Samantala, abala si Sebastian sa isang meeting nito sa mga investors nang makatanggap siya ng tawag.
Galing iyon kay Ignacio kaya saglit niyang pinahinto ang nagsasalita upang masagot ang tawag nito.
"How is she?" Bungad na tanong niya nang masagot ang tawag. Agad naman niyang naulinigan ang pagiging balisa ni Igancio sa kabilang linya.
"Anong nangyari? Nasaan si Mira?" Tanong niya at halos mapam*ra siya nang marinig ang paliwanag nito sa kabilang linya. "Ang tagal na niyang nawawala bakit hindi mo inireport sa akin kanina agad?" Galit na wika niya at halos maitapon niya ang telepono sa mesa. Tumingin siya sa mga investor sa kanyang harapan at agad niyang sinenyasan ang kanyang assistant.
"Cancel this meeting, I have more urgent matter to attend." Wika niya sa assistant niya at agad na nilisan ang opisina.
Masakit ang ulo ni Mira nang magising na siya. Para siyang pinukpok ng malaking abto sa ulo nang mga sandaling iyon. Pagmulat ng kanyang mata ay agad niyang inilibot ang paningin sa lugar. Puro puti ang kanyang nakikita at sa pakiwari niya ay nasa hospital siya.
Inalis niya ang suwero sa kaniyang kamay at bumaba na sa kanyang higaan. Hindi niya alam kung anong hospital siya naroroon at paniguradong nag-aalala na si Nana Lorna sa kanya. Wala siyang kahit anong dala nang mga oras na iyon at wala rin siyang pera na pambayad sa hospital na iyon. Hindi din niya alam kung paano kokontakin si Sebatian.
"Saan ka pupunta?" Napatalon pa siya nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran. Naroroon pala ang lalaking pumigil sa kanya kanina. Maamo naman ang mukha nito at mukha rin itong mabait ngunit dahil sa mga imaheng nakita niya kanina ay tila ba natatakot siya rito. Marahil ay marami itong kalaban o isa talaga itong masamang tao.
"Uuwi. Nag-aalala na sa akin ang pamilya ko ." Pagkakaila niya at umiling ito.
"I'm afraid you can't go. I need you to answer my questions first." Tanong nito at bahagyang lumapit sa dalaga. Kinabahan naman si Mira at umatras ito papalayo sa binata.
"Hindi pwede, ang sabi sa akin ng mama, bawal akong makipag-usap sa mga taong hindi ko kilala." Wika ni Mira at humawak na siya sa doorknob, handa nang buksan ang pinto.
"Answer my question and I will let you go."wika nito at natigilan si Mira.
"Sino ka? Bakit parang kilala kita?" Tanong nito at napakunot naman ang noo niya. Sigurado siyang ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya ang binata.
"Mira Bella Torres ang pangalan ko at hindi kita kilala. Baka nagkakamali ka lang o kamukha ko lang ang naiisip mo." Wika niya sa nanginginig na boses. Ayaw na niyang makita ang mga imaheng iyon kaya ayaw na niyang masagi man lang ni maliit na parte ng balat nito. "Pakiusap, huwag mo akong hahawakan." Takot na takot na sambit niya na ipinagtaka naman ng binata. Bahagya siyang lumayo nang mapansin ang pangingilid ng luha nito.
"I'm sorry, hindi ko sinasadyang takutin ka. Hindi ako masamang tao. By the way, I'm Gunther Vonkreist at hindi kita sasaktan." Sambit pa ng binata na may kasamang mga ngiti. Bahagyang tumango ang dalaga ngunit nanatili itong malayo sa binata.
Agad naman itong napansin ni Gunther at bahagya itong nakaramdam ng kakaibang lungkot. Aminado siyang ngayon ang unang pagkakataon nakilala niya ang dalaga ngunit tila ba may nararamdaman siyang pangungulila sa piling nito.
Akma siyang magsasalita nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang nakangiting si Mikaella at ang isa pang lalaki.
"How's our little patient. Buti naman nagising ka na. Kinabahan naman ako sayo kanina, bigla-bigla ka na lang hinimatay. Buti na lang at hindi malakas ang pagkabagsak mo. Nakapagbayad na kami sa counter. Maari ka nang umuwi, gusto mo bang ihatid ka namin?" Masayang tanong ng dalaga sa kanya. Umiling siya at bahagyang napakamot sa ulo.
"Ang totoo niyan, nawawala ako kanina sa mall, nahiwalay kasi ako kay Nana Lorna habang namimili kami kanina at hindi ko alam kung paano umuwi sa amin. Wala rin akong dala at hindi ko din alam ang number nila." Wika niya at nagkatinginan ang mga ito.
"Ha? Paano yan, paano natin hahanapin ang pamilya mo kung hindi mo alam ang pauwi?" Tanong ni Mikaella at nakaramdam siya ng matinding awa sa dalaga.
"May kilala ba kayong Sebastian Saavedra?" Tanong ni Mira at naningkit ang mata ni Gunther.
"Sebastian Cluade Saavedra?" Tanong nito at mabilis na tumango ang dalaga.
"Oo siya nga." Masayang sagot ng dalaga.
"Sa kanya ka nakatira? Sigurado ka ba?" Tanong ulit ni Gunther at muling tumango si Mira.
"Kilala niyo ba siya?"
