webnovel

I'm in love with a Pop Star

Beck is just an ordinary girl. She was kept sheltered by her parents since an only girl. Ever since she was little she dreamed of weird and scary things, people, but what does all this tell her. One night a voice asked her, Who is Christ? Sino si Kristo? Will she be able to answer the QUESTION? Now that she became a big time businesswoman, will she be able to hide her feelings for Liz. And would she be able to face her destiny with a powerful secret group who have been wanting her to join ??? Vic hates Liz but what if tables turned and Liz happens to adore her? Being the CEO and holding power was what she alwasy wanted but what if she needs to rule over the world and need to do it soon? Superhumans are only seen in the movies or you tube vids, what if you yourself is one? What would you do?

Vicky_Manalo_5384 · Teen
Not enough ratings
71 Chs

Trudy 2

Nalungkot si amang at inang pati si Nilo ang aking labingtatlong taong bunsong kapatid sa balita ko na makikitira kay Sanya habang nagtatrabaho sa law firm na papasukan ko. Pero naiba ang ihip ng hangin ng makita nila si Sanya at maraming dalang pagkain at regalo sa kanila. Hay, ang pamilya ko talaga para ring mga artista, pang-Famas ang acting, hihi!

Bumibisita si Sanya sa bahay, minsan twice a week pa, simula ng kami'y magkakilala.Kahit bungalow lang ito malapad naman kaya tipong malawak ang sakop kung titingnan. Luma na ito daang kasi'y sina lolo at lola o mga magulang pa ni amang ang dating nakatira dito. Di ka maniniwala peropangatlo na akong henerasyon ng Sangalang na lumaki ditto sa bahay na ito sa Maynila. Dati ang sabi ni amang, marumi daw ang Dangwa at Divisoria, ang buong Maynila kasi puro basura. Pero noong nagka-covid nagsimulang magbago ang Maynila at lahat ng mga siyudad sa Pilipinas. Naging moderno at malinis na ang mga kapaligiran, nagsimulang magtanim ang mga mamamayan ng maraming puno at bawat building o tahanan ay may puno, mga halaman o garden sa harap , terrace o bakuran nila.

Akala ng mundo at ng mga tao hindi ito magagawa, pero nagawa ng aking mga lolo, lola at kanilang pamilya, ganun din ang ginawa ni amang at inang sa aming bahay at pinagigihan, pinalaki, pinaganda ang flower shop. Nagkaroon man ng isyu sa mall na katabi nito, pinakiusapan ni Sanya ang papa niya na pagbigyan kami na ipagpatuloy ang aming business na flower shop dahil dalwang dekada na na aming pag-aari ang tindahang iyon. Naintindihan naman ng ama ni Sanya ang pakiusap ni amang at ibinigay pa ang titulo ng lupa at naging amin na ang lugar mga tatlong taon na ring nkararaan. Ang mall ay humigit kumulang na tatlong taon na rin nakatayo sa ngayon.

Uy!, ano yon?, ang lalim nag iniisip mo ah!, halika, sama ka, nagyayaya si kuya Sarge sa party sa condo unit niya sa baba. Pupunta raw ang mga kaibigan niyang sundalo. May mga guwapo dun, kaya magpaganda ka!. Tsaka, dalaga ka na no, dapat lang may manligaw na sa iyo, sabi ni Sanya na nakangiti na parang nanglalait dahil wala pa akong nobyo. Oy, ate!, nagkaroon na rin ako ng nobyo no!, sagot ko nang

may panunuya, habang nakahiga sa sofa ng condo ni Sanya. Okay, sige na nga, nga pala, sa Monday na ang pasok ko, naku, nakakaniyerbiyos naman, dagdag ko pa nang kilitiin ako ni Sanya bigla sa tagiliran. Hahaahah!, tama na, okay, okay, hindi na ako kinakabahan pero naiihi naman na ako, sabi at biglang tumakbo sa cr niya.

Tama, huwag ka mag-alala kasi mababait sila doon, nga pala, may susuutin ka na mamaya?, tanung ni Sanya habang sinusundan ako ng tingin papuntang cr, at binawi ang kaniyang tingin ng binaba ko ang shorts ko at umupo sa bowl na pinabayaang nakabukas ang pinto ng banyo. Ah okay, sige, teka titingnan ko kung may mga damit akong napagliitan sa kuwarto para masuot o kaya bii na lang tayo ng bago kung gusto mo, dagdag niya habang papalayong lumakad papunta sa kaniyang kuwarto.

My God, napakainosente talaga ni Trudy. Hindi na ako makapagpigil, anu ba itong nararam-daman ko. Namimiss ko siya kapag hindi ko nakikita, tapos, gusto ko siyang kausap kahit na walang kuwenta ang aming pinag-uusapan. Haay!, siguro, phase lang ito, nakalimutan ko si Janice dati so, wala lang 'to, just a simple sistery feeling maybe!, sabi ni Sanya sa sarili habang nakahiga sa malaking kama na meron siya sa kuwarto niyang mas malaki pa sa shop nila Trudy.

Sanya, Sanyaaaaa!!!!!, sigaw ko sa kanya na mga ilang minuto nang nakatayo sa may pintuan niya. Haa, aaah, Trudy, o, bakit , anu yon?, tanung ni Sanya sa akin. Di ba papakita mo sa akin yung mga damit mo para sa party mamaya?

Ay oo nga pla, I'm so sorry bab….ieee!, ah, yeah, ayun ang closet ko, pili ka na lang. Tingnan mo kung anu yung kasya sa'yo. Sukatin mo na rin, mag sha-shower lang ako, sagot ni Sanya at biglang tumayo sa higaan niya at sinara ang pintiuan ng bathroom niya. Nagtataka ako kung bakit siya ganun, parang iniiwasan niya ang maga tingin ko at kapag lalapit ako sa kanya parang nilaalyuan niya ako. Dalawang linggo pa lang kaming magkasama dito sa condo niya, galit na agad siya sa akin. Bakit kaya?