webnovel

His Saving Grace (Alpha)

Living in a fucked up world makes you a fucked up bitch with a fucked up life and a fucked up past. Because mortal or not, we are all fucked up.

BlytheZoyle14 · Fantasy
Not enough ratings
2 Chs

Chapter 1

Kapahamakan.

"Grys nga!" pagsusuway ko sa kulay tsokolate kong aso. Naka kagat parin s'ya sa dulo ng palda ko, hindi tuloy ako makaalis.

Ganito s'ya araw araw, ayaw akong umalis nang bahay, kaya kinakagat nya ang dulo ng palda  ko.

Napabuntong hininga nalamang ako, kumuha ako ng isang skyflakes sa bag tsaka iyon binuksan. Kumuha ako ng isa at ipinakita sakanya, ngumanga naman ang magaling at matakaw na aso. Inihagis ko iyon at sya namang hinabol nya. Natawa ako, takaw takaw talaga.

Nagpara na ako ng tricycle bago pa bumalik ang magaling na aso, bago ako nakaalis narinig ko ang sunod sunod na tahol nya. Dumungay ako at dinilatan ito na para bang naiintindihan ako dahil nakatingin rin sya sa akin at kumakahol.

Mapapailing ka nalang talaga sa kakulitan ng alaga ko.

Matapos ang higit kalahating oras na byahe dumating ako sa skwelahan na hindi late. Marami rami rin akong studyante na nakasabay papasok, tinap ko ang I.D ko bago pumasok. Binigyan ko rin ng matamis na ngiti si Manong Guard.

"Magandang umaga, manong!" masigla kong bati sakanya.

"Maganda ka pa sa umaga ija!" napahagikgik ako sa sinabi nya at nagtuloy tuloy na.

Dumiretso ako sa school board, maraming studyante ang nakapaligid doon pero dahil maliit ako at may kapayatan nakasingit mabilis at madali lang sumingit.

Nasa tapat na ako ng bulletin board at tila ba maduduling ako sa daming nakapaskil bukod pa sa Malaki ito. Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.

Teatro.

Para tuloy gusto kong sumali sa auditions, kaso bigla sumagi sa isip ko ma marami pala akong gagawin, atsaka second sem na, malapit na akong mag graduate sa senior high school.

Konting kembot nalang!

Napagdesisyonan ko ng umalis sa kumpulan at pumunta sa klase.  Marami rami pa akong gagawin sa araw na ito.

"Lexa, gusto mong sumama? Pupunta kami sa Mount Morkon para mag camp ngayong gabi"

Pagpapaalam sakin ni Gemme na kaklase ko.

"Ha?" tumawa naman ito . "Sabi ko kako, gusto mo bang sumama sa pag camp" nakangiti nitong yaya sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Gusto ko sana pero bakit mamayang gabi na agad?

"Hindi ako nakapag paalam sa mama ko eh" sagot ko nalanag.

"Sus! Maaga naman ang Dismissal natin ngayon, makakapag handa ka pa ng mga gamit mo at makakapag paalam, ano? Sige na ngayon lang naman 'to"

"Pagiisapan ko" iyon lang at tumalikod na ako, hindi talaga kasi ako sigurado, lalo na at hindi ko pa alam kung sino ang mga kasama. Karaniwan kasi ay may kasama silang ibang klase, minsan pa ay colleges na ang iba.

Dumating ang dismissal time, akala ko hindi na ako lalapitan pa ni Gemme, pero heto at papalapit sya sa akin.

"Ano Lexa, sasama ka ba?" 

Mabait naman si Gemme hindi nga lang ako komportable talaga sa presensya ng ibang tao. Lalo na at ang klase ng karakter nya ay yaong outgoing, maraming kaibigan at laging in. siya yong tinatawag na 'it girl'

"Sige, magpapaalam ako. Text nalang kita kapag pinayagan ako" tsaka ko sya nginitian.

