webnovel

I'm in love with a Pop Star

Beck is just an ordinary girl. She was kept sheltered by her parents since an only girl. Ever since she was little she dreamed of weird and scary things, people, but what does all this tell her. One night a voice asked her, Who is Christ? Sino si Kristo? Will she be able to answer the QUESTION? Now that she became a big time businesswoman, will she be able to hide her feelings for Liz. And would she be able to face her destiny with a powerful secret group who have been wanting her to join ??? Vic hates Liz but what if tables turned and Liz happens to adore her? Being the CEO and holding power was what she alwasy wanted but what if she needs to rule over the world and need to do it soon? Superhumans are only seen in the movies or you tube vids, what if you yourself is one? What would you do?

Vicky_Manalo_5384 · Teen
Not enough ratings
71 Chs

Starting Fresh

Nagkakalabuan na kami ni Jasper at siya pa ang may lakas ng loob na makipag-cool-off sa akin. Ang kapal ng muks ha! Namen!. Anyway, kahit sa limang taon naming pagsasama hindi pa rin mawala sa isip ko si Sanya at mahal na mahal ko pa rin siya. Pero kahit na nag-uumapaw sag alit ang aking puso sa kaniya, hindi ko pa rin maalis ang mga oras na magkasama kami at noong gabing yaon na nagtalik kami. Hanggang ngayon parang nararamdaman ko pa rin ang mga haplos at halik niya, nakakabaliw. Actually, muntikan na nga ako mabaliw sa kakaisip kung bakit niya ako iniwan o bakit siya umalis ng bigalaan. HInid ko pa rin maubos maiisip, pero para saan pa kung halimbawa na magkita uli kami at mag-kausap. Ang dami ng nagbago. Pero paano nga kung magkita ulit kami?, ani Trudy na nakatanga sa labas ng kaniyang bintana na kahit ngva-vibrate ang cellphone niya ay di niya nararamdaman.

Ah! Hello!, yeah, Kuya Sarge, wow, ang tagal nating di nagkausap ha! Haha!, oo nga, ah, bukas?. Wala naman may tatapusin lang akong dalawa o tatlong kaso tapos…ah, hehe. Hindi naman, haha, opo, judge po sa Manila. Thank you!. Mag-iisang taon na rin po. Okay, sige po. Maaasahan niyo po ako bukas ng gabi!, sagot ni Trudy sa cellphone. Inimbitahan siya ni Sarge sa tahanan nito dahil tatakbo siyang Congressman sa Maynila. At inaanyayahan siya nito na makisapi sa adhkain na mapaganda ang Maynila ksama ang mayor nito. Ngayon ay naghahanda na ang lahat ng mga kasapi ng kani-kanilang partido sa nalalpit na halalan sa 2032. Nang umalis sa Navy si kuya Sarge ay nasabitan pa siya ng medalya sa pagiging bayani sa nangyaring kaguluhan sa Marawi.

Dito tinanghal siyang sarhento at nagretiro ng maaga bilang koronel. Ngayon lalaban siya sa pribadong partido bilangCongress- man ng Maynila at susuportahan ko siya sa kaniyang adahikain na mapaganda at mapaunlad ang siyudad ng Maynila. Kahit nakatira na ako sa Quezon City, nagpatayo ako ng bahay bakasyunan sa Dangwa malapit sa aming tinirhan dati. Mahirap lang kami noon pero hindi ito naging hadlang para makamtan ko ang aking mga pangarap at magkaroon ng dalawang sariling tahanan at mga paupahan. Binibili ko ang flower shop namin dati kaso nang namayapa ang ama nina Sanya at kuya Sarge naibenta na raw ang mall at ang parte kung saan nakatayo ang shop namin dati. Gusto ko sana tanungin si kuya Sarge sa nagyari sa kanila at kay Sanya pero, nahihiya ako. Ayoko na masaktan siya at baka may masabi ako na ikasasama lang ng loob niya, kaya huwag na lang.

