webnovel

His Slave for 100 Days

enlightenedwriter · Teen
Not enough ratings
14 Chs

Chapter 10

Nang gabing yun, hindi ako nakatulog ng maayos kaiisip sa nangyari doon sa birthday ni JC. Hindi ko na ata kayang harapin si JC dahil sa hiya.

__________

Isang linggo ang lumipas, hindi ko na kinausap pa si JC. Sa nagdaang isang linggo, puro utos lang natanggap ko kay Jake. Hindi rin naman namin napagusapan yung nangyari sa birthday ni JC.

"Slave! Halika dito!" Pagtawag pa nito at agad naman akong lumapit. "Ano na naman yun po?" Tanong ko na medyo may inis.

"Diba favorite authors mo 'to sila?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya at sinilip ang cellphone niya para makita kung sino ang tinutukoy niya.

Nang makita sino ito nanlaki bigla ang mga mata ko at napasigaw sa excitement. "Hala! Oo! Sila nga!" halos maiyak ko pang sabi.

"May book signing raw sila bukas sa MOA. Punta tayo, treat kita dahil na rin sa pagiging mabait na slave" hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, napatalon pa ako sa tuwa "Talaga? Totoo yan ha?! Huhu" paninigurado ko pa.

"Oo nga kulit. Tsk." masungit niyang sabi pero hindi ko pinansin yun at niyakap nalang siya bigla dahil sa tuwa

"Thank you! Thank you so much Jake!" Kumalas na ako sa yakap dahil batid kong medyo nailang na siya. Wala na akong pakealam sa pagyakap na ginawa ko.

"Tsk, ngayon lang to kaya sulitin mo na." Sabi pa nito at lumabas na sa tambayan nila.

Hindi na mawala ang ngiti sa mga labi ko. Sobrang saya ko ngayon. Hindi ko akalain na makakapunta ako bukas sa book signing ng mga iniidolo ko.

Dahil sa tuwa, napagisipan ko na magluto ng ulam para kay Jake.

Pagkatapos maluto ng sinigang, inahain ko yun at nilagay sa mesa. Sigurado makikita at mapapansin ito ni Jake kaya umalis na ako at tinungo na ang classroom namin.

Masaya akong nakinig sa teacher. Hindi mawala wala ang ngiti ko, kahit may surprise quiz ay hindi ako nataranta at na perfect pa. Iba talaga ang dulot kapag masaya ka.

Dismissal na at papalabas na ako nang kinalabit ako ni Arra.

"Saya mo ata ngayon ah? Na perfect pa ang test! Ano meron?" Galing, nahalata niya talaga ang saya ko eh.

"Teka tara muna sa canteen, dun tayo magusap" sabi ko at inakay siya papunta sa canteen.

"So 'bat nga ang saya mo?" Tanong nito nang makaupo na kami pagkatapos namin umorder.

"Ikaw ba naman yayain ni Jake na ilibre sa book signings ng favorite author's mo! Sinong hindi sasaya?" Ngingiti kong sabi. 'Di parin ako makapaniwala! Ang saya ko!

"Really? Ang swerte naman Gela! Sayang gusto ko sana sumama kaso busy ako eh. Babantayan ko pa si bunso eh." Malungkot na ani niya kaya tinapik ko ang balikat niya.

"Okay lang 'yan. May next time pa naman eh. For sure, magkasama na tayo nun" pag c-cheer up ko sa kaniya para hindi na siya malungkot pa.

"I'll be expecting that! Ingat kayo ha! Kelan pala ang book signing?" Tanong nito. Dumating na ang orders namin, fries lang binili ko while carbonara naman kay Arra. Kumain muna ako ng isang piraso bago sumagot.

"Hmm, bukas raw, tatanungin ko pa 'yon kung anong oras." Sabi ko nang biglang tumunog ang phone ko at nakitang si Jake nag text.

From: Master 🔱

Slave, pumunta ka dito sa tambayan agad. May ipapagawa ako sa 'yo. Bilisan mo!

Pati sa text ang sungit nito. Tsk. May mens ba ito lagi? Mas masahol pa ito sa babae eh.

To: Master 🔱

Papunta na po. :)

Reply ko nalang, baka magalit pa at sabihing hindi ko nabasa.

"Uy sino yang ka text mo? Mukhang na badtrip ka bigla ah?" Tumingin ako kay Arra nang naka simangot.

"Alis muna ako Arra, pinapapunta ako ni Jake sa tambayan nila eh. May iuutos na naman ata." Sabi ko at napa buntong hininga nalang si Arra.

"Oh sige, kitakits nalang bukas. Bye gela" sabi nito sabay yakap at umalis na. Umalis na rin ako at tinungo na ang tambayan nila.

Habang papunta doon, hindi ko napigilan mapangiti nang maisip na naman na bukas pupunta ako sa book signing ng mga author! Nakaka excite tuloy!

Kailangan ko maging mabait may master Jake kasi siya ang dahilan 'bat ako makakapunta.    

Nandito na ako sa labas ng pintuan, akmang kakatok nang biglang may lumabas. Si Nathaniel, isa sa besfriend ni Jake, kasunod naman nito si Brian at Gio. Ngayon ko lang din sila nakita, wala kasi sila lagi kapag pinapapunta ako ni Jake dito.

"Hey Angela, kamusta? What are you doing here?" Tanong ni Brian nang makita nila akong tatlo. Chinito ito, ang cute ng mga mata niya.

"Pinapapunta ako ni Jake eh. Kayo ba 'san punta?" Ngumiti ito at nakita ko naman ang dimple niya hala bat ang cute. Halos naka tingala din ako sa kanila, ang tatangkad kasi.

"Uuwi na sana kami. Kaso natagalan kasi ayaw pa umuwi ni Jake, mauuna na sana kami nang makita ka namin dito sa labas" sagot naman ni gwapong kamukha ni Jack Frost na si Gio.

"Ay sorry" hingi ko ng tawad, umiling naman si Nathaniel at nagsalita, "'Bat ka naman nags-sorry, wala ka namang kasalanan" at mahina itong tumawa.

"Tsk papasukin niyo 'yan si Angela, tapos magsilayas na kayo" utos ni Jake at natatawang nagsialisan naman sila.

"Bye Angela, ingat ka dyan kay Jake." Natatatawa pang sabi ni Gio.

Napailing nalang ako at pumasok na.