webnovel

His Saddest Love Story (Webnovel Ver.)

Serenader 8: JAMESHIN FAULKERSON

AriadneWP · Realistic
Not enough ratings
20 Chs

Chapter 12

[SHANCAI'S POV]

"Mama! Mama!" narinig kong sigaw ni Jamieshin.

"Anak!" tawag ko sa kanya.

Hindi ko mapigilang mag-alala at mataranta. Natatakot akong baka may mangyaring masama sa anak ko.

"Mamaaaaaaa!" Napatigil naman ako dahil sa narinig kong malakas na sigaw ng anak ko.

Hindi.

Agad kong pinuntahan ang sigaw na iyon.

"Mamaaaaa!"

"Anak!" sigaw ko nang makita ko siya.

"Subukan mong lumapit at papatayin ko 'tong anak mo!" sabi ng isang babaeng may hawak na kutsilyo. Nakatutok ito sa leeg ng anak ko.

Hindi ko maaninag ang mukha ng babae.

"Mama!" naiiyak na tawag sa 'kin ni Jamieshin.

"Please pakawalan mo na ang anak ko kung sino ka man." pagmamakaawa ko sa babae.

"Sige, papakawalan ko siya."

Nabuhayan naman ako sa sinabi ng babae.

"Pero..."

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

"Huwaaaaaaagggggggg!"

.

.

.

.

.

"Anak ko!"

Napabangon ako bigla sa kama ko.

Akala totoo yung nangyari.

Binangungot lang pala ako.

Grabe ang takot ko sa nakita ko. Akala ko ay mawawala na sa akin ang anak ko.

*kriiiinnnnnnnnggggggggg!*

Narinig kong tumunog ang cellphone kong nasa bedside table kaya dinampot ko ito.

***

Shaun

calling...

***

Tumatawag si Shaun. Ano kaya ang kailangan niya sa ganitong oras? 9PM na ng gabi.

"Hello Shaun? Bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.

("Shancai. I need you right now.") narinig kong sabi niya.

"Ha? Ngayon na talaga?" hindi makapaniwalang tugon ko.

Parang biglaan kasi.

("Yeah. Nandito ako ngayon sa tapat ng ******* kaya pumunta ka na rito.") - Shaun

"Teka, sanda..."

*toot toot toot*

Bigla niya akong binabaan.

Grabe naman 'tong si Shaun. Hindi man lang makapaghintay.

No choice kundi sundin siya since binabayaran naman niya ako. Buti na lang at tulog sina Jamieshin at Jameshin. Hindi nila pwedeng malaman ang tungkol sa deal namin ni Shaun. Nangako ako kay Shaun na wala akong pagsasabihan tungkol sa deal naming dalawa. At isa pa, wala naman talaga akong balak sabihin 'yon sa kanila.

Hindi na ako nagbihis pa since kailangan ay nandoon na ako sa kinaroroonan ngayon ni Shaun.

[THIRD PERSON'S POV]

Naging successful ang operasyon sa utak ni Elena sa tulong ng isang highest paid Filipino Surgeon. Kahit malaki ang naigastos ng mga magulang ni Elena para mapagamot ang anak nilang may sakit ay naging worth it naman ito.

"Matagal pa bago maka-recover ang anak niyo Mr. and Mrs. Buenavista kaya maghintay po kayo." sabi ng doktor.

"Salamat po Doc. Ang mahalaga po sa amin ay okay na ng anak namin. Pagpalain ka sana ng Diyos." naiiyak na sabi ng ginang sa doktor.

"Ginagawa ko lang po ang trabaho ko Mrs. Buenavista. Pero may sasabihin po ako sa inyo. May posibilidad na mabura sa isip niya ang ilang mga alaala niya sa nakaraan. Kung mangyari man iyon. Huwag niyo pong ipaalala sa kanya. Siya na ang bahalang tumuklas sa nabura niyang alaala." - Doctor

Parang nanghina naman ang ginang sa sinabi ng doktor. Akala niya ay tapos na ang paghihirap ng kanyang anak dahil sa sakit pero panibagong problema na naman ang haharapin nito.

Ang alaala ng kanyang anak na posibleng mabura.

[SHANCAI'S POV]

"ANOOOOOOOOOOOOOO?!" hindi makapaniwalang react ko kay Shaun.

Grabe! Bakit biglaan?

Ipapakilala niya ako sa parents niya?

"I'm sorry kung nabigla ka sa sinabi ko but this is the only way para itigil ng parents ko ang kasal namin ni Sandra." paliwanag ni Shaun sa 'kin.

