webnovel

Chapter 13

"Please excuse us." Hinila ako ni kuya at sumunod naman ang dalawang kapatid namin.

"Are you sure about this Ate?" Nag aalalang tanong ni Veil kaya naman napatungo na lang ako.

Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi agad ako naka sagot. Pero sa bagay ay hindi ko kailangan tanggihan iyon dahil baka mag taka sila. Wala si Desiree dito upang tulungan ako. Wala pa man sa desisyon ko ay parang naiipit na ka agad ako.

Huminga ako nang malalim bago tumingin sa tatlong kapatid ko na nag aabang na mag salita ako.

"I am not-"

"Bakit kaba kasi pumayag sa walang kwentang deal na iyan?" Asik ni kuya na ikinatungo ko lalo.

"Gusto ko lang makatulong-"

"Ate you're not a hero, you're just a human. Hindi pwede na gusto mo lang maka tulong kaya ka pumayag." Sagot naman ni Leigh.

Mukhang na dissapoint sila sa akin dahil mali ang naging desisyon ko. Gusto kong maiyak ngunit walang lumalabas na luha mula sa mata ko. Lungkot lamang ako nararamdaman ko ngayong gabi na ito.

"Papayag ako." Sabay silang nagsinghapan at agad nila akong niyakap.

"Promise me sis, na kapag bumalik ka ay hindi ka magiging sawi." Pagbibiro nya kaya natawa naman kaming tatlo.

"I can't promise kuya, but I'll try."

Matapos ang usapan ay nag si uwian na ang pamilya nila Irish at naiwan dito si Scott. Nagpasyahan na lang na matulog sya sa guest room na inayos naman ni Yaya eli para sa kanya.

"Ok kana ba dito?" Tanong ko

"Thanks Klaire." Nagulat ako ng yakapin ako nito sa likod ko.

Para bang tinusok ng karayom ang puso ko sa pangalang hindi naman akin. Alam nyang alam nya iyon at ganun kadali na maging komportable sya sa akin. At alam ko rin na si Klaire ang nakikita nya sakin.

Pero hindi ko rin maiwasang masaktan. Gusto ko nang bumalik sa dating ako. Na may freedom ako at walang pino problema.

Unti unti na akong inaantok kaya naman hinalikan ko ito ng smack sa labi at hinimas ang ulo nito bago mamaalam.

Pabagsak kong sinara ang pintuan at ni lock iyon bago mahiga sa kama. Hindi ko maiwasan at hindi ko rin aakalain na malaki ang tiwala nya sa akin na hindi ako magkaka gusto sa kanya.

Gusto ko nang sisihin ang sarili ko ngayon dahil nagugustuhan ko na sya. Alam ko rin naman na hindi sya mahirap gustuhin kaya naman tinanggal ko na lang siya sa isip ko at pilit na matulog.

Ngunit nagising rin ako ng madaling araw dahil nagsuka ako at naparami ang nainom ko. Hindi ko naiwasan mapangiwi ng malasahan ang king inang alak na iyon na hindi ko matandaan ang pangalan.

Dahil maski anong alak ay iniinom ko at hindi ko na inaalala ang pangalan. Napamumog naman ako at nag toothbrush na rin para hindi ko malasahan iyon kasabay nang paghilamos.

Nag flash ako sa bowl at tinakpan na rin iyon. Kinuha ko ang bimpo sa tabi at pinunasan ang basa kong mukha.

Matutulog na sana ako ng biglang mag vibrate ang cp ko na agad kong ipinagtaka. Dahil wala na dapat mag m message sa akin ng ganitong oras ng alas kwatro.

'Still awake? -N'

Nagtipa naman ako ng reply kahit inaantok na

'Why do you care huh!? I have no time to play with you stranger! '

Sent message

Padabog kong nilagay sa cp ko sa gilid at natulog na.