webnovel

HOT vs COLD

Who would have thought that Slurpee can make their world Up-Side-Down.

kylnxxx · Teen
Not enough ratings
54 Chs

Chapter 15

CHAPTER 15

--ALEX:

Nang makuha ko ang first aid kit, nilapitan ko agad si unggoy para gamutin yung noo niya.

Kung ba't kasi biglang dumugo 'yon eh nagkauntugan lang naman kami tss.

"Aray! Dahan-dahan naman oh." Reklamo ni unggoy tss.

"Edi ikaw na maggamot diyan sa noo mo."

At aakmang aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko.

"Uy, eto naman 'di mabiro, sabi ko nga ikaw na maggamot sa noo ko."

Suddenly, I felt some electricity no'ng hinawakan niya na braso ko.

"Bitwan mo ako."

"Sige basta gamutin mo ako ha." Then binitawan na niya ako.

Bumuntong hininga muna ako then umupo na ako at sinimulan na ulit gamutin siya.

Habang ginagamot ko siya, halos 'di ko mailapat ang bulak sa noo niya kasi kada madidikit ako sa balat niya these past few days, I felt a sudden jolt.

At parang may dumadaloy na kuryente sa buong katawan ko, idagdag pa ang pagtaas ng balahibo ko kaya mas lalo akong naiinis sa existence niya kasi parang magkakasakit ako kada lalapit siya sa'kin.

At minsan kapag magkalapit kami, parang ang init ng pakiramdam ko yun bang nilalagnat ako kaya ayoko lumapit masyado sa kanya eh ts.

Napatingin ako sa buhok niya na medyo messy.

" 'Di mo man lang ba tatanungin kung ano ang sinabi ng kuya mo sa'kin?" Tanong niya.

"Hindi, at wala akong planong alamin kung ano sinabi niya."

"Tsk, pero kahit na ayaw mong malaman, sasabihin ko pa rin. Sabi ni kuya mo kanina, na since wala na yung kotse ko, sa kotse mo na ako sasakay araw-araw, uma-umaga, gabi-gabi, anytime anywhere within 5 weeks." Sabi niya kaya naman nadiinan ko yung bulak sa noo niya.

"A-aray sabi ko 'wag mo masyado diinan eh."

"Inuutusan mo ba ako?" Malamig na sabi ko.

"Hindi, sinasabihan lang."

"Ang daming alam." Bulong ko sapat na para marinig niya.

"Syempre ang hot na katulad ko ay madaming alam kaya masanay ka na." Ang yabang talaga ng unggoy na 'to tsk.

"So ayun nga, as I have said, sabi ni kuya mo kanina, na since wala na yung kotse ko, sa kotse mo na ako sasakay araw-araw, uma-umaga, gabi-gabi, anytime anywhere, in short, magiging service kita este yung kotse mo kaya--" Pinutol ko na ang sasabihin niya.

"No freakin way." Matigas na sabi ko.

"You have no choice." Nakangising sabi niya.

"I can pay for the repair of your car."

"No you can't, because your brother told me na nag-iipon ka, kasi may gusto kang bilhin and I think kulang pa ang naipon mo para maipaayos ang kotse ko".

"I don't care, I'll just call kuya." Sabi ko saka ko kinuha ang phone ko at tinawagan si kuya.

And ballcheat! Totoo nga daw tsk tsaka kulang daw yung ipon ko kasi yung kotse niya ay yung bagong labas na kotse na hindi ko alam kung anong name na nagkakahalaga daw ng a billion pesos.

Rich kid ang potek. -_-

"Oh ano daw sabi ni kuya?" Mayabang na sabi niya.

"Fine!! Deal 5 weeks-- " Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Then--" Pinutol ko rin ag sasabihin niya.

"CAN YOU PLEASE SHUT YOUR FREAKING STUPID IDIOTIC BASTARD MOUTH!!" Sigaw ko at nakita ko naman natakot siya kaya napangisi ako deep inside.