"Well, wala naman sa akin 'yon Shaun. Gusto talaga kitang tulungan sa problema mo. But hindi ako prepared sa ganitong sitwasyon. Paano kung hindi ako magustuhan ng parents mo? Edi tuloy ang kasal niyo ni Sandra." sabi ko sa kanya.

"Don't worry dahil nandito ako para protektahan ka. All you have to do is just to be yourself." tugon niya.

Huminga naman ako nang malalim. "Okay fine."

May choice pa ba ako?

Bago kami pumunta sa bahay ng parents ni Shaun ay pumunta muna kami sa salon para mag-make over. Then binilhan din ako ni Shaun ng dress na susuotin ko.

"Okay ba ang ginawa kong makeover sa girlfriend mo Kuya Shaun?" narinig kong tanong ng babaeng nag-ayos sa 'kin.

"Perfect. Maaasahan ka talaga Violet pagdating sa fashion." sagot ni Shaun sa kanya.

"Of course Kuya Shaun. Saan pa ba ako nagmana kundi sa Mom natin." ani Violet.

Magkapatid pala sila.

"Good luck sa inyo ni Ate Siomai. Sana nga hindi matuloy ang kasal niyo ng Shungangang 'yon." - Violet

Napakunot naman ang noo ko sa tawag sa akin ng babaeng 'to.

Kailan pa naging Siomai ang pangalan ko?

"It's Shancai, not Siomai. And Sandra, not Shunganga. Malala na talaga ang amnesia mo sa names. Hahahahaha!" natatawang sabi ni Shaun sa kanyang kapatid.

Pagkatapos naming pumunta sa salon ay pumunta na kami sa bahay ng parents niya. Kinakabahan nga ako eh.

"Remember what I said Shancai. Be yourself." ani Shaun.

Tumango lang ako at pumasok na kaming dalawa sa loob.

Pagpasok namin ni Shaun sa bahay ng parents niya ay dumiretso kami sa dining area at may limang taong nakaupo sa hapag-kainan, including Sandra.

"Hello Mom and Dad, and Tito and Tita." bati ni Shaun.

"Oh you're here my dear son. Good thing at dumating ka. And who is she?" Mommy siguro ni Shaun 'to na nakatingin ngayon sa 'kin.

Pilit akong ngumiti.

"Mom, Dad. I'd like you to meet my girlfriend Shancai." pagpapakilala sa 'kin ni Shaun sa parents niya.

"Oh." 'yon lang ang naging reaksyon ng Mom ni Shaun. Hindi siguro siya makapaniwala.

"H-hello po." kinakabahang bati ko.

"Nice to meet you iha. Join us." sabi sa 'kin ng may edad nang lalaki. Daddy siguro 'to ni Shaun.

Kahit nakakahiya ay wala akong nagawa kundi samahan sila sa hapag-kainan. Inalayan ako ni Shaun sa pag-upo. Bale magkatabi kaming dalawa.

"Thanks." sabi ko kay Shaun.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang masamang tingin sa 'kin ni Sandra. Pati nga rin ang Mommy niya eh masama rin ang tingin sa akin. Parang gusto ko tuloy maglaho na parang bula.

Yung kapatid naman na lalaki ni Sandra ay walang reaksyon. I don't know kung kapatid niya ang lalaking katabi ng Mama niya. Hindi sila magkamukha eh.

"So how long have you been in a relationship." tanong ng Mommy ni Shaun.

"Three weeks." kalmadong sagot ni Shaun.

"I'm asking your girlfriend son." Ako pala ang kinakausap ng Mommy ni Shaun.

Napakamot lang si Shaun sa ulo niya.

"T-three weeks pa lang po." kinakabahang sagot ko.

"Ano ang nagustuhan mo sa anak ko kaya sinagot mo siya?" - Mommy ni Shaun

"Mabait po siya, maasikaso, gentleman, at ang pinakagusto ko sa kanya is that he really cares for me." ang naging sagot ko.

"You are right iha. My son is really a nice guy. You are a lucky girl for having him as your boyfriend." - Daddy ni Shaun

Mukhang namang mabait ang parents ni Shaun. Mukhang nakakasundo ko sila.

"Tell me iha, ano ang pinagkakaabalahan ng parents mo? Are they managing a company? Nakatira ba kayo sa isang mansyon? Is your family wealthy?" tanong ng Mommy ni Sandra. Kamukha niya ang Stepmother ni Cinderella but mas bata itong tingnan.

"Hon, huwag mong takutin ang girlfriend ni Shaun. Paano niya masasagot ang tanong mo kung tinatakot mo siya?" biglang singit ng lalaki.

