CHAPTER 42
FLASHBACK: CONTINUATION
Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang pagsasamahan ng apat na magkakaibigan. Ngunit hindi nila alam na may kung ano na ang nangyayari kay Shane. Kahit si Shane ay isinasawalang bahala niya ang kaniyang nararmdaman.
Kung dati ay paminsan-minsan lang sumasakit ang ulo niya, ngayon naman ay palagi nang sumasakit. Pero wala siyang pinagsasabihan dahil ayaw niyang maabala niya ang ibang tao.
Nasa isang bakasyon ang magkakaibigan kasama ang kanilang mga pamilya. Sinama na rin ni Mau si Shane sapagkat alam niyang malulungkot lang siya sa bahay nila dahil wala siyang makakalaro doon. Kaya naman ay ipinaaalam ng magkakaibigan si Shane sa mga magulang niya at pumayag din naman sila kaagad. Kilala rin si Shane ng mga magulang nila Mau kaya walang problema para sa kanila ang pagsama kay Shane.
Bandang dapit-hapon ay pumunta ang magkakaibigan sa dalampasigan upang mamasyal at maglaro. Sa una ay nagkakasayahan sila nang biglang sumakit ang ulo ni Shane.
"Aaaarrraaayyyy!" Sigaw ni Shane sabay pukpok ng ulo niya at napaupo sa buhanginan samantalang hindi naman alam nila Mau, Beans at Anthony ang kanilang gagawin. Tumakbo si Anthony pabalik sa kanilang mga magulang upang humingi ng tulong at nagpaiwan naman si Mau at Beans para daluhan si Shane na ngayo'y sobrang nahihirapan.
Nilapitan nila Mau at Beans si Shane ngunit nang makalapit sila ay siya namang hugot ni Shane ng dagger na nasa likuran ni Beans at itinapat niya iyon sa kaniyang pulsuhan.
Biglang napalayo si Mau at Bins nang makita nila ang reaksyon ni Shane. Nakangisi ito ng mala-demonyo na parang walang iniinang sakit.
"Shane, huminahon ka please, bitawan mo iyang dagger na hawak mo." Nag-aalalang sabi ni Mau habang papalapit siya kay Shane ngunit bigla na lang itinutok ni Shane ang dagger kay Mau kaya naman ay biglang napalayo ulit si Mau.
"Eh ano naman kung ayaw ko ate Mau?" Ang dating mala-anghel na boses ni Shane ay napalitan ng nakakakilabot na boses ng isang demonyo.
Hindi mabatid nila Mau at Bins kung ano ba talaga ang nangyayari kay Shane. Habang tumatagal ay nakakaramdama na sila ng takot at pangamba para kay Shane lalo na't may hawak siyang isang dagger.
"Baka mapahamak ka kapag hindi mo binitawan 'yan." Naiiyak na sabi ni Mau.
"Kung may problema ka man Shane, andito lang naman kami, pwede nating pag-usa--" Hindi na naituloy ni Beans ang kaniyang sasabihin nang magsalita si Shane.
"Ba't pa natin kailangang pag-usapan? Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Lalo na ikaw ate Mau, akala ko kaibigan kita, akala ko ate kita pero hindi. Kagaya ka rin ng ibang tao, nang-iiwan kapag nakahanap na ng iba. Dati-rati naman palagi tayong magkasama pero hindi ka na lang nagparamdam magmula noong nakilala mo si Anthony at Beans. Naiinggit rin ako sa'yo kasi lagi na lang ikaw ang bida, ang maraming kaibigan, ang mabait, ang mabuting anak, ang masaya na parang walang problema. Kapag magkasama tayo, lagi na lang ikaw ang nilalapitan ng mga ibang bata pero ako ni hindi man lang nila matignan. Gano'n na ba ako kapangit na ayaw nila akong kaibiganin? At ate Mau, nasa'yo na ang lahat eh, kaya pati si Beans na una at pinaka-crush ko, nasa'yo ang atensyon. Ikaw ang crush ni Anthony. Ikaw na rin malakas at ako ang mahina. Nung time na tinatanong kita kung pwede mo akong turuan ng ginagawa niyo nila Anthony at Beans pero hindi ka pumayag. Kasi alam mong mahina ako na hindi ako pwedeng matuto ng ganoon na bagay. Naiinggit rin ako sa'yo kasi may time para sa'yo ang mga magulang mo, samantalang ako, parang hindi nila ako anak kasi lagi silang wala sa tabi ko. Kaya mas mabuting mamatay na lang ako." Nang itatapat na ulit ni Shane ang dagger sa kaniyang pulsuhan nang biglang lumapit sa kaniya si Beans at pilit na inaagaw sa kaniya ang dagger.
Hindi akalain ni Beans na ganoon kalakas si Shane na hindi nito maagaw ang dagger na hawak ni Shane. Pero ang hindi niya akalain ay na gano'n pala kabigat ang dinadala ni Shane sa kaniyang loob. Ang masayahing Shane, hindi niya aakalaing gano'n ang paghihirap niya. Nabubuhay siya sa inggit at kalungkutan.
Nang akmang makukuha na ni Beans ang dagger ay bigla na lang siyang nasiko ni Shane ang kaniyang mata kaya siya ay napatumba. Ang ang mas hindi inaasahan ay tumama ang ulo ni Beans sa bato.
"Beans!" Sigaw ni Maureen at ni Shane nang makita nilang nagdudugo ang ulo ni Beans habang walang malay.
"Ikaw ay may kasalan nito ate Mau eh! Kasalanan mo ito." Nanlilisik ang mga matang sabi ni Shane at itinutok kay Maureen ang dagger sabay saksak nito sa tiyan ni Mau. Hindi man lang nakakilos agad si Mau dahil sa sobrang gulat nito. Napakabilis ng mga pangyayari. Hanggang sa itinapat ni Shane sa sariling pilsuhan ang duguang dagger at nilaslas ang kaniyang pulsuhan. Kasabay ng pagbagsak ni Shane sa buhanginan ang pagdating ng kanilang mga magulang kasama si Anthony.
A week later ay dinala si Beans sa ibang bansa upang magpagamot sapagkat matindi ang pagkakabagsak ng kaniyang ulo sa bato kung kaya't kakailanganin siyang dalhin sa ibang bansa. Si Shane ay dinala rin sa ibang bansa ng kaniyang mga magulang upang ipagamot sapagkat napag-alamang mayroon pala siyang mental disorder, nagsisisi ang kaniyang mga magulang sapagkat kung sana ay nagabayan lang nila ng tama si Shane ay hindi na sana hahantong pa sa ganoong pangyayari. Magmula noon ay wala na silang nabalitaan pa tungkol kay Shane. Si Maureen naman ay nagpapagaling sa hospital dahil sa sugat na kaniyang tinamo.
Ang traumang sinapit ni Maureen ay nadala niya hanggang sa kaniyang paglaki. Kaya hindi na siya masyadong nagsasalita at nakikipag-kaibigan dahil natatakot siyang baka mangyari ulit ang pangyayaring, gumulantang sa pagkatao niya. At ang pangyayaring iyon din ang naging dahilan kung bakit hindi komportable si Maureen na tawagin siya sa pangalan na Mau.
Pero kahit ganoon ang nagawa ni Shane sa kanila ay hindi pa rin magawang magalit ni Maureen sa kaniya sapagkat minsan na niya rin itong naging kaibigan at itinuring na kapatid. Pero hanggang ngayon ay hindi niya parin alam kung ano ang gagawin kapag magkakaharap silang muli.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!
I tagged this book, come and support me with a thumbs up!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.