webnovel

Chapter 1- Adelaide Sheridan

*Adelaide Sheridan*

Year 2002

It's when the Great Regime started to fall.

The persecution of the nobles began. Its demise of power is the birth of war between them and those incumbents.

Those with clean hands were stained with blood while the filthy are cleansed.

The place full of vitality and security gradually became quiet and chaotic.

While most of those people lurk in fear my family are currently living in a house that has been witnessed over history and beyond.

That day was one of the coldest of that year. I remember, it was a vast darkened room and I was hidden by the shelves.

Bilin sakin ng aking ina na kailangan kong magtago kapag may istranghero sa loob ng bahay. Kung ano ang dahilan? Hindi ko alam.

Tahimik akong nagbabasa sa isang malaking libro tungkol sa nakaraan, kasaysayan ng isang bansa. Isang sikretong aklat na tanging pili na pamilya lang ng lipunan ang pwedeng mag may ari ng bawat kopya.

Bahagya akong natigil sa pagbabasa ng marinig ko ang marahan na pagbukas ng pinto, oo nakita ko yun na nagbukas dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana na bahagyang natatakpan ng isang mahaba at makapal na tabing.

Maya-maya ay pumasok mula sa pinto ang isang batang lalaki. Hinawi niya ang tabing at bumungad sa kanya ang mga istanteng aabot pa sa kisame ng buong silid. Naglalaman ito ng iba't ibang uri ng mga librong nauna pa sakin sa bahay na 'to. Maya-maya pa'y tumingin siya sa lugar kung saan ako naroon. Nakatingin siya sakin ng diretso, pakiramdam ko'y tumindig ang balahibo sa aking buong katawan.

Naglakad siya palapit sakin, mas matangkad siya, kumpara sakin di hamak na mas mahaba ang kanyang biyas.

"Ikaw ba si Laide?" buo ang mga boses niyang nagtanong sakin. Hindi ko siya sinagot, bilin din kasi sakin na hindi ko dapat kausapin ang mga taong hindi ko naman kilala.

"Ako si Rob ang panganay na anak ng Hari ng Maharlika."

***

Napabalikwas ako mula sa mahimbing na pagtulog dahil sa nakakabulahaw na tunog. Madilim ang paligid dahil sa blinds na nakakabit sa glass window ng aking kwarto.

Isinindi ko ang lampshade sa bedside table ko at napalingon sa digital clock na katabi nito. It's 5:30 in the morning.

Narinig ko na naman yung nakakainis na tunog ng Bell. Actually it's the ringtone of my phone. Kaagad kong hinanap ang cellphone sa ilalim ng unan ko.

Chineck ko sa screen kung sino yung istorbong gumising sa napakahimbing kong tulog.

Si Miranda. A friend? No! She's more like the annoying human being that clings to you often, a so-called sister. She belongs to the House of Prosecution.

Kung hindi si Inspector Guevara, si Miranda. Hindi na pinatahimik ng dalawang yun ang buhay ko dahil sa mga kasong hinahawakan nila. Palagi kasi nilang kailangan ang opinyon ko hindi dahil sa hindi sapat ang impormasyong meron sila kundi sinusubukan nila ang analytical skills ko.

Kaagad kong sinagot ang tawag niya na mukhang mas importante pa kaysa sa tulog ko.

"Ady speaking." sambit ko matapos kong i-swiped pa right ang screen.

["Ady!"]

Halos ma-bingi ako at mailayo ko sa tainga ang cellphone na hawak ko.

Nilingon ko ang screen at pabulong na sinabing

"Buset!"

["Ady we need you at the crime scene right now!"]. Kaagad akong napabalikwas sa sinabi ni Miranda.

May pinatay na naman ba yung serial killer na yun? Oh baka panibagong case?

Oh yeah, we've been hunting a serial killer who murdered two victims in a month. The whole team was alarmed knowing that the person who committed those crimes was still unknown and nowhere to be found. At ngayon ito na naman ata kami.

"Teka paano yung meeting ko with Agent Benitez?" tanong ko kay Miranda.

["Is that even important Ady?"] galit na sagot niya sakin. Tsk. Para nagtatanong lang!

"Okay, send me the location."

*Roosevelt Ave, Main Road*

"Grupo ng mga senior-citizens na nag-jojogging ang nakakita sa bangkay. Ayon sa kanila, almost two-days na nakapark ang sasakyan dito sa plaza at mukhang may tao sa loob kaya nilapitan ng isa sa kanila at laking gulat nila ng malaman nilang patay na ang tao sa loob." paliwanag ni Miranda sakin habang naglalakad kami palapit sa crimescene kung nasaan ang mga pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga.

