webnovel

Chapter 67

Noong gabi nang araw na iyon ay magkayakap na natulog sina Sebastian at Mira, parehong okupado ang kanilang isipan ng mga pwedeng mangyari sa misyon nilang iyon. Puno nang pag-aalala ang puso ni Sebastian, marahan niyang hinahaplos ang buhok ni Mira habang lumilipad ang isip niya sa mga posibilidad na magaganap sa kaniyang asawa. Hindi niya kayang isipin na maaari itong mawala sa kaniya kapag nagkamali sila. Ayaw niyang mawala ito kahit isang segundo sa kaniyang mga paningin subalit ano ang magagawa niya kung si Mira mismo ay desidido sa gagawin nilang misyon.

"Mira, you have to promise me. Please don't get hurt, okay?" Bulong niya rito. Nagmulat naman ng mata sa Mira at marahan tumango.

"Don't worry, kaya ko na ang sarili ko. Hihintayin ko kayo sa loob. Kasama ko naman si Dylan and don't forget, malakas na ako di ba?" Nangingiting sagot ni Mira at hinalikan sa labi ang binata.

"I know, pero hindi mo maiaalis sa akin ang hindi mag-alala. Hindi kayo pupunta sa isang tour o field trip Mira. That place is dangerous, it took many lives of innocent people. It is a den of merciless beast. Yun ang ikinakatakot ko. I've never been afraid my entire life Mira, not even when someone tried to took my life. Ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito." Saad ni Sebastian. Bakas sa mata nito ang pag-aalalang nag-uumapaw mula sa kaibuturan ng kaniyang puso.

Kinaumagahan, kasalukuyang nasa isang mall si Mira at Dylan. Wala si Sebastian para samahan sila kaya dalawa muna sila amg lumabas para mamili. Nakatayo sila sa department store at abala si Mira sa pagpili nang damit nang marinig niyang may kausap si Dylan. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang naroroon si Antonio. Sa tabi nito ay isang blonde na babae na halos kasingtangkad na ni Antonio dahil sa suot nitong mataas na heels. Palihim namna napaismid si Mira nang makita ito,hindi talaga mapirmi sa iisang babae ang kapatid ni Dylan. Sa isip-isip pa ni Mira habang tinitingnan ng masama si Antonio at ang kasama nito.

"At kasama mo pala ngayon itong napakagandang asawa ni Sebastian. Pagsinuswerte ka nga naman." Nakangising wika ni Antonio.

"Lubayan mo nga kami, diyan ka na sa babae mo." Irap na wika ni Mira at hinatak papalayo si Dylan. Alam nilang nakasunod na ito sa kanila ngunit binalewala nila ito at nagpatuloy na sa kanilang pamamasyal. Namili sila ng kakaunting mga damit at pagkain bago sila tuluyang lumabas ng mall. Masaya pa silang nagkukuwentuhan nang biglang silang tambangan ng apat na lalaking nakaitim na nakasuot ng shades at itim na mask.

Akmang manlalaban pa si Dylan nang suntukin siya ng isa sa sikmura na ikinaluhod naman niya sa sahig. Nagsigawan pa ang mga taong naroroon at nakasaksi sa pangyayari. Dahil sa dehado sila sa dami ay walang nagawa sila Mira at Dylan nang kaladkarin sila ng mga ito papasok sa isang itim na van.

Nang makaalis ang van ay agad na lumabas sa isang sulok sina Carlos at Leo. Hawak-hawak nila sa braso si Sebastian na noo'y pawis na pawis at nanlilisik amg mga mata sa galit.

"Bro, muntik mo nang masira ang plano ni Mira. Akala ko ba, naihanda mo na ang sarili mo? Gosh, muntik mo pa akong masapak. Paano nalang si Bea kapag nasira itong gwapo kong mukha?" Pabirong wika ni Carlos. Bahagyang kumalma naman si Sebastian at doon lang siya binitawan ng dalawa.

"Turn it on. Lahat ng surveillance ay paganahin niyo. Ihahack ko ang database ng Orion kapag nakapasok na sila Mira. " Awtorisadong utos ni Sebastian at mabilis na sumakay sa sasakyan nilang nakapark lang sa tabi.