"Alright! Hintayin kita ha" tumalikod na sya. Hindi naman siguro masamang kahit ngayon lang ay pagbigyan ko ang sarili ko na makihalubilo sa ibang tao.

Hindi naman sa hindi ako friendly, palabati naman ako pero hindi lang talaga ako sanay na may kasa kasama. Hindi kasi  ako kumportable sa presensya ng iba. Pinipigilan ko ang ma attach sa ibang tao dahil ayokong masaktan. Karaniwan na kasi ang ganon, kapag na attached ka nagtiwala ka at kapag nagtiwala ka more so masasaktan ka. Lalo na kapag yung pinagkatiwalaan ko ay maling tao pala.

But little did I know, dahil doon iyon na ang huling masisilayan ko ang mundong ito.

~

"Nasaan ka na?" pagtatanong sa akin ni Gemme sa telepono.

"Paalis palang ako pasensya na, medyo mahirap pumara ng sasakyan eh."

Narinig ko syang bumuntong hininga sa kabilang linya. Napailing nalamang ako. Mabuti nalang at pinayagan ako ni mama kahit late na akong nagpaalam, medyo strict kasi talaga sya. I mean strict pala talaga, walang medyo.

Pag ang bibig nya nag umpisa nang magsalita mahirap na ulit iyong itikom, parang armalite lalo na kapag nagagalit. Napangiti ako ng wala sa oras, kahit gan'on mahal ko parin mama ko.

Ilang minuto pa akong naghintay bago ako naka sakay, nag text na rin ako kay Gemme, ipinaalam ko na naka sakay na ako. Magkikita raw kasi kami malapit sa munisipyo. Naroon ang van na sasakyan naming hangang sa bungad nang bundok, tapos aakyat na kami, kapag inabot kami ng dilim doon na daw kami mag cacamp. Kumpleto naman na ang mga gamit ko kaya walang problema, may pagkain, damit, first aid kit at iba pang kakailanganin. Mahirap na baka may hindi magandang mangyari at maganda na ang handa.

Dumating ako at napag alaman na, ako nalamang pala ang hinihintay. Todo paghingi naman ako nang pasensya dahil nakakahiya, may mga hindi rin kasi pamilyar na mukha na kasama.

"Ayos lang, naiintindihan naman namin, nauna lang kami ng ilang minuto sa'yo" sabi ng isa sakanila. Nginitian ko nalamang sya. Kung hindi ako sanay sa presensya ng iba tao, mas hindi ako sanay kung ang taong 'yon ay lalaki. Kaya ngumiti nalang ako at tumalikod na, hangat maari didikit nalang ako kay Gemme.

Nagsimula na kaming umakyat ng bundok, tinignan ko ang relo na nasa aking pambisig. Nakita ko roon na mag a-alas kwatro na. alas sais ay mag c-camp na siguro kami, hinuha ko naman ay makaklahati naming ang bundok kung mabilis kami. Sanay naman ako sa pagakyat. Nakasanayan ko na ang umakyat sa bundok mag mula noong bata palang ako, minsan ay tumatakas pa ako kay mama para lang makapaglibot.

Sa dati naming tirahan nasa gitna iyon ng kagubatan, doon naisip ni Papa na magtayo ng bahay, at kapag naisipan ko gagala ako.

Ayaw na ayaw noon ni mama iyon dahil daw delikado at maraming mababangis na hayop, pero hangang sa nakasanayan ko na at nya naging panatag na sya.

Lumipat lang naman kami sa kapatagan nang mamatay ang Papa at nag asawa ulit si mama.

Napangiti ako ng malungkot, siguro kung hindi nag asawa ang mama ko yung dating kislap ng mata ko ay nandito parin, pero kung hindi sya nag-asawa hindi ako magkakaroon ng kapatid na kahit lagi kong ka away ay mahal ko parin.

Ilang oras na rin ang lumipas, pakiramdam ko mapapanis ang laway ko. Nagsalita ang Guide na dala namin. "Let's take a break here, maganda ang pwesto, dito narin tayo magtayo ng tent" malumanay na sabi nito.  Hangang bukas kasi yata kami rito. Siguron dahil sabado at walang pasok.