It's a black pearl Sedan with a model name City, its windshields are covered with charcoal tint I guess, it's in between dark and light. Kaya siguro madaling napansin ng mga residente na may tao sa loob nito.

"Anong possible motive?" tanong ko.

"Pwedeng suicide." sagot niya sakin.

"Wait! Suicide?" kunot-noo kong tanong sa kanya.

If this is a suicide case I can say that something is weird here. If I were to commit suicide I will choose to carry it out in a place where there is not much access to people. Like for example in my house or even jumping on the bridge is possible. Kaya bakit dito sa Plaza niya napili?

"I wouldn't have called you kung yun lang ang tingin ko." She said in a serious monotone and walked as fast as she could to reach the area.

Lumapit ako sa lugar kung saan napapalibutan ng barricade tape na may babala na 'Do not cross in line'.

Kaagad akong inabutan ng surgical gloves and facemask ng isa sa mga crime scene investigator na kasalukuyang sinusuri ang paligid. Dalawang metro mula sa kinatatayuan ko ay ang sasakyan kung nasaan ang biktima.

Nilapitan ko ang inaagnas nang bangkay ng isang lalaki na nakaupo sa driver's seat ng sasakyan. Halos kulay abo na ang balat nito at itim na ang mga kuko palatandaan na ilang araw na ang lumipas matapos siyang mamatay.

Nakita ko ang isang caliber 45 na baril sa kaliwang kamay nito na may burnt mark mula sa pagputok ng baril.

I looked at the driver's seat and saw a stain of blood on the right side of the headboard where the body's leaning. Ginala ko pang mabuti ang paningin ko at inobserbahang mabuti ang buong sasakyan, napalingon ako sa passenger side and I see no blood patterns at all.

Sa isang crime scene madalas makakita ng blood pattern na siyang nagsisilbing panuri sa pagbuo ng mga siyentipiko ng konklusyon patungkol sa pagkamatay ng isang biktima.

As I can see, masyadong malinis ang paligid ng biktima. This is very intriguing.

Lumingon ako sa forensic investigators na abala pa rin sa pangangalap ng ebidensya.

"Umm, excuse me." Agaw-atensyon ko sa isa sa kanila. Kaagad namang lumapit sakin ang isang unfamiliar na mukha.

"Can I have the initial test?" tanong ko at kaagad niya namang inabot sakin ang isang clipped files.

Kaagad kong tinignan ang initial testing nila sa bangkay.

Ang tama ng baril ay sa kanang bahagi ng ulo ng biktima pero sa nakita ko kanina kaliwang kamay niya ang may burnt mark at nakahawak sa baril.

Wala rin akong nakitang blood stain sa ibang bahagi ng sasakyan,sa windshield o sa monitor at maging sa passenger side kung saan pwedeng tumilamsik ang dugo pagkatapos niyang mag baril ng sarili.

"Hindi ito suicide, murder to."

"Except for the headboard, there's no more blood stains on the areas. Paki check yung fingerprints sa baril ng biktima. And also check if there's any CCTV in the area and any possible pathways. Check his cell phone or wallet for his identification and contact his family." I stated. Ngumiti si Miranda na para bang proud na proud siya sakin.

"Very good Ady." She sounds like praising a child.

"Oh please Miranda!" I rolled my eyes as I finally walked away from the scene.

"After your meeting with him, don't forget to call me!" Sigaw niya para marinig ko pa ang bilin niya bago ako tuluyang maka layo.

Nilingon ko siya at ginantihan ng naka-kaasar na ngiti.

"Don't worry Miranda, I'm gonna tell him how much you miss him."

And with that biglang tumaas ang kilay niya dahilan para lalo kong bilisan ang pag alis.

Baka barilin niya ko ng di oras.

*Bureau of Crime Investigation Office*

Kasalukuyan akong nag aantay sa meeting room#4 ng building. There are 10 meeting rooms in the building but this room is only used for tackling secret missions. Bakit parang napaka-confidential ng topic at kailangan pang dito kami mag usap?

Nagbukas ang pinto at bumungad sakin ang isang lalaking pamilyar na, matikas at gwapo. Talagang maraming babae ang maloloko sa isang to.

Pansin ko may bitbit siyang laptop na matte black ang kulay.

