webnovel

Hunter Series #1: Devil's Lair

The Hunting Season has begun. So run, run don't let him touch you. Because in the blink of an eye, you'll fall to the... "...Devil's Lair."

TellNoOne · Fantasy
Not enough ratings
2 Chs

Cazadora II

**N A K A R A A N G P A N A H O N**

Venice POV

Tiningnan ko ang mga hawak kong bag. May pito pa na natitira. Huminga ako ng malalalim. Tumingin ako sa paligid. Masyadong madilim na at kakaunti na lang ang bukas na tindahan. Nang makita ko pang bukas si Ate Criselda. Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at ngumiti ng malawak.

"Ate bili ka na ng bag o!" sabi ko. Habang pinapakita sa kaniya ang mga gamit ko.

"Hay naku! Ven gabing-gabi na nasa labas ka pa." sabi niya. Napakamot naman ako sa batok. Umupo ako sa may maliit na upuan at humarap sa kaniya.

"Ate alam mo namang hindi ako pwedeng umuwi sa bahay dahil gugulpihin na naman ako ni Tatay." sabi ko. Nakita ko namang huminga ito ng malalim. Hinawakan niya ang ulo ko at ang braso ko na may bakas pa ng pasa at sugat.

"Ano bang ginagawa ng mga magulang mo sa'yo." nag-aalalang usal nito pero iniwas ko na lang ang katawan ko sa kaniya.

"Okay lang ako Ate. Dapat nga matuwa ako kasi binuhay pa nila ako diba? Kahit ganito ang ginagawa nila sa akin." sabi ko. Napangiti ako ng malungkot. Hinawakan ko ang kamay ko kung saan may paso.

Mula bata ganito na ang nararanasan ko sa kanila. Sasaktan at papahirapan nila ako hanggang makatulog sila. Walang araw na nakapahinga ang katawan ko sa sakit. Walang araw na hindi bugbog ang utak ko sa mga salita nilang "buti nga binuhay ka pa namin." na parang utang ko pa sa kanila ang buhay ko.

"Diyos ko naman Venice! Ni minsan wala silang ginawang mabuti sa'yo. Ni minsan ba tinuruan ka nila mag-aral? Ang pumasok sa eskwelahan? Diba hindi? Ang tinuro lang nila sa'yo ay magnakaw!" pangangaral nito sa akin. Napayuko naman ako.

Naalala ko ang buhay ko noon bata palang ako. Natutunan ko ng magnakaw. Sino ba magtuturo? Syempre ang mga magulang ko. Tinuruan nila ako kung paano depensahan ang sarili ko. Ang tumakbo sa mga huhuli sa akin. Nagbago ang pananaw ko sa buhay na hindi lahat ng tao ay pantay-pantay. Na hindi lahat ay swerte sa buhay. Ang malas ko nga dahil dito ako napunta.

Nagbago lang ito noong nahuli ako ni Ate Criselda. Isa siya sa mga ninakawan ko pero iba siya sa lahat ni minsan hindi niya ako pinahuli sa mga pulisan. Binigyan niya pa ako ng pagkain at pansamantalang kasuotan. Sa kaniya rin ng galing ang puhunan ng mga bag na 'to.

"Nagbago naman na po ako." sabi ko. Tumingin ako sa oras pasado-alas nueve na ng gabi. Dalawang oras pa ang lalakarin ko bago ako makauwi. Kaya tumayo na ako.

"Ate bilhin mo na 'to." sabi ko at ngumiti ako ng malawak.

"Siraulo ka talagang bata ka sa akin din naman nanggaling ang pera mo diyan." Napakamot naman ako ng batok pero nakita kong may pera sa harapan ko. Limang daang piso. Napangiti ako ng malawak. Dali-dali itong inabot at binagay ko sa kaniya ang mga bag.

"Salamat Ate!" masayang saad ko. Umiling naman ito sa akin.

"Ingatan mo ang sarili mo Venice. Wag mong hayaan na saktan ka parati. Subukan mong tumakbo at takasan ang mga magulang mo." Nag-aalalang sabi niya sa akin pero umiling lang ako. Kung pwede ko lang gawin. Kaso hindi. Kapag tumakas ako at nahuli nila ako. Doble o tripleng galos pa ang matatamo ko.

"Wag ka ng mag-aalala ate, okay na ako at saka iyong mga sugat ko. Gagaling din 'yan." sabi ko. Tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Aalis na ako ate."

Kumaway na ako at tumakbo paalis. Nakita ko pang umiling ito sa akin na tila na hindi sang-ayon sa ginawa ko pero anong magagawa ko. Bata pa lang naman ako at kahit gusto kong iwanan ang mga magulang ko, hindi ko pa rin 'yon magagawa. Napahinga ako ng malalim.

