Nagderederetso ako sa kusina at nagluto. Sa gilid ng mata ko ay sinilip ko si Lily, tahimik itong nakaupo sa lantay at pinaglaruan ang daliri.
"halika na" naghain na ako at umupo sa mesa. Nakita ko na tumayo siya at naglakad sa mesa. At damn I would be like if I'm not aroused with her black tight shorts and small top that cutted an inch away under her breasts.
Tumikhim ako. Inabot ko ang tubig at uminom. Pagkatapos kumain ay naligo ako at umalis nh bahay.
Hindi makontrol ang sarili lalo na at amoy strawberry ang buong bahay.
Habang naglalakad ay biglang may sumabog. Sobrang lakas nito na parang bomba. Natrigger ang aking alaala. Dumapa ako sa lupa at tinakpan ang dalawang tainga. Nanigas ako. Naalala ko ang mga pamilyar na tao, nakahandusay silang lahat at naliligo sa sariling dugo.
Hindi sila totoo, hindi sila totoo! Paulit ulit ko na sambit. Mariin ko na pinikit ang mata. Narinig ko ang malalakas na pagsabog at mga putukan ng baril. Gaya ng nangyari noon sa gyera.
Sundalo ako dati. Kasama ako sa operasyon ng paghuli sa malaking terorista na nagtatago sa bansa.
Marami kami noon, mga kabaro ko. Kasama ko rin ang matalik kong kaibigan. Akala namin ay madali ang paghuli dahil walang gaanong bantay ang paligid.
Nasa damuhan kami. Maingat. Nang malapit na kami sa bahay ay may biglang sumabog. Naapakan ng kasamahan ki ang bombang itinanim sa lupa.
Agad kaming nabawasan. Naalerto ang kalaban at nagsimula ang putukan. Tagaktak ang pawis ko. Umatras kami noon dahil hindi namin kaya ang bilang nila. Napalibutan kami. Sumisigaw ang kasamahan namin sa radyo para humingi ng reinforcement pero walang sumagot.
"Ahhhh" nirakrak namin ang paligid.
Narinig namin ang sigaw ng mga terorista. Umalingawngaw ang sigaw nila sa buong paligid at dumagongdong ang lupa. Biglang nanlabo ang pangyayari. Isa-isa kaming natumba. Natamaan ako ng bala, hindi lang isa, dalawa o tatlong ang naramdaman ko. Akala ko mamamatay ako noon. Kita ko na ang pintuan ni kamatayan.
"AHHHH" hindi ako makawala sa kadena ng nakaraan. Nakita ko kung paano tinadtad ng bala ang mga katawan namin. Namatay silang lahat maliban sa akin. Mabuti at hindi nag-iwan ng sira sa katawan ko pero sa utak, malaki.
Patuloy kong naaalala iyon. Ang dugo, ang mga walang buhay nilang katawan at humihingi ng tulong.
"Oliver, Oliver" nagising ako.