Ngayon ko lang naisip na hindi ko talaga minahal si Jasper. Siguro noong panahon na nangugulila ako kay Sanya hinayaan ko na pumasok siya sa aking puso kahit hindi pa naghilum ang sugat na iniwan ng aking kaibigan na naging ka-i-bi-gan ko. Nagpark ako malapit sa gasoline station para magpagaslina sana kaso nakita ko si Jasper na may kasamang babae, maganda at tawa ng tawa sa sinasabi niya na papalabas sa 7/11 kung saan nakatayo ang gasoline station. So, parang gusto ko magtago pero malayo naman sila sa akin mga 20 feet siguro. Natapos din si kuya sa pagpuno ng Porshe ko na sasakyan. Well, ito lang naman ang iniregalo ko sa aking sarili sa lahat ng sakripisyo at success na natamo ko sa aking buhay, kasama na ang mga pauahan sa Antipolo, Concepcion at Palawan.

Minsan namamalagi ako sa Antipolo dahil sa Q.C. ang isa ko na tirahan na balak ko na ring paupahan daang kasi'y gusto ko na magretiro sa ikalabing limang taon ko sa Korte ng Lungsod ng Maynila. Pero marami ang pumipigil sa akin na gawin yoon dahil marami pa raw ang nangangailangan sa aking tapat, patas at makataong hustisya at serbisyo sa mga mamayan at bansa. Hindi rin ganuon kadali, marami na ring beses na may magde-death threat sa akin o tatakutin ang aking driver o staff sa opisina para tumigill ako sa pagiging Judge ng siyudad. Pero we took an oath na pagsisilbihan ang aming bansa ng may kagandahang loob, patas at makatarungang paraan. At kahit may mangilan-ngilan na tumataliwas o humahadlang sa aking mabuting hangarin, hindi pa rin ako tumitigil sa aking ginagawa. Ipinasa-Diyos ko na ang aking buhay at alam ko

Siya ang gumagabay at nagpoprotekta sa akin at aking mahal sa buhay. Nawala man ang aking mga magulang, naging masaya sila sa aking natamong tagumpay at patuloy akong hinimok ni Amang na maging matatag at matapang sa aking napiling propesiyon. Kaya gagamitin koi to ng mahusay at may pag-asang mababago ang pag-iisip at pusonng mga makasarili at gahaman sa kapangyarihang mga politiko at matataas na tao sa korte man o hindi. Kahit saan naman ay magulo at nagkakaroon ng hindi pagkaaunawaan pero sinisikap ko na laging mag-kaisa at magkaroon ng patas na desisyon at pantay-pantay na karapatan, maliit man na tao o tanyag at mayaman.

Okay, bukas ano kaya ang aking isusuot. Haaa!, may parang kung ano ang may kumurot at humaplos sa aking dibdib na nangangarap makita si Sanya. Sana andun siya sa party! Pero matagal na na panahon kaming hindi nagkita. Anu na kaya ang itsura niya, maganda pa rin kaya or sexy? Tumaba kaya siya o tumanda na, kasi mas may edad siya sa akin ng less than five years so mga 32 na siya ngayon. Kung ako ang tatanungin niyo, iba na ang aking itsura. Mas maayos at mamahalin na ang aking mga damit. Naka-contact lenses na ako at nagpaikli ng buhok na shoulder length. Madalas na sinisipulan ako kasi tumaba ako na mas naging malaman at seksi ang aking pangangatawan.

Lumaki na rin ang aking boobs, na hindi katulad dati na flat at parang wala lang, hehe! Nage-exercise na rin me every morning at minsan tumatakbo sa village kung saan ako nakatira ngayon. At malayong malayo sa katawan ni Sanya na mala-model ang hugis pero malaki ang kaniyang hinaharap. Siguro mga 36 B cup yon. Well medyo may alam na ako sa mga ganiyan. Dati wala akong pakialam sa fashion o hair styling. Ayun!

