webnovel

CHAPTER 6

Chapter 6

Kamusta na kaya ang lalaking yon? Bibigyan niya pa kaya ako nung chocolate? Sobrang gwapo ng lalaking yon kaya di ko makalimutan ang mukha niya. Naramdaman ko na may kumakalabit sa akin pero di ko tinignan patuloy pa rin ako na nakatingin sa bintana iniisip kung kailan ulit kami magkikita.

"Miss Gonzales?!" napatingin ako sa sumigaw si Sir pala ang kumakalabit sa akin.

Napatayo ako mula sa kinauupuan ko "S-sir?!" kinakabahan ako ng sobra.

"Are you listening?" mahinahon na tanong ni Sir. "Ano ang tinanong ko sa'yo?" hindi ako nakapagsalita.

"See! You should listen on the lesson" aniya. "Matagal ako mawawala pa'no na lang kapag dumating na ang substitute math teacher" pangangaral niya sa akin.

Tahimik na lang ako pero may naririnig akong mahinang tumatawa. Nakakahiya, ano ba yan bakit ko ba palagi na lang iniiisip yung lalaking 'yon. Ngayon lesson learn tsaka mo na siya isipin pagwala kayong discussion o klase.

"S-sorry sir" nauutal kong sinabi, nakatungo pa din syempre.

"Oh look ang matapang na si Chesca Gonzales ay napahiya" sabi ng boses babae at kilala ko na agad kung sino 'yon, si Sharmaine. Hanep na babae 'to.

May kumatok sa pintuan kaya inangat ko ng kaunti ang ulo ko at nakita ko ang pagamo ng mukha ni sir Briones. Sana oll cute kapag umaamo ang mukha.

"Mrs. Montefalco" nauutal na sabi ni Sir sa pangalan nung babae pero nagulat ako kung sino ang kasama niya. T-teka yan yung lalaking nagbayad ng mga binili ko ah!

"Good Morning Dave, mukhang nagulat yata kita" sabi ni Mrs. Montefalco at tumawa, ang principal ng school namin.

"Good afternoon po Ma'am" kalmado at nasa sarili na sabi ni Sir Dave. "Nakakagulat lang po na napaka-aga pa lang po ay nandito na kayo" dagdag pa niya.

Nakita ko ng tumitingin yung lalaki na 'yon sa paligid kaya napatungo ako sa lamesa ko at tinago ang mukha ko. Sabihin na nila na mukha ako'ng feeling pero kinikilig ako. Feel ko ako hinahanap niya.

Nagtitingin pa rin ba siya sa paligid ng classroom? Na'ko Chesca magtigil ka na nga be confident. Itinaas ko ng kaunti ang aking ulo mula sa pagkakatungo, ngunit tumungo ulit ako kasi ramdam ko yung pamumula ng pisngi ko.

May naramdaman ako na presensya sa aking harap, kaya inangat ko ang aking ulo at nagulat ako sa nakita ko. Waaa- nasa harap ko na siya. Tumalikod ulit siya sa akin at parang may hinahanap, nagulat na lang ako ng kumuha siya ng upuan at itinulak yon palapit sa harap ko at nagulat ako sa sumunod niya na ginaawa halatang lahat ng kaklase ko nakatingin sa kanya.

Umupo siya sa harap ako at itinukod niya ang kanyang braso sa lamesa ng upuan ko at inilagay niya sa kanyang palad ang kanyang umiigting na panga. Teka sa wattpad lang to nangyayari ha.

Intayin ko yung icorner niya ako sa may locker at sabihin niya na "Baby I'm jealous". Todo puyat ako no'n ehe.

"Utang mo" nagpantig tenga ko sa sinabi niya. Utang?! Kailan ako nagkautang sa lalaking 'to?!

"Excuse me?" tanong ko sa kanya. Nawala tuloy ang pag-daydream ko tungkol sa amin, este sa akin.

May inabot siya sa akin. Tinignan ko kung ano yon, nanlaki ang mata ko.  Resibo?! Nakita ko na seven eleven galing 'yon nandoon din yung mga kinuha niya at makita ko ang total. Nine hundred fifty pesos. 

"A-anong gagawin ko diyan?" nanginginig ko'ng tanong.

"Pay it" sabi niya sa akin. Akala ko naman kung libre 'yon.

Lord iligtas niyo po muna ako wala ako'ng pambayad kahit wala naman ako utang.

Sakto naman na nagring ang bell ng school, hudyat na tapos na ang klase.

Tumayo agad ako , kinuha ang bag ko at tumakbo na ka-agad palabas ng klase. Pumunta agad ako ng classroom nila Celestia. Bago ako nakalabas ay nakarininig pa ko ng sumigaw ng 'Hey' .

Alam ko na ako ang tinatawag niya no'n pero di ako lumingon. 

"Chesca? Gawa mo dito?" bungad na tanong sa akin ni Celestia dahil galing yata siya sa labas nakita ko ang dalawang C2 na hawak niya kaya kinuha ko yung isa, binuksan at diretso na ininom. May rinig ako na yapak at dahil humangin naamoy ko yung pabango nung lalaki na iyon.

Hinawakan ko agad ang kamay ni Celestia. "Sis, itago mo ako" sabi ko. Halatang nakita niya ang mata ko na sincire ako ng pakikiusap kaya naman tumango siya at hinila ako paputa doon sa taguan nila ng gamit wala ako nagawa at pumasok doon.

"Excuse me," yung boses ng lalaki ang narinig ko. "Did you see a girl that was running towards here?" tanong nung lalaki.

"Oh, I'm sorry i didn't see one" sagot ni Celestia. 

"Okay, thanks" sabi ng hindi ko kilalang nilalang, narinig ko ang yapak nung laki na humina ng humina hanggang sa ma-wala. Binuksan ni Celestia ang pinagtataguan ko at halatang nagtataka.

"Salamat" sabi ko, dahil akward na magpapaalam muna ako sa kanya na aalis na ako.

"Celestia alis na ako ha" sabi ko at umalis na kaagad. Pag-nalaman ni Celestia ang nangyari sigurado ako na susugurin niya agad yung lalaki. 

"Found you" narinig ko na sabi nung lalaki sa likod boses pa lang ay kilala ko na, "Yung utang mo?" tanong niya sa akin. "Bayaran mo na 'yon ngayon." dagdag niya.

"Wala akong pera" daretsa kong sabi para hindi na ako tumakbo. Nakita kong napaisip siya.

"Wala kang pera?" tanong niya sa akin. I slightly nodded. "Alright then" he said, yumuko siya ng kaunti para magkapantay ang mukha namin. Namumula ako ngayon dahil sa medyo malapit ang mukha niya. "Bayaran mo nang isang daan buwan-buwan hanggang sa makumpleto mo" sabi niya.

"Kakasabi ko lang na wala akong pera" napaka kulit ng lalaki'ng to. Tumalikod ako ulit sa kanya at naglakad palayo. Buti na lang at hindi niya ako sinundan.

TO BE CONTINUED......