"Hi Ady?" he's hesitant. Tsk. Kunwari pa siyang di niya na 'ko makilala.

"Yeah Zeke."

He smiled at me as he sat on the chair in front of me.

"Well Adelaide, I am proposing a position to you." he started as he placed his laptop on top of the table.

"What position?" straight to the point kong tanong.

"We need talented and skilled agents for a special mission. And one of them should be you." he answered firmly as if no one fits for the position but me.

"So what mission does the BCI needed me for?" muli kong tanong sa kanya.

"It's about the Royals." sagot niya.

"Are you kidding? Or seriously joking?" tanong ko sa kanya na sinuklian niya lang ulit ng isa pang ngiti. Alam kong mas gwapo ka kapag nakangiti pero hindi ka uubra sa'kin dakilang ex lover ni Miranda tsk.

"Neither of the two." sagot niya at pagkatapos ay hinawakan niya ang remote control ng screen na nasa kanang bahagi namin. He turns it on. Tumayo siya at isinaksak ang wire na connected sa laptop niya sa screen na kasalukuyang naka-on. Maya-maya pa ginamit niya ang remote para simulan ang presentation niya. He presented a family picture, all of them look familiar. I've seen that family before, especially the young man standing on the right side of his mother.

"You know them right?" he stated.

"Well, I guess so." I uttered.

"That was his Majesty." he said as he pointed a laser on the screen where I see an old man sitting on a chair, right next to him is his wife and their son if I am not mistaken.

"So are we going to investigate a dead person?" I asked. I am referring to their son because the last thing I've heard about him was his assassination in England.

"No Ady, Roby is not--"

"Rob is not dead?" I cut him.

"He's dead! Pwede bang pa-tapusin mo muna ako?" he demanded.

I just rolled my eyes.

"We knew that he died a few years ago. " he continued.

Yeah right, he died in front of everybody, in front of me!

"I was there, I saw it with my own two eyes." I spoke. So what would be the mission this time?

He let out a deep sigh before he spoke again.

"Alam naman natin lahat yun, pero ang hindi alam ng ibang politiko e may isa pang Royal na natitira."

Napa kunot-noo ako sa sinabi ni Ezekiel. Sinasabi ko na nga ba, akala ko rumors lang ang lahat? The BCI is taking the lead sa paghahanap sa last blood ng Royal Family ng bansa. Akala ko ba hindi papatulan ng presidential house ang tungkol sa isyu na to?

So the rumors were no longer rumors but fact?

"Wait saan niyo naman nakuha yan?" tanong ko dahil naisip ko na baka napaparanoid lang sila.

"From Roby." he stated.

"He shared it with me the night before he was assassinated. We talked about his half brother, Khaled Tagean, son of the late King Roberto Tagean III and Dutchess Lorraine of England."

Specifically speaking, tong Khaled na to eh anak sa labas.

"Wow so they had an affair?" natawa si Ezekiel sa narinig niya sakin.

"Sa lahat ng pwede mong sabihin yan talaga ang naisipan mo no?" Zek.

"Duh! I am just analysing the situation."

depensa ko. Anong magagawa niya kung yun ang unang pumasok sa kukote ko?

"Yes, they did have an affair. At oo si Khaled ang bunga nun at kailangan natin siyang mahanap bago magsimula ang presidential elections." He says.

Ah, presidential electionS na naman pala.

Because of that stupid thing, Roby died. Hindi na nga sila kilala ng mga tao pero hindi pa rin sila tinantanan ng mga taong sakim sa kapangyarihan.

"So ang sinasabi mo kailangan natin siyang mahanap to make sure na safe siya katulad ng palpak na mission noon kay Roby?"

"No Ady, we need to find him so we can finally execute him."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What do you mean??" tanong ko.

"A secret and special mission has been given by the highest rank, he wants Khaled's head." he answered.

"Bakit? Di ba nga wala namang nakakaalam nung tungkol sa kaniya? Para saan pa't kailangan na naman nilang pumatay ng inosenteng tao?" galit kong tanong.

"He isn't just an innocent person. He's a threat in the position and Khaled declared the war first, he sent a threat to the President. Kaya kailangan tayo na mismo ang kumilos bago pa nila tayo unahan Ady. At hindi rin sila titigil hangga't di nila siya napapatay." he stated.

"What?" naguguluhan kong sagot sa statement niya.

"This is an order Adelaide, this mission is called...

HUNTING ARISTOCRAT"

***

Hope you guys enjoyed 😊

Thank you. Keep supporting.

Next chapter