lamang ang hikbi ko at tinakpan ang mukha ko ng dalawang kamay para walang makarinig sa iyak ko.

Ngunit naalala kong baka naghahanap na siya sa akin ay agad akong nag ayos. Hindi pwedeng magmukmok ako gayong masaya naman ako kanina.

Inayos ko ang buhok at nag bow sa gitna bago lumabas nang simbahan. Pinaypayan ko ang sarili ko nang makalabas at tiningnan ang salamin ng cellphone ko kung halata bang umiyak ako o hindi.

Nakita kong palakad lakad sya at halatang hinahanap na ako. Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap siya sa likod. Naramdaman ko ang gulat nya kaya nagpasalamat siya sa kinausap nyang lalaki na body guard bago niya itinuon ang pansin sakin.

"Saan kaba nag punta at bigla kana lang nawawala!!" Galit nyang sambit ngunit nanatili akong tahimik habang yakap siya. "Hindi mo ba alam na nag-aalala na ako dahil baka nakuha kana ng masasamang tao dyan sa paligid! Hindi ka nag iisip!!"

Gusto kong maiyak. Pero hindi ko kayang gawin, ayokong makita nya ang kahinaan ko. Nasasaktan ako oo, pero naiintindihan ko dahil nag-alala lang naman siya.

"I'm sorry." Yun na lamang ang sinabi ko. Alam kong natigilan sya doon pero niyakap na lang din nya ako.

Makalipas ang ilang minuto ay biglang nagkaroon ng fire works. Magpapasko pa lang naman ay advance na agad silang magpaputok.

Sabay kaming napatingalang dalawa at pinapanood lamang ang magagandang fireworks sa itaas. Ngunit agad ring nangunot ang noo ko nang bumuo ito ng letra.

I l i k e y o u

Agad bumilis ang tibok nang puso ko at ramdam kong nakatingin siya sa kin.

N i c o l e

Nang mabasa ko ang pangalan ko ay hindi ko na napigilang umiyak kaya naman nataranta ito at ginawan ako ng isang halik at pinatahan.

Hindi ko maintindihan. Pero dapat ay masaya ako. Pero paano kung plano lamang nya ito? Napaka imposibleng ipagpalit nya ang minamahal niya sa akin.