"Basta kapag ako lumaki, gusto kong yumaman. Mag-aaral ako. Bibilhin ko ang pinakamahal na gamit sa buong mundo." ngiting saad ko. Lumingon pa ako sa taas ng langit at nag-thumbs up dito.

Tinitingnan ko ang paligid baka sakaling may mga pampasada na jeep at sasakay na lang ako pero niisa walang dumadaan. Kailangan kong makauwi bago mag-alas-once. Cinderella lang ang peg. Natigilan naman ako. May isang daan para makauwi ako ng maaga. Tumingin ako sa kabilang daan, wala ni isang ilaw. Napalunok naman ako.

"Matapang ka Venice. Hindi totoo ang multo." matapang na sabi ko. Bago ako maglakad papasok sa madilim na lugar. Niyakap ko ang sarili ko dahil tila nag-iba ang ihip ng hangin sa lugar.

"Pambihira Sitio Ilaw! Pero wala namang ilaw." inis na bulong ko. Tumingin ako sa mga kabahayan sa kalayuan. Wala na ring liwanag ang bahay nila. Marahil ay tulog na. Tumingin muli ako sa daan.

Ito ang sitio na wala ni isang liwanag na galing sa bombilya. Walang dumadaan na kuryente sa lugar na 'to at kahit subukan nila ng napakaraming beses. Hindi pa rin dadaan ang kuryente dito at para sa mga taong nasa gobyerno. Ito daw ay isang misteryo.

"Pero ang totoo nagpupustahan sila sa lugar na 'to. Kapag napailawan nila 'to malamang sa malamang sila ang iboboto ng mga tagarito. Government and their dirty tactics." bulong ko.

Ito ang pinakamahabang sitio o kalsada na wala ni isang ilaw. Na parang bang ang pinakatamang sabihin sa lugar na ito ay "A place of darkness". Mapaumaga o gabi madilim pa rin ang lugar dahil sa nagtataasang puno at kahit ang sinag ng araw hindi pumapasok dito. Kaya sabi nila puno raw ng ligaw na multo at kaluluwa sa lugar na 'to. Umihip naman ang malamig na hangin. Kaya nanayo ang balahibo ko sa batok.

"Jusko naman! Subukan niyo lang magpakita. Papatayin ko kayo!" sigaw ko pero bigla rin akong napangiwi. "Patay na nga pala sila."

Hindi ko alam kung nasaan na ako. Ang mahalaga sa dulo ng Sitio na 'to ay ang Sitio na namin ang kasunod. Lumingon naman ako sa kabilang gubat. Naglakad ako ng papalapit dito.

Nagtataka naman ako dahil bakit sa bukana nito ay puno ng alitaptap. Huminto ako sa paglalakad at pinanood ang mga ito. Nagkaroon ng liwanag ang paligid dahil sa kanila at nakita na rin ang ganda ng lugar. Babalik na sana ako ng may natamaan ang likuran ko na matigas na bagay. Umatras naman ako at dahan-dahang tumingin sa itaas.

Nakita ko ang isang matabang lalaki na hindi naman gaano katangkaran. Nakakulay na puting suit ito. Napansin kong may tatak na letter L ang kaliwang dibdib niya.

"May libing?" bulong ko. Taas baba ko siya tiningnan. Nakakahiya namang dumihan siya ang puti-puti ng damit at sapatos niya pero kinunutan ko ito.

"Sino ka ba! At paharang harang ka sa daanan ko." iritang usal ko pero ngumiti lang ito sa akin. Dahan-dahang yumuko hanggang magpantay ang mukha naming dalawa.

"Gusto mo ba yumaman?" ngiting usal nito. Napangiwi naman ako baka nasa game show ako. Ang lakas ng amats nito.

"Alam mo tanda kung anuman ang nahithit mo. Wag mo akong idamay. Kailangan ko pang umuwi." sabi ko pero tumawa lang ito. Maglalakad na sana ako ng humarang siya sa dinadaanan ko.

"Tabi!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

"Kapag hindi ako nakauwi tanda! At nagkaroon ulit ako ng pasa. Ikaw ang sasamain sa akin." iritang usal ko. Tinulak ko siya at napaatras siya ng limang hakbang sa gawa ko.

"Weak." saad ko pero bago ako makalakad ay hinawakan niya ang braso ko.

"Now I found the real vessel. I'm a guardian spirit at hindi ako tanda porket maputi ang buhok matanda na. Judger ka." Sabay hagod nito sa buhok. Napangiwi naman ako.

"I'm Napoleon." sabi niya. Nilahad naman nito ang kamay niya. Tinitigan ko lamang ang kamay niya at tumingin ako sa mga mata niya. Umiling ako. Binaba naman nito ang kamay niya. Napairap na lang ako.

Naiintindihan ko siya dahil tambay ako sa labas ng mga eskwelahan at may ilang libro rin akong nakatago sa bahay.

