webnovel

His Slave for 100 Days

enlightenedwriter · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 2

"Bye Gela, see you bukas sa school!" Paalam ni Arra sabay beso sa akin. Nandito na ako sa bahay namin at papaalis na siya.

"Sure ka bang ayaw mo muna pumasok? Kain muna tayo" yaya ko pero umiling lang ito.

"Wag na. Baka rin hinahanap na ako sa bahay eh. Oh and by the way, eto oh nakita ko kasing tinitingnan mo yan kanina" nagulat ako nung makita kung ano yun. Yun ang libro ni MR_TERYO na When you cam into my life!

"Arra naman hindi mo na sana binili ito." Sabi ko at hindi parin makapaniwala. Sobrang favorite ko ang istorya nayan.

"Sige na Angela! Gift ko na yan sayo dahil sa pagiging totoo mo sa akin" niyakap ko ito bigla dahil sa saya, bahagya pa siyang nagulat pero niyakap rin ako kalaunan. "Salamat Arra, sobra" kinuha ko ito mula sa kamay niya at halos maiyak na sa tuwa.

"Sige na, bye na Angela. Kita ulit hukas sa school." Sabi niya at sumakay na sa sasakyan niya "Ingat Arra!" Paalam ko din.

Tinanaw ko muna ang papalayong sasakyan nito bago pumasok sa bahay bitbit ang paper bag na pinaglagyan ng mga damit na ibinili ni Arra sa akin.

"Nandito na po ako nay" sabi ko kaagad pagkapasok ko sa bahay, nakita ko sa may kusina si inay na nagluluto. "Mukhang masarap niluluto mo nay ah" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Oo naman anak, ako nagluto kaya masarap talaga!" Pagyayabang pa nito at natawa lang ako. "Magbibihis muna ako nay" paalam ko at pumunta na sa kwarto.

Bago magbihis lumapit muna ako sa kabinet para ilagay sa sikreto kong lalagyan ang pera ko. Doon nakalagay ang ipon ko para sa pagpapagamot kay nanay. Ayaw ko itong ilabas dahil malamang, kukunin lang ito ni tatay at ipagbibili lang nang alak.

Napagbuntong hininga nalang  ako saka na nagsimulang magbihis. Simpleng tshirt at faded na ang kulay na shorts. Hindi naman ako maarte sa susuotin. Nagayos lang ako nang buhok at tinali ito.

Lumabas na ako at nakita si bunso na nagsasagot sa kaniyang takdang aralin. Pumunta na ako sa kusina para tulungan si nanay na ihanda ang mesa. Kumuha na ako ng plato, kutsara at tinidor.

Nakahanda na lahat sa mesa "Anthony halikana't kakain na tayo" tawag ni nanay dito at agad naman itong pumasok sa kusina. Naupo na ito at naupo na rin ako.

Bago magsimulang kumain nagdasal muna kami. Pagkatapos na simula na ring kumain.

"Nay sabi pala ni Arra, bibisita siya dito sa Sabado. Namiss kana raw niya, pati ikaw bunso" masayang sabi ko at halata ang excitement sa mukha ni Anthony.

"Talaga ate?" Masayang tanong niya at tumango lang ako. "Nako, namiss ko na rin yun si Arra. Ang bait na bata sobra" napangiti ako sa sinabi ni nanay. Totoo, sobrang bait na kaibigan ko na yun. Napaka swerte ko sa kaniya.

"Buti at sinabi mo yan anak nang makapag luto ako nang maaga" sabi ni nanay na tuwang tuwa.

Natapos na kaming kumain at niligpit ko na ang mga pinagkainan namin. Pumunta na ako sa lababo para maghugas.

"Anak ako na diyan, baka may mga assignments ka pa na kailangan gawin" alok ni nanay pero tumanggi ako. Alam ko na pagod ito, halata naman sa mukha kaya hindi ko na siya pinaghugas.

"Ako na po nay. Kaya ko na ito. Tsaka mag pahinga kana, pagod ka kakalinis nang bahay." Sabi ko at hinalikan ang pisngi ni nanay. Napabuntong hininga ito bago tumingin sa akin nan nakangiti.

"Ang swerte ko na ikaw ang naging anak ko. Hindi lag maganda, matalino pa at mabait!" Sabi nito sabay gulo sa buhok ko.

"Syempre nanay, nagmana ako sa iyo eh" bahagya pa ako tumawa at kalaunan ay tumigil rin para tapusin na ang ginagawa ko. Pumunta na si nanay sa kwarto para makapag pahinga muna.

Wag ka magalala nay, sisipag pa ako para makaipon at para makapagtapos din. Gusto ko kayo bigyan nang maayos na pamumuhay pero hindi ko pa kaya sa ngayon. Ang magagawa ko muna ngayon ay magaral nang mabuti para sa pagtapos nang kolehiyo ay makahanap agad nang maayos na trabaho.

--

"Magandang umaga, Arra" pagbati ko dito nang makapasok ito sa silid. Nakangiti itong lumapit sa akin. Ang ganda talaga neto kaya hindi na ako magtataka kung maraming may gusto sa kaniya.

"Morning din Gela. Nakapag breakfast ka na ba? Hindi kasi ako nakakain, akala ko male-late na ako" tatawa-rawa niyang sabi at sinabayan ko rin ito sa pagtawa.

"Kumain na ako sa bahay Arra. Pasensiya. Pero hayaan mo sasamahan kita sa canteen" alok ko at nakangiti lang itong tumango.

May dalawampu't limang minuto pa naman kami bago magsimula ang klase kaya minabuti na muna naming pumunta sa canteen para makakain na si Arra nang umagahan. Kung bakit kasi hindi ito kumain, nako talaga.

"Sure ka Angela ayaw mo kumain?" Tanong nito at natatawa lang akong umiling. "Kumain kana, wag mo na ako isipin dahil kumain na ako sa bahay pa lamang." Tugon ko naman. Tumango lang ito at nagsimula nang kumain.

Habang hinihintay matapos si Arra, binuklat ko nalang ang librong dala ko, na siyang binili ni Arra para sa akin ang "When You Came Into My Life". Hinding hindi ako magsasawa ulit ulitin ang story na ito. Sobrang ganda nang takbo at nakakamangha. Ang galing lang nang manunulat nito.

Sa sobrang tutok sa pagbabasa, hindi ko na namalayan na tapos na kumain si Arra. Kung hindi lang niya ako tinawag. "Angela, tara na malapit na magsimula ang klase" sabi nito at agad naman akong tumayo.

"Teka kuha muna ako nang kape sa vending machine" tumango lang ito at umalis na ako para kumuha. Pagkabalik ko may bitbit na ako na isang cup nang kape. "Tara na" sabi ko naman.

Habang naglalakad papunta sa silid namin masaya kaming naguusap ni Arra nang sa hindi inaasahan ay "What the fuck!" Angil nang isang lalaki na halata sa mukhang sobrang galit. Nabangga ko kasi ito at natapunan ito nang kape.

Para na siyang tigre na mangangain at halata sa mukha nang mga kaibigan niya na naaawa para sa akin.

Ito na ba ang katapusan ko? Jusko po wag naman sana.