webnovel

Chapter 59

" You have a point." Sambit ni Sebastian at nasapo ang noo. "My God, bakit hindi namin naisip ang posibilidad na iyon." dagdag pa niya at mabilis na pinaharurot ang kanilang sasakyan. Pagdating sa bahay at agad din niyang pinatawag sila Carlos, Leo at Jacob, maging si Gunther ay ipinatawag din nila.

"Sino ang mag-aakalang magtitipon-tipon tayo ngayon." Kwelang wika ni Leo at marahang tinapik ang balikat ni Gunther.

"Kuya, mabuti at nakarating ka. Si Sebastian na ang magpapaliwanag sa inyo bakit namin kayo pinatawag." Bungad ni Mira bago naupo sa harapan nila. Sinimulan nang ilahad ni Sebastian ang mga napag-usapan nila ni Mira na lubha din ikinagulat ni Gunther.

"Mira sigurado ka ba?" Tanong ni Gunther at bahagyang napailing naman si Mira.

"Hindi ako sigurado pero malakas ang kutob ko na buhay si Mommy Kuya. Ayoko din namang umasa sa wala pero iyon kasi ang isinisigaw ng puso ko. Para bang pagsisisihan ko kung hindi ako gagawa ng paraan para mailigtas siya," sagot ni Mira, napatango naman si Gunther at pilit na pinakalma ang sarili.

"Anong plano niyo?" Tanong ni Gunther at nagkatinginang si Leo at Sebastian.

"Mira, alam mo bang naging kasapi ng Orion ang tiyuhin at tiyahin mo. Sa mga oras na ito ay hawak namin sila." Pagtatapat ni Leo at nanlaki ang mata ni Mira.

"Dalhin niyo ako sa kanila. Maaring makakuha ako ng impormasyon sa kanila at hindi sila makakapagsinungaling sa akin." Untag ni Mira at agad na napatayo. Nilingon naman ni Leo si Sebastian at tumango ito.

"Sa ngayon, iyan lang ang maari nating gawin." Sang-ayon ni Sebastian at dinampot ang susi ng kotse sa mesa'ng nasa harapan nila.

Mabilis na tinungo nila ang pasugalan ni Leo upang muling makausap ang pamilya ni Christy. Nang muli silang masilayan ni Mira ay nakaramdam ng matinding kalungkutan ang dalaga. Hindi niya inasahang aabot sa ganito ang kanilang sitwasyon. Nakaupo silang apat sa magkakatabing upuan at nakagapos ang mga ito. Ni hindi magawang makapagpahinga ng maayos ng mga ito at pansin ni Mira ang matinding pamamayat ng kaniyang tiyuhin.

Ibig man niyang maawa ay pinilit niyang patibayin ang kaniyang damdamin at tinikis niya ang awang nararamdaman niya sa kasalukuyan.

Lumapit si Mira at hinawakan ang balikat ng kaniyang tiyahin. Paglapat ng kaniyang palad doon at iba't ibang imahe na ang naglalaro sa kaniyang isipan. Nariyang nakikita niya ang sarili niyang sinasaktan ng tiyahin at ikinukukong sa maliit na kwartong iyon. Mariing napapaikit siya habang dumadaan sa alaalang iyon na kahit siya pilit nang kinakalimutan. Muling naglandas ang kaniyang kamalayan sa alaala ng tiyahin niya at humantong ito sa mga panahong biglang nagkasakit ang kaniyang ina-inahan. Kitang-kita niya kung paano lasunin ng tiyahin niya ang pagkain ibinibigay niya rito. Paunti-unting nilalason nito ang sariling kapatid na para bang hindi ito isang kasalanan.

Malayang pumatak ang luha ni Mira ngunit hindu pa rin niya binitawan ang tiyahin. Wala pa siyang nakukuhang sagot. Muli siyang umikot sa kamalayan ng kaniyang tiyahin hanggang sa makita niya itong naglalakad sa isang eskinita kasama ang kaniyang tiyuhin at si Arnold. May dala-dalang bata ang mga ito na sa pakiwari niya ay nasa dalawa o tatlong taong gulang pa lamang.

Bago ang mga alaalang iyon, nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pamilyar na lugar sa alaalang iyon. Agad siyang napabitaw dito at napatingin kay Sebastian.

"May dinala silang bata, papasok sa Regal Plaza. May maliit na eskinita sa likod at may pinto doon na gawa sa semento. Hindi mo iyon mapapansin agad at ang tanging palatandaan ay ang maliit na ukit ng isang mandirigma, ang Orion." Bulalas ni Mira at napatayo si Leo aa kinauupuan nitong silya. Lumikha iyon ng malakas na tunog na siyang nagpagising sa mag-anak.

Nahintakutan pa ang ama ni Christy nang makita si Leo na nakatayo sa harapan nila. Ang buong akala nito ay naroroon ito upang muli silang pahirapan.