"Ano bang kailangan mo rito?" saad ko. Tinuro niya ang gubat.

"May huhulihin akong diyos na nagkaroon ng sala sa langit at ikaw lang ang makakapasok doon. Kaya pum--" sinamaan ko siya ng tingin. Sa tingin niya ba maniniwala ako.

"Tigilan mo ko tanda kakapanood mo 'yan ng fantasy e. Iritang-irita na ako sa'yo! Kailangan na ako ni Ina." galit na saad ko. Tiningnan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at tinapik ito. Nang bitawan niya ito ay naglakad na ako paalis.

"Paano kung sabihin kong wala ka ng dadatnan pag-uwi, na wala ang, magulang mo." saad nito na nagpatigil sa akin sa paglalakad. Dumaan ang malamig na hangin sa paligid namin. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya.

"Anong sabi mo?" mahinang saad ko. Nang magkatagpo ang mata naming dalawa tila nag-iba ang presensya niya. Nakakakilabot ang mga tingin na pinupukol niya sa akin.

"This is the last day of their life." seryosong saad nito. Napakurap-kurap naman ako at napatawa ng pagak.

"Ano ka ba? Diyos? Para sabihin mong sa mga oras na 'to patay na ang mga magulang ko." mahinang saad ko. Seryoso niya lang akong tiningnan.

"I'm not a God because I'm still a student but once you give to me the Lotus Gold Flower. I can be a God." ngiting saad niya. Inirapan ko naman siya.

"Pake ko! Ikaw ang kumuha kung gusto mo." sabi ko.

"Iyon ang problema tanging ang anak lamang ng may-ari ng Life Contract ang makakapasok sa gubat na 'yan. Pero wah kang mag-alala kapag nakuha mo bibigyan kita ng isang araw para makasama mo ang mga magulang mo." sabi niya sa akin.

"Hindi ka ba tinuruan sa langit? Na kapag namatay na ang isang tao hindi na pwedeng buhayin." pang-uuyam na saad ko. Ngumisi ito sa akin na tila namamangha sa tinuran ko.

"Atsaka ano bang sinasabi mong Life Contract?" tanong ko.

"Ang Life Contract ay ang dahilan kung bakit ka nabuhay. Noong gabing isisilang ka ay ang eksatong oras para kunin ng Grim Reaper ang mga magulang mo pero imbis na Grim Reaper ang dumating, isang diyos ang nagbantay para sa'yo." Tumingin ako sa kaniya.

"Alam mo bang ang mga magulang mo ang may gustong pumatay sa'yo? At ang aksidente ang pinakamadaling paraan para patayin kanila. Napakagandang pagkakataon hindi ba? Dahil kapag sinilang ka mahihinto sila sa mga masasamang bagay na gusto nila. Ngunit hindi natuloy dahil nabuhay ka, nabuhay sila at imbis na magpasalamat ang magulang mo, na mabubuhay ka. Ginawa ka pa nilang kabayaran para mabuhay sila." Tumingin siya sa akin. Naramdaman kong tumulo ang maiinit na tubig sa pisnge ko. Linukob ng kalungkutan ang dibdib ko.

"Hindi totoo 'yan." bulong ko ngunit ngumisi lang siya sa akin.

"Kung hindi totoo ni minsan ba naramdaman mong mahal ka nila? Diba hindi. Dahil para sa kanila. Isa ka lang pera na ibabayad nila sa isang diyos na bumuhay sa kanila." seryosong saad nito. Pinunasan ko ang luha na dumaloy sa aking pisnge at muli na namang umihip ang malamig na hangin. Naglakad ito papalapit sa gubat.

"Sino ba ang diyos na nagbigay buhay sa akin at sa mga magulang ko?" saad ko. Humarap naman ito sa akin at ngumiti.

"Gusto mo siyang makita? Puwes pumasok ka sa gubat." saad nito at nilahad pa ang kamay niya. Naglakad ako papalapit dito hanggang sa makaharap ako sa bukana ng gubat. Humarap ako sa kaniya.

"Papasok ako sa gubat para makilala ko ang taong bumuhay sa akin at kukunin ko ang Lotus Gold Flower para sa'yo." sabi ko at ngumiti ito. Napapalakpak pa ito sa tuwa. Kitang-kita ko ang bakas ng kasiyahan sa mata niya pero tiningnan ko siya ng seryoso.

"Sa isang kapalit." seryosong saad ko. Tumigil naman ito. Tinitigan ako ng mariin. "Sabihin mo at susubukan kong gawin."

"Siguraduhin mo tanda na makakalabas ako dahil kung hindi kailanman hindi ka na magiging..."

"...Diyos." saad ko. Nakita ko namang napalunok ito. Bago ako humarap sa gubat.

"Kung sino ka mang diyos ka. Humanda ka sa akin." Buong saad ko.