webnovel

TWO

CHAPTER II – Dilatory

Slow to act.

 

Kapag daw may nickname sa'yo 'yung isang tao, ibig sabihin special ka.

Kaya nga nung naisipan ni Beatrice na tawaging Red si Renesmee ay nakitawag na rin akong Red, para naman malaman niyang special din siya para sa'kin.

Simple lang naman kung bakit siya naging Red. Renesmee Eril Dane ang pangalan niya, initials lang ng name niya ang kinuha para maging Red ang nickanme niya. Si Blu, Beatrice Louise, pinagdikit lang 'yung B at Lou, minus isang letter. Mas simple naman sa'kin, Will or Hopia, sana inisipan na rin ako ni Asul ng mas unique na nickname para naman mas special.

Will kasi William, Hopia kasi matagal na akong hopia kay Red. Si Manang naman at Kuya Sync, Liam ang tawag sa'kin. Nung bata kami ang tawag sa'min nila Papa ay 'yung second name lang namin.

Ang pangalan kasi naming triplets ay, William Hope, Winston Faith at Wixton Love. Si Papa raw nakaisip no'n kasi ang pinangalan sa kanya ni Lolo ay Bliss, para naman daw pare-pareho kaming apat. Dapat nga raw magkabaliktad 'yung second at first name namin pero hindi pumayag si Mama kasi hindi kasi maganda pakinggan pag binaliktad.

"Alam mo ba tinatanong ka sa'kin ni Kuya Sync." Kwento sa'kin ni Asul.

"Kilala pa pala ako ni Kuya?"

Sobrang tagal na kaya naming hindi nagkikita ni Kuya, parang elementary pa siguro 'yung huli. Sobrang memorable ko talaga.

"Tinatanong niya pa rin nga kung crush mo pa si Red."

Natawa na lang ako. Pati ba naman 'yun alala pa niya? "Anong sabi mo?"

"Sabi ko hanggang ngayon gusto mo siya, isang dekada na mahigit."

Grabe sobrang tagal na nga pala talaga.

"Sobrang tanga na siguro ng tingin sa'kin ni Kuya."

"Hindi naman. Sabi niya lang huwag mo na paabutin ng dalawang dekada kasi baka raw mag-pari ka na lang no'n."

Siguro kaya rin sobrang asado ako kay Red ay dahil alam kong wala siyang pag-asa kay Kuya. Alam kong malabong maging sila kasi wala pa naman sa plano ni Kuya ang mag-girlfriend. Or baka kasi sobrang ganda niya lang din talaga.

Wala naman kasing nagbago sa kanya simula nung bata kami.

Mahilig pa rin siya sa barbie, kikay pa rin siya pero hindi sobrang kikay na masakit sa mata ang datingan. Mabait pa rin siya at palakaibigan. Sa aming lahat, si Blu ang pinakamalaki ang pinagbago, kung dati ayaw niya makipagkaibigan o makipagdaldalan, ngayon sobrang palakaibigan at daldal na niya. Akala nga namin nabagok siya kaya siya nagbago.

"Hindi naman, nanghingi na nga ako ng permiso kay Mama Rhea na manligaw."

Totoo na sinabi ko sa nanay ni Red na gusto kong manligaw. Kaso akala niya yata nagbibiro ako kaya hindi na siya nagtanong uli. Gusto ko na mag-confess kay Red, handa na nga rin ako ma-reject kaso biglang...

"Kami na ni Winston."

Sabay kaming napatingin ni Asul kay Kuya Wins na parang walang narinig at tuloy lang ang pagkain habang nanonood ng movie.

Hindi ko alam kung rejection ba 'yon o redirection.

Akala ko noon kapag nagkaroon na ng malisya sa katawan si Kuya para kay Red magiging nakakadiring nilalang na siya tulad ni Wixton nung unang beses na na-discover kung paano lumandi. Tipong makikita mo na nakabalandra sa madla 'yung hindi niya maitagong pagnanasa sa romantic partner niya.

Kaso si Kuya nga pala 'to at si Red ay kababata namin kaya parang normal na 'yung ganitong anunsyo balang araw. Expected na. Ang hindi ko lang inaasahan ay mauuntog pala 'tong si Kuya at papatulan si Red kahit alam niyang may gusto ako kay Red.

'Tarantado ka rin pala, Kuya.'

Gusto kong magalit kay Kuya pero wala naman akong karapatang magalit kasi hindi naman kami ni Red at hindi naman siya property na pwedeng i-reserve. Pero sobrang nakakainis pa rin kasi ang tagal kong nag-ipon ng lakas ng loob, alam ko na kung kailan ako magco-confess, lahat ng scenario naisip ko na.

Pero ang mas hindi ko maintindihan ay kung totoo ba talaga ang feelings ni Kuya para kay Red. Bakit hindi niya sinabi?

Madali naman nang malaman kung bakit niya itatago 'yon. Baka natakot na ikanta namin kay Red o baka natatakot siyang masaktan ako. Pero wala kaming nakitang signs. Ano 'yon? Parang kabute na lang na lumitaw. Parang sobrang out-of-character pero hindi naman imposible. Alam ko namang sobrang kamahal-mahal ni Red. Maliban na lang kung pinagbibigyan niya lang ngayon si Red sa gusto niya.

Kung anoman ang dahilan ni Kuya, sana hindi niya saktan si Red. Kingina siya kung gano'n.