Teka, Hon ang tawag ng lalaki sa Mommy niya?

"Hon, I'm not scaring her. I just wanna know if they are rich." - Mommy ni Sandra

Wait! Mag-asawa ba sila?

Kung OO, ba't parang masyadong bata pa ang lalaki para sa Mommy ni Sandra. Halatang kasing-edad lang namin ni Sandra at Shaun yung lalaki.

"So what if hindi siya mayaman Hon? It doesn't change the fact na nagmamahalan sila sa isa't isa." sabi ng Daddy ni Sandra na akala ko ay kapatid.

"This is not about love, Honey. This is about business. Ang mayaman ay para lang sa mayaman." - Mommy ni Sandra

"Kung ang mayaman ay para lang sa mayaman, then bakit mo ako pinili?" - Daddy ni Sandra

Hindi naman makapagsalita ang Mommy ni Sandra. Natahimik bigla.

"Mukhang masyadong nagiging ma-drama na tayo rito. But by the way, we already decided na i-cancelled ang wedding." sabi ng Daddy ni Shaun.

"WHAT? NOOOOOOOOOOOO! Why Tito?" hindi makapaniwalang reaksyon ni Sandra.

"Maybe it's not the right time pa para magpakasal kayo lalo na't may girlfriend na ang anak ko. I'm sorry for disapponting you iha but we care for our son's happiness. I hope you understand." - Mommy ni Shaun

Tumingin naman sa akin nang masama si Sandra.

"THIS IS ALL YOUR FAULT!" Nagulat naman ako nang bigla akong sugurin ni Sandra at sinabunutan niya ako.

"AAAAAAAAAHHHHHHHH!" bigla kong sigaw.

"Fuck! Stop it Sandra!" narinig kong sigaw ni Shaun.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang tinutukan niya ako ng kutsilyo.

Parang biglang nandilim ang paningin ko sa takot.

Ang masasabi ko lang...

GUSTO KO NANG MAG-BACK OUT SA DEAL NAMIN NI SHAUN.

***

Nang makatakas na ako sa bahay ng parents ni Shaun ay hindi ko alam kung saan ako napadpad dahil sa kakaiyak ko.

A-akala ko.

Akala ko patay na ako.

Hindi ko akalaing magagawa sa akin 'yon ni Sandra.

Okay lang sana kung sasabunutan lang niya ako. Pero yung tutukan niya ako ng kutsilyo ay nakaramdam bigla ako ng sobrang takot.

Natatakot akong baka saksakin niya ako.

*tenenenenenenenenen!*

Napatigil naman ako nang tumunog ang phone ko kaya chineck ko ito.

***

From: Shaun

Shancai, where are you? Sorry for what happened. I didn't know that Sandra is going to do that. Please don't give up our deal.

***

Mas lalo lang akong naiyak sa nabasa kong text mula kay Shaun.

Bakit parang mas iniisip pa niya ang deal namin kaysa sa akin? Hindi man lang niya ako kinamusta kung ayos lang ba ako.

Pero desidido na ako sa desisyon ko. I'll going to stop the deal kahit pagbayarin pa ako ni Shaun ng malaking pera. Hindi ko na talaga kaya. Nang tinutukan ako ng kutsilyo ni Sandra ay naisip ko agad ang anak ko.

Paano na lang ang anak ko kung wala na ako?

Paano na si Mama na nasa hospital ngayon? Sino ang mag-aalaga sa kanya?

*kriiiiinnnnnnnnnnnggggg!*

Tumunog na naman ang phone ko. This time tawag naman.

***

Jameshin

calling...

***

Si Jameshin.

Alam na niya siguro na wala ako sa kwarto ko. As if namang may pakialam naman siya sa akin.

Sinagot ko na lang ang tawag pero hindi ako nagsalita.

("Where the hell are you Kirsten? Ba't wala ka sa kwarto mo? Hinanap din kita sa ibang sulok ng bahay pero wala ka.") narinig kong sabi ni Jameshin mula sa kabilang linya.

Teka, nag-aalala ba siya sa akin? Hindi naman sa nag-a-assume ako pero yung boses niya kasi ay parang concern siya sa akin.

Hindi naman ako tumugon. Nag-iisip pa ako ng palusot.

("Damn answer me!") sigaw niya bigla.

"N-nagpapahangin l-lang a-ako." pagsisinungaling ko habang humihikbi.

("What the fuck! Are you crying?") aniya.

Nahahalata niya siguro.

"H-hindi." I lied again kahit na narinig niya ang paghikbi ko.