Mayayaman ang mga kasama ko, ako nga lang talaga yata ang hindi, si Gemme ay anak ng isa sa may ari ng banko  dito sa probinsya. Ang mga kaibigan nya ay anak ng doctor o abogado.

Ang lalaki kanina na kumausap sa'kin sa pagkakaalam ko ay yon ang anak ng Vice Mayor. Isa pa pamilyar ang mukha ng ilan dahil sikat sila sa paaralan, bukod sa mayaman may mukhang maipagmamalaki.

Totoo nga na 'birds with the same feather flocks together' mayayaman sila lahat, iisang sociedad ang ginagalawan nila, kabilang sila sa high class.

Habang ako, err.. nalasahan ko yata ang pait sa naiisip ko. 'di bale na, mahalaga nagaaral at buhay. Kahit minsan patay.

Ang sabi ni Gemme sakanya ako tatabi, bale kaming dalawa ang matutulog sa tent nya. Linapitan ko sya bago ibinaba ang bag ko.

"Tulungan na kita sa pagtayo"

"Sige, salamat lex. Bago ko pala makalimutan, may ipapakilala ako mamaya sa'yo" atsaka nya ako nginisian, hindi ko alam kung kakabahan ba ako sa reaksyon ng mukha nya.

"Naku Gemme, hindi na kailangan. Alam mo naman na wala akong interes sa ganyan" mahina kong sagot sakanya.

"Heh, hindi pwede. Ano kaba Lexa? Have some fun, ngayon lang naman atsaka hindi naman masama ang minsang pag entertain sa lalaki 'diba?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko, patuloy ko parin inaayos ang tent namin dahil si Gemme ay hindi pala marunong, basically ako lang ang kumikilos.

"Bahala na, hindi naman yan ang pinunta ko rito"

"What? C'mon you have to socialize, isinama kita rito hindi para mapanis ang laway mo Lexa. I'll introduce you to others para naman may makasama ka"

I sighed. Wala naman akong magagawa pa. Gusto ko tuloy pagsisihan ang pagpayag kong sumama sa camping na ito. Hindi ko nga alam kung Camping ba talaga tulad ng sabi ni Gemme.

"Tara na, naghahanda na sila ng hapunan." Yaya nya sa akin nang matapos ko ang pagbuo sa tent na dala nya.

Tumango na lamang ako. Sinundan ko nalamang sya. Ilang minuto bago narrating ang lugar kung saan naghahanda ang iba, napagalaman kong may maliit na lawa sa gilid. Doon naghuhugas ang iba. Maganda nga ang napiling puwesto.

"Hugas muna ako" pagpapaalam ko sakanya

"Hmmkay. Mamaya nalang ako, hindi pa naman kakain" tsaka nya ako tinalikuran, pumunta na sya sa mga kaibigan nya. 'yon ay kung kaibigan bang matatawag talaga. Napailing nalamang ako. Sa aking opinyon mas maganda na ang kaunti lang ang kaibigan pero totoo kaysa sa marami ka ngang kaibigan na matatawag. wala namang masasabing tapat.

Pero hindi ko na hawak ang desisyon ng tao. Nasa sakanila na kung paano nila patatakbuhin ang buhay nila.

"Alexa Regala" napalingon ako sa taong tumawag sa aking pangalan. May ngiti syang inilahad sa akin na nagpakunot lamang sa noo ko.

"I've been dying to meet you face to face" maaliwalas ang mukha nya pero hindi ako panatag. Bumuntong hininga ako.

"Una na po ako" yumuko ako at pasimpleng lumihis nang daan, pero hinawakan nya ako sa braso para pigilan, hindi ko maiwasang hindi ngumiwi. Anong karapatan nya na hawakan ako?

"Teka lang, hindi naman ako masamang tao. I just want to formally introduce myself to you" tinangala ko ang kamay nya na nakahawak sa braso ko. Introduce myself? Ano ito first day of school? Mga paraan nya ay hindi tatalab sa akin.