Pero kahit mga dalawa o tatlong lalaki na ang aking nakasama, si Sanya lang ang kaisaisang babae na minahal ko at ipinagkaloob ang buo kong sarili ng walang pag-aalinlangan. Ang hindi ko lang maubos maisip bakit niya ako iniwan at bakit hindi na siya nagparamdam pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin. Ang mga tanung na laging sumasagi sa aking isipan na gusto kong itanung sa kaniya kapag kami ay palarin na magkita. Kung kalian man iyon, hindi ko alam at nakatulog na ako sa kakaisip sa kaniya na may luha na dumadaloy sa aking mga mata at pisngi. Basa na na- man ang unan ko nito bukas, haaay!

Isa sa mga sasakyan ko ngayon ang mini-cooper na naku-kyutan si Sanya dati kapag nakikita niya ito sa kalsada tuwing kami ay nagbibyahe o namamasyal sa highway or probinsiya. Kulay green and white ito at mas madaling manehuhim compared sa Prorche pero mas mabilis ang huli. Na aside from mahal siya, mas may class kapag aking ginagamit. Pero, utang ko lahat kay Sanya at kaniyang ama ang aking natamong tagumpay ngayon at wala katapusan kong pinasasalamatan si Sanya at kniaynag pamily sa kanilang kagandahang loob. At ang pasasalamat ko sa kanila ay ginagawa ko na pagpapakabuti sa pagtulong sa aking kapwa na nangangailangan at sa simbahan. Nakikibahagi din ako sa mga non-profit organizations at foundations para mapagpatuloy ang misyon na ginagawa ng ama ni Sanya noong nabubuhay pa ito.

Sanya? Sanya!!!! Ikaw nga, kamusta?, tanung ko sa aking mahal at niyakap ng mahigpit dahil masayang masaya ako na makita siya. Pero sa kaniyang pagkaka-akap, lumuha siya ng dugo at humagulgol na parang bata. Ako ay naantig at nasaktan, hindi ako makahinga at pilit na akapin muli si Sanya pero lumayo na siya at unti unting lumayo pa na hindi ko na siya makita. Natakot ako at napasigaw sa sakit at iyak. Tsaka ko na lng nalaman na nananaginip lang ako. Aba'y napakasama namang panaginip iyon! Sana okay lang si Sanya!

Mga alas-otso na ng gabi ako nakarating sa bagong tahanan ni kuya Sarge. Nabili niya ito sa pamamagitan din ng tulong or koneksiyon ko. Isa sa mga kasamahan ko sa korte ang nagbenta ng bahay niya kay kuya at masayang masaya ito sa aking niregalo sa kaniya nito lang Mayo. At ito nga any iyong bahay na may swimming pool sa loob at may bakuran sa harap at likod para sa mga anak niya. Si Ate Gene ay tubong Bulacan kaya close na kami kahit bago pa lng kami nagkakilala. Anga mga anak nila na sina Sargene, 10 taon at Sanya Leona o Salee 8 taon, ay masaya na sinalubong ako kahit papasok pa lng sa harap ng gate nila. Tuwang tuwa sila sa pagdating ko at ako rin naman ay namis sila ng todo.

Busy kasi ako sa trabaho at mga tatlong lingo ko rin silang hindi nakita. Ang aking baby brother naman ay busy rin sa work and school niya pero nagkausap naman kami nnoong isang araw pero mga 30 minutes lang, daddng kasi'yb may exam pa siya kinabukasan. Proud naman ako may Bro., at least hindi na niya need ang money ko though pinapadalhan ko pa rin siya ng pera sa ATM niya. Ayoko ko lang kasi na magkulang siya o mag-worry sap era since nag-aaral pa siya at nagtatrabaho din para hindi na makaabala pa sa akin. Kaso ako lang naman mag-isa. Si Jasper naman ay may sarili ring pera at noong nagsama kami hindi naming pinagtalunan ang pera at siya ay isa sa mga taong pinagka-katiwalaan ko sa pera kaya mahal ko siya kahit hindi man kami magkatuluyan in the future. Siguro hindi talaga match ang halos magkasing-edad. Mas gusto ko mas matanda sa akin at mahal ako ng todo. Kaya….