Wala na silang sinayang na oras dahil bwat minuto at bawat segundo ay mahalaga. Nang marating nila ang pansamantalang base jila malapit sa Regal Plaza ay agad na pinagana ng magkakaibigan ang mga surveillance sa buong siyudad upang ma track nila kung nasaan na ang mga ito. Ang tracking device naman na nakainstall sa singsing ni Mira ay iniwan nilang nakapat*y upang hindi ito madetect kapag papasok na sila sa loob. Kusa itong aandar kapag nakapasok na sila sa base ng Orion.

Kasalukuyan din nilang kasama doon si Gunther at ang pinsan ni Veronica na siyang lider naman ng hukbo na ipinadala ng Lolo ng dalaga.

"Nakahanda na ang grupo. Sebastian, ayos lang ba si Mira?" Tanong ni Gunther.

"Hindi siya gaanong nasaktan. Don't worry. " sagot niya ngunit kahit siya ay hindi din mapakali. Kanina nang sapilitang isinasama si Mira ay parang siyang isang nag-aalburutong bulkan na nais sumabog. Lalo na nokng hawakan ng isang lalaki si Mira. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang putulin ang kamay nitong humawak sa kaniyang asawa. Mabuti na lamang at nandoon sina Carlos at Leo para pigilin siya dahil kung hinsi ay siguradong masisira ang plano nila.

"Humanda talaga sa akin si Antonio at Alejandro kapag nasaktan si Mira. "Gigil na wika pa ni Gunther.

Sa kabilang banda naman, matagumpay na nakapasok si Mira at Dylan sa loob ng Orion base. Napakahaba ng hallway na dinaanan nila at sa tantiya nila ay kasaya lamang ang limang katao kapag sabay-sabay na dumaan doon. Hawak pa rin sila ng mga lalaki at ni hindi na nag-abala amg mga ito na piringan sila. Animo'y sigurado na ang mga ito na hindi sila makakalabas roon.

Halos pakiramdam nila ay inabot din sila ng labing limang minuto bago nila marating ang bukana ng napakahabanah lagusan na pinasok nila.

"Sigurado ba kayong hindi kayo nasundan dito?" Tanong ng isang boses na agad din nilang nakilala.

"Hay*p ka Antonio, anong lugar to at anong kailangan mo sa amin?" Galit na tanong ni Mira. Umalingawngaw naman ang tawa ni Antonio bago sinenyasan ang mga tauhan nito na bitawan sila.

"Hindi mo na kailangang malaman kung anong lugar ito. Dahil nandito ka na rin, nais ko lang sanang malaman at makita ng personal kung ano ba talaga ang meron sayo na halos ikabalow ni Sebastian." Tugon nito at akmang hahawakan sa pisngi si Mira subalit mabilis iyong naharang ni Dylan.

"Hanggang ngayon napaka-k*ll joy mo pa rin Dylan. Kailan ka ba magbabago?" Inis na tanong nito at mabilis na sinikmurahan si Dylan. Napaluhod naman si Dylan at napaubo. Agad din naman siyang inalalayan ni Mira upang maitayo ito.

"Wala kang kasing-sama,kahit kapatid mo sinasaktan mo. Ganyan ka na ba ka disperado sa buhay mo Antonio?" Galit na bulyaw ni Mira.

Napangisi naman si Antonio sa narinig at marahas na hinawakan sa pisngi si Mira.

"Kapatid? Hindi ko kapatid ang walang kwentang iyan. Ni hindi nga kami magkadugo. Bakit ako manghihinayang saktan ang tulad niya na walang ginawa kundi ang sirain ang mga plano ko."

"Ikulong niyo ang dalawang ito. Siguraduhin niyong nakakandado ang pinto bago niyo iwan." Utos ni Antonio at nilisan na sila. Marahas at walang awa silang kinaladkad muli ng mga tauhan ni Antonio at ipinasok sa iisang kwarto. Ang kwartong iyon ay maihahalintulad mo sa isang bartolina. Wala itong bintana at ang tanging labasan ay ang pinto na papasukan mo rin. Ang tanging kaibahan lamang nito ay mas maayos ito at may higaan. Meron din maliit na lababo at isang maliit na kwarto para sa banyo.

"Parang isang kwarto sa loob ng mental hospital?" Tanong ni Mira at umiling si Dylan.

"Isang Isolation room." Tugon naman ni Dylan at kinuha ang isang malaholen na bagay mula sa kaniyang pantalon at inihulog iyon sa sahig. Mayamaya pa ay gumalaw ito ng kusa at gumulong papalabas ng silid gamit ang maliit na siwang mula sa pinto.