I know him, may hindi sya magandang repotasyon pero natatakpan iyon dahil Vice mayor ang ama nya. I don't want to judge but by the looks of it, kailangan ko mag ingat sakanya. 'I'm his new prospect' sigurado ako roon.

Kung ibang babae siguro ay kikilingin, bakit ba? Gwapo ito, pero hindi lahat nadadala sa kagwapuhan. Aanhin ko 'yon kung hindi rin naman ako mapapakain.

"Kilala ko po kayo, hindi n'yo na po kailangan magpakilala"  tipid akong ngumiti sakanya. Pero iba yata ang naging pakahulugan nya sa sinabi ko.

"Good! You already know me, come I want you to meet my friends"

"No!—I mean hindi na po, pupunta na ako roon, pasensya na" dali dali akong umalis bago pa nya ako muling hatakin. Nakalayo na ako ng huminga ako nang malalim, hindi ko namalayan na pinipigilan ko pala ang paghinga ko.

Sumapit ang alas otso ng gabi, nakahanda na ang pagkain. Maingay sila dahil ibat ibang kwentuhan sa bawat grupo ang nadidiskusyon. Ako naman ay nanatiling tahimik lang habang kumakain, hindi ko naman kasi kailangang magsalita. Isa pa wala namang kumakausap sakin maliban kay Gemme na minsan lang kung bigyan ako ng atensyon.

Hindi naman sila ang pinunta ko rito kaya ayos lang, gusto ko lang talaga makapunta sa isang bundok ulit. Nakakapanghinayang ang bahay naming noon sa gitna ng kagubatan, gusto ko iyong balikan dahil nakatayo parin iyon hangang ngayon at walang naka tira pero ayaw ni mama. Isa pa masyadong malayo sa sibilisasyon.

"Gemme, pakilala mo naman kami sa kasama mo" tinig ng isang lalaki ang pumutol sa usapan, ako yata ang tinutukoy nya.

Nagtuksuan naman ang iba, nabaling ang tingin ko bigla sa kaliwa at nagulat pa ako nang matalim ang tingin ni Jeco sa lalaking nagsalita.

"Sorry Uri, pero may nauna na sa'yo eh!" natatawang sagot ni Gemme sa lalaki, umungol naman ito na tila na disappoint. Umulan naman ng tawanan. Nakapalibot kami ngayon sa isang bonfire habang hawak ang kanya kanya naming pagkain. Natapos na ako pero hindi parin ako umaalis, tumayo lang ako kanina para maghugas nang kamay.

"Nako naman! Hayaan mo, malay mo ako ang gusto 'diba?" mayabang nitong sabi, nailang ako bigla kaya yumuko nalamang ako at pasimpleng umiling.

"Ayon tayo eh! Nako Uri, paano kung hindi ka bet nitong si ganda?" tanong naman ng isa. Napakagat ako sa aking ibabang labi, bakit ba napunta sa akin ang usapan?hindi naman ako nagsasalita pero heto nasa akin lahat ang atensyon.

"Pre hindi naman porket hindi ako gusto ngayon hindi na ako gusto kinabukasan!" sagot nito at humalakhak pa. naka yuko parin ako dahil nakakailang. Siniko naman ako ni Gemme bago nagsalita.

"Hindi ko naman alam na mabenta pala itong kaibigan ko, Paano Uri kung si Jeco ang makakalaban mo?" mapangasar ang tinig ni Gemme. Panandaliang tumahimik ang lahat, umangat ang tingin ko kay Jeco. Ang lalaki kanina, anak nong Vise Mayor. Nasa lalaki lahat ngayon ang tingin ng bawat isa.

May ngisi sa kanyang labi  habang nagbalik ng tingin sa akin. Lalo akong naging hindi kumportable sa aking kinauupuan dahil sakanyang titig.