"Ano pa ba ang kailangan niyo. Nasabi ko na ang lahat mg nalalaman ko, pakiusap pakawalan na ninyo kami," wika nito sa garalgal nitong boses. Namaos na ito kakasigaw dahil sa mga pahirap na ginawa ni Leo.

"Ngayon ko napatunayan na mahina pa rin talaga ang gamot na gawa mo Jacob. Nakalusot ang kasinungalingan ng taong ito."

Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Leo sa mukha ng lalaki at tumalsik mula sa bibig nito ang tatlong pirasong ngipin nito.

"Ang sabi mo hindi mo alam, subalit isang biktima na naman ang ipinasok niyo sa impy*rnong lugar na iyon. " Gigil na wika ni Leo at marahas na isinubsob ang mukha nito sa sahig. Natumba ito mula sa kinauupuan silya habang gigil na idinidikdik ni Leo ang mukha nito sa sahig. Humihikbing nakikiusap namani Christy at ang ina nito na pakawalan na sila ngunit bingi silang lahat nang mga oras na iyon. Maging si Mira ay hindi magawang maawa rito dahil kitang-kita niya kung paano kaladkarin ng mga ito ang walang kamuwang-muwang na bata papasok sa lugar na iyon.

Pakiramdam niya ay sinasaksak sa sakit ang kaniyang puso habang naaalala ang bwat iyak ng batang iyon na halos hindi pa nga magawang magsalita ng maayos dahil sa murang edad nito. Paniguradong halos mabaliw na sa kakahanap ang mga magulang ng batang iyon.

"Bastian, kailangan nating mailabas ang batang iyon. He's just a two year old boy, napakabata pa niya para dumanas ng malupit na tadhana. " Naiiyak na wika ni Mira.

Nanlaki naman ang mata ng ina ni Christy dahil sa narinig. Paanong nalaman nila ang kanilang huling ginawang misyon.

"Mira, alang-alang sa Mama mo, pakiusap pakawalan mo kami." Wika pa nito at napakunot ang noo ni Mira. Muling nanumbalik sa isipan niya ang ginawang panlalason nito sa kaniyang ina.

"Alang-alang kay Mama? Kung hindi dahil sayo, buhay pa sana si Mama. Hindi sana siya namatay ng maaga. Nilason mo ang Mama ko, para makuha ang pera niya. Pin*tay mo ang sarili mong kapatid dahil sa kakarampot na pera? Paano akong maaawa sa isang tulad mo?" Umiiyak na tanong ni Mira, kuyom-kuyom niya ang palad dahil sa pinipigilan niyang galit.

"Mira, tama na, hayaan mo na si Leo ang magpataw ng kanilang parusa. Huwag mong sayangin ang lakas mo sa kanila." Suhestiyon ni Jacob na agad din naman sinang-ayunan ni Sebastian.

"Maaari bang sa akin mo na ipaubaya ang parusa ng mag-anak na ito?" Seryosong tanong ni Gunther at nagkatinginan sila.

"Leo, ibigay mo na kay Gunther yan, karapatan din niyang ipaghiganti ang kapatid niya." Wika pa ni Jacob at nag-okay sign lang si Leo bilang pagsang-ayon dito.

Nang makauwi sila ay agad na nagpahinga si Mira. Sa tulong ni Jacob ay agad na nakatulog si Mira matapos nitong makapagbihis ng damit.

"Tulog na ba si Mira?" Tanong ni Jacob nang makababa na si Sebastian.

"Yes, salamat sa gamot na ibinigay mo." Sambit ni Sebastian at agad na umupo sa sofa.

"Pinagalaw ko na ang mga tao natin, kasalukuyan na silang nagmamanman sa lugar. Palihim na din na nagtanim ng surveilance camera si Rico sa lugar. Hintayin na lamang natin ang go signal niya para ma-access ito." Ipinatong ni Carlos ang laptop sa mesa at bumungad sa kanila ang monitor nitong may picture pa ng isang pusa.

"A cat, really Carlos?" Natatawang tanong ni Leo sa kapatid.

"What? Anong magagawa ko kung ang asawa ko amg may gusto. Cute naman ah." Laban ni Carlos at lalong natawa si Leo.

"Yeah, but that's not like you. Nasaan na ang berdugo kong kapatid? Simula ng nag asawa ka parang kasinglambot ka na ng bulak lalo kapag kaharap mo na ang asawa mo. Pareho kayo ni Sebastian." Nakasimangot na turan ni Leo.

"Mag-asawa ka na din kasi. Ano pa ba ang hinihintay mo?" Sulsol ni Sebastian at tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ito ay mensahe iyon gaking kay Rico b

"Access mo na, nagbigay na ng hudyat si Rico. It's better if you record everything. Mas mabuti nang may ebidensya tayong magagamit kung saka-sakaling bumaliktad sila." Turan ni Sebastian.