("You can't lie to me. I heard you sobbing. Where exactly are you?") - Jameshin

Napatingin naman ako sa paligid.

"Nasa playground ako." sagot ko sa kanya.

Alam ko namang hindi siya pupunta kaya sinabi ko na lang sa kanya.

("Okay I'll be there in seconds.") - Jameshin

*toot toot toot*

Kahit na sabihin pa niyang pupunta siya ay hindi 'yon darating. Wala naman siyang pakialam sa akin.

*kriiiiinnnnnnnnnnnggggg!*

May tumatawag na naman.

***

Shaun

calling...

***

Si Shaun.

Hindi ko sinagot yung tawag at pinatay ko ang phone ko. Bukas ko na lang siya kakausapin tungkol sa pag-ba-back out ko sa deal namin.

"Kirsten."

Nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Jameshin kaya napatingin ako sa kanya.

"Fuck! Who made you cry like this?" galit na tanong ni Jameshin nang makita niya ang mukha ko.

Hindi naman ako makasagot.

"Is it your boyfriend? Did he dump you?" tanong niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"H-hindi sa..."

"Damn him! How dare him to hurt you? He doesn't deserve you!" - Jameshin

Hindi ko mapigilang mapangiti nang palihim sa sinabi niya. He looks worried kahit mali ang pagkakaintindi niya sa sitwasyon namin ni Shaun.

"Seriously! I want to punch him right now. Where is he?" - Jameshin

Tumayo naman ako at nilapitan siya.

"Huwag mo na siyang intindihin pa. Umuwi na lang tayo." sabi ko sa kanya.

"No! Hindi ako mapapanatag kung hindi ko siya masuntok! He hurt you!" galit na tugon niya.

"Hindi niya ako sinaktan Jameshin. Mali ang pagkakaintindi mo. Kaya ako umiyak dahil kay Sandra. Remember the girl na kasama noon ni Shaun sa araw na nasunog ang bahay namin?"

"Yeah, I remember. That clown friend of him." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Hahahaha! Clown si Sandra? How come?"

"He face is full of flour kaya mukhang siyang clown." - Jameshin

"Hahahaha! By the way, fiancée siya ni Shaun." paliwanag ko kay Jameshin.

"Ha? Fiancée? How come na naging girlfriend ka niya kung may fiancée na siya? Don't tell me he is cheating on you. Now I want to punch him more." - Jameshin

Ayan na naman siya maling akala.

"Hindi."

"Naguguluhan ako sa mga sinasabi mo. May fiancée na ang boyfriend mo pero sabi mo hindi ka niya niloloko? Gano'n mo ba siya kamahal para pagtakpan mo ang mga panloloko niya sa 'yo? Kung oo, ang tanga mo para gawin 'yon." - Jameshin

-___- ako

"Jameshin, ganito kasi iyon. Hindi naman kami..."

"Ano? Hindi kayo? Paano nangyari iyon?" naguguluhang tanong niya.

"It's just our deal." sabi ko kay Jameshin at ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng tungkol sa deal namin ni Shaun. Total naman mag-ba-back out na ako sa deal ay pwede ko nang i-break ang promise ko.

"Ah I get it. Binabayaran ka niya to be his pretend girlfriend para hindi matuloy ang kasal nila ng clown niyang fiancée." - Jameshin

Tumango na lang ako. Parang inulit lang naman niya ang sinabi ko.

"Buti naman kung gano'n." bulong niya.

"Ha? Anong ulit sabi mo?" tanong ko.

Hindi ko kasi narinig eh.

"I mean bakit ka umiyak? Tingnan mo nga yung mukha mo! Nagmukha ka nang si Sadako. Dahil sa kakaiyak mo ay nasira na yung makeup mo." - Jameshin

"A-ano kasi... Dahil tapos na ang deal namin ay wala na akong pambayad para sa hospital bills ni Mama." I lied.

Basta ayoko lang sabihin sa kanya na muntik na akong mamatay. B-baka tadtarin niya pa ako ng maraming tanong. Tama, 'yon nga.

"Yung lang ba ang pinoproblema mo? Leave it to me. Ako na ang bahala sa hospital bills ng Mama mo. You can use my black card anytime you want." sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ha? 'Wag na. Nakakahiya. May utang na nga ako sa 'yo dahil sa pagpiyansa mo sa akin noong nakakulong ako tapos madadagdagan na naman. Wala pa nga akong naibabayad sa 'yo." pagtanggi ko sa kanya.

"Forget about your debt. I am willing to help you right now. Dahil simula ngayon ay parte ka na ng buhay ko." - Jameshin

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

My heart suddenly beats fast.