Arghhh this cannot be!! -_-

Kasalanan naman kasi nya kung bakit sira ang kotse niya, pinark niya sa space ko.

Tapos ako nanaman madedehado tsk.

Ibig sabihin, kung magiging service n'ya ang kotse ko anytime, anywhere...

It means na 24/7 na available ang kotse ko para sa kanya at ako ang maghahatid sundo sa kanya sa school o kahit san mang lupalop ng mundo siya pumunta?!

I hate this feeling!! Then I dialed kuya's number.

"Kuya please don't do this to me please sniff* sniff*" sana gumana ang paiyak effect ko.

"Sis, do you want to go to detention room at mabawasan ang limit ng credit card mo?" Sagot ni kuya sa kabilang linya.

"Ayaw ko kuya."

"Then you need to do this, 5 weeks lang naman eh."

"Kuya naman, siya naman talaga ang may kasalanan kaya ko binasag yung bintana ng kotse niya."

"Pero, pwede mo namang daanin sa mabuting usapan hindi yung basta basta ka na lang naninira ng mga bagay."

Parehas sila ni ate Aubrey na sinabi na dapat daanin sa mabuting usapan tsss.

Parang no'ng hindi pa sila engaged, halos magpatayan na sila sa away tapos he's telling me na daanin sa matinong usapan?

"Pa'no 'yan kuya, 24/7 dapat available ang kotse ko para sa kanya ganun?"

"Yeah, you must face the consequence, mabait nga yung si Jacob kasi dapat diyan din dapat siya titira sa bahay mo pero sabi niya 'wag nalang, sapat na yung 5 weeks na car service mo para sa kanya."

"So what you mean is dapat magpasalamat pa ako sa kanya ganun?!"

"Yeah sort of, and binabalaan na kita, hindi mo pwedeng ipahiram sa kanya ang wheels mo, kailangan ikaw ang magddrive for him."

"Kuya, ang kj naman ng mga tao ngayon tsk, kayang kaya naman nating palitan ang kotse niya."

"Sorry, sis hindi ako pwedeng tumulong sa gulo mo kahit na sila mama at papa."

"Bangasan ko kaya yung Jacob na yun napakafeeling tss." Bulong ko and ang 'di ko akalain nanarinig pala ng magaling kong kuya tsss.

"Alexhandria Maureen Santos, wala ka sa America kaya don't you ever dare to do the things that you're thinking inside your head." Binanggit na niya ang full name ko, meaning titigil na ako.

Yeah, kapag nasa America ako, palagi akong sumasama sa mga gang kapag may laban pero never akong naging member ng kahit anong gang, kumbaga susulpot lang ako kung may laban.

Syempre may bayad yun, kasi ako ang nagpapanalo ng laban nila kahit na sabihin nilang babae lang ako, eh fully trained ako kaya kayang-kaya kong magpatalsik ng kalaban.

Idagdag pa ang cold stare ko kaya, hindi ko pa sila nilalabanan, kikilabutan na sila.

"Ok fine, I hate you by the way." Malamig na sabi ko.

"Ok sis, love ka din ni kuya." Alam niya na seryoso na ako kaya binaba na niya ang phone pagksabi niya ng huling salita niya.

"Punta ako ng bar ipagdrive mo ako." Napatalon ako sa gulat ng makita kong nasa pinto ko si unggoy, akala ko umalis na siya?

Sa inis ko, binato ko sa kanya ang cellphone ko sa kanya na nasalo naman niya.

"Lumayas ka sa harap ko ngayon na." Sabi ko at ibubuka niya pa sana ang bibig niya para magsalita pero pinigilan ko na siya.

"Im, freakin dead serious here mister, so shut up the hell up." Pagkasabi ko nun, isinubsob ko na ang mukha ko sa throw pillow na nasa sofa dahil naaasar na talaga ako at konting-konti na lang, mananapak na talaga ako I swear. -_-

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

kylnxxxcreators' thoughts