Halakhak ng tinawag ni Gemme na Uri ang bumasag sa katahimikan.

"Ano ngayon Gemme?hindi naman si Jeco ang magdedesisyon sino ang gusto hindi ba… Ganda?" tsaka ako nito tinignan bago bangitin ang huling salita.

Gusto ko tuloy sabihin na wala naman akong gusto ni isa sakanila kaya hindi na sila dapat pang mag abala.

"Talunan ka Uri, kahit saan pang larangan talunan ka" makahulugang sabi ni Jeco naging tahimik lahat dahil doon, halata naman sa mukha noong Uri ang pagka asar. Ano ito may patimpalak? Patimpalak at ako ang nakahandang premyo? Bakit umabot sa ganito ang usapan?

Tumukhim ako. "Magpapahinga na ako, maiwan ko na kayo" malumanay kong paalam sakanila. Ngunit bago pa ako tuluyang makatayo "Ano ba naman yan miss? Nagsisimula palang ang katuwaan aalis ka na?"

Katuwaan? Ano ito isa akong katuwaan? Nababaliw na yata sila, hindi ako natutuwa at kahit kalian hindi ako katuwaan.  Gusto ko iyong ibulalas pero napipi ako.

"Hindi ko naman kailangang sumali sa katuwaan ninyo" matalim kong sagot, na nagpanganga sa huli. Maaring ako ang napagtripan nila dahil ako ang bagong mukha na napabilang sa  outing nilang ito. Bakit ba ako lang ang ka batch ni Gemme na naimbitahan, lahat sila ay kabilang sa ibang department bukod sa Colleges na ang karamihan sa kanila.

Tuluyan na akong tumayo at tumalikod sakanila.

"Teka miss! Ano bang pangalan mo, pinagaagawan ka ng dalawa pero hindi pa naming alam ang pangalan mo" halakhak mula sa babae ang nagpatigil sa aking paglalakad. Bumuntong hininga ako at hinarap sya. Isa pala sa kaibigan ni Gemme. Tipid akong ngumiti.

"Alexa, Alexa Regala" sagot ko at umalis na para matapos ang usapan.

Isang malakas na alulong ang nagpagising sa akin. Akala ko imahinasyon ko lang pero naulit pa iyon nang isang beses. Ordinaryo lang naman ang ganoong tunog sa gubat, karaniwan na sa gabi gising ang ibang hayop kay isinawalang bahala ko.

Umayos ako nang higa at napagtanto na katabi ko na pala si Gemme.

Dahil na una akong umalis napagpasyahan kong magpahinga ng maaga. Ilang minuto pa at naramdaman kong tila ako naiihi.  Napag pasyahan ko na lumabas ng tent.

Paglabas ko napansin kong tahimik na anmg lahat, siguro lahat sila ay tulog. Pumunta ako sa sapa kung saan malapit sa pinagtayuan naming ng bonfire kanina, ilang metro lang din naman kasi. Sa isang malaking puno ko napagpasyahan umihi.

Kaluskos ang nagpatayo sa akin,  parang nangaling sa likod ko kaya humarap ako sa direksyong iyon. Hindi ko na sana titignan pero napansin akong maliit na apoy.

Maliit iyon at hindi mo agad mapapansin.

Nataranta ako ng mainuha ko na papalapit iyon sa akin, tinignan ko ang pinangalingan ko. Bakit yata ang layo?! Ilang puno pa bago ang sapa at ilang metro pa ang layo niyon sa Tent na pinaghtayuan namin. Dali dali akong lumakad pero ang kaluskos na nagmula sa mga dahon ay lalong lumakas.

Masama ang kutob ko!bumangon ang natutulog na kaba sa aking dibdib, tila ba naulit ang nangyari noon, ano nakikipag patintero nanaman ba ako kay kamatayan?

Napasigaw ako nang maramdaman ko ang paghatak sa aking buhok!

Panganib!

