webnovel

"A Dream Inside a Dream"

Mike

17

Davao

Nag-simula 'yung story ko nung birthday ng kabarkada ko. Syempre may inuman, at 'di naman pwedeng humindi, kasi nga daw, birthday niya 'yun. Kaya ayun, napa-inom. By the way, I'm the type of guy na kapag nasobrahan sa pag-inom, naiihi palagi. So eventually, umihi nga ako, pero I didn't notice na umiihi na pala ako sa puno ng balete.

Maya-maya lang ay nilagnat ako bigla. Suka ako ng suka. My friends took care of me till I got home. Tulog na sana ako nun, kaso nga lang biglang nag-hallucinate ako.

Akala ko talaga na totoo na binalikan ako ng mga barkada ko sa kwarto ko, para gisingin ako para lang uminom pa ng alak. Pilit ko silang pinapaalis, kasi nga 'di ko na talaga kaya. Mga ilang oras din nila akong kinulit, hanggang sa umalis na sila. Pinagpatuloy ko ang aking tulog, at maaga naman akong nagising.

Kinabukasan, kinwento sa akin ni Mama lahat ng ginawa ko sa kwarto ko pagka-hatid sa'kin ng mga kaibigan ko. Sinilip pala ako ni Mama, at sabi niya, pinapagalitan ko raw mga kaibigan ko kasi ayaw ko na daw uminom. Dilat na dilat daw ang mga mata ko, pero hindi ko daw siya nakita. Sabi ko, baka epekto lang 'yun nung alak.

5 days after:

Natulog ulit ako sa kwarto ko, at agad naman akong nakatulog. Pero biglaang nanaginip ako na inaalay daw ako sa isang malaking rebulto ng demonyo. Lalaslasin na sana 'yung leeg ko ng bigla akong nagising. Pag-gising ko, nasa isang gubat na ako at walang damit. Naligaw ako ng naligaw, hanggang sa napadpad ako sa isang puno na may bantay, at tinanong ko kung saan ako makaka-hanap ng pagkain, kasi gutom na gutom na ako.

Sagot niya ay, pag sumama ako sa kanya, bibigay n'ya sa akin ang lahat ng gusto ko. 'Yun, sumama ako hanggang sa umabot kami sa tuktok ng puno. Biglang nakita ko na 'yun nalang pala ang nag-iisang punong natira sa gubat.

Sabi ng bantay, ako daw ang may pakanan ng lahat, kaya itinulak niya ako mula sa tuktok ng puno. Nagising nanaman ako; panaginip nanaman pala.

Pag-gising ko na naman, nasa ilog ako at uhaw na uhaw. Sinubukan kong inumin 'yung tubig-ilog, pero napaso ang lalamunan ko, ngunit patuloy ko itong iniinom dahil sa uhaw. Bigla kong nakita ang sarili ko sa gitna ng ilog, walang malay at inaanod ng tubig, hanggang sa mahulog ang katawan ko sa isang talon, at dun na talaga ako nagising.

Nasa higaan na ako, pero hindi ako maka-kilos. May nasulyap akong isang babae sa tapat ko, at isang lalaki sa dulo ng kwarto ko. Parang kusang pumipikit ang mga mata ko, at ang hininga ko ay humihina na, kaya nag-dasal ako. Biglang nakapagsalita na ako, kaya sumigaw ako ng sumigaw, kaso walang nakarinig. Mas pinatatag ko pa ang aking panalangin, at biglang nawala na sila. Naka-galaw na ako muli, at bumangon ako kaagad at uminom ng tubig. Tapos tumabi ako sa mama ko. Natatakot pa kasi ako bumalik sa kwarto ko eh. Hahahaha.