"Of course we know him. He's a j*rk." Sagot ng isang lalaki at mabilis iyong siniko ni Mikaella. "What, totoo naman ah. T*nga lang ang magsasabing mabuting tao ang Saavedra'ng yon'." Giit pa nito.
"Mabait si Sebastian sa akin." Awat na wika ni Mira at napipilan ang binata at mabilis na tumahimik. Ngumiti naman si Mikaella at tumango.
"Oo naman mabait si Sebastian Saavedra. Masama lang siya sa mga taong masasama rin." Sang-ayon naman ni Mikaella sa kanya.
"Gunther, ang mabuti pa tawagan mo na si Mr. Saavedra para makauwi na si Mira. " Utos ng dalaga sa pinsan nito. Tutol man ay wala nang nagawa si Gunther nang pandilatan siya ng kanyang nakakatandang pinsan. Matapos tawagan si Sebastian at makausap ito ni Mira ay nakahinga naman siya nang maluwag. Kahit papaano ay nawala ang kaninang pagkabahala niya. Mabuti na lamang at kilala ito ng mga taong nakakuha sa kanya.
Matiyaga siyang naghintay sa kwartong iyon hanggang sa unti-unti na naman siyang hinahatak ng antok. Makakatulog na sana siya nang marinig niyang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang nag-aalalang si Sebastian.
"Mira? Ayos ka lang ba?"tanong agad nito. Tumango naman siya at ngumiti dito.
"Ayos lang ako. Siguro nahilo lang ako kanina dahil sa dami ng tao." Kaila niya ngunit tila hindi kombinsido ang binata sa alibi ng dalaga.
"Mira, ang ayoko sa lahat ay ang mga sinungaling. Ano ba ang nangyari? Imposibleng mahilo ka sa dami ng tao doon dahil sanay ka sa maraming tao. Hindi ka rin naman nalipasan ng gutom dahil nakakain ka kanina." Wika ni Sebastian at napabuntong-hininga lang ang dalaga.
Napaka-observant talaga ng binata at kahit ang simpleng rason niya ay nahahalata nito.
"Kakilala mo ba sila Gunther?" Tanong niya at tumango ang binata. Umupo ito sa tabi niya at tahimik na naghintay sa susunod na sasabihin ng dalaga.
"Bukod sa kaya kong magpagalaw ng mga bagay, kaya ko ring makita ang mga pangyayari sa hinaharap at nakaraan. Pero ito ang kakayahang wala akong kontrol. Kusa lang itong pumapasok sa isipan ko kapag nadadampi ang balat ko sa balat ng taong iyon." Panimula ni Mira at napakuyom siya ng palad.
"Nangyari ito kanina, nang pigilan ako ni Gunther. Napakaraming imahe ang pumasok sa isipan ko at sonra akong natakot sa aking mga nakita. Sa pangitain kong iyon, nakita ko na may mga taong magtatangka sa kanilang buhay. Isang itim na sasakyan, lulan nito ang tatlong lalaki at sila ang salarin sa aksidente ni Gunther. Hindi ko alam kung buhay pa siya dahil napakaraming dugo ang nasa paligid. Hinimatay ako dahil sa sobrang takot. " Dagdag pa ni Mira at hindi niya napigilan ang mapaluha.
Hindi naman agad nakapagsalita si Sebastian dahil maging ito ay nagulat sa rebelasyong iyon.
"Kung ganoon kaya mong malaman ang mangyayari sa hinaharap?" Tila hindi makapaniwalang tanong ni Sebastian. Kung nandito lamang ang isa pa niyang kaibigan ay paniguradong magiging interesado din ito sa kalagayan ni Mira. Mabuti na lamang at abala ito sa underground laboratory nito.
Tumango naman ang dalaga at pinahid ang namumuong luha sa kanyang mata.
"Teka, may trabaho ka pa di ba?" Agad na tanong niya nang maalala ang trabaho ni Mira. Agad niyang inayos ang sarili niya upang makaalis na sila agad doon. Ngunit bago pa man siya makababa sa kama at mabilis na siyang naikulong ni Sebastian sa yakap nito.
Napangiti naman ang binata dahil kahit papaano ay ligtas at walang nangyaring masama rito.
"Sebastian, baka may makakita sa atin dito." Bulong ni Mira at natawa naman si Sebastian.
"Mmm. Umuwi na tayo, mukhang kailangan mo akong ipagluto dahil isang meeting ko ang naudlot dahil sa pagkawala mo." Wika ni Sebastian at alanganing napangiti si Mira.
Nang pauwi na sila ay bigla namang nakatanggap ng tawag si Sebastian mula sa kanyang opisina.
"Mira, I think we need to change our plan. Kailangan kong bumalik sa opisina, ayos lang ba sayo na sumama sa akin?" Tanong nito habang inaayos nito ang seatbelt ng dalaga.
"Ayos lang naman." Sagot ni Mira at napangiti lang si Sebastian. Mabilis na nitong pinaandar ang sasakyan at pinaharurot na iyon papalayo sa hospital. Lingid sa kaalaman nila ay tahimik na nagmamasid sa kanilang pag-alis si Gunther.
"Sir, may ipag-uutos ka ba?" Tanong ng isang lalaki sa tabi ni Gunther. Nakasuot ito ng itim na kasuotan habang may nakakabit na earset sa tenga nito.
"Never mind. Pag-igihan na lamang ninyo ang paghahanap sa pinapahanap ko." Wika naman ni Gunther at nilisan na ang lugar.