Iyon ang rumehistro sa aking isipan! Tumili akong muli pero naudlot iyon dahil tinakpan ng kung sino ang bibig ko. Hindi na ako nakatakbo dahil hawak nya ang aking buhok, mahigpit ang pagkakasabunot niyon sa akin!

Patuloy ako sa pagpupumiglas, o Diyos ko anong nagyayari? Bakit nangyayari ito sa akin? Mali ba na sumama ako sa pag akyat sa bundok na ito? At sino ang taong may hawak sa akin ngayon?!

Kinagat ko ang kamay na nasa bibig ko umani naman ako ng mura.

"Putangina kang babae ka!" mas lalong humigpit ang sabunot sa buhok ko.

Lalaki!

Lalaki ang may hawak sa akin! Kaya pala ibang klase ang pwersa nito.

"Tulong!" pagsisigaw kong muli ngunit bago pa ako makapagsalita ay suntok sa sikmura ang aking natangap! Gusto kong pumalahaw nang iyak pero kailngan kong makatakas!

Patuloy ako sa pagpupumiglas kahit nanghihina dahil sa suntok na natangap ko. "Help!Gemme!Gemme!" hindi ko alam kung may nakarinig ba sa akin dahil may kalayuan ang pwesto ko idagdag pa na pilit akong hinahatak ng lalaking ito! Hindi ko makuhang Makita ang mukha nya kaya hindi ko sya makilala.

"Putangina manahimik ka kung ayaw mong mamatay!malapit na tayo!" anong ibig nyang sabihin sa malapit na tayo? Amoy sigarilyo ang hininga nya. Panandalian akong natigilan, ang boses! Ang boses na iyon!

Uri! Sya si Uri! Ang lalaki kanina! Panibagong takot ang umusbong sa dibdib ko dahil doon. Mauulit nanaman ba? Hindi, hindi maari! Ayoko! Mas tumindi ang pagpupumiglas ko ngunit tila mas lalong humigpit ang hawak nya sa aking buhok at baywang.

Para nya akong buhat buhat dahil hindi sumasayad ang paa ko sa lupa!

"AHH!" pagsisigaw ko, paulit ulit kaya ang kamay na nasa buhok ko ay lumipat sa leeg, nakapalupot ang braso nya sa leeg ko, sinasakal nya ako! Walang boses ang lumabas sa aking bibig! Ang kaninang luha na pinipigilan ko ay tuluyan nang bumuhos. Natatakot ako, ano na bang mangyayari sa akin? Bakit dumating ako sa puntong ito?

"Gago kang babae ka, pinapahirapan mo pa ako eh isa lang naman ang patutunguhan mo!wala ka nang magagawa pu—ta ka!"

Tulong! Oh Diyos ko tulungan nyo po ako! Hindi ko kaya ito! Tulong!

Pumikit ako nang mariin habang patuloy na umaagos ang luha, tahimik akong nagdasal at umaasa na may tutulong sa akin kahit na napaka imposible! Malayo na ang narating namin ng lalaking ito! Sana.. sana may nakarinig sa sigaw ko kahit na alam kong imposible iyon!

Nanginginig ang katawan ko sa takot. Kailangan kong makatakas! Ngunit paano?!

Ilang sandal pa narating na naming ang tinutukoy ni Uri. Nanlaki ang aking mata nang Makita na hindi lamang isa kundi apat na lalaki ang naka abang! Mismo sila ay nagulat pagka kita sa akin pero panandalian lamang iyon nahalinhinan ng ngisi ang pagkabigla.

Ibang klaseng kabog nang dibdib ang nararamdaman ko, nakikinita ko na ang mangyayari ngunit tinangi iyon ng aking isip.

"Pare naka jackpot ka yata?'

"Hindi lang ako, kundi tayo"  pagsasagot naman ni Uri.

Pabagsak ako nitong binitawan kaya sumadsad ako sa lupa. Pinalibutan nila akong lima, humihithit pa ang iba. Doon ko napagtanto na hindi sigarilyo kundi pinagbabawal na gamot ang hinihithit nila! Wala sila sa tamang pagiisip! Paatras akong gumapang pero humalakhak lamang ang isa sakanila. Tanging ilaw mula sa buwan ang nagsisilbing liwanag sa loob ng kabubatan. Pero ang liwanag ay hindi sapat para makilala ang bawat isa sakanila.

"Wala ka nang kawala Alexa! Mapapasakin ka!" pasigaw na sabi ni Uri

"Fuck you! Hindi! Patayin nyo muna ako bago ko kayo hahayaang magaw ang gusto nyo!" nanlilisik ang luhaan kong mata na tumingin sakanila. Tumawa silang laaht na tila ba demonyo.

"Wala na ang sarap kapag patay ka na! walang trill!"

"Pare mas gusto kong humihiyaw yan habang ginagawa ko iyon!"

"Ano Uri? Unahin mo na tangina mo, sabik na alaga ko!" ikinatawa naman iyon ng lalaki.

"Lubayan nyo ako mga demonyo!hindi! hindi nyo makukuha ang gusto nyo!"

Ngunit iyon ang huling mga salita na naibigkas ko dahil dinaluhan na ako ni Uri. He pinned me then he harshly ripped my clothes. Isang palahaw ang lumabas sa bibig ko.

"Wala ka ng magagawa mapapa sa akin ka!" tinulungan nya iyon nang tawa. Walang tigil na umaagos ang luha sa mga mata ko. Isang sampal ang aking nakamit dahil patuloy ako sa paglaban.

"Putangina ka, pinapahirapan mo talaga ako!"  sumigaw ako sa sakit dahil tila ba mawawalan ako ng ulirat dahil sinuntok nya akong muli sa sikmura. Ang kaninang  mga lalaki na nakatingin lang ay tumulong an kay Uri, dalawa sakanila ay umalis at ang dalawa ay pinagtulungan ako.

Sa panandalian na pagsilip ng buwan mula sa mga dahon ng puno napagtanto ko ang pamilyar na mukha at katawan ng tatlong lalaki. Sila iyon, ang mga players na sumama sa hiking na ito. kabilang sila sa basketball team. Malalaki silang tao at Malaki ang katawan.

Kinuha ng isa ang magkabila kong braso inipit iyon sa tila ba bakal na kamay. Habang ako ay tanging paghikbi lang ang nagagawa.

Diyos ko, parang awa nyo na, gusto ko na itong matapos. Parang awa na matigil na ito!

"Masasarapan ka rin naman Regala. Huwag kang magalala"

Isang sigaw lamang ang tanging kong naisatinig . ramdam ko ang paghihina.

"Tangina pare Bilisan mo nga!"

"Heto na!tangina mukhang masarap ka Regala!" bulalas ni Uri.pilit na lumalaban ang katawan ko habang hinuhubaran nya ako. Ramdam ko ang kamay nya sa aking dibdib, naglalakbang iyon. Ang dila nya ay sinisipsip ang leeg ko at dibdib! patuloy ako sa pagiyak palahaw.

"Tulong!tulong!" sa wakas nakuha kong maisatinig ang salita na pilit kong idinadasal, ngunit muli lamang akong sinikmurahan ng lalaki.

"Manahimik ka kung gusto mo pang mabuhay!" Hindi kung ganito rin lang patayin na ninyo ako! Kahit ang pagbuhay sa akin pagkatapos nito ay ipagtataka ko pa! sigurado kung hindi man ako mamatay habang ginagawa nila ang gusto nila papatayin parin nila ako pagkatapos!

Lalo akong nagilabot ng lumandas sa aking pagkababae ang kamay nya! Isang tili ang pinakwalan ko, tili ng isang nagaagaw buhay. marahas nyang pinunit ang natitirang saplot sa aking katawan

"Parang awa na, huwag mong ituloy Uri" nanghihina man ay naibulalas ko iyon.

"Mangarap ka babae pero matitikman kita!" sigaw nya. Tuloy lamang sya sa paghalik nang maramdaman kong may iba pang kamay na naglalakbay sa aktawan ko, naghilakbot akong tumingin doon.  Tatlo silang pinagsasamantalahan ako! Nakakdiri ang laway mula sa dila ni uri na lumalandas sa katawan ko. I keep on whimpering, sa sakit at sa hilakbot.

Muli akong tumili! Kasabay noon ay isang nakakataas balahibo na alulong ang dumagundong sa buong lugar.

Naramdaman kong tumigil ang mga kamay at nawala ang pagkakapatong ni Uri sa aking hita. Nawala rin ang mga kamay na nakahawak sa katawan ko.

"Shit anong klasing hayop yan!" ani ng isang tinig, hindi mo na kasi magawang umulat ang mata ko kaya nakikiramdam nalang, kahit na ako mismo ay nagtataka.

Ano bang nangyayari? Bakit sila tumigil? May tulong na bang dumating? Anong ibig sabihin nila sa hayop?

Muli isang sigaw ang bumulabog sa kagubatan ngunit sa sandaling iyon ay hindi na galing sa akin, ngunit galing sa mga lalaking nagtangkang magsamantala sa aking katawan. Isa muling alulong ang aking narinig, gusto kong imulat ang mata ko pero tila ba hindi na kaya. Hindi na kaya ng aking katawan ang lahat.

"Putangina anong nangyayari?" mga bagong boses. Mga nahintakutan. Pilit kong binuksan ang mata ko para silipin ang nangyayari. Kailangan kong makita!

Doon nasilayan ko ang isang napaka laking lobo. Kumislap ang pinaghalong puti at itim na balahibo dahil tumapat ang liwanag ng buwan sa mismong kinatatayuan nito.

Nakaharap ito sa limang lalaki. Nakatalikod naman sa akin.

Pinoprotektahan ba ako?

Imposible, baka hindi lang ako napansin dahil nakahandusay ako. Umangil ang lobo, sa isang kisap mata tinalon nya sila Uri na nahintakutan at napako sa kinatatayuan. Napaka laki nga naman ng lobo. Ibang klase ang laki nito. Hindi ordinaryo.

Sa nanlalabong paningin at sa nanhihinang katawan nasaksihan ko kung paano pinunit at pinagwawasak ng lobo ang katawan ng mag lalaki.

Mga sigaw lang ang huling lumabas sa bibig ng bawat isa bago tuluyang nawalan nang buhay. Doon ay hindi ko na napigilan ang mata sa  pagpikit.

Katahimikan.

Iyong ang tangi kong naramdaman habang nakapikit ang mga mata.

Susunod na ako.

Narinig ko ang paglapit nya sa direksyon ko dahil sa nagkakaluskos na tuyong dahon. Napangiti ang ng mapit. Ito na nag yata ang huling araw ko sa mundo.

Ramdam ko na hinahatak ako ng tulog.  Iyon ay kung magigising pa nga ba ako. Inaantay ko nalamang ang isang kagat na wawasak sa aking katawan ngunit ilang minuto ang lumipas wala akong naramdaman.

Bagkus isang nakakakiliti ngunit mainit na hininga ang tumagkil sa katawan kong walang saplot.

Muli kong iminulat ang aking mata kahit nahihirapan na. Doon ko napagtanto ang lobo ay nakatingin sa akin. Imahinasyon ko ba naa tila ito naiiyak ngunit galit ang emosyon ang nasa mata? Naramdaman ko ang paglapit ng ulo nito sa aking mukha.

It whimpered tila ba nasasaktan sa nakikita. Siguro mukha na akong walang buhay dahil nakahandusay ako sa lupa, walang saplot bugbog sarado at iangat man ang daliri ay hindi na magawa.

Hindi ko mapigilang umubo, at sa pagubong iyon may likidong lumabas sa bibig ko, dahil doon isang malakas, buo at nanggagalit na alulong ang lumabas sa bibig ng lobo.

Iyon lamang ang tangi kong naalala bago ako nawalan ng malay.