webnovel

Chapter 24

"Wala kang modo, matapos momg lokohin ng talikuran ang anak namin, nakuha mo pa talagang kami ay kamustahin?" Gigil na wika ni Miranda at matalim na tinitigan ang babaeng kasama nito.

"Lola, tama na ho, makakasama sa inyo ang magalit." Pag-aalo ni Mira sa mga ito. Nang mapatingin naman si Mira sa mga ito ay bigla namang tumalim ang tingin ng Ama ni Sebastian sa kanya.

"Ikaw ba ang nang-akit sa anak ko? Para sabihin ko sayo, hindi ikaw ang para sa kanya. Kung ako sayo, magkusa ka ng iwan si Sebatian." Wika naman nito na ikinakunot ng noo niya.

"Anong karapatan mo para panghimasukan ang mga desisyon ni Sebastian?" Galit na tanong ni Francis na siya namang inawat ni Sebastian.

"How many times should I tell you? I will never divorce Mira. Kung gusto mo talaga si Clarissa, why don't you marry her yourself? Iyon naman ang gusto mo di ba, ang mas bata sayo?" Pakutyang wika ni Sebastian.

"Sebastian, watch your words. Ama mo pa rin ang kausap mo." Malumanay na sermon ng babae na ikinatawa ni Sebastian?

"Respect? Matagal nang nawala iyon buhat nang lokohin niyo si Mommy. Karespe-respeto ba ang pakikiapid sa taong may asawa at pangangalaguyo?" Tanong nito.

"You are not welcome here, this is a family gathering. That's the door, please take your leave before I throw you out." Mahinahong dagdag pa ni Sebastian bago tinalikuran ang mga ito.

Dahil sa nangyari ay nagdesisyon nang lumipat ng private room si Sebastian upang magkaroon sila ng kapayapaan habang kumakain. Galit na galit namang umalis ang ama ni Sebastian at ang kalaguyo nito sa restaurant. Halos walang paglagyan ang galit nito at ang tanging nagawa lang nito ay suntukin ang upuan ng kanilang sasakyan.

"Honey, don't worry, marahil ay hindi naman seryoso si Sebastian sa babaeng iyon. Nakita mo naman, malayong-malayo siya sa mga babaeng nais mong ireto sa anak mo. She's just a plaything." Wika ni Lorra sa ama ni Sebastian na si Logan Harris. Huminga naman ng malalim nag Ama ni Sebastian at agad nang inutusan ang driver na bumalik na sa mansyon.

Samantala, naging tahimik at matiwasay naman ang naging tanghalian ng mag-anak ni Sebastian. Tuwang-tuwa ang mga ito habang nagkukuwento si Mira patungkol sa mga nagiging karanasan nito sa paaralan. Nakangiti lang naman ang binata habang nakikinih dito. Hindi niya alam na may itinatagong kulit pala ito sa katawan dahil madalas ay tahimik lang ito.

Matapos kumain ay namasyal pa sila nang kaunti bago nila naisipang bumalik na ng mansyon. Sa kanilang pagdating ay nagulat pa sila nang makita nilang nakatayo na sa veranda si Leon , kausap nito ang kawaksi ng mansyon at ipinapasok naman ng mga katulong ang mga bagahe nito.

"Leon, akala ko ay matatagalan ka pang umuwi." Sabik na tanong ni Francis sa panganay nitong anak. Napatingala naman si Mira sa lalaking iyon at namangha siya dahil kamukhang-kamukha ito ni Sebastian. Aakalain mong magkapatid lamang ang mga ito dahil sa napakabatang mukha nito.

"Uncle Leon." Bati ni Sebastian at yumakap dito bago niya hinatak si Mira papalapit dito upang maipakilala.

" Uncle, this is Mira, my wife." Pakilala ni Sebastian at napatitig naman ito sa dalaga. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat at mangha nang makita ang mukha ni Mira ngunit hindi lang ito kumibo.

"Kinagagalak po kitang makilala, Uncle Leon." Wika ni Mira at napangiti naman ito.

"Likewise Mira. Mukhang nagsaya kayo sa labas ah. Hindi niyo man lang ako hinintay." Sambit nito.

"Ikaw itong hindi nagpapasabi na babalik ka." Angal naman ni Miranda habang kinukurot ang tagiliran ng anak.

"Ma, hindi na ako bata." Reklamo naman ni Leon habang papasok na sila sa mansyon. Natatawang sumunod naman si Mira at Sebastian sa mga ito.

Kinagabihan matapos nilang sabay-sabay na kumain ay nagpahinga na sila. Maagang nagpahinga ang dalawang matanda dahil napagod ang mga ito sa pamamasyal kanina. Ganon din naman si Leon dahil pagod naman ito sa byahe pabalik ng bansa.

"Hindi ko alam na napakabata pa pala ng Uncle mo Bastian."

"Nasa early 50's na si Uncle Leon, bata lang siya tingnan. Siya ang panganay, sumunod naman si Uncle Steve naman ay kakambal ng Mama ko. Let's just say na dahil sa desisyon ni Mama na pakasalan si Logan Harris ay nagkaroon ng kaunting lamat sa relasyon nilang tatlo."

"Ganoon nila kamahal ang Mama mo. Nakakainggit naman. Lumaki kasi ako nang walang kapatid." Sambit ni Mira at napangiti si Sebastian.

"Bakit gusto mo bang may kapatid ka?" Tanong ng binata at napatango lang si Mira.

"Oo naman, malungkot ang mag-isa. Wala akong kalaro noon. Naiinggit ako sa mga pinsan ko dahil marami sila. Samantalang ako nag-iisa lang. Noong mam*tay si Mama wala nang natira. Wala akong kakampi." Wika ni Mira at hinaplos naman ni Sebastian ang ulo niya.

"I can be your brother." Wika ni Sebastian at napakunot ang noo ni Mira habang tila Hindi makapaniwalang napatitig sa binata.

"No, hindi pwede. Asawa na kita di ba." Sambit ni Mira at natawa naman si Sebastian.

"Sabagay. Eh sino nag gusto mong maging kapatid?" Tanong nito. Napaisip naman si Mira at napatingin kay Sebastian.

"Bastian, magagalit ka ba kapag sinabi kong gusto kong mqging Kuya si Gunther?" Tila nahihiyang tanong ni Mira at napangiti naman si Sebastian.

Sa isip-isip niya, kung alam lang ni Mira ang totoo ay paniguradong magtatatalon ito sa sobrang kagalakan. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin makapaniwala si Sebastian na pinagtagpo sila nang pagkakataon. Tila ba ang mga landas nila ay sinasyang pinagbuklod. Bukod sa naging magkaibigan ang kanilang mga ina ay magkaibigan din ang kanilang mga Lolo.

"Bakit naman ako magagalit?" Nakangiting wika ni Sebastian at sumilay ang magandang ngiti sa labi ng dalaga. Napayakap ito sa binata at mabilis na dinampian ng halik sa labi na siya naman tinugin ni Sebastian nang mas malalim na halik.

" I will never get mad as long as you never get hurt." Halos pabulong na sambit ni Sebastian nang putulin na nito ang halik. Ayaw din niyang patagalin dahil sa bawat pagkakataong nahahalikan niy si Mira ay mas lalong tumitindi ang nararamdaman niyang pagnanasa dito. He knew it was his right to consummate their marriage but he wanted to let Mira adjust on their relationship first. Ayaw niyang ilagay ito sa alanganing sitwasyon. He wanted her to open herself more at he wanted her to love him back before anything else.

Napaka- unusual, pero iyon ang ibinubulong sa kanya ng puso niya. To him, Mira is as fragile as a porcelain doll. Kahit kapag niyayakap niya ito ay pakiramdam niya ay konting higpit pa ay mababasag ang katawan nito. She's a pure white Lily na kahit anong pambabastos o pang-aapi ng ibang tao ay tila dumadaan lamang ito sa dalaga. Hindi nito magawang lumaban kahit pa naaapakan na siya.

"Tulog na tayo ?" Aya niya dito at tumango naman si Mira na tila ba wala sa sarili. Namumula pa rin ang pisngi nito habang nakaawang naman ang mga mapang-akit nitong mga labi.

Agaran din nakatulog si Mira dahil sa pagod at hindi nagtagal ay nakatulog na din si Sebastian. Sa kahimbingan ng kanilang pagtulog ay biglang napabalikwas si Mira nang mapanaginipan niya si Christy na kinukuha ang kanyang kwentas. Sa una ay kwentas lamang niya ang kinuha nito, kalaunan ay nakita niyang pati si Sebastian ay kinuha rin nito sa kanya. Inilibot niya ang tingin at napabuntong-hininga lamang siya nang makitang natutulog sa tabi niya si Sebastian.

"Bastian..." Mahinang sambit ni Mira at humiga na sa tabi nito. Tinitigan niya ang maamong mukha ng binata habang natutulog ito. Kailangan niyang makuha ang kwentas at ang mga gamit ng kanyang ina. Iyon ang desisyong namumuo sa kanyang dibdib.

Kinaumagahan ay muling sumama si Mira kay Sebastian patungo sa opisina nito. Tulad nang dati ay ginagawa niya ang kaniyang mga aralin habang abala naman si Sebastian sa trabaho nito. Habang abala siya sa pagbabasa ng mga aralin niya ay tumunog naman ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ito ay nakatanggap siya ng mensahe galing kay Veronica. Mayamaya pa ay nakatanggap na siya ng tawag galing dito.

"Veronica?"

"Yeah, libre ka ba? Nababagot ako sa bahay, pasyal naman tayo." Wika nito sa kabilang linya at napatingin naman si Mira sa binata.

"Kasama ko si Sebastian, nandito ako sa building niya. " Sagot niya at napatingala naman si Sebastian sa kanya.

"Saan ba ang building niya, punta na lang ako diyan. Mamamatay ako sa sobrang pagkabagot dito sa bahay. Please Mira, I need you now." Madramang wika nito.

Napahagikgik naman si Mira dahil alam nkyang magbibiro lang ito. Agad siyang pumayag na pumunta ito at maayos na ibinigay sa kaibigan ang address ng building ni Sebastian. Matapos ang tawag ay agad siyang lumapit sa binata.

"Bastian, pupunta dito si Veronica, nababagot daw siya sa bahay nila. Hindi ko naman siya mahindian, guwag ka sanang magagalit, okay." Wika niya.

"Walang problema Mira, mas mabuting siya na ang pumunta rito kesa ikaw pa ang lalabas. I'll have Beatriz prepare the room next door para doon kayo makapagbond. You can use everything there. Tell me if you need anything."

"Thank you Bastian." Agad siyang napayakap sa binata dahil sa sobrang kagalakan.