webnovel

S I M U L A

"TANYA, may raket ka sa VIP 3 mamaya." Sabi sa kanya ni Mammy Tomy, ang nagsisilbing mamasang sa high end bar na pinagtatrabahuan nya.

"S-Sige po." Sagot niya dito.

Hindi siya pwedeng magreklamo, ito naman kasi talaga ang trabaho niya. Waitress kapag walang special event, at dancer kapag big night o private party. O di kaya isang angel kapag sobrang gipit. Kagaya nalang ngayon.

"Mammy Tomy ano... Baka pwedeng maka-advance muna? Bibili kasi ako ng gamot ni Ronnie, may hika kasi siya ngayon." Paki-usap niya dito.

Napabaling sa kanyang gawi ang tingin nito. Matingkad ang violet nitong eyeshadow, hindi na rin nito halos maidilat ang mga mata dahil sa nagkakapalan at naghahabaang eyelash extension.

"Galingan mo nalang ang pag giling mamayang gabi para malaki ang perang maiuwi mo. Hindi ko pa nga sinisimulang ikaltas yung perang hiniram mo noong naospital si Ronnie humihirit ka na agad."

Napahawak sa batok ang dalaga. Sanay na siya sa pananalita ng matanda. Isa pa ito na rin ang nagsilbi niyang sandalan ng nakalipas na taon.

"Nagbakasakali lang ho."

Tila nakunsenysa ang matanda. Mahirap maging isang dalagang ina, idagdag mo pa ang trabaho nito. Napabuntong hininga nalang ang matandang bakla.

"Oh sya! Pasensya na kung nasigawan kita. Wala rin kasi akong pera ngayon. Alam mo namang college na si Lorenz" Tukoy nito sa binatang pinag-aaral. "Malaki ang gastusin. Ganito nalang, bakit hindi ka magpa-take home mamaya? Balita ko mga batang mayayaman at politiko ang nasa VIP 3. Isang bachelor party." Suwistyon nito.

Napalunok ang dalaga sa sinabi ng matanda. Kailan ba ang huli niyang take home? 3 months ago, sa isang milyonaryong may bungangerang asawa. Sobrang gipit niya lang ng panahong iyon dahil wala siyang pambayad ng bahay.

Ayoko ng gawin iyon. Sabi ko last na 'yong sa matanda. Sabi niya sa sarile.

"Alam kong ayaw mo na. Pero... sayang din iyon." Dagdag po ng matanda bago tuluyang umalis.

Nagtagal ang tingin niya sa pintong nilabasan ng matandang mamasang.

Bago sumunod dito ay naglabas muna si Tanya ng isang buntong hininga. Tinignan nito ang sarile sa nakasabit na salami sa kanilang locker room.

Black leather mini skirt, sa sobrang ikli ay papasa na itong underwear. Net tube top, may suot lang siyang tube bra para pantakip sa malulusog nitong dibdib at 3 inches leather boots.

Nakalugay ang mahaba nitong buhok na kinulot lang ang dulo. Meron din siyang bunny white heaband. At ang muka ay punong-puno ng make up na halos hindi na niya makilala ang sarili.

Hindi ako ito.

Napailing ang dalaga sa sariling repleksyon bago lumabas at tuluyang lamunin ng mga nakakasilaw na patay-sinding mga ilaw.

Thank you so much for giving time to my story! Appreciated! Will work hard more for your reads :) Please do leave a rating/comment! I am reading them :)

Comments? Reactions? Feel free to comment on them down below :) You can use the #TheWritersRomance

Follow me on my social media platforms!

Facebook Page: RNL Stories

https://www.facebook.com/RNLStories

Twitter: @RomanceNovelist

Instagram: @romancenovelist_wp

e-mail: romancenovelistlady@gmail.com

RomanceNovelistcreators